Professional Documents
Culture Documents
Mapeh W3 Q4
Mapeh W3 Q4
Tinikling
Ang Tinikling, isa sa mga popular at kilala na sayaw sa Pilipinas, ay nagmula sa lalawigan ng Leyte sa Visayas.
Hango ang pangalan ng tinikling mula sa “tikling”, isang uri ng ibon na may mahahabang paa at leeg, matulis ang
tuka at malalambot ang balahibo. Ang sayaw ay tulad sa galaw ng ibon, kung saan sila ay lumulusong sa gitna ng
mga damo at tumatakbo-takbo o lumulundag-lundag sa mga sanga o bitag sa mga palayan. Tinutularan ng mga
mananayaw ng Tinikling ang “tikling” sa yumi at bilis nito sa pamamagitan ng mahusay na pagdaan sa dalawang
mahabang piraso ng kawayan. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.
Maglalatik o Magbabao
Ang sayaw na Maglalatik ay nagmula sa Zapote at Loma ng Biñan, Laguna. Naglalarawan ito ng labanan ng mga
Moro at Espanyol sa kanilang pag- aagawan sa latik o sapal ng pinaglangis na kakanggata.
Gumagamit ng bao ng niyog sa pagsasayaw nito. Sinasayaw ito sa saliw ng rondalya sa batayang kumpas na 2/4.
Ang ritmo ng pagtatama ng mga bao ay nakatutulong sa pagbibigay-diin sa malakas na bagsak ng kumpas at ritmo.
Ang mga bao ay pares-pares na nakasabit sa harap ng dibdib, sa bandang ibaba sa likod ng balikat, sa magkabilang
baywang, at sa bandang itaas ng tuhod. May mga bao rin sa magkabilang kamay na itinatama upang lumikha ng
tunog sa mga baong nakakabit sa nabanggit na mga bahagi ng sariling katawan at sa mga kapwa mananayaw.
Karaniwang lalaki lamang ang sumasayaw nito na ang suot lamang ay pulang pantalon na nakatupi hanggang tuhod,
at ang mga baong nabanggit na nakatali sa iba’t ibang parte ng katawan. Ang maglalatik ay karaniwang sinasayaw
sa pista ni San Isidro Labrador tuwing buwan ng Mayo. Pinaniniwalaang taglay ng sayaw ang disiplina ng katutubong
paraan ng pagtatanggol sa sarili kung kaya’t karaniwang ituring ito bilang halimbawa ng sayaw na pandigma o
martial dance.
Pandanggo sa Ilaw
Ang Pandanggo sa Ilaw (Dance with Light) ay isang kultural na sayaw ng Pilipinas na naging popular sa mga rural
na lugar sa bansa. Ang sayaw na ito ay nagsimula sa sayaw na Fandango, katutubong sayaw ng mga Espanyol na
dumating sa Pilipinas sa panahon ng mga Kastila. Ang sayaw na ito ay naging sikat sa mga illustrados noon at sa
kalaunan ay naging tanyag na rin sa lokal na komunidad. Sa unang bahagi ng ika-18 siglo, ang anumang mga sayaw
na itinuturing na masigla at buhay na buhay ay tinatawag na Pandanggo.
Ang Pandanggo sa Ilaw ay sinasabing nag-simula sa Mindoro, ang ikapitong pinakamalaking isla sa Pilipinas. Ang
sayaw ng mga ilaw ay nahahalintulad sa mga
alitaptap (firefly) sa dapit-hapon at sa gabi. Ang Pandanggo Sa Ilaw ay siyang
pinaka- mahirap sa lahat ng pandanggos. Ito ay makulay at hindi pangkaraniwan
dahil ang babaeng mananayaw ay may tatlong lampara o “tinghoy” (oil lamp) – isa
sa ulo at dalawa sa likod ng bawat kamay. Ang partikular na pandanggong ito ay
nangangailangan ng kasanayan sa pagbabalanse ng tatlong tinghoy. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng
masisiglang mga hakbang at palakpakan. Ang mananayaw ng pandanggo ay tinatawag na “pandanggera”.
Singkil
Ang Singkíl ay isang sikat na sayaw ng mga taga-Maranao na ginaganap sa panahon ng pagdiriwang at iba pang
mga kasiyahan at kapistahan. Babaeng mananayaw ang sentro ng sayaw na ito at sinasabing ito ay isang
maharlikang sayaw ng mga Muslim o ng mga dugong bughaw. Sa saliw at tunog na dulot ng kawayan, ang babaeng
mananayaw ay nakabihis sa eleganteng Muslim na kasuotan at mahusay na humahakbang at hindi naiipit ang mga
paa sa bawat galaw ng kawayan, listo sa bawat kilos at sayaw na nagsisimula sa mabagal na tempo hanggang pabilis
ng pabilis ang indak habang may hawak na panyo o pamaypay at umiindak sa saliw ng kulintang at agung na siyang
mga pangunahing instrumentong ginagamit sa musika ng singkil.
Ayon sa alamat na isinulat noong ika-14 na siglo, ang sayaw na ito ay nagsasaad ng kwento tungkol kay Prinsesa
Gandingan na habang siya ay nasa gitna ng isang gubat, nagkaroon ng lindol na sanhi ng mga diwata ng gubat. Ang
mga kawayan na ginagamit sa sayaw ay kumakatawan sa mga puno na bumabagsak sa lupa na dulot ng paglindol.
Ang matapat na alipin ng Prinsesa ay nakasunod at nakapayong sa kanya habang pilit nyang tinatahak ang landas sa
gubat. Sa bandang huli, ang prinsesa ay nailigtas ng isang prinsipe. Hanggang ngayon, ang mga prinsesa ng Sulu ay
kinakailangang matutuhan ang mahirap at marangal na Sayaw sa Singkil.
Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita o parirala upang mabuo ang diwa ng pahayag. Hanapin ang mga sagot
sa loob ng kahon.
Day 2
Home-Based Activities
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang makulay na sayaw na ang mga mananayaw ay gumagamit ng tatlong “tinghoy”
A. Pandanggo sa Ilaw C. Singkil
B. Maglalatik D. Tinikling
2. Ang sayaw na Singkil ay may saliw at tunog na dulot ng kawayan at ang babaeng mananayaw ay nakabihis sa
eleganteng ________.
A. Camisa de Chino C. Muslim na kasuotan
B. Baro’t saya D. Patadyong
3. Ang sayaw na tinikling ay nagmula sa lalawigan ng mga ___________.
A. Bohol at Leyte C. Leyte at Samar
B. Leyte at Visayas D. Samar at Surigao
4. Ang Pandanggo sa Ilaw ay sinasabing nagsimula sa ________, ang ikapitong pinakamalaking isla sa Pilipinas.
A. Marinduque B. Masbate C. Mindanao D. Mindoro
5. Ang Maglalatik ay karaniwang sinasayaw sa pista ni ________ tuwing buwan ng Mayo.
A. San Isidro Labrador B. San Miguel Arkanghel
C. San Nicolas de Tolentino D. San Vicente Ferrer
II. NILALAMAN
PAKSA: Mga Katutubong Sayaw
CODE: (PEsRD-IVC-H)
B. Activity
A. Panuto: Iguhit sa iyong kuwaderno ang masayang mukha kung tama ang pahayag at malungkot na
mukha kung mali.
C. Analysis
Sa araling ito, makikilala mo at mabibigyang halaga ang kayamanan ng ating bansa sa tulong ng mga sayaw.
Matututuhan mo ang pinagmulan at katangian ng ilan sa mga katutubong sayaw ng ating bansa. Magagami mo rin
ang iyong kasanayan sa ritmo sa paglikha at pagtanghal ng iba’t-ibang sayaw.
D. Abstraction
Mga Katutubong Sayaw
Tinikling
Ang Tinikling, isa sa mga popular at kilala na sayaw sa Pilipinas, ay nagmula sa lalawigan ng Leyte sa Visayas.
Hango ang pangalan ng tinikling mula sa “tikling”, isang uri ng ibon na may mahahabang paa at leeg, matulis ang
tuka at malalambot ang balahibo. Ang sayaw ay tulad sa galaw ng ibon, kung saan sila ay lumulusong sa gitna ng
mga damo at tumatakbo-takbo o lumulundag-lundag sa mga sanga o bitag sa mga palayan. Tinutularan ng mga
mananayaw ng Tinikling ang “tikling” sa yumi at bilis nito sa pamamagitan ng mahusay na pagdaan sa dalawang
mahabang piraso ng kawayan. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.
Maglalatik o Magbabao
Ang sayaw na Maglalatik ay nagmula sa Zapote at Loma ng Biñan, Laguna. Naglalarawan ito ng labanan ng mga
Moro at Espanyol sa kanilang pag- aagawan sa latik o sapal ng pinaglangis na kakanggata.
Gumagamit ng bao ng niyog sa pagsasayaw nito. Sinasayaw ito sa saliw ng rondalya sa batayang kumpas na 2/4.
Ang ritmo ng pagtatama ng mga bao ay nakatutulong sa pagbibigay-diin sa malakas na bagsak ng kumpas at ritmo.
Ang mga bao ay pares-pares na nakasabit sa harap ng dibdib, sa bandang ibaba sa likod ng balikat, sa magkabilang
baywang, at sa bandang itaas ng tuhod. May mga bao rin sa magkabilang kamay na itinatama upang lumikha ng
tunog sa mga baong nakakabit sa nabanggit na mga bahagi ng sariling katawan at sa mga kapwa mananayaw.
Karaniwang lalaki lamang ang sumasayaw nito na ang suot lamang ay pulang pantalon na nakatupi hanggang tuhod,
at ang mga baong nabanggit na nakatali sa iba’t ibang parte ng katawan. Ang maglalatik ay karaniwang sinasayaw
sa pista ni San Isidro Labrador tuwing buwan ng Mayo. Pinaniniwalaang taglay ng sayaw ang disiplina ng katutubong
paraan ng pagtatanggol sa sarili kung kaya’t karaniwang ituring ito bilang halimbawa ng sayaw na pandigma o
martial dance.
Pandanggo sa Ilaw
Ang Pandanggo sa Ilaw (Dance with Light) ay isang kultural na sayaw ng Pilipinas na naging popular sa mga rural
na lugar sa bansa. Ang sayaw na ito ay nagsimula sa sayaw na Fandango, katutubong sayaw ng mga Espanyol na
dumating sa Pilipinas sa panahon ng mga Kastila. Ang sayaw na ito ay naging sikat sa mga illustrados noon at sa
kalaunan ay naging tanyag na rin sa lokal na komunidad. Sa unang bahagi ng ika-18 siglo, ang anumang mga sayaw
na itinuturing na masigla at buhay na buhay ay tinatawag na Pandanggo.
Ang Pandanggo sa Ilaw ay sinasabing nag-simula sa Mindoro, ang ikapitong pinakamalaking isla sa Pilipinas. Ang
sayaw ng mga ilaw ay nahahalintulad sa mga
alitaptap (firefly) sa dapit-hapon at sa gabi. Ang Pandanggo Sa Ilaw ay siyang
pinaka- mahirap sa lahat ng pandanggos. Ito ay makulay at hindi pangkaraniwan
dahil ang babaeng mananayaw ay may tatlong lampara o “tinghoy” (oil lamp) – isa
sa ulo at dalawa sa likod ng bawat kamay. Ang partikular na pandanggong ito ay
nangangailangan ng kasanayan sa pagbabalanse ng tatlong tinghoy. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng
masisiglang mga hakbang at palakpakan. Ang mananayaw ng pandanggo ay tinatawag na “pandanggera”.
Singkil
Ang Singkíl ay isang sikat na sayaw ng mga taga-Maranao na ginaganap sa panahon ng pagdiriwang at iba pang
mga kasiyahan at kapistahan. Babaeng mananayaw ang sentro ng sayaw na ito at sinasabing ito ay isang
maharlikang sayaw ng mga Muslim o ng mga dugong bughaw. Sa saliw at tunog na dulot ng kawayan, ang babaeng
mananayaw ay nakabihis sa eleganteng Muslim na kasuotan at mahusay na humahakbang at hindi naiipit ang mga
paa sa bawat galaw ng kawayan, listo sa bawat kilos at sayaw na nagsisimula sa mabagal na tempo hanggang pabilis
ng pabilis ang indak habang may hawak na panyo o pamaypay at umiindak sa saliw ng kulintang at agung na siyang
mga pangunahing instrumentong ginagamit sa musika ng singkil.
Ayon sa alamat na isinulat noong ika-14 na siglo, ang sayaw na ito ay nagsasaad ng kwento tungkol kay Prinsesa
Gandingan na habang siya ay nasa gitna ng isang gubat, nagkaroon ng lindol na sanhi ng mga diwata ng gubat. Ang
mga kawayan na ginagamit sa sayaw ay kumakatawan sa mga puno na bumabagsak sa lupa na dulot ng paglindol.
Ang matapat na alipin ng Prinsesa ay nakasunod at nakapayong sa kanya habang pilit nyang tinatahak ang landas sa
gubat. Sa bandang huli, ang prinsesa ay nailigtas ng isang prinsipe. Hanggang ngayon, ang mga prinsesa ng Sulu ay
kinakailangang matutuhan ang mahirap at marangal na Sayaw sa Singkil.
E. Application
Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita o parirala upang mabuo ang diwa ng pahayag. Hanapin ang mga sagot
sa loob ng kahon.
IV. Evaluation
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang makulay na sayaw na ang mga mananayaw ay gumagamit ng tatlong “tinghoy”
A. Pandanggo sa Ilaw C. Singkil
B. Maglalatik D. Tinikling
2. Ang sayaw na Singkil ay may saliw at tunog na dulot ng kawayan at ang babaeng mananayaw ay nakabihis sa
eleganteng ________.
A. Camisa de Chino C. Muslim na kasuotan
B. Baro’t saya D. Patadyong
3. Ang sayaw na tinikling ay nagmula sa lalawigan ng mga ___________.
A. Bohol at Leyte C. Leyte at Samar
B. Leyte at Visayas D. Samar at Surigao
4. Ang Pandanggo sa Ilaw ay sinasabing nagsimula sa ________, ang ikapitong pinakamalaking isla sa Pilipinas.
A. Marinduque B. Masbate C. Mindanao D. Mindoro
5. Ang Maglalatik ay karaniwang sinasayaw sa pista ni ________ tuwing buwan ng Mayo.
A. San Isidro Labrador B. San Miguel Arkanghel
C. San Nicolas de Tolentino D. San Vicente Ferrer
PROFICIENCY LEVEL