Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Piliin ang angkop na pang-uri upang mabuo ang pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

21. ______________ na bata si Jean kaya siya’y kinalulugdan ng lahat.


a. mabait c. masigla

b. malakas d. matapang

22. Si Michael ay _______________ na bata dahil hindi siya mahilig sa masusustansiyang pagkain.
a. malungkot c. masigla

b. maselan d. sakitin

23. Tunay na dalagang Pilipina si Sheila kaya kulay ________________ ang kaniyang balat.
a. kayumanggi c. maitim

b. mamula-mula d. puti

24. _______________ ni Isabel ang kaniyang mga magulang kaya ayaw niyang mawalay sa kanila.
a. aliw na aliw c. mahal na mahal
b. ayaw na ayaw d. sunod na sunod

25. _______________ ang matangos na ilong ng kanilang panauhin.


a. agaw-pansin c. kambal tuko

b. balat sibuyas d. suntok sa buwan

26. “Sanay ang anak ko na nakahiga nang patagilid,” sambit ni Aling Minda. Anong uri ng pang-abay ang
makikita sa pangungusap?
a. Pang-abay na Pamanahon c. Pang-abay na Pamaraan
b. Pang-abay na Pamilang d. Pang-abay na Panlunan

27. “Halina kayo, maraming masasarap na pagkain sa kantina,” yaya ni Ana sa kaniyang mga kaklase.
Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?

a. Pang-abay na Pamaraan c. Pang-abay na Pang-agam

b. Pang-abay na Pamanahon d. Pang-abay na Panlunan


28. “Inay, bakit gabi-gabi, ikaw ay nakikita kong umiiyak?”, tanong ni Nene sa ina. Anong uri ng pang-
abay ang may salungguhit?

a. Pang-abay na Pamanahon c. Pang-abay na Pamaraan

b. Pang-abay na Pamilang d. Pang-abay na Panlunan

29. “Sa Lunes ka na magsisimula sa iyong bagong trabaho,” sabi ng manedyer kay Roland. Anong uri ng
pang-abay ang ginamit sa pangungusap?

a. Pang-abay na Pamanahon c. Pang-abay na Panang-ayon

b. Pang-abay na Pamaraan d. Pang-abay na Panlunan

30. “Doon tayo mamamasyal sa plasa ng Panay dahil balita ko nagagandahan ang mga parol doon,” sabi
ni Robert. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
a. Pang-abay na Pamanahon c. Pang-abay na Pananggi

b. Pang-abay na Pamaraan d. Pang-abay na Panlunan

31. “Nakita kong mahigpit na hinawakan niya ang kamay ng aking kapatid,” kuwento ni Rose. Anong uri
ng pang-abay ang ginamit?
a. Pang-abay na Pamanahon c. Pang-abay na Panang-ayon

b. Pang-abay na Pamaraan d. Pang-abay na Panlunan

32. “Mag-eehersisyo tayo tuwing umaga para lalo pa tayong lalakas!” yaya ni Nida sa kaibigang si Liza.
Anong uri ng pang-abay ang ginamit?

a. Pang-abay na Pamaraan c. Pang-abay na Pang-agam

b. Pang-abay na Pamanahon d. Pang-abay na Panlunan

33. “Inay, bakit patayo kang nagdarasal?”, tanong ni Lynlyn sa ina. Ang salitang patayo sa pangungusap
ay halimbawa ng:
a. Pang-abay na Pamaraan c. Pang-abay na Pang-agam

b. Pang-abay na Pamanahon d. Pang-abay na Panlunan


34. “Narinig kong sa bagong resort idaraos ang kaarawan ni Kristine.” Anong uri ng pang-abay ang
ginamit sa pangungusap?

a. Pang-abay na Pamanahon c. Pang-abay na Pananggi

b. Pang-abay na Pamaraan d. Pang-abay na Panlunan

35. “Kailangan, araw-araw ay nagsisipilyo ka ng ngipin mo anak,” paalaala ni Aling Martha sa bunsong
anak. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?

a. Pang-abay na Pamaraan c. Pang-abay na Pang-agam

b. Pang-abay na Pamanahon d. Pang-abay na Panlunan

You might also like