Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Quarter: 4 Week: 1 Learning Area: MAPEH 5 (MUSIC)

May 2 -3, 2023 - Modular Distance Learning


Day 1
Home-Based Activities
DYNAMICS AT TEMPO
Ang Dynamics
May isang elemento ng musika na nagpapakita ng wastong pagpapahayag ng damdamin ng musika. Ito ay tinatawag
na dynamics. Ito ay ang iba’t ibang antas ng lakas o hina ng tunog o musika. Ang iba’t ibang antas ng dynamics ay
nagpapahayag ng iba’t ibang emosyon o damdamin. Ang malalakas na tunog sa musika ay maaaring magpahayag ng
galit, tagumpay at lakas ng tao. Ang mahihinang tunog o musika naman ay nagpapahayag ng damdamin na may
kapayapaan.
Mga Antas ng Dynamics
Ang mga salitang “mahina” at “malakas” ay karaniwang ginagamit upang ilarawan ang dynamics. Subalit may mga
salita na maaaring gamitin upang ipahayag nang wasto ang tamang antas ng lakas o hina ng isang tunog. Ang
dynamics ay ipinahahayag sa wikang Italyano na may katumbas na mga salitang Ingles at Filipino sa kasalukuyan.

Ang paghina o paglakas ng mga antas ng dynamics ay maaaring biglaan o dahan-dahan. Ito ay ipinakikita gamit ang
simbolong >para sa decrescendo o dahan-dahang paghina ng tunog sa musika at simbolong <para sa crescendo o
dahan-dahang paglakas ng tunog. Ang mga antas ng dynamics ay hindi lamang nailalarawan sa wikang Italyano. Ito
ay maaaring ilarawan sa sariling wika ng isang kompositor. Ang mga salita o parirala na “mahina”, “mas mahina”,
“malakas”, “higit na malakas”, o “pinakamalakas” ay ginagamit upang ilarawan ang mga antas ng dynamics sa
wikang Filipino sa kasalukuyan.
Ang mga Uri ng Tempo sa Musika
Bawat tao ay may kani-kaniyang musikang gustong pakinggan o kinagigiliwan. May mga tao na ang gusto ay mga
awiting mabibilis. Mayroon ding iba na ang gusto ay mababagal. At mayroon ding may gusto ng may katamtamang
bilis lamang. Ang pagpili ng uri ng awitin na nais pakinggan ay hindi lamang sa bilis o bagal nito kung hindi dahil sa
damdamin na ipinahahayag nito.
Ang tempo ay isang mahalagang elemento ng musika na nakapagpapahiwatig ng damdamin. Kadalasang ginagamit
nito ay mga salitang nasusulat sa wikang Italyano. Ang mga salitang ito ay nagbibigay ng ideya sa mga mang-aawit
o manunugtog kung gaano kabilis o kabagal ang dapat awitin o tugtugin ang isang kanta.

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang “Tama” kung wasto ang pahayag,
“Mali” naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
____1. Ang simbolo ng decrescendo ay >.
____2. Forte ang tawag sa antas ng boses ng nanay na nagpapatulog sa kaniyang sanggol.
____3. Higit na mas mahina ang pianissimo kaysa sa piano.
____4. Dapat nating lakasan nang dahan-dahan ang ating boses o pagtugtog kapag ang antas ng dynamics ay
crescendo.
____5. Inaawit nang mahina ang isang Lullaby.
Day 2
Home-Based Activities
GAWAIN 2
Panuto: Isulat ang nawawalang dynamics, tempo, simbolo o kahulugan upang makompleto ang talaan.

May 4 -5, 2023 - Face to Face


Day 3
I. LAYUNIN
Use appropriate musical terms to indicate variations in dynamics: piano (p), mezzo piano (mp), forte (f), mezzo forte
(mf), crescendo (<), decrescendo (> ) (MU5DY-IVa-b-2)
Use appropriate musical terminology to indicate variations in tempo: largo, presto, allegro, moderato, andante,
vivace, ritardando, accelerando. (MU5TP-IVc-d-2)

II. NILALAMAN
PAKSA: Dynamics at Tempo
CODE: . (MU5TP-IVc-d-2)
III. KAGAMITANG PANTURO:
References: MELC Grade V p.342, PIVOT 4A BOW p.245
Materials: laptop, ppt, kuwaderno, ballpen

Classroom-Based Activities
A. Preliminary Activities
A.1. Prayer
A.2. Reminder of classroom health and safety protocols
A.3. Checking of Attendance

B. Activity
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba.

C. Analysis
Ang Dynamics
May isang elemento ng musika na nagpapakita ng wastong pagpapahayag ng damdamin ng musika. Ito ay tinatawag
na dynamics. Ito ay ang iba’t ibang antas ng lakas o hina ng tunog o musika. Ang iba’t ibang antas ng dynamics ay
nagpapahayag ng iba’t ibang emosyon o damdamin. Ang malalakas na tunog sa musika ay maaaring magpahayag ng
galit, tagumpay at lakas ng tao. Ang mahihinang tunog o musika naman ay nagpapahayag ng damdamin na may
kapayapaan.
Mga Antas ng Dynamics
Ang mga salitang “mahina” at “malakas” ay karaniwang ginagamit upang ilarawan ang dynamics. Subalit may mga
salita na maaaring gamitin upang ipahayag nang wasto ang tamang antas ng lakas o hina ng isang tunog. Ang
dynamics ay ipinahahayag sa wikang Italyano na may katumbas na mga salitang Ingles at Filipino sa kasalukuyan.

Ang mga Uri ng Tempo sa Musika


Bawat tao ay may kani-kaniyang musikang gustong pakinggan o kinagigiliwan. May mga tao na ang gusto ay mga
awiting mabibilis. Mayroon ding iba na ang gusto ay mababagal. At mayroon ding may gusto ng may katamtamang
bilis lamang. Ang pagpili ng uri ng awitin na nais pakinggan ay hindi lamang sa bilis o bagal nito kung hindi dahil sa
damdamin na ipinahahayag nito.
Ang tempo ay isang mahalagang elemento ng musika na nakapagpapahiwatig ng damdamin. Kadalasang ginagamit
nito ay mga salitang nasusulat sa wikang Italyano. Ang mga salitang ito ay nagbibigay ng ideya sa mga mang-aawit
o manunugtog kung gaano kabilis o kabagal ang dapat awitin o tugtugin ang isang kanta.

D. Abstraction
Antas ng dynamics

Tempo ng musika

E. Application
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang “Tama” kung wasto ang pahayag,
“Mali” naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
____1. Ang simbolo ng decrescendo ay >.
____2. Forte ang tawag sa antas ng boses ng nanay na nagpapatulog sa kaniyang sanggol.
____3. Higit na mas mahina ang pianissimo kaysa sa piano.
____4. Dapat nating lakasan nang dahan-dahan ang ating boses o pagtugtog kapag ang antas ng dynamics ay
crescendo.
____5. Inaawit nang mahina ang isang Lullaby.
IV. Evaluation
Panuto: Isulat ang nawawalang dynamics, tempo, simbolo o kahulugan upang makompleto ang talaan.
PROFICIENCY LEVEL

You might also like