SBFP Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

NURSE JED: Magandang Umaga mga manonood, ngayong umaga ay kasama natin si Kuya Cyrus at Ate

Ayesha upang bigyan kayo ng kaalaman tungkol sa School-Based Feeding Program.

Ano nga ba ang School-Based Feeding Program o SBFP?


Ang programang ito ng Kagawaran ng Edukasyon ay naglalayong makapag-ambag upang
mapataas ang bilang ng atendans ng mga-aaral na pumapasok sa klase at upang gumanda ang kanilang
performans sa loob ng silid-aralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libre at masusustansiyang pagkain
at sariwang gatas. Sinisikap din nitong matugunan at mabawasan ang mahigit 85% na problema sa
malnutrisyon kada taon at mahikayat din ang mga mag-aaral naumasok sa paaralan araw-araw.

CYRUS: Ang School Feeding Programs (SFPs) ay itinuturing na isang mahusay na pamumuhunan sa
edukasyon. May katibayan na ang mga SFP ay nagdaragdag ng pagpapatala sa paaralan, katalinuhan, at
tagumpay sa edukasyon lalo na kung sinusuportahan ng mga pantulong na aksyon tulad ng deworming
at micronutrient fortification o supplementation.

NURSE JED: Tama ka dyan Cyrus, Sa nakalipas na anim (6) na taon, ang Department of Education
(DepEd) sa pamamagitan ng Bureau of Learner Support Services (BLSS) – School Health Division (SHD) ay
nagsagawa ng mga pagpapabuti ng patakaran upang matiyak na ang feeding program ay nakakatugon sa
mga layunin nito. Ipinahihiwatig ng taunang pagsusuri sa programa na 73% ng kulang sa nutrisyon na
mga benepisyaryong mag-aaral ay nagko-convert sa normal na nutritional status sa pagtatapos ng 120
araw ng pagpapakain. Napansin din ang pagtaas ng pagpasok sa paaralan ng mga benepisyaro ng higit
kumulang 98%.

AYESHA: Upang mas mapatibay ang School-Based Feeding Program, katuwang nito ang iba pang
programang pangkalusugan katulad ng Wash in Schools o WinS at Gulayan sa Paaralan. At syempre
magiging posible ang pagsasagawa ng programang ito sa pagtutulungan ng mga kawani ng paaralan,
mga magulang, stakeholders at ng pamunuang bayan.

NURSE JED: Tunay ngang napakalaki ng benepisyo ang naidudulot ng programang ito sa ating mga mag-
aaral. At upang bigyan tayo ng karagdagang tips tungkol sa tamang nutrisyon, naririto ang ilan sa mga
masustansyang pagkain para sa mga bata na maaari mong ihanda at ihain:

CYRUS: Patatas, tinapay, kanin, pasta at Iba pang Starchy Carbohydrates.


Alam naman natin na ang carbohydrates ang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya, na mahalaga
para sa mga bata lalo na’t sila’y napakaaktibo. Ang mga ito rin ay nagtataglay din ng fiber at iba pang
mga esensyal na bitamina at mineral, na kailangan para sa paglaki at pag-unlad ng bata.
Maaari mong pakainin ang iyong anak ng tinapay, wholegrain cereals, o whole oats sa umaga. Sa
tanghalian at hapunan naman ay puwede kanin, pasta, o maari rin namang patatas.

AYESHA: Karne, manok, isda, at Iba pang mataas sa protinang pagkain.


Kailangan ng bata ng protina upang ang kanyang katawan ay lumaki at gumalaw nang maayos at
naaayon sa timbang. Kabilang dito ang pagbuo ng mga bagong tisyu at paggawa ng mga antibodies na
tumutulong sa paglaban sa mga impeksyon. Kung walang mahahalagang amino acids (ang mga naturang
building blocks ng protina), magiging mas madaling kapitan ng malubhang sakit ang mga bata.

CYRUS: Mga Gulay at Prutas, Hindi mawawala sa listahan ng mga masustansyang pagkain para sa mga
bata ang tanyag na “glow foods” na kinabibilangan ng mga gulay at prutas. Ang mga prutas at gulay ay
nagbibigay sa mga bata ng enerhiya, bitamina, anti-oxidant, fiber at maging tubig sa katawan.
AYESHA: Mga Dairy na Produkto, Ang gatas, yogurt, keso ay mga masustansyang pagkain para sa mga
bata habang lumalaki. Ang mga ito ay mataas sa calcium, na gumagana upang palakasin ang mga buto
ng katawan at mapanatili ang tibay ng ating mga ngipin

NURSE JED: At upang mahikayat at ating mga kabataan na kumain ng masustansyang pagkain. Ang ilang
mga tips na ito ay maaari ring makatulong upang masanay ang mga bata na kumain ng mga
masusustansyang pagkain.

CYRUS: Ugaliin ang pagkain nang sabay-sabay. Gawing family time ang pagkain ng
agahan, tanghalian, at hapunan.

AYESHA: Maghain ng iba’t ibang masustansyang pagkain at meryenda. Maaari rin


hiwain at ihain ang mga pagkain sa mga kawili-wiling hugis o itsura.

CYRUS: Iwasan ang maghanda at mag-imbak ng mga pagkaing mayroong added


sugar, saturated at trans fats, at sodium.

AYESHA: Alukin sila ng mga prutas bilang meryenda.

NURSE JED: Maraming salamat kuya Cyrus at Ate Ayesha sa mga impormasyon na inyong naibahagi,
nawa ang lahat ng ito ay makatulong upang mas maintindihan ng lahat ang kahalagahan ng pagkaroon
ng magandang Kalusugan. At dyan na nagtatapos ng ating programa, maraming salamat sa lahat ng
tagapakinig, hanggang sa susunod! Paalam!!!

You might also like