Pagbasa Sa Akdang The Bicol Dotoc, Performance, Postcoloniality, and Piligrimage Ni Jazmin Badong Llana

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Romano B. Redublo MA- MP 2013- 18681 PanPil222 Prop.

Raniela Barbaza

Taal na Dayo/ Dayong Taal---- Pagbasa sa Akdang The Bicol Dotoc: Performance, Postcoloniality,

and Piligrimage ni Jazmin Badong Llana

“I am an insider studying my own culture from the outside”, 1


paulit- ulit na binanggit ng may-

akda at Bicolanang si Jazmin Badong Llana ang mga salitang ito sa kaniyang papel na may pamagat na

The Bicol Dotoc: Performance, Postcoloniality, and Piligrimage. Bilang isang iskolar at mananaliksik na

nag- aaral sa isang banyagang unibersidad, pinili ni Llana na bigyang- tuon ang isang paksang kabisado at

gamay na niya, ito ang Dotoc. “The Dotoc is a religious devotion to the Holy Cross…A variant of the

santacruzan described by Tiongson (1975)…”, 2 Subalit habang isinasagawa ang pananaliksik, napansin

niyang tila isa na siyang dayo sa kaniyang kinalakhang bayan. Marahil, dahil na rin sa pangingibang-

bansa kaya ganito na niya nakikita ang isang tradisyong dati’y sobrang pamilyar sa kaniya. Sabi nga, tayo

ay produkto ng komunidad na ating kinamulatan, at sa panahon ngayon kung kailan naniniwala tayong

ang mundo ay isa na lamang patag na lupa kung saan maaari tayong magpalipat- lipat ng puwesto, tila

tayong lahat ay magiging produkto ng iba’t ibang komunidad na may iba’t ibang tradisyon at kultura.

Isang pangkaraniwang tradisyon sa Bicolandia ang pagsasagawa ng Dotoc. Kaya nabanggit din ni

Llana na noong bata pa siya ay tila di niya napapansin, o di na talaga niya ito pinagtutuunan ng pansin,

sapagkat napakaordinaryo nito para sa kaniya. Marahil ay ganoon naman ang halos lahat sa atin,

nakalilimutan nating kahit ang mga napakasimple at napakapayak na bagay o pangyayari sa ating paligid

ay maaaring pagkunan at paghanguan ng kaalaman. Nasa pagpapakadalubhasa o post- graduate studies na

si Llana nang mapagtanto niyang napakainam na pag- aralan ang Dotoc bilang tagapagmapa at

tagapagmarka ng kasaysayan. Higit na naging interesante at kapana- panabik ang Dotoc noong lumabas
1
Jazmin Llana. Ethnograpgic Seeing and Cultural Performance: What is Wrong with My Gaze?. The Bicol Dotoc:
Performance, Postcoloniality, and Piligrimage.(Aberyswyth University, 2009), 341.
2
Llana, The Bicol Dotoc: Performance, Postcoloniality, and Piligrimage, 12.
1
na siya ng bansa. Baon ang kaniyang mga bagong kaalaman at danas, tiningnan niya Dotoc sa bagong

perspektibo. Nakita at naramdaman niya sa pagkakataong iyon ang mga bagay na dati ay di niya nakita at

naramdaman. Napansin siyang bagaman ang Dotoc ay “pamana” ng mga Espanyol, nabago at naihulma

na ito ng mga Bicolano nang naaayon sa kanilang panlasa at pangangailangan. . Dapat nga kayang

ganito? Para makita natin ang halaga at importansiya ng ating sariling kultura, kailangan natin munang

makita ito “mula sa labas”. Bagaman di kumbensiyunal ang metodong ito, ang pagtingin sa sariling

bayan bilang isang “dayuhan”, marahil ay isa itong bagong paraan upang makita natin nang malinaw at

higit na mapahalgahan ang mga pangkaraniwang bagay na dati ay binabalewala natin at di pinagtutuunan

ng pansin.

2
Sanggunian:

Llana, Jazmin. “Ethnograpgic Seeing and Cultural Performance: What is Wrong with My Gaze?”. The

Bicol Dotoc: Performance, Postcoloniality, and Piligrimage. Aberyswyth University, 2009: ms

You might also like