Noli Me Tangere Buod NG Buong Kwento

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento

Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay isang Pilipino ngunit siya ay pinag-aral ng
ama na si Don Rafael sa ibang bansa. Mahigit pitong taon itong tumira sa Europa bago
ito muling bumalik ng Pilipinas.

Naghanda ng malaking salu-salo sa bahay ni Kapitan Tiago upang salubungin ang


binata. Inimbitahan din ang ilang panauhin katulad nina Padre Damaso, Padre Sibyla,
Tinyente Guevarra, Donya Victorina, at ilang may impluwensya sa lipunan.

Ipinahiya ni Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Ibarra ngunit wala itong
ginawa bagkus pinagpasensyahan lang niya ang pari. Magalang itong nagpaalam at
nagdahilang may ibang pupuntahan.

Si Maria Clara ang magandang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ang anak-anakan ni
Kapitan Tiago, mayamang taga-Tondo.

Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinabukasan pagkatapos dumalo sa pagtitipon.


Nagkaroon ng pagkakataon ang magkasintahan na muling balikan ang kanilang mga
ala-ala. Muling binasa ng dalaga ang liham na binigay ng binate bago pa ito tumungo
sa Europa.

Pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guevarra bago ito umalis upang ipagtapat ang
pagkamatay ng ama. Isinalaysay ng tinyente na naakusahan ang ama na erehe at
pilibustero dahil sa hindi nito pagsisimba at pangungumpisal.

Ipinakulong si Don Rafael dahil sa pagkamatay ng isang Kastila sa kasalanang di naman


siya ang may gawa. Malapit na sanang malutas ang paglilitis nang magkasakit at
kalauna’y namatay ang ama ni Ibarra.

Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay nito at ilipat
sa libingan ng mga Intsik. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi kinaya na buhatin ang bangkay
kung kaya’t itinapon nalang ito sa lawa.

Sa kabila ng nangyari ay hindi hinangad ni Ibarra na makapaghiganti, sa halip


ipinagpatuloy niya ang adhikain ng ama na makapagtayo ng paaralan.
Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas. Muli na
namang tinira ni Padre Damaso ang binata.

Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil si Ibarra. Kamuntikan na niyang saksakin


ang pari kung hindi lang siya napigilan ni Maria Clara. Dahil sa nagawa ni Ibarra ay
naging ekskumunikado siya.

Sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra at inutusan si


Kapitan Tiago na itigil ang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra. Nagpasya si Padre
Damaso na ipakasal si Maria Clara kay Alfonso Linares.

Sa labis na pagdaramdam ng dalaga ay nagkasakit ito. Sa tulong ng Kapitan Heneral ay


napawalang bisa ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra.

Subalit may mga taong sumalakay sa kwartel at si Ibarra ang pinagbintangan. Kahit
walang kasalanan ay dinakip at binilanggo ang binata. Nakatakas si Ibarra sa tulong ni
Elias.

Nabigyan naman ng pagkakataon ang magkasintahan na makapag-usap bago gawin


ang planong pagtakas. Doon nalaman ni Ibarra na si Padre Damaso ang totoong ama ni
Maria Clara kung kaya’t tutol ito sa pagmamahalan at planong pagpapakasal ng dalawa.

Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas man sila sa ilang gwardiya
sibil nasundan pa din ang kanilang bangkang sinasakyan. Inisip ni Elias na iligaw ang
mga humahabol sa pamamagitan ng paglusong nito sa tubig.

Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng mga sibil


hanggang sa magkulay dugo ang tubig. Nawalan ng pag-asawa si Maria Clara dahil
pag-aakalang patay na si Ibarra.

Napagdesisyunan nitong pumasok sa kumbento upang maging isang madre. Napilitang


pumayag si Padre Damaso sa dalaga dahil magpapakamatay daw ito pag hindi ito
pumayag.

Noche Buena na nang makarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at


nanghihina. Doon ay natagpuan niya si Basilio at malamig na bangkay ni Sisa.
Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias. Mamamatay siyang hindi nakikita
ang maningning na pagbukang liwayway. Ngunit para sa mga makakakita, bilin niya na
batiin ito at huwag ding makakalimot sa mga nabulid sa dilim ng gabi.

PAGKILALA SA MAY AKDA


Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal,At inilathala noong 1887, sa
Europa. Hango sa Latin ang pamagatnito na nitomay kahulugang “huwag mo akong salingin ( o
hawakan )”.Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus kayMaria Magdalena na
“ Huwag mo akong salingin sapagkat hindiPa ako nakaaakyat sa aking ama.” Mas madalas itong
tinatawagNa Noli; at ang salin nito sa Ingles ay Social Cancer. SinundanIto ng El Filibusterismo

URI NG PANITIKAN
Ang Noli Me Tangere ay isang nobela na uri ng kwento.Ang nobelang ito ay sumasalaysay
saconflict problemang“Man vs. Society” o “Tao laban sa Lipunan.”Ang Noli Me Tangere ay
tungkol sa mga lipunan. DitoIsinalaysay ni Rizal ang kahirapan sinapit ng mga PilipinoSa
gobyerno ng kastila . Ang El Filibusterismo ay kwentonaman tungkol sa paghihiganti . Ang
paghihiganti ni CrisostomoIbarra sa gobyerno ng kastila kaya iniba niya ang kanyangPangalan at
katauhan, siya na si Simuon, ang mag – aalahas.Inalay ni Rizal ang El Filibusterismo sa 3 Pari
ang GOMZURA.
TEMA AT PAKSA SA MAY AKDA
Ang temang tinalakay sa nobelang Noli Me Tangere ay ang mgaHindi katanggap-tanggap na
Gawain ng mga kinauukulan sa pamahalaan at simbahan noong panahon ng mga
kastila sa Pilipinas. Ipanapakita ng nobela ang mga kanser ng lipunan na maaring kapulutan
ng aral ng mgamambabasa. Dahil sa pagmumulatng nobela hinggil sa mga kanser na ito,
nagagawang palakasin ang inspirasyongng mga kabatan na baguhin ang Sistema sa lipunan.
LAYUNIN NG MAY AKDA
Ayon sa liham ni Dr. Jose Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt,Ang mga layunin nya ay ang mga
sumusunod: Matugon ang paninirangP u r i n g i p i n a r a t a n g m g a k a s t i l a s a m g a
P i l i p i n o a t s a b a n s a . M a i u l a t a n g kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga
paniniwala,pag-asa,mithiin o
adhikain,karaingan at kalungkutan. Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon ng
ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama. Maipaliwanag angp a g k a k a i b a
ng tunay sa di-tunay na relihiyon. Mailantad ang kasamaang nakakubli sa
k a r i n g a l a n n g p a m a h a l a a n . M a i l a r a w a n a n g m g a k a m a l i a a n , masamang hilig,
kapintasan at kahirapan sabuhay

Noli Me Tangere Tauhan at Kanilang mga


Katangian
1. Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin
Anak ni Don Rafael; kasintahan ni Maria Clara; pangunahing tauhan sa nobela

2. Maria Clara

Kasintahan ni Crisostomo Ibarra; anak-anakan ni Kapitan Tiago; anak ni Pia


Alba at ng paring si Padre Damaso

3. Kapitan Tiago o Don Santiago de los Santos

Ama-amahan ni Maria Clara; asawa ni Pia Alba

4. Pia Alba

Asawa ni Kapitan Tiago; hinalay ni Padre Damaso; ina ni Maria ClarA

5. Tiya Isabel

Tiya ni Maria Clara at tumulong sa pagpapalaki dito; pinsan ni Kapitan Tiago

6. Don Rafael Ibarra

Ama ni Crisostomo Ibarra; mayaman kung kaya’t labis na kinainggitan ni Padre


Damaso

7. Don Saturnino

Lolo ni Crisostomo Ibarra

8. Kapitan Heneral

Pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas

9. Don Pedro Eibarrimendia


Ninuno ni Crisostomo Ibarra na naging dahilan ng matinding kasawian ng
nuno ni Elias

10. Padre Damaso Verdolagas

Ninong ni Maria Clara; humalay kay Pia Alba; nagpahukay sa bangkay ni Don
Rafael

11. Padre Bernardo Salvi

Kurang pumalit kay Padre Damaso; nagkaroon ng lihim na pagtingin kay


Maria Clara

12. Padre Hernando De La Sibyla

Kura ng Tanawan; palihim na sumusubaybay kay Crisostomo Ibarra

13. Pilosopo Tasyo o Don Anastacio

Matalino ngunit tingin ng karamihan ay baliw

14. Donya Victorina de los Reyes de Espadaña

Nagpapanggap na Kastila; asawa ni Don Tiburcio

15. Don Tiburcio de Espadaña

Isang pilay na Kastilang napadpad sa Pilipinas; asawa ni Donya Victorina;


nagpanggap na doctor

16. Donya Consolacion

Asawa ng alperes; malupit at masama ang ugali

17. Alperes
Asawa ni Donya Consolacion; lider ng mga gwardiya sibil; kaagaw ng kura sa
kapangyarihan sa San Diego

18. Kapitan Pablo

Kapitan ng mga tulisan; tinuturing na ama ni Elias

19. Don Filipo Lino

Ama ni Sinang; Bise-Alkalde

20. Elias

Nagligtas kay Crisostomo Ibarra; anak ng angkang kaaway ng mga ninuno ni


Ibarra

21. Sisa

Inang nabaliw sa paghahanap sa dalawang anak; asawa ni Pedro

22. Pedro

Iresponsableng asawa ni Sisa; mahilig sa sugal at lasenggo

23. Crispin

Bunsong anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw; tagapag-patunog ng


kampana sa simbahan

24. Basilio

Panganay na anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw; tagapag-patunog ng


kampana sa simbahan
25. Linares

Umiibig kay Maria Clara at napiling mapangasawa nito; pinsan ng inaanak ni


Padre Damaso

26. Tinyente Guevarra

Tinyente ng gwardiya sibil; kaibigan ni Don Rafael; nagkwento kay


Crisosotomo Ibarra tungkol sa sinapit ng kanyang ama

27. Nol Juan

Namahala sa pagpapagawa ng paaralan

28. Lucas

Taong madilaw; nagtangkang pumatay kay Crisostomo Ibarra

29. Albino

Dating seminarista; kasintahan ni Victoria

30. Andong

Napagkamalang pilibustero

31. Balat

Tiyuhin ni Elias na naging tulisan

32. Tarsilo at Bruno Alasigan

Mga anak ng lalaking pinatay ng mga Kastila


33. Andeng

Kinakapatid ni Maria Clara; mahusay sa pagluluto

34. Iday

Magandang kaibigan ni Maria Clara; tumutugtog ng alpa

35. Sinang

Masayahing kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio

36. Neneng

Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara

37. Victoria

Tahimik na kaibigan ni Maria Clara; kasintahan ni Albino

38. Leon

Kasintahan ni Iday

39. Kapitana Maria

Pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama; babaeng makabayan

40. Hermana Rufa

Kampi kay Padre Damaso

41. Don Primitivo

Marunong mangatwiran at mahilig magsalita ng Latin; pinsan ni Tinchang;


tagapayo ni Kapitan Tinong
42. Kapitana Tinchang

Matatakuting asawa ni Kapitan Tinong

43. Kapitan Tinong

Naparusahan dahil sa pakikipagkaibigan kay Crisostomo Ibarra

44. Kapitan Basilio

Kapitan sa bayan ng San Diego

You might also like