Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

IKALAWANG SEMESTRE

TESKTONG IMPORMATIBO

-tekstong nagbibigay o nagtataglay ng tiyak na impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari. Sinasagot nito ang mga
tanong na ano, sino, at paano tungkol sa isang paksa.
-Masasabing OBHETIBO ang mga tekstong impormatibo dahil naglalahad ito ng tiyak na katotohanan o kaalaman nang walang
pagkiling

- Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang impormasyon para sa mga mambabasa, sapagkat marami ang
nagtitiwala na may katiyakan ang mga impormasyon sa mga ganitong uri ng teksto. Naniniwala ang mga mambabasa na ang
tekstong kanilang binabasa ay nakapagbibigay liwanag sa mga katanungan sa kanilang isipan.
- Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.
- Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang
pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye, at pagpapakahulugan ng impormasyon.

Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang pampanitikan na naglalaman ng Tekstong Impormatibo
Mga sangguniang aklat tulad ng mga ensayklopedia, almanak, batayang aklat, dyornal ,ulat, pananaliksik, artikulo, komentaryo,
polyento o brochure, suring -papel, sanaysay mungkahing proyekto, balita, infomercial memorandum, at anunsyo

Dalawang Uri Ng Impormasyon


 Sa tuwiran, ang impormasyon ay mula sa orihinal na pinagmulan nito o batay sa kaalaman ng nagpapahayag o mayakda.
 Sa hindi tuwiran, ang impormasyon ay mula sa kuwento ng ibang tao na naipasa na lamang sa iba.

ELEMENTO NGTEKSTONG IMPORMATIBO


 pagbibigay kahulugan Ipinapaliwanag ang ganitong uri ng kahulugan ng isang salita, termino o konsepto. ( denotatibo /
konotatibo)
 paghahambing -ang tesktong nasa estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng
anomang bagay, konsepto o pangyayari
 sanhi at bunga -ito ay estruktura na nagpapakita ng pagka ugnayugnayan ng mga pangyayari at kung paanong kinalabasan ay
naging resulta ng mga naunang pangyayari
 Paglilista ng Klasipikasyon-ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati -hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba't ibang
kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.

Ano-ano ang mga bahagi ng tekstong impormatib?

 Ang SIMULA higit na dapat bigyang pansin sapagkat ito ang magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa
isang katha. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng bumabasa.
 Sa bahaging KATAWAN O PINAKAGITNA naman ay natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng paglalahad.
Dapat magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.
 Ang WAKAS ay ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng bumabasa. Katulad ng simula, ang
wakas ay maaaring isang parirala, isang pangungusap, o isang talata

TEKSTONG DESKRIPTIBO

- Ang tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan.
- Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama:
paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama.
- Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at kakayahan sa paglikha ng isang masining na paglalarawan.
Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon at maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang paglalarawan ng isang
pangyayari, karanasan, bagay, lugar, tao atbp. Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang pampanitikan.
- Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at
damdamin ng mga mambabasa
HALIMBAWA NG MGA SULATIN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
- mga akdang pampanitikan ,talaarawan, talambuhay, polyetong panturismo, suring-basa ,obserbasyon sanaysay ,rebyu
ng pelikula o palabas
KATANGIAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
- Malinaw at pangunahing impresyon na ninilikha sa mga mambabasa
- Maaring Obhetibo at Subhetibo at maari ring magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba't ibang tono
at paraan sa paglalarawan
- Maging espisipiko at maglaman ng mga kongretong detalye. Layuning ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagy o
animang paksa na inilalarawan

OBHETIBO- ang paglalarawan kung itoy pinagbayatang katotohanan.


SUBHETIBO- ang paglalarawan ng manunulat at maglarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa
subalit hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay. Maaring likhang isip lamanng ng manunulat.

URI NG PAGLALARAWAN

1. Karaniwang Paglalarawan – Literal at pangkaraniwan ang gumagamit ng paglalarawan . Obhetibo ang paglalahad ng
kongkretong katangian ng mga impormasyon sapagkat tiyak ang paglalarawan . Payak at simple lang gamit ng salita upang
maibigay ang katangian ng nakita, narinig , nalasahan , naamoy at nararadaman sa paglalarawan .
2. Masining na Paglalarawan – Di literal ang paglalarawan at ginagamit ng matatalinghaga o idyomatikong pagpapahayag.
Malayang nagagamit ang malikhaing imahinasyon upang bigyang buhay ang isang imahen o larawan taglay nito ang
kasiningan ng pagpapahayag ng damdamin at pananaw ng sumulat.
3. Deskriptib Impresyunistik ay uri ng tekstong naglalarawan na nanagpapakita lamang ng pansariling pananaw o opinyon at
personal na pakiramdam ng sumulat.
4. Deskriptib Teknikal ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na
datos, mga ilustrasyon, at dayagram

TEKSTONG NARATIBO

- Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay.


- Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling
karanasan, totoong kaganapan o di-piksyon, maaari ding likhang isip lamang ng manunulat o piksyon.
- Layunin nito ay makapagbigay–aliw o manlibang sa mga mambabasa. Ang halimbawa ng tekstong naratib ay ang maikling
kuwento, alamat, at nobela.
- Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din namang ito ay nanggaling mula sa
sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa
kathang-isip ng manunulat (piksyon)

Ginagamit din ang pagsasalaysay sa pagbuo ng maikling kuwento at creative non -fiction

Maikling Kwento Creative Non-Fiction


Katangian Malikhaing pagsasalaysay na bunga ng Malikhaing pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
imahinasyon
Sangkap Banghay, Tagpuan , Tauhan , Galaw ng Impormasyong inilahad sa malikhaing pamamaraan
Pangyayari
Nilalaman May suliranin ang isang pangunahing tauhan Makatotohanang inilalahad ang tunay na karanasan ng
na kayang lulutasin. Magkakaroon ng hadlang tauhan, Inilalarawan ang lipunan sa makatotohanang
sa paglutas niya sa suliranin. Ito ang tunggalian pamamaraan . Pagkatapos ay sinusuri ang malalim na
na magiging sanhi ng kapanabikan. Sisidhi ang implikasyon nito sa karanasan ng nakararami sa lipunan.
tunggaliang ito hanggang sa umabot sa Inilalahad ito sa tuwiran ( Di direktang sabi ng tauhan) o
kasukdulan na susundan ng kakalasan. Ang di tuwirang ( paggamit ng simbolismo) pamamaraan
resulta ng tunggalian na siyang kakalasam nito
ang susundan ng wakas.
Elemento Panimula, mga hanay ng pangyayari tungo sa Detalyadong hango s atunay na pangyayari
tunggalian , Kasukdulan, Kagyat ng kakalasan Masusing Pananaliksik
at Wakas Naidodokumentong karanasan at personal na opinion
Pagpapaliwanag sa personal na karanasan o paksa sa mga
mambabasa
Kadalasang isinusulat bilang sanaysay
TEKSTONG PROSIDYURAL

- ng tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay. Naglalahad ito ng wastong
pagkakasunod- sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa paggawa.

- Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na instruksiyon o direksiyon upang maisakatuparan nang maayos at
mapagtagumpayan ang isang makabuluhang. gawain

Ang pagsulat ng tekstong ito ay binubuo ng apat na bahagi, tulad ng mga sumusunod

1. Inaasahan o Target na Awtput – tumutukoy sa kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.

2. Mga Kagamitan - Maaaring ilarawan sa bahaging ito ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay ang katangian ng
isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag-aaral kung susundin ang gabay. Nakalista ito sa pamamagitan ng
pagkasunod-sunod kung alin ang gagamitin. Maaaring hindi Makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi
gagamit ng anomang kagamitan.

3. Metodo – ito ay nagsasaad ng serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto.

4. Ebalwasyon - Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa.

Ito ay sa pamamagitan nang mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o makina o di kaya ay mga pagtataya kung nakamit
ang kaayusan ng layunin ng prosidyur.

Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading, numero, dayagram, at mga larawan upang maging mas malinaw ang
pagpapahayag ng instruksiyon.

Mahalagang alamin at unawain kung sino ang nakikinig o nagbabasa ng teksto upang mapagdesisyunan kung anong uri at antas
ng wika ang gagamitin.

May mga tiyak na katangian ng wikang madalas gamitin sa tekstong prosidyural.

1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.


2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
3. Gumamit nang tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.
4. Gumamit nang malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi
ng teksto.

Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon tulad ng hugis, laki, kulay, dami, atbp.

Tekstong Argumentatibo

- Tekstong argumentatib ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral na kaugnayan ng mga
proposisyon na nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na
bakit.

URI NG PANGANGATWIRAN

- PASAKLAW- pangangatwiran kung nagsisimula ito sa pangkalahatang patungo s atiyak at detalyado . Magsisimula ito sa
isang teorya na tatapatan ng kaugnay na hypothesis. Susundan ito ng mga obserbasyon at mga pagpapatunay.
- PABUOD-

Tekstong Persuweysib
- Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga mga payahag upang makapanghikayat o
makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa.
- Ito ay may layunin na maglahad ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay makahihikayat ng mga mambabasa o
tagapakinig na maniwala sa kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa isang paksa.
- Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging
kapanipaniwala. Ang mga halimbawa nito ay ang mga patalastas, talumpati, editoryal, at sanaysay.

Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle:

1. Ethos hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o personalidad ng
manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o karapat-dapat na panigan ang
tagapanghikayat.
2. Logos salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita.
3. Pathos tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig.

You might also like