Detalyadong Banghay Aralin

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

BAAO COMMUNITY COLLEGE

San Juan. Baao, Camarines Sur

Banghay ng Pagkatuto sa Filipino


Baitang 7

I. Kasanayang Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Naipapaliwanag sa sariling salita ang epiko;

B. Naibabahagi ang sariling saloobin patungkol sa sanhi at bunga; at

C. Naisasagawa ang mga indibidwal at pangkatang gawain.

II. Nilalaman

A. Paksa: Prinsipe Bantugan

B. Sanggunian: Aklat sa Filipino-Baitang 7 Panitikang Rehiyonal pahina 36-39

C. Dulog: Gawain at Paglalapat

D. Estratehiya: Talakayan at Pagbabahagi

E. Kagamitang Pampagtuturo: Biswal, Larawan, Laptop at Big Book

F. Integrasyon: Power Point Presentation

G. Kasanayang Pagpagpapahalagang Moral: Nakakapulot ng aral mula sa


paksa.
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Pagbati Isang mapagpalang araw Mapagpalang araw din
sa inyong lahat! po Ma’am.
Kumusta ang lahat? Maayos naman po.
Handa na ba ang lahat Handa na po kaming
na matutong muli? matuto
Mabuti naman kung
ganun.

2. Panalangin Bago tayo mag simula


inaanyayahan ko ang (Pansariling Panalangin)
lahat na tumayo para sa
ating panalangin na
pangungunahan ni Mary
Joy
Amen.

3. Pagsasaayos ng silid Bago umupo ang lahat.


- aralan Mangyari lamang na
pulutin na muna ninyo
ang mga nakikitang kalat
at pakiayos na din ng
inyong mga upuan.
Maaari na kayong Maraming salamat po
umupo. Ma’am.

4. Pagtatala ng liban Makinig ng mabuti.


Kapag natawag ang
inyong pangalan ay
mangyari lamang na
sabihin ang narito kung
nandito kayo sa loob ng
silid aralan Opo Ma’am

5. Pagbabalik-Aral Bago magsimula ang


talakayan nais ko
munang tawagin si
Jenicah upang
magbahagi muna para sa
ating pagbabalik-aral
Maaari po ba? Opo Ma’am
Ang tinalakay po noong
nakaraan ay tungkol sa
pabula ng maranao na
pinamagatang ang Ang
Aso at Ang Leon na kung
saan ay may aral itong
nais iparating sa atin
sinasabi dito na huwag
mong gawin sa iba ang
ayaw mung gawin sa iyo
dahil sahuli ay magsisisi
ka rin sapagkat ang
taong ginawan mo ng
masama ay ibinalik din
sayo kung anu ang
ginawa mo dito

Mahusay!
Maraming salamat
Jenicah sa iyong
pagbabahagi.

6. Pagwawasto ng May ibinigay akong


kasunduan o takdang takdang aralin sa inyo?
aralin Tama ba? Opo Ma’am
Mangyari lamang na ang
inyong mga takdang
aralin ay ipasa na sa
unahan ng walang ingay.
Isa sa aking ibibigay na
kasunduan sa inyo ay sa
oras ng aking
pagtatalakay
kinakailangan na huwag
kayong maingay. Kung
ang iba sa inyo ay hindi
sumunod sa kasunduan
ay siyang aking
patatayuin hanggang sa
matapos ang talakayan.
Maliwanag ba ito sa
inyo? Opo Ma’am

B. Pagganyak Ngayon ay magkakaroon


tayo ng pagganyak na
kung saan kung saan ito
ay tinatawag na
#PASS THE CABBAGE
Mekaniks: Ipapasa ang
cabbage ng maingat sa
inyong katabi habang
sinasabayan ng tunog
mula sa speaker. Kung
sino ang mahintuan ng
tunog ay siyang sasagot
sa aking ibibigay na
tanung.

Mga Tanong: Inaasahang kasagutan


mula sa mag - aaral:
1. Ano ang pagkakaalam
mo kapag naririnig mo 1. Ang epiko ay isang uri
ang salitang epiko? ng panitikan na
tumatakay sa mga
2. Ano ang ibig sabihin kabayanihan at
ng sanhi? pakikipagtunggali ng
3. Ano ang ibig sabihin isang tao o mga tao
ng bunga? laban sa kaaway na
halos hindi
mapaniwalaan dahil may
mga tagpuang
makababalaghan at di-
kapani-paniwala.
2. Ito ay tumutukoy sa
pinagmulan o dahilan ng
isang pangyayari.
3. Ang bunga ay siyang
kinalabasan o dulot ng
naturang pangyayari.

Mahusay ang inyong


mga kasagutan.
Mahalagang tandaan
ninyo na ang epiko ay
punong-puno ng mga
kagila-gilalas na mga
pangyayari.ang bawat
pilipino ay may
ipinagmamalaking epiko.

Pagpaskil ng mga layunin


Bago ang lahat Mary Ann
Cuachin pakibasa po ng
ating mga layunin:
A. Naipapaliwanag sa
sariling salita ang epiko;
B. Naibabahagi ang
sariling saloobin
patungkol sa sanhi at
bunga; at
C. Naisasagawa ang
mga indibidwal na
gawain at pagkatang (Binasa ng mag-aaral na
gawain. si Mary Ann)

C. Paunang Gawain Ngayon ay magkakaroon


tayo ng pangkatang
gawain at tatawagin itong
#ISAAYOS MO AKO!
Panuto: Mahahati sa
dalawang grupo ang (ang mga mag aaral
klase kung saan masiglang
isasaayos ninyo ang magpapartisipasyon sa
salitang at kinakailangan pangkatang gawain)
na magbahagi kayo ng
ideya sa nabuo ninyong
salita. Bibigyan ko kayo
ng 3 minuto upang pag
usapan ito.

1. AMTPAAGN 1. MATAPANG - ibig


sabihin ay malakas ang
loob. May kakayahan ang
isang tao na harapin ang
takot at panganib na
kanyang pagdadaanan.

2. AKMIGIS 2. MAKISIG - ito ay


tumutukoy sa isang
katangian ng indibidwal
na karaniwan ng lalaki na
mayroong magandang
tindig at pangangatwan.

D. Paghawi ng sagabal Para sa paghawi ng


sagabal ay may inihanda
akong isang gawain at
tatawagin natin itong:
#ILARAWAN MO AKO
Panuto: tingnan ang mga
larawan na kung saan ay
tutukuyin ninyo kung ano Mga inaasahang
ang mga ito at ilarawan kasagutan:
ninyo kung ano ang
pagkakaintindi ninyo dito.

1. Prinsipe 1. Prinsipe-siya ay isang


makisig at matipunong
2. Prinsesa lalaki.
3. Kaharian 2. Prinsesa-isang
4. Loro magandang babae.
3. Kaharian-isang
palasyo na tinutulyan ng
mga hari at reyna.
4. Loro-isang uri ng ibon
na may makukulay na
balahibo.

Mahusay ang inyong


mga kasagutan.
Palakpakan ang inyong
mga sarili.

Mahuhusay! Ang inyong


mga kasagutan ay tama.
Batid ko na kayo ay
mayroon ng ideya
tungkol sa ating paksang
tatalakayin.
Ang lahat ba ay nais
pang makinis sa aking
tatalakayin ngayong
araw?

E. Pagtatalakay sa paksa Alam ba ninyo na ang


Darangan ng mga
Muslim at isang tulang
pasalaysay tungkol sa
kabayanihan ng mga
taga Maguindanao, mga
gawaing kahanga hanga
at di sukat na
mapaniwalaang
kabayanihan at
kagitingan ng mga
mandirigmang muslis?
Maituturing itong
pinakamahalagang epiko
sa Pilipinas. Binubuo ito
ng apat na bolyum na
naglalaman ng
labintatlong awit o epiko
na kapupulutan ng
katutubong pananaw ng
mga muslim kabilang na
dito ang Prinsipe
Bantugan.

Ngayon ay aking
tatalakayin ang isang
epiko na pinamagatang
Prinsipe Bantugan.

Handa na ba ang lahat


Opo Ma’am
na makinig?
Bibigyan ko kayo ng
kopya ng Epikong
Prinsipe Bantugan upang
kayo ay maka sabay sa
aking babasahin?
Mangayari lamang na
makinig kayo sa aking
babasahin sapagkat
pagkatapos ng aking
pagtatalakay ay mag
kakaroon kayo ng mga
gawain tungkol sa ating
paksang tatalakayin

Prinsipe Bantugan
(Ikatlong salaysay
ng Darangan)

Magkapatid si
Bantugan at Haring
Madali ng kaharian ng
Bumbaran. Labis ang
inggit ni Haring Madali sa
kapatid sapagkat hindi
lamang ang kakaibang
katapangan ang totong
hinahangaan sa kaniya,
kundi maging ang
paghanga at
pagkakagusto ng
maraming dalaga dito.
Kaya bilang hari, ipinag
utos niya na walang
makikipag-usap kay
Prinsipe Bantugan at
sinuman ang sumuway
ay parurusahan niya ng
kamatayan.

Naging dahilan ito ng


pangingibang-bayan ni
Prinsipe Bantugan. Nang
nilisan niya ang
Bumabaran ay kung
saan-saan siya
nakarating. Isang araw
dahil sa matinding pagod,
nagkasakit at namatay
siya sa lupaing nasa
pagitan ng dalawang
dagat.

Natagpuan si Prinsipe
Bantugan ni Prinsesa
Datimbang at ng kapatid
nito na hari. Hindi nila
nakikilala si Prinsipe
Bantugan kaya
sumangguni sila sa
konseho kung ano ang
dapar nilang gawin.
Habang nagpupulong,
isang loro ang dumating
at sinabing ang bangkay
ay ang magiting na
Prinsipe Bantugan ng
kahariang Bumbaran
Samantala, bumalik ang
loro sa Bumbaran upang
ibalita kay Haring Madali
ang nangyari sa kaniyang
kapatid. Kaagad lumipad
sa langit ang hari upang
bawiin ang kaluluw ni
Prinsipe Bantugan. Nang
mga oras na iyon ay
pupunta rin sina Prinsipe
Datimbang sa Bumbaran
upang dalhin ang
bangkay ni Prinsipe
Bantugan kaya hindi na
ito inabutan ni haring
madali. Bumalik ang hari
sa Bumbaran at pilit
niyang ibinalik ang
kaluluwa ng kapatid.
Muling nabuhay ang
prinsipe at nag saya ang
lahat. Nagbago na rin si
Haring Madali.

Nabalitaan ni Haring
Miskoyaw na kaaway ni
Haring Madali ang
pagkamatay ni Prinsipe
Bantugan. Kasama ang
maraming kawal, nilusob
nila ang kaharian ng
Bumbaran.
Sa pagdating ng pangkat
ni Haring Miskoyaw sa
Bumbaran, hindi niya
alam na muling nabuhay
si Prinsipe Bantugan.
Dahil kakabuhay pa
lamang at napakarami ng
kalaban, madaling
nanghina ang prinsipe.
Nabihag siya at iginapos,
muling lumakas at
nakawala siya sa
pagkakagapos. Sa laki
ng galit sa mga kalaban,
lalo siyang lumakas at
nagawa niyang mapuksa
ang mga ito.

Nang matapos ang


labanan, pinasyal ni
Prinsipe Bantugan ang
buong BUmbaran. Lahat
ng kaniyang kasintahan
ay pinakasalan niya at
sila ay dinala niya sa
kanilang kaharian.
Pagdating sa kaharian,
masaya silang
sinalubong ni Haring
Madali. Masaya ng
namuhay si Prinsipr
Bantugan sa piling ng
pinakasalang mga
babae.

Naintindihan po ba ang
aking binasang epiko
tungkol sa Prinsipe
Bnatugan? Opo Ma’am

Kung ganun ay
inaasahan kong
masasagutan ninyo ang
ang aking inihandang
gawain.
Ang lahat ba ay handa ng
muling masubok ang
kaisipan? Opo Ma’am

F. Pagsasanay Mayroon akong


inihandang indibidwal na
mga gawain na
kinakailangan ninyong
sagutan.
PAGSASANAY 1:
Sagutin ang mga tanong Mga inaasahang
at isulat sa sagutang kasagutan:
papel.
Pagsasanay 1:
1. Bakit galit si Haring
Madali kay Prinsipe 1. Galit si Haring Madali
Bantugan? sapagkat si Prinsipe
Bantugan ay
2. Ano ang ginawa ni hinahangaan ng mga
Haring Madali ng kababaihan dahil sa
malaman niyang kanyang tapangan.
namatay si Prinsipe
Bantugan? 2. Lumipad siya sa langit
at hinihingi niya ang
3. Ano ang pangalan ng kaluluwa ni Prinsipe
kanilang kaharian? Bantugan.
4. Sino ang nagbalita kay 3. Bumbaran
Haring Madali sa
nangyari kay Prinsipe 4. Loro
Bantugan?
5. Haring Miskoyaw
5. Sino ang lumusob sa
harian ng Bumbaran?

PAGSASANAY 2:
Panuto: Gamit ang
Graphic Organizer sa
ibaba tukuyin ang Sanhi
at Bunga ng Epikong
Prinsipe Bantugan.
PRINSIPE BANTUGAN
PAGSASANAY 2:
Prinsipe Bantugan
SANHI BUNGA
SANHI
1. Ipinagbawal ni Haring
Madali ang paglapit kay
Prinsipe Bantugan
2. Namatay si Prinsipe
Bantugan dahil sa
matinding pagod at
gutom

BUNGA
1. Umalis si Prinsipe
Bantugan sa kaharian ng
Bumbaran
2. Lumipad sa si Haring
Madali sa langit upang
bawiin ang bangkay ni
Prinsipe Bantugan.

G. Paglalahat Upang mas mapalalim pa


natin ang ating
karunungan ay dapat
masagutan ninyo ang
ang mahahalagang mga
katanungan na aking (aktibong nakikipag
inihanda: partisipasyon ang mga
mag - aaral)

1. Sino ang pangunahing 1. Si Prinsipe Bantugan


tauhan sa kwento? 2. Dahil naiingit siya kay
2. Bakit ipinagbabawal ni Prinsipe Bantugan
Haring Madali sa sapagkat ang mga
kanyang kaharian na kababaihan sa kaharian
huwag kausapin si at lubos na humahanga
Prinsipe Bantugan? kay Prinsipe Bantugan

3. Batay sa kwento ano 3. Ang aral na makukuha


ang aral na makukuha natin dito ay huwag mag
natin dito? selos sa iyong kapwa
dahil ito ay nagdadala ng
hindi magandang
pangyayari sa kapuwa
mo at sa iyong sarili.
Bukod rito, ipinapakita rin
sa kwento na ang mga
pagkakamali ay maari
pang baguhin kung ikay
handang gawin ang lahat
para maisaayos ito.

Batid kung ang lahat ay


lubos na nakinig sa aking
pagtatalakay.
H. Ebalwasyon
Ngayon, upang mas
maging malawak at siksik
ang ating kaalaman mula
sa epiko ng Prinsipe
Bantugan ay sagutan
lamang ang aking
inihandang ebalwasyon.
Panuto:
Isulat ang salitang ITIM
kung ang pahayag ay
tama at PULA naman
kung ang pahayag ay
mali.
Mga kasagutan:

___1. Ang epiko ay isang 1. Itim


uri ng panitikan na 2. Pula
tumatalakay sa
kabayanihan at 3. Itim
pakikipagtunggali. 4. Itim
___2. Sa epiko ang 5. Pula
gumaganap ay tanging
mga hayop. 6. Itim
___3. Ang epikong 7. Itim
Prinsipe Bantugan ay
isang tulang pasalaysay 8. Itim
tungkol sa kabayanihan.
9. Pula
___4. Ang kanilang
kaharian ay tinatawag na 10. Itim
Bumbaran
___5. Si Haring Madali
ay nagibang bayan.
___6. Si Prinsesa
Datimbang at ang
kanyang kapatid ang
naka kuha kay Prinsipe
Bantugan.
___7. Si Haring
Miskoyaw ang kaaway ni
Haring Madali.
___8. Ang loro ang
nagbalita sa kaharian sa
nangyari kay Prinsipe
Bantugan.
___9. Namatay ng
tuluyan si Prinsipe
Bantugan.
___10. Nagkasundo at
naging masaya sila
Hating Madali at Prinsipe
Bantugan.

I. Takdang Aralin
Panuto:
Gumawa ng isang
malayang tula patungkol
kay Prinsipe Bantugan.
Isulat ito sa isang malinis
na Bond Paper.

Maraming Salamat sa
inyong kooperasyon.
Naway marami kayong
natutuhan sa araw na ito.
Napaka husay ninyo
lahat binabati ko kayo.
Maraming Salamat din po
Ma’am.

Balikan Muli ang mga


Layunin: Babasahin muli ng guro:
A. Naipapaliwanag sa
sariling salita ang epiko;

B. Naibabahagi ang
sariling saloobin
patungkol sa sanhi at
bunga; at

C. Naisasagawa ang
mga indibidwal at
pangkatang gawain.

You might also like