AP6Q4W8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

ARALING GRADE

PANLIPUNAN 6

LEARNING QUARTER 4
MODULE WEEK 8

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 0


MODYUL SA
ARALING PANLIPUNAN

KUWARTER 4
LINGGO 8

MGA KONTEMPORARYONG ISYU NG


LIPUNAN TUNGO SA PAGTUGON SA
MGA HAMON NG MALAYA AT
MAUNLAD NA BANSA
Development Team
Writer: Raul S. Quitoriano
Reviewers/Editors: Janet Rosario P. Luis Abdon R. Manuel
Lay-out Artist: Clifford B. Hernaez
Management Team: Vilma D. Eda Arnel S. Bandiola
Lourdes B. Arucan Juanito V. Labao
Imelda Fatima G. Hernaez

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 1


Most Essential Learning Competencies:
➢ Nasusuri ang mga kontemporaryong isyu ng lipunan tungo sa pagtugon
sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa
➢ Natatalakay ang mga gampanin ng pamahalaan at mamamayan sa
pagkamit ng kaunlaran ng bansa
➢ Napahahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga
programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa

Mga Layunin :
➢ Natatalakay ang mga iba’t- ibang isyu ng lipunan sa pagtugon sa mga
hamon ng malaya at maunlad na bansa.
➢ Nabibigyang-halaga ang bahaging ginagampanan ng bawat mamamayan
sa pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa.
➢ Naiuugnay ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling produkto sa pag-
PANIMULANG SALITA
unlad at pagsulong ng bansa.
➢ Naipapahayag ang saloobin na ang aktibong pakikilahok ay mahalagang
tungkulin ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng bansa.
➢ Nakagagawa ng isang news report tungkol sa isyu ng lipunan tungo sa
pagtugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa.

PAUNANG SALITA
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin sa Ikaapat na Kwarter ng
Araling Panlipunan 6: Ikawalong Linggo. Nilalaman nito ang mga aralin tungkol sa
mga kontemporaryong isyu ng lipunan tungo sa pagtugon sa mga hamon ng malaya
at maunlad na bansa, ang bahaging ginagampanan ng bawat mamamayan sa
pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa, at ang aktibong pakikilahok ay mahalagang
tungkulin ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng bansa.
Kayat’t iyong ihanda ang lapis at papel at sagutin ang mga nakalaang gawain
sa mga susunod na pahina.

Alamin

Isang masayang araw ng pag-aaral sa iyo!


Sa nakaraang aralin natutunan mo mga programang ipinatupad ng iba’t ibang
administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino
mula 1986 hanggang kasalukuyan

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 2


Sa linggong ito malalaman mo naman ang mga kontemporaryong isyu ng
lipunan tungo sa pagtugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa, ang
bahaging ginagampanan ng bawat mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran ng
bansa, at ang aktibong pakikilahok ay mahalagang tungkulin ng bawat mamamayan
tungo sa pag-unlad ng bansa.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Subukin

A. Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali naman ang
pahayag sa mga pangungusap.

1. Malaki ang epekto ng terorismo sa pag-unlad ng ating bansa dahil lumilisan


ang mga tao sa lugar na kanilang kinaroonan.
2. Isa sa mga epekto ng globalisasyon ay ang pagdami ng armadong labanan
tulad ng nagaganap sa Mindanao na binigyan suporta ng ibang bansa
3. Ang COVID-19 ay isang bagong uri ng coronavirus na umaapekto sa iyong
baga at mga daanan ng hininga.
4. Ang climate change ay pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng
greenhouse gases na nagpapainit sa mundo.
5. Nakadaragdag sa polusyon sa hangin ang mga plantang kemikal, mga
plantang pinatatakbo ng uling, at mga pabrikang gumagawa ng PVC, metal,
at mga plastic.
6. Aangat ang ekonomiya ng bansa kung mapagbubuti natin ang ating mga
produkto at mapauunlad natin ang mga industriya sa pangangalakal.
7. Tangkilikin ang mga produktong banyaga upang makatulong sa pag-unlad
ng bansa.
8. Magtatag o makilahok tayo sa mga organisasyong magsusulong ng
kagalingan at pag-unlad ng komunidad at bansa.
9. Samantalahin ang ibinibigay ng ibang tao upang maitaguyod ang
pambansang kaunlaran.
10. Suportahan natin ang ating pamahalaan at tugunan ang ating mga
karapatan.
..

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 3


Tuklasin
Halina’t alamin natin ang kapana-panabik na paksa nito. Pansinin ang iba’t
ibang larawan sa baba.

https://www.google.com/search?q=kontemporaryong+isyu+pictures&tbm=isch&ved=2ahUKEwiFx_eQ18zvAhUSDpQKHd5DCFcQ2-
cCegQIABAA&oq=kontemporaryong+isyu+&gs_lcp=CgNpbWcQARgCMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECAAQQzoICAAQsQMQg
wE6BQgAELEDOgcIABCxAxBDOgoIABCxAxCDARBDULROWMecAWCJ2AFoAHAAeACAAZIGiAG2IZIBDDAuMTguMS41LTEuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1ns
AEAwAEB&sclient=img&ei=5yddYMW3BZKc0ATeh6G4BQ&bih=657&biw=1366#imgrc=GoGjIywi0jZGtM

Sa tingin mo uunlad ba ang isang bansa kapag may ganitong mga


kalagayan?Ano ang dapat gawin ng mga mamamayan at ang pamahalaan?
Sa araw na ito, ating pag-aralan ang tungkol sa kontemporaryong isyu ng
lipunan tungo sa pagtugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 4


Suriin

MGA KONTEMPORARYONG ISYU


NG LIPUNAN

Ang contemporary o kontemporaryo ay nagmula sa salitang com+tempor na


nangangahulugang current o napapanahon. Kapag sinabing kontemporaryong isyu,
ito ay tumutukoy sa mga isyu na nangyayari sa kasalukuyan o tumututukoy sa mga
napapanahong isyu.Sa madaling sabi, ito ang pinakapinag-uusapan sa ating lipunan
ngayon. Ito ay ginagamit sa iba’t ibang konteksto. Ito ay naglalarawan sa panahon
mula sa pagitan ng ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. Samakatuwid ang mga
pangyayari na nangyari sa nakalipas na mga dekada at mga patuloy na nangyayari
na kontemporaryo.
Ang salitang “isyu” ay nangangahulugan ng mga paksa, tema o suliraning
nakaaapekto sa lipunan dahil ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate sa
lipunan, at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Hindi lahat
ng isyu ay negatibo dahil may mga isyu na may positibong epekto sa mga tao.
Para maituring ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu, ito
ay;
➢ Mahalaga at makabuluhan sa lipunan ang ginagalawan.
➢ May malinaw na epekto sa lipunan o sa mga mamamayan.
➢ May matinding impluwensiya sa takbo ng kasalukuyang panahon.
➢ Mga temang napag-uusapan at may positibong impluwensiya sa lipunan.
https://www.slideshare.net/joelbalendres/aralin-1-kontemporaryung-isyu-77667131
MGA ISYUNG PAMPOLITIKA
➢ USAPING PANTERITORYO SA PHILIPPINE SEA

Ang ating bansa at ang iba pang mga kalapit-bansa sa Timog-Silangang Asya ay
naninindigan laban sa pag-angkin ng Tsina sa malaking bahagi ng South China Sea.
Ang ikinakatwiran ng China ay ang karapatan nito batay sa kasaysayan. Dahil mas
malaking bansa ang China kumpara sa mga kalapit bansa nito at mas malakas ang
kanilang puwersang militar, umaasa ang mas maliliit na bansang tulad ng Pilipinas at

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 5


Vietnam na tutulong ang United States at iba pang makapangyarihang bansa sa
paghahanap ng mapayapang solusyon sa suliranin.
➢ GRAFT AT KORUPSIYON
Ang usaping ito ay nakalilikha ng kawalan ng seguridad, pangamba, at ligalig sa
ating bansa. Sa ganitong kalagayan, ang mga namumuhunan sa pagnenegosyo ay
nag-aalangang mamuhunan sa ating bansa.
Ang korupsiyon ay ang tahasan at intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at
obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kanyang
kawalan ng integridad o prinsipyo. Nagaganap ang korupsiyon sa pamamagitan ng
sabwatan ng mga tao.
Ang graft ay ang pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya at
kuwestiyonable, tulad ng pagtanggap ng kabayaran para sa isang pampublikong
serbisyong dapat na naibigay nang libre o kaya’y paggamit sa isang kontrata o
lehislasyon bilang pagkakakitaan. Ang graft ay karaniwang ginagawa ng iisang
indibidwal lamang.
➢ TERORISMO
Ang terorismo ay isa sa mga pinakmatinding suliranin sa kapayapaang pandaigdig
sa kasalukuyan. Ang terorismo ay isinasagawa ng mga grupo, samahan o
pamahalaan upang makamit ang kanilang adhikaing politikal o kriminal. Sila ay
naghahasik ng lagim sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paninira, pamimilit, at
pananakot.
Iba’t iba ang dahilan ng terorismo. Maaaring pangkabuhayan (economic) ang
dahilan nito tulad ng pangingikil (extortion), pagdukot (kidnapping), pagnanakaw, o
hijacking upang makakuha ng salapi sa kanilang bikitma. Maaari ding relihiyon ang
dahilan kaya pangpersonal na dahilan din tulad ng paghihiganti.
Madalas na walang kinalaman o inosente ang mga biktima ng terorismo, mga
miyebro ng isang relihiyon, at mga tauhan ng kompanya.
May mga grupong terorista na kumikilos sa Asya. Ang mga pangkat na ito ay
mga radikal o fundamentalist na grupong Islam. Nagsulong sila ng pampolitikang
layunin laban sa United States at sa mga kaalyado nitong bansa.
May mga terorista rin sa Pilipinas. Naghahasik sila ng lagim upang magkaroon
ng pera at guluhin ang pamayanan. Malaki ang epekto nito sa pag-unlad ng ating
bansa dahil lumilisan ang mga tao sa lugar na kanilang kinaroonan. Ito ay isang
gawaing lumalabag sa mga karapatan ng tao. Naghihirap at namamatay ang mga
taong walang kinalaman sa anupamang dahilan ng mga terorista.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 6


MGA ISYUNG PANGKABUHAYAN
1. OPEN TRADE
Ang open trade ay ang malayang pakikipagkalakalan. Nagiging madali ang
pagluluwas o pag-aangkat ng mga produkto dahil sa pagtanggal ng mga balakid sa
kalakalan. Walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa. Sa open trade, ang
mga ito ay naipagbibili sa murang halaga kaysa sa lokal na mga produkto. Halimbawa:
ang industriya ng pagtatanim ng gulay sa ating bansa ay maaapektuhan ng mas
murang gulay na inaangkat mula sa Taiwan dahil wala itong buwis. Ito ang dahilan
kung bakit nahihirapan ang mga lokal na negosyante na maipagbili ang kanilang
produkto dahil sa mas mahal ang halaga nito..

EPEKTO NG OPEN TRADE


➢ Pagtindi ng kahirapan sa ating bansa dahil sa pagsusulong at pagbibigay pabor
sa mga dambuhalang kapitalista at dayuhang namumuhunan.
➢ Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na
Negosyo.
➢ Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa.
➢ Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompanya at industriya na hindi
makasabay sa pandaigdigang kompetisyon.

2. GLOBALISASYON
Ang globalisasyon ay ang malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga
bansa sa daigdig sa mga gawaing pang-ekonomiya, panlipunan, pang-teknolohiya at
kultura.
Dahil sa globalisasyon,
➢ Mabilis na ang pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng iba’t ibang bansa ng
daigdig;
➢ Mabilis na ang paglago ng pandaigdigang transaksiyon sa pananalapi;
➢ Lumaki ang pamumuhunan ng mga dayuhan mangangalakal na
nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan at paglaki ng produksiyon na
nakatutugon sa pangangailangan ng mga tao.
➢ Lumaganap ang teknolohiya at kaalaman sa tulong ng mabilis na
transportasyon at komunikasyon sa iba’t ibang panig ng daigdig; at
➢ Lumago ang iba’t ibang sangay ng agham na nakatutuklas ng gamot sa
pagsugpo ng iba’t ibang sakit.
EPEKTO NG GLOBALISASYON
➢ Paglaki ng kakulangan sa mahuhusay na manggagawa o brain drain sa bansa
dahil naaakit ang mga tao sa mataas na pagsahod ng mga bansang umaangkat
ng mga manggagawa tulad ng mga bansa sa Europe, Canada, at sa Kanlurang
Asya
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 7
➢ Pagdami ng armadong labanan tulad ng nagaganap sa Mindanao na binigyan
suporta ng ibang bansa
➢ Pagkasira ng kalikasan dahil sa paggamit ng mga likas na yaman na
pinagmumulan ng mga materyales at sa polusyong dulot ng paggawa at
industriyalisasyon.
➢ Pagkawala ng katutubo o indigenous na kultura ng bansa dahil sa pagpasok
ng makabago at iba’t ibang kultura ng ibang bansa.
➢ Pagkawala ng pagkakakilanlan ng bansa dahil sa pagiging sunod-sunuran sa
mga mayayamang bansa na nagmamay-ari sa mga naglalakihang kompanya.
➢ Pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa iba’t ibang panig ng
mundo-Halimbawa: Noong 2003, ang nakamamatay na pneumonia na tinawag
na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) mula sa Hongkong, China ay

kumalat sa 37 bansa sa iba’t ibang panig ng mundo sa loob lamang ng ilang


lingo.Noong 2014, ang nakahahawang sakit na MERS virus ay kinatatakutan
din dahil baka ito makapasok sa ating bansa. Ang nakamamatay na Ebola virus
na nagiging sanhi ng pagkamatay ng maraming tao sa Africa ay binabantayan
sa pangambang kumalat sa ibang panig ng mundo.
➢ Pagkawala ng karapatan ng mga bansa na pairalin ang kanilang mga
patakaran dahil sa pagsunod sa mga patakaran ng mga institusyong
sumusuporta sa globalisasyon.
➢ Pagpasok ng bagong sakit na COVID-19 sa bansa na ito ay isang bagong uri
ng coronavirus na umaapekto sa iyong baga at mga daanan ng hininga.
MGA ISYUNG PANLIPUNAN
1. ANG MGA OFW
Maraming taon nang nakakatulong ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs
sa ekonomiya ng ating bansa.Noong taong 2019 (sa.gov.ph/statistics/survey/labor-force/sof-
index), tinatayang may mahigit sa 2.2 milyong OFWs ang nagtatrabaho sa iba’t ibang
panig ng daigdig upang umunlad ang kanilang pamumuhay. Malaking tulong ito sa
ating ekonomiya dahil nakapagpapadala sila ng malaking halaga tungo sa kaunlaran
ng bansa. Noong 2019, sila ay nakapagpadala ng halos $33 bilyon sa ating bansa.
Dahil dito, sila ay itinuturing na bagong bayani.
Sa kabilang dako, may hindi mabuting epekto ang pag-alis ng ating mga
kababayan sa Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa. Sa kanilang pag-alis, ang
yamang tao sa ating bansa ay nababawasan. Nagkakaroon ng “ brain drain.” Sa halip
na ang Pilipinas ang makinabang sa kanilang mga katalinuhan at kakayahan, sila ay
napakikinabangan ng ibang bansa. Bukod dito, naiiwan nla ang kanilang anak at
pamilya na nangangailangan ng kanilang pag-aaruga. Malaki ang epekto nito sa mga
anak na lumalaki na wala ang isa o pareho sa kanilang mga magulang.
2. MGA PANG-AABUSO
➢ PANG-AABUSO SA BATA o CHILD ABUSE
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), libo-libong
mga bata ang biktima ng iba’t ibang krimen at pang-aabuso. May mga taong may

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 8


masasamang loob na gumagamit ng mga bata at may mababang pag-iisip sa
pagsasakatuparan ng mga illegal na gawain. May mga dayuhang nagsasamantala sa
mga kabataan o pedopilya.
Ang mga bata ay dapat na pingangalagaan ng kanilang magulang at pamilya.
Dapat sila ay nag-aaral. Ngunit marami sa mga bata ngayon ay nasa lansangan.
Nagiging biktima sila ng prostitusyon, droga, pornograpiya, pang-aabuso, at iba pang
krimen.
Dumarami rin ang batang manggagawa o child laborers sa ating bansa. Ayon
sa National Coalition Against Child Labor, may mahigit na apat na milyong batang
manggagawa sa ating bansa. Halos tatlong milyon sa mga ito ay gumagawa ng mga
delikadong trabaho tulad ng pagmimina, quarrying, muro-ami, at paggawa ng paputok.
Sa ganitong mga gawain, nalalagay sila sa panganib at nakalalanghap ng mga
kemikal at abo na maaaring pagmulan ng iba’t ibang sakit lalong-lalo na ang kanser.
➢ GENDER ABUSE
May mga dayuhang nahuhuling nagtatatag ng mga bahay-aliwan at nang-
aalipin ng mga Pilipino at nagbebenta ng kanilang katawan (Prostitution).
Nagpapanggap silang mangangalakal at ang tanging hangad lamang ay pang-aabuso
at sila ay nakasisira sa ating dignidad bilang mga Pilipino.
Hindi ganap na mabantayan ng ating pamahalaan ang lahat ng mga dayuhang
nagsasamantala sa mga mamamayang Pilipino sa kahinaan ng ating sistema.
Kadalasan, ang mga dayuhang nahuhuling nagkakasala ay hindi napapatawan ng
kaukukulang parusa at sila ay nakakawala dahil na rin sa nasusuhulan ng mga ito ang
mga nanunungkulan sa pamahalaan.
May mga babaeng nagpupunta sa ibang bansa bilang mga mananayaw o
serbidora sa bahay-aliwan at sila ay naaabuso. Ang iba ay namamasukan bilang
katulong sa ibang bansa at sila ay pinagmamalupitan at pinagsasamantalahan.
Nalalabag ang karapatan ng mga tao, lalong-lalo na ng mga babae.
➢ PANG-AABUSO SA DROGA o DRUG ABUSE
Mahigpit na ipinagbabawal ng ating pamahalaan ang pagbebenta, paggamit,
pamamahagi, at pagbibiyahe ng mga ipinagbabawal na gamot o droga.
Nagiging malubha na ang suliranin ng Pilipinas sa pag-abuso ng droga o
ipnagbabawal na gamot. Ang mga karaniwang gamot na inaabuso ng mga kabataan
sa panahong ito ay marijuana, shabu, gamut sa sipon o ubo, inhalants(gasoline,
ammonia, rugby), depressants (barbiturates/benzodiazepines), stimulants
(amphetamines, cocaine, methamphetamine), narcotics (morphine, opium, heroin), at
hallucinogens (LSD). Ang bansa ay naging dalahan at daanan ng mga gamot na
heroin at cocaine, pinanggagalingan ng marijuana at pabrika ng shabu bunga ng
lumaking bilang ng gumagamit nito ayon sa Philippine Youth Commission Survey.
Maraming masamang dulot ang paggamit ng droga:
➢ Naliligaw ng landas ang mga kabataan at nagiging adik.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 9


➢ Ang buhay at magandang kinabukasan nila ay nawawasak at napipinsala dahil
nalulong sa pag-aabuso ng ipinagbabawal na gamot.
➢ Maaari ding magdulot ng pagkabaliw ang pag-aabuso ng ipinagbabawal na
gamot dahil ang normal na sistemang pang-komunikasyon nila ay nasisira.
Naiiba ang pagpapadala, pagtanggap, at pagprogreso ng kanilang kakayahan
sa komunikayon.
➢ Maaari ding mamatay ang umaabuso sa droga dahil sa sobrang pag-inom nito
o pagka-overdose.
➢ Mapipinsala rin ang iba’t ibang parte ng katawan dahil sa pag-aabuso sa
ipinagbabawal na gamot.
➢ Nagiging mapangahas sila at gumagawa ng mga krimen.
MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN
1. PAGBABAGO NG KLIMA
Ang climate change ay pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng
greenhouse gases na nagpapainit sa mundo.
Patuloy na umiinit ang klima sa daigdig. Makikita sa iba’t ibang panig ng mundo
ang mga senyales nito tulad ng pagbabago ng dalas at tindi ng pag-ulan, pagtaas ng
lebel ng dagat dahil sa pagkatunaw ng icebergs sa Arctic at Antartic, at mas maagang
pagkatunaw ng yelo. Habang patuloy na tumataas ang temperatura ng mundo, mas
marami tayong makikitang pagbabago sa ating klima at kapaligiran. Ang mga ito ay
magkakaroon ng epekto sa mga tao, hayop, at ecosystems.
ILANG EPEKTO NG CLIMATE CHANGE
Dahil sa pag-init ng mundo, natutunaw ang mga yelo sa Arctic at Antarctic. Ang
pagdami ng tubig sa dagat ay nagdadala ng mas matitinding bagyo sa kalupaan. Ito
ay nagiging sanhi ng pagbaha sa ilang lugar. Ang pagbagyo ay nagiging sanhi ng
pagguho ng mga kabundukan at iba pang kalupaan.
May masamang epekto sa kalusugan ng mga tao ang pagbabago ng klima ng
mundo. Sa maraming bahagi ng daigdig, ang mga heat wave o matindi at matagal na
init ng panahon, malalakas na bagyo, at polusyon sa hangin na kaugnay sa mga
mahihirap, mga bata, matatanda, mga may kapansanan, mga nakatira sa baybaying-
dagat, at mga lungsod na may malalaking populasyon.
Ang bawat uri ng pananim ay may kanya-kanyang pangangailangan upang
tumubo at lumago. Ang pagbabago sa klima ay may malaking epekto sa temperatura
at suplay ng tubig. Maaaring dahil sa climate change, masyadong mainit na ang
panahon para sa pagtubo ng ilang mga pananim. Gayundin, dahil sa matinding inti,
magkakaroon ng tagtuyot at kaulangan sa suplay ng tubig na kailangan sa pagsasaka.
Nagdudulot din ang climate change ng matitinding bagyo at pagbaha na nakapipinsala
sa mga pananim at sakahan. Naguguho ang mga kalupaan. Bukod pa rito, dumarami
rin ang mga damo at peste dahil sa mas matataas na temperatura at mga pagbabago
sa pagbagsak ng ulan o rainfall pattern.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 10


2. PAGDUMI NG KAPALIGIRAN
Ang pagtatapon ng basura nang walang pakundangan ay malaking suliranin hindi
lamang sa ating bansa kundi sa buong daigdig. May dalawang uri ng basura-basurang
galing sa kabahayan at basurang industriyal na mula sa mga ospital, pabrika, at
industriya. Kapag sinusunog ang basura, dumudumi ang hangin. Kapag itinambak
naman ito sa isang lugar, maaaring manuot sa lupa ang ilang maasido at organikong
materyal na magiging sanhi ng kontaminasyon ng tubig na iniinom at ng tubig na
dumadaloy sa irigasyon.
➢ POLUSYON SA HANGIN
Isa sa pinakamalalang suliranin sa kapaligiran ng mga bansang Asyano ay ang
polusyon sa hangin. Ito ay dahil sa malawakang paggamit ng petrolyo na nagreresulta
sa sulfur dioxide. Nakaragdag din ang trapiko sa lumalalang problema sa
kontaminasyon ng hangin. Hindi maikakaila na malala ang problemang ito lalo na sa
mga pangunahing lungsod sa Asya gaya ng Beijing sa China, Tokyo sa Japan, seoul
sa South Korea, Taipei sa Taiwan, Jakarta sa Indonesia, Bangkok sa Thailang, at
Metro Manila sa Pilipinas. Nakadaragdag din sa polusyon sa hangin ang mga plantang
kemikal, mga plantang pinatatakbo ng uling, at mga pabrikang gumagawa ng PVC,
metal, at mga plastik. Maging ang paggamit ng mga pesticide at herbicide sa
agrikultura ay nakdaragdag sa suliranin ng polusyon.
➢ POLUSYON SA TUBIG
Ang tubig sa karagatan na nakapaligid sa Asya ay nakaranas din ng matinding
kontaminasyon. Ang mga basura at maruming tubig na galling sa mga industriya at
ospital ay diretsong naitatapon sa dagat. Maaari ding ang mga hindi nalinis na tubig
mula sa mga estero ay napupunta sa karagatan. Ayon sa World Commission on
Water, ang malalaking ilog sa Asya gaya ng Huang Ho sa China, Ganges sa India, at
amu Darya at Syr Darya sa Hilagang Asya ang mga nagunguna sa talaan ng mga ilog
sa buong mundo na dumaranas ng matinding kontaminasyon. Ito ay dulot ng
masalimuot na suliranin sa urbanisasyon.
➢ POLUSYON SA LUPA
Nagkakaroon din ng polusyon sa kalupaan dulot ng mga contaminants tulad ng
chlorinated hydrocarbons, heavy metals, solid hospital wastes, lead, at fuel. Ang mga
karaniwang landfill ay nagsasanhi rin ng pagkakaroon ng mga kemikal sa lupa.
3. PAGKAWASAK NG KAGUBATAN
Isang napakakritikal na problemang pangkapaligiran ay ang deforestation o
tahasang pagkawasak ng kagubatan. Ang pagkuha ng panggatong na kahoy ay
masasabi ring nakaambag sa pagkasira ng kagubatan. Ang mataas na
pangangailangan sa panggatong ay nagtutulak sa tao upang ilegal na pumutol ng mga
puno sa kagubatan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 11


➢ PAGMIMINA
May masamang epekto ang pagmimina. Ito ay responsible sa ilan sa
pinakamalawak na pagkalat ng mga toxic waste o nakalalasong kemikal sa
kapaligiran, tulad ng lead, cadmium, at mercury. Ang mga toxic na ito ay nagiging
sanhi ng pagkakasakit o pagkamatay ng mga halaman at hayop. Ang mga ito ay
nagdudulot ng mga depektong neurolohikal sa bata at matanda o kaya ay nagiging
sanhi ng kanser.

MGA GAMPANIN NG PAMAHALAAN AT


MAMAMAYAN SA PAGKAMIT NG KAUNLARAN
NG BANSA
Ang bansa ay binubuo ng mga mamamayan. Dahil dito, ang pag-unlad ng
bansa ay nakasalalay sa kanila. Bilang mamamayan, tungkulin nating itaguyod ang
kaunlaran ng ating bansa. Makatitiyak tayo sa pag-unlad at pagsulong ng bansa kung
alam natin ang mga kailangang gawin.
May mga salik na nakaiimpluwensiya sa pag-unlad ng bansa. Ito ay ang mga
likas na yaman, yamang tao at mga yamang gawa ng tao. Ang mga katubigan at
kalupaan sa ating kapaligiran ay pinagkukunan ng mga likas na yaman. Dito tayo
nakukuha ng mga bagay at produktong kailangan natin sa pamumuhay.
Ang mga yamang tao ay binubuo ng mamamayan ng bansa. Sila ang mga
namamahala, gumagawa, at nagsusulong ng mga proyektong makapagpapaunlad ng
bansa. Sila ang may lakas, katalinuhan. At kakayahan para gawain ang mga ito.
Ang mga yamang likas ng tao tulad ng mga makinarya, gusali, pamilihan, daan,
tulay, parke, paliparan, daungan, at iba pang ari-ariang pampubliko ay kailangan natin
upang patuloy na makagawa ng mga produktong kailangan sa pangangalakal at pag-
unlad ng pamumuhay at bansa.
Kung ating titingnan ang pambansang kaunlaran sa pinakamalawak na
pananaw, kailangan ang mga ito upang matugunan ang mga pangangailangan ng
mamamayan nang mas mataas na antas na pamumuhay. Paano ito makakamit?
Narito ang mga kailangan nating gawin.
1. Mahalin natin ang ating bansa.
Ang ating bansa ay may sariling teritoryo. Sa teritoryong ito matatagpuan ang
bahagi ng ating kamanahan at mga pag-aaring likas na yaman na dapat linangin at
pangalagaan. Ang mga ito ay makakatulong upang mapaunlad natin ang ating
pamumuhay. Higit sa ating teritoryo, ang ating bansa ay binubuo ng mga tao, mga
mamamayang Pilipino na dapat nating mahalin at suportahan.
Anuman ang ating gawin, hindi natin dapat isipin ang ating mga sarili lamang.
Kailangang lagi nating isipin ang epekto ng ating ginagawa sa ating kapwa at bansa.
Halimbawa, kung may mga produkto tayong bibilhin, siguraduhin nating ang ating

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 12


ibabayad ay mapupunta sa ating kababayan at hindi sa mga mayayamang
multinasyonal. Tangkilikin natin ang produktong Pilipino. Makakatulong ito sa
pagbabawas ng kahirapan at pagbibigay-kita sa ating mga kababayan.
2. Suportahan natin ang ating pamahalaan at tugunan ang ating mga karapatan.
Lagi nating sundin at igalang ang mga batas.
Ang ating bansa ay may pamahalaan. Ang ating pamahalaan ay may mga
pamunuan na binubuo at nagpapatupad ng mga batas para sa kapayapaan,
kaayusan, at katiwasayan ng ating pamumuhay.
Ang ating mga batas ay binubuo upang ipagtanggol ang buhay at ari-arian, at
itaguyod ang ating kapakanan at ang katarungang panlipunan. Ang paglabag sa batas
ay nagdudulot ng kaguluhan. Tinatanggal nito ang ating kapayapaan at seguridad at
hinahadlangan ang kaunlarang pang-ekonomiya. Kung ang lahat ng mamamayan ay
susunod sa batas at hihikayatin ang ibang gawin din ito, tayong lahat ay namumuhay
nang masagana, payapa, at tahimik.
3. Alagaan natin ang ating kapaligiran at ang mundo.
Ang ating bansa ay bahagi ng mundo. Ang mga nangyayari sa ibang bahagi nito
ay nakaaapekto sa ating kapaligiran, kalikasan, at pamumuhay.
Ibinibigay ng ating kalikasan ang lahat ng ating pangangailangan. Binubuhay tayo
lahat ng mga yamang-likas. Nararapat nating tipirin ang paggamit ng mga ito at
ingatan ang lahat ng mga yamang-likas. Kailangan din nating tumulong sa paglinang
ng mga yamang ito at iwasan ang anumang makasisira sa kanila. Dapat nating iwasan
ang polusyon sapagkat sinisira nito ang kalikasan at pinapataya ang mga halaman,
hayop, at tao. Daat nating ihiwalay ang nabubulok na basura sa hindi nabubulok na
basura. Dapat din nating bawasan ang ating basura sa pamamagitan ng recycling at
paggamit muli ng lumang materyales.
4. Tumulong tayo sa pagpuksa sa korupsiyon o katiwalian sa pamahalaan.
Ang ating pamahalaan ang nagkokontrol at namamahala sa kayaman ng ating
bansa. Dahil dito, kailangan natin ng mga tapat at mahuhusay na mga pinuno at
opisyal. Ang kapangyarihan sa pagpili sa kanila ay nasa ating mga kamay sapagkat
tayo ang naghahalal sa kanila sa tungkulin. Dapat nating siguraduhing tanging mga
tapat, dedikado, at mahuhusay na pinuno lamang ang mahahalal. Hindi natin dapat
gawing basehan ang popularidad ng isang kandidato upang siya ay iboto. Mas
mahalagang tingnan at suriin ang kanyang kakayahang makapagbigay ng mabuti at
tapat na paglilingkod sa bayan. Huwag nating hayaang makagawian ang paglalagay
o bribery sa mga nanunungkulan sa pamahalaan. Tumulong tayo sa pagpuksa ng
anumang gawaing korupsiyon o katiwalian sa pamahalaan.
5. Linangin at gamitin natin ang ating sariling mga kakayahan at talento.
Ang isang bansa ay binubuo ng mga indibidwal. Bawat indibidwal ay may sariling
katalinuhan at kakayahan. Ang tunay na yaman ng bansa ay ang mga yamang tao.
Mahalagang pag-aralan at linangin natin ang ating mga talino. Sikapin nating
magkaroon ng mabuting asal at magpakita ng disiplina sa sarili. Maisusulong natin

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 13


ang pag-unlad ng bansa kung mayroon tayong kakayahan. Ang ating kakayahan ay
naaayon sa ating mga taglay na katalinuhan at kasanayan.
Ayon sa mga dalubhasang mananaliksik, may iba;t ibang uri ng katalinuhan at
kasanayan ang bawat tao. Ang mga katalinuhang ito ay napauunlad sa pamamagitan
ng pag-aaral at iba pang paraan.
Sa ating pag-aaral, napalalawak natin ang ating mga kaalaman, kakayahan at
kasanayan sa iba’t ibang larangan.
Magkakaroon tayo ng mga kakayahan gumamit ng makabagong teknolohiya. Ito
ay nagagamit natin para tayo ay maging produktibo. Magagamit natin ito upang
magkaroon ng trabaho at hanapbuhay.
6. Maging produktibo tayo.
Kailangan nating maging produktibo. Ito ang paraan upang kumita ng pera o
makapagtipid upang hindi tayo gaanong mahirapan sa pagtugon sa pangangailangan
sa pagkain, damit, tirahan, at iba pang bagay.
Kailangan ng ating bansa ang mga mamamayang produktibo. Ang produktibong
mamamayan ay maagap sa gawain, may wastong saloobin sa paggawa, at may tiwala
sa sariling kakayahan.Kailangan naitng maging produktibo upang makatulong sa
ekonomiya ng bansa. Kailangan nating maghanapbuhay o magnegosyo upang kumita
ng pera para sa ating sarili. sa ating pamilya, at kapwa. Sa ganitong paraan, ang
produksiyon ng bansa ay gaganda at magdudulot ng pag-unlad nito.
Ang taong produktibo ay may tamang saloobin sa paggawa at:
➢ Kusang ginagamit ang kakayahang sa paggawa nang abot-kaya
➢ Pinagbubuti lagi ang mga gawain; kung may mali, inuulit ito.
➢ Marunong gumawa nang nag-iisa o nang may kasama
➢ Pinaplano ang mga gawain upang matiyak ang patutunguhan nito at makaiwas
sa kamalian at pak-aaksaya ng panahon.
➢ Ginagawa ang nararapat sa tamang oras. Naglalaan ng sapat na oras sa mga
kailangang gawin para matapos sa tamang oras.
➢ Pinahahalagahan ang sariling gawain at pinupuri ang maganda at mabuting
gawain ng iba.
7. Pagbutihin at paunlarin natin ang mga produkto ng bansa.
Aangat ang ekonomiya ng bansa kung mapagbubuti natin ang ating mga produkto
at mapapaunlad natin ang mga industriya sa pangangalakal. Tumulong tayo sa ating
pamahalaan na mapaunlad ang maliliit at katamtamang laking industriya dahil
nakapagbibigay ang mga ito ng trabaho sa maraming tao sa bansa.
Nakikilahok ang ating bansa sa World Trade Organization (WTO) upang higit na
lumaki ang pagkakataon na makipagkalakalan sa pandaigidigang pamilihan.
Inaasahang magaganyak nito ang mga lokal na pabrika na maging mahusay at ipakita
ang kakayahan sa paggawa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 14


8. Tangkilikin natin ang produktong Pilipino.
Kailangan nating tangkilikin ang ating sariling produkto upang makatulong sa pag-
unlad at pagsulong ng ating bansa. Responsibildad natin ang:
➢ Maging alerto at alamin ang pinanggagalingan ng mga produktong ating binibili,
tiyaking ito ay makatutulong sa ating mga industriya.
➢ Isaalang-alang ang epekto ng ating pagkonsumo sa ibang tao, sa ating lipunan,
sa lokalidad, at sa ating bansa.
➢ Pahalagahan ang mga produkto ng ating kapwa Pilipino. Isaalang-alang natin
ang epekto ng pagkonsumo sa mga pag-unlad ng industriyang Pilipino.
Kailangan nating maunawaan na mayroon tayong indibidwal at sosyal na
responsibilidad na pag-ingatan ang ating kapaligiran para sa mga susunod na
henerasyon.
➢ Makipagtulungan upang maprotektahan at maisulong natin ang ating mga
interes bilang mga konsyumer, bilang Pilipino, at bilang bansa. Marami sa ating
gawain at kagamitan ay nangangailangan ng enerhiya (koryente o gas).
Gumagamit tayo ng enerhiya sa ating tahanan sa pagluluto ng pagkain,
pamamalantsa ng damit, para magkaroon ng ilaw, mapaandar ang sasakyan,
bentilador, at iba pang kagamitan. Gayundin sa mga gawaing pang-industriya.
Kailangan ang enerhiya sa pagpapatakbo ng mga sasakyan at makinarya sa
mga minahan at pabrika, sa pangangalakal, at iba pang gawain.
Nakukuha tayo ng enerhiya sa iba’t ibang paraan. Ang enerhiyang solar ay galing
sa init ng araw. Ang enerhiyang geothermal ay galing sa init na nagmumula sa ilalim
ng lupa at mga bulkan. Ang enerhiyang hydro-electrical ay galing sa mabilis na
pagbagsak ng tubig muli sa mataas na lugar o talon at dumadaan sa grid para maging
koryente. Ang enerhiyang fossil fuel ay nanggagaling sa gas na naipon sa ilalim ng
lupa milyu-milyong taon na ang nakalipas.

AKTIBONG PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN SA


MGA PROGRAMA

Maging aktibong mamamayan at makilahok tayo sa mga gawaing pansibiko.


Tungkulin natin ang makilahok sa mga gawaing pansibiko upang umunlad ang ating
bansa. Mahalagang tungkulin ng bawat mamamayan ang tumulong upang matugunan
ang pangangailangan ng ating pamayanan at bansa. Kung nakikilahok tayo sa mga
gawaing pansibiko, gaano man kahirap ang mga gawain para malutas ang mga
suliranin o mga isyu na dapat bigyan ng solusyon, ang mga ito ay magiging madali
dahil sa ating pagtutulungan at pagkakaisa. Narito ang ilang maaari nating gawin:
➢ Magtatag o makilahok tayo sa mga organisasyong mgsusulong ng kagalingan
at pag-unlad ng komunidad at bansa.
➢ Mangampanya tayo para sa ikauunlad ng ating bansa.
➢ Tumulong tayo sa pagpuksa sa korupsiyon o katiwalian sa pamahalaan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 15


➢ Lumahok tayo sa mga programang nagtataguyod ng pangangalaga ng mga
karapatan ng mga mamamayan.
➢ Iparating natin sa kinauukulan ang kinakailangang gawin. Hindi tayo dapat
magsawalang-kibo.
➢ Tumulong tayo sa mga gawaing makapag-aangat sa kalagayan ng ating kapwa
Pilipino.
➢ Makipagpalitan at magbigay tayo ng mahahalagang impormasyon.
➢ Pangalagaan natin ang ating mga minanang yaman at mga pampublikong
pasilidad.
➢ Alagaan natin ang ating mga likas na yaman at kapaligiran.
➢ Maging produktibo tayo.
➢ Magkaroon tayo ng tamang saloobin sa paggawa.
➢ Magbayad ng buwis.
➢ Paunlarin natin ang mga produkto ng bansa.
➢ Tangkilikin natin ang produktong Pilipino.
Kung ang lahat ng mga mamamayan ay nakikilahok sa mga gawaing pansibiko at
nagtutulungan, magiging maunlad ang pamumuhay sa ating pamayanan at bansa.
Sanggunian: Antonio, Eleanor D. et.al, KAYAMANAN, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling

Panlipunan 6 RBS Binagong Edisyon 2017, pp. 313-337

Pagyamanin
A. Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang epekto ng graft at korupsiyon sap ag-unlad ng ating bansa?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Para sa iyo, ano ang maaaring maging epekto ng pagdami ng mga OFW?

_____________________________________________________________________
Mabuti___________________________________________________
_____________________________________________________________________
Masama____________________________________________________________
_______________
3. Ano ang maaaring mangyari kung hindi mapipigil ang pagbabago ng klima?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 16


4. Bakit mahalaga ang pagpapabuti at pagpapaunlad ng uri ng produkto o kalakal
ng bansa sa pag-unlad ng kabuhayan nito?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Ano ang iyong nadarama para sa aktibong pakikilahok bilang mahalagang


tungkulin ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng bansa?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

B. Panuto: Bumuo ng graphic organizer ng ilang isyu na nagiging balakid sap ag-
unlad ng ating lipunan.
C.

EPEKTO NG GLOBALISASYON

MABUTI MASAMA

EPEKTO NG OPEN TRADE

MABUTI MASAMA

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 17


Isaisip

MGA ISYU SA PAG-UNLAD


➢ PAMPOLITIKA
• Usapin sa Teritoryo
• Graft at Korupsiyon
• Terorismo

➢ PANGKABUHAYAN
• Open Trade
• Globalisasyon

➢ PANLIPUNAN
• Pag-alis ng mga Mamamayan (OFW)
• Mga Pang-aabuso

➢ PANGKAPALIGIRAN
• Pagbabago ng Klima
• Pagdumi ng Basura
• Pagkawasak ng Kagubatan

Mga Tungkulin para sa Pag-unlad ng Bansa


1. Mahalin natin ang ating bansa.
2. Suportahan natin ang ating pamahalaan at tugunan ang ating mga karapatan. Lagi
nating sundin at igalang ang mga batas.
3. Alagaan natin ang ating kapaligiran at ang mundo.
4.Tumulong tayo sa pagpuksa sa korupsiyon o katiwalian sa pamahalaan.
5. Linangin at gamitin natin ang ating sariling mga kakayahan at talento.
6. Maging produktibo tayo.
7. Pagbutihin at paunlarin natin ang mga produkto ng bansa.
8. Tangkilikin natin ang produktong Pilipino.
9. Makilahok tayo sa mga gawaing pansibiko.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 18


Isagawa

PERFORMANCE TASK
PERFORMANCE STANDARD
Ang mag-aaral ay nakapagpakita ng aktibong pakikilahok sa gawaing makatutulong
sa pag-unlad ng bansa bilang pagtupad ng sariling tungkulin na siyang kaakibat na
pananagutan sa pagtamasa ng mga karapatan bilang isang malaya at maunlad na
Pilipino.

LEARNING COMPETENCY
Nasusuri ang mga kontemporaryong isyu ng lipunan tungo sa pagtugon sa mga
hamon ng malaya at maunlad na bansa.

SITWASYON Isiping isa kang tagapagbalita o news reporter na


magsasagawa ng isang balita sa TV tungkol sa mga
napapanahong isyu sa lipunan. Kailangan mong gumawa ng
3-5 minutong news report tungkol sa isyu ng lipunan tungo sa
pagtugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na
bansa.Susuriin ang gagawing balita sa pamamagitan ng mga
sumusunod na pamantayan; paksa, nilalaman, organisasyon,
at produkto/video.

GOAL Nakagagawa ng isang news report tungkol sa isyu ng lipunan


tungo sa pagtugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na
bansa.

ROLE Tagapagbalita o News Reporter


AUDIENCE Mga mag-aaral sa ikaanim na baitang, mga guro at mga
mamamayan
PRODUCT Paggawa ng news report
Modular Class: Isulat ang news report sa isang coupon bond
On-line Class: Ivideo ang sarili sa pagbabalita sa ginawang
news report
STANDARDS Susuriin ang news report ayon sa pamantayang paksa,
nilalaman, organisasyon, at produkto/video.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 19


PERFORMANCE TASK ANALYTIC RUBRIC

4 3 2 1
ORGANISASYON
Mahusay at Mahusay ang Nakalilito ang Walang ayos ang
kakaiba ang pagkakasunod- pagkakasunod- pagkakasunod-
pagkakasunod- sunod ng mga sunod ng mga sunod ng mga
sunod ng mga pangyayari sa pangyayari sa ilang pangyayari sa
pangyayari sa ginawang News bahagi ng ginawang News
ginawang News Report. ginawang News Report.
Report. Report.
ORIHINALIDAD
Ang News Ang News Ang News Ang News
Report.na ginawa Report.na ginawa Report.na ginawa Report.ay kopya sa
ay natatangi at ay naaayon sa ay naaayon sa Internet
naaayon sa wastong wastong
wastong pangyayari pangyayari ay hindi
pangyayari naaayon sa tunay
na pangyayari
NILALAMAN
Ang nilalaman ng Ang nilalaman ng Ang nilalaman ng Ang nilalaman
News Report.ay News Report.ay News Report.ay News Report.ay
may lalim at may maayos at hindi malinaw sa magulo at mali ang
malinaw na malinaw na iilang mga naipakitang
pagpapahayag ng pagpapahayag ng bahaging pangyayari
mga pangyayari mga pangyayari napagpapahayag
ng mga pangyayari

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 20


Tayahin

A. Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at sagutin. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Tumutukoy ito sa isyu sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa


kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
A. Kontemporaryong Akda C. Kontemporaryong Isyu
B. Kontemporaryong Dagli D. Kontemporaryong Panitikan

2. Isang kontrobersyal na isyu sa ngayon ay ang agawan sa pagitan ng bansang


Pilipinas at bansang China ang isang isla. Ito ay tinatawag na___________.

A.Babuyan Island C. Celebes Sea


B. Sulu Sea D. West Philippine Sea

3. Ito ay ang isang uri ng katiwalian sa pamahalaan na kung saan tumatanggap


ng halaga o anumang bagay kapalit ang di pagsusumbong sa isang ilegal na
gawain.
A. Panunuhol o bribery C Nepotismo
B. Pangingikil o Extortion D. Paglustay

4. Ito ay isang sakit sa daluyan ng hangin na dulot ng isang bago, o “novel” na


coronavirus.
A. COVID-19 C. MERS
B. Ebola Virus D. SARS

5. Ang open trade ay ang malayang pakikipagkalakalan. Alin sa mga


sumusunod ang hindi epekto ng open trade?
A. Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa.
B. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na
negosyo.
C. Pagsasara ng mga lokal na kompanya at industriya na hindi makasabay
sa pandaigdigang kompetisyon.
D. Pagdami ng mga mangangalakal na nagbebenta ng produkto sa iba’t
ibang mga lansangan at kung saan-saan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 21


B. Panuto: Pagtambalin ang mga pangungusap na nasa Hanay A sa Hanay B na
nagpapakita ng sanhi at bunga.

Hanay A Hanay B
1. Marami ang walang trabaho. A. Mataas ang kriminalidad.
2. Hindi naipatutupad ang mga batas. B. Lumalabas ang pera sa bansa.
3. Produktibo ang mga tao. C. May katarungang panlipunan.
4. May sapat na paglingkurang panlipunan
para sa lahat. D. Bumubuti ang kabuhayan.
5. Mataas ang gastusin para sa mga
produkto mula sa ibang bansa. E. Naghihirap sila.
F. May pagkakaisa sila.

C. Panuto: Tapusin ang mga pangungusap at ipahayag ang mga paraan tungkol sa
pagpapaunlad at wastong paggamit ng mga produkto.
1. Masusupotahan ang mga industriyang Pilipino
kung_______________________________________________________________
_________________________________________.
2. Magagamit natin nang wasto ang mga kalakal o produkto kung
___________________________________________________________________
__________________________________________________.
3. sa pagbibigay o pagtanggap ng serbisyo,
dapat_______________________________________________________________
________________________________________________.
4. Kung lagi nating tangkilikin ang mga produktong Pilipino,
___________________________________________________________________
__________________________________.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 22


SUSI NG PAGWAWASTO
Subukin Pagyamanin
1. T
2. T A. Ang mga bata ay malayang sasagot sa
3. T gawaing ito. Maaring ipakita ang iyong
4. T ginawa sa gurong tagapamahala para sa
5. T pagtatama.
6. T B. Ang mga bata ay malayang sasagot sa
7. M gawaing ito. Maaring ipakita ang iyong
8. T ginawa sa gurong tagapamahala para sa
9. M pagtatama.
10. T
Isagawa Tayahin (A)
ASSESSMENT (Performance Task) 1. C
2. D
Ang mga bata ay malayang sasagot sa gawaing 3. A
ito. Maaring ipakita ang iyong ginawa sa gurong 4. A
tagapamahala para sa pagtatama. 5. D

Tayahin (B) Tayahin (C)


1. E Ang mga bata ay malayang sasagot sa gawaing
2. A ito. Maaring ipakita ang iyong ginawa sa gurong
3. D tagapamahala para sa pagtatama
4. F
5. B

SANGGUNIAN
Sanggunian: Antonio, Eleanor D. et.al, KAYAMANAN, Batayan at Sanayang Aklat sa
Araling Panlipunan 6 RBS Binagong Edisyon 2017, pp. 316-324

https://www.google.com/search?q=kontemporaryong+isyu+pictures&tbm=isch&ved=2ahUKEwiFx_eQ18zvAhUS
DpQKHd5DCFcQ2-
cCegQIABAA&oq=kontemporaryong+isyu+&gs_lcp=CgNpbWcQARgCMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggA
MgIIADICCAAyAggAMgIIADoECAAQQzoICAAQsQMQgwE6BQgAELEDOgcIABCxAxBDOgoIABCxAxCDARBD
ULROWMecAWCJ2AFoAHAAeACAAZIGiAG2IZIBDDAuMTguMS41LTEuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n
sAEAwAEB&sclient=img&ei=5yddYMW3BZKc0ATeh6G4BQ&bih=657&biw=1366#imgrc=GoGjIywi0jZGtM

https://www.slideshare.net/joelbalendres/aralin-1-kontemporaryung-isyu-77667131

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 23


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
:Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address:laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 24

You might also like