Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Mary Cres D.

Otaza

BEED III - TE31

1. Ano ang mensaheng gustong iparating ng awitin?

- Ang mensahe ng awitin ay para bang hinahamon tayo na

lumikha ng isang Pilipinas na ipagmamalaki ng ating bayani,

at sinasabing may kaunting Jose Rizal sa ating lahat, na kaya

nating tumalon sa sirang tulay patungo sa liwanag, gaya ng

ginawa niya.

2. Kaninong Anino ang dapat nating labanan? Ipaliwanag.

- Ang aninong kailangan nating labanan ay ang kahirapan.

Sinisimbolo sa awitin ang kahirapan bilang anino na

naghahadlang sa atin upang makita ang liwanag na

nangangahulugang kasaganahan sa buhay. Ang anino ay

marahil tayo ring mga Pilipino na walang lakas ng loob

upang imulat ang ating isipan sa nangyayari sa ating bansa

at makiisa upang solusyonan ito. Ang mga anino ay

sumisimbolo sa mga kahirapan na kailangan nating


malampasan bago natin makamit ang ating mithiin o

makita ang liwanag sa ating buhay.

3. Makatulong ba ang paglaban sa mga anino para

maipakita ang pagmamahal sa bayan? Pangatwiranan.

- Makakatulong ang paglaban sa mga anino na pumipigil sa

atin upang umunlad na maipakita ang pagmamahal sa

bayan. Ninais ng ating mga bayani na mawala ang mga

aninong nagpahirap sa ating bayan sa loob ng tatlong

daang taon at makamit ang kalayaan at kaginhawahan,

kaya ang tungkulin natin bilang Pilipino ay huwag silang

biguin at huwag sayangin ang kaning pagsasakripisyo ng

sariling buhay para sa bayan. Dapat tayo ay maging mga

mamamayan na nalalaman ang tunay na kulay ng kanilang

anino at ng mga aninong gumagalaw sa ating kapaligiran.

You might also like