Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

AKNUN

SALIN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG BLAAN


AKNUN
SALIN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG BLAAN

Talaan ng Nilalaman

I Kagu Kabol (Ang Paglalakbay ni Kabol)


01 Salin ni: Carlo C. Estraza

Bulen na Datù Ulu Éél (Si Buwan at si Datù Ulu Éél)


03 Salin ni: Marvie Gwen D. Nomananap

Kadsù di Kaflah Fali (Rituwal sa Pagtatanim ng Palay)


05 Salin ni: Sherine Faith D. Pamoceno

Datù na Agafan Anuk (Ang Datu at ang Alagang Manok)


07 Salin ni: Jio Roy L. Paparang

Siling (Ang Smaléng)


09 Salin ni: Roy L. Sanot
AKNUN
SALIN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG BLAAN

Richard P. Moral, Jr., PhD


Propesor, Fil 255 (Sining ng Pagsasalin)

Roy L. Sanot
Tagadisenyo

Jio Roy L. Paparang


Tagaguhit

Carlo C. Estraza
Marvie Gwen D. Nomananap
Sherine Faith D. Pamoceno
Jio Roy L. Paparang
Roy L. Sanot
Mga Tagapagsalin
AKNUN 01
SALIN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG BLAAN

I Kagu Kabol
Tmulen: Lourdes M. Miguel
Snulat: Barbara Mae R. Galzote
Dave Nick D. Besana
Gumdà: Glan, Saranggani Province
Bnatak: Jio Roy L. Paparang

Madarong di yéél, glibut dad malbang bulul, nun mnè too


lehew lmnaf. Mnè dini bong ftam kabol.

Mlius i du, too mlirù Kabol. Ta mti tabakùan. Manan, “Tay,


kliru gu, landè tabakù gu. Tayò fa, guna gu smalaf lalol.”

Ksalaf ku lalol, santifun sifit du dagangan fafdalol, Man


Kabol, “ Na gu maweng fafdalol.”

Tlag maweng, gamwè satu bong bakog sifit lalol. Tlag


kamwa aweng, nun niten dad to.

Tagliusan file tukè bulul, kanto la santinang bohol. Na


kabol, ta tnarè di kagol. Garè Kabol na tninag la kenen du
nimòla uten. Nan fanlanan kanwah aweng balù tamduk seey di
kagolan. Lehew Kabol du gaganan fa fawag na là gfati dad to
dun.

Mdà atù, ta too mingat Kabol. Ta là samfulêan di yèèl du


garèan là fye gbunùan did dad to mayè kmaan dun na di
daremen kabol.
02 AKNUN
SALIN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG BLAAN

Ang Paglalakbay ni Kabol


Isinalaysay ni: Lourdes M. Miguel
Isinulat nina: Barbara Mae R. Galzote
Dave Nick D. Besana
Mula sa: Glan, Saranggani Province
Iginulit ni: Jio Roy L. Paparang
Isinalin sa Filipino ni: Carlo C. Estraza

M alapit sa lawa na pinaliligiran ng malalaking


bundok, may isang malaki, maitim at masayahing
hayop na naninirahan doon. Siya ay si Kabol.
Lumipas ang ilang araw, nakaramdam ng lungkot si
Kabol dahil naubusan siya ng tabako. Sabi niya, “Ang lungkot
naman nito, naubusan ako ng tabako. Sandali at pupunta ako
sa lawa nang makapanghuli ng mga isda.”
Tinipon niya ang mga isdang kaniyang nahuli upang
ibenta. “Mamamangka ako upang sa gayon mas marami pa
akong mahuhuli,” wika niya.
Nagdala siya ng malaking buslo upang may paglagyan
ng mga nahuling isda habang namamangka. Siya ay
nagsagwan nang nagsagwan hanggang narating niya ang
isang mataong lugar.
Maraming bundok ang kaniyang nadaanan sa
pamamangka. Sa hindi inaasahang pangyayari, pinana siya
ng mga tao at tinamaan ang kaniyang likod. Alam ni Kabol na
gagawin siyang ulam kaya binilisan niya ang pagsagwan kahit
mahapdi ang kaniyang sugat. Sa kabila ng iniindang kirot,
masaya si Kabol dahil nagawa pa rin niyang makalayo sa mga
taong iyon.
Nang dahil sa nangyari, labis na ang pag-iingat ni Kabol
at nangakong hinding-hindi na siya babalik sa naturang lawa
dahil alam niyang maraming tao ang nais humuli sa kaniya at
sa kanyang mga kasama upang gawing ulam.
AKNUN 03
SALIN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG BLAAN

Bulen na Datù Ulu Éél


Tmulen: Nimfa Bago
Snulat: Emy Lou J. Pandato
Gumdà: Malungon, Sarangani
Bnatak: Jio Roy L. Paparang

Satu du stulen Datὺ Ulu Éél di Kane Bulen du mni tabeng.


“Bulen, fandemam agu sundangam.”

“Datὺ, dét gukmamum sundang gu?” “Là, bek gu sufè


salminang,” manan.

“Dét gukmamum sufè kè?” salek Bulen. “Là,” manan, “mimò


agu gumnè.”

“Datὺ, dét gukmamum dun?” tnὺ salek Bulen. “Là, gufkah


gu fali,” manan.

“Datὺ, dét gukmamum fali?” “Là, fan gu knaan kel di landè


sen,” man Datὺ. Duenman fandem Bulen kanen sundang.

Man Bulen, “Gal ge meye ku dét Kagkah gu silang ge, mlah


fali. Fye bong ulê falim.”

Duenman, dad Blaan ku mlah fali na mele sufè gal la neye


kagkah bulen.
04 AKNUN
SALIN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG BLAAN

(Si Buwan at si Datù Ulu Éél


Isinalaysay ni: Nimfa Bago
Isinulat ni: Emy Lou J. Pandato
Mula sa: Malungon, Sarangani
Iginulit ni: Jio Roy L. Paparang
Isinalin sa Filipino ni: Marvie Gwen D. Nomananap

I sang araw nakiusap si Datὺ Ulu Éél Kay Buwan na tulungan siya nito .
“Buwan, pahiramin mo ako ng iyong “Kris (Isang uri ng patalim na
pagmamay-ari ng Datu)”.
“Datu para saan mo gagamitin ang “Kris” ko? “Wala, Ipangputol ko
sana ng “Kling Blawen(Isang tiyak na katawagan para sa uri ng kawayan
na tinutukoy ng sufè salminang )” aniya. “Saan mo naman gagamitin ang
“Kling Blawen”? Tanong ni Buwan. “Wala, Ipanggagawa ko sana ng
bahay.” Sagot ni Datu.
“Datu, para saan naman ang bahay? Dagdag na tanong ni Buwan.
“Paglalagyan ko sana ng palay” wika ng Datu.
“Datu, para saan naman ang palay?”
“Magiging pagkain ko sa habang buhay” Sagot ng Datu. Kaya naman
pinahiram siya ni Buwan ng kaniyang “Kris”
Nangusap si Buwan “Tingnan mo muna ang Kagkah (posisyon o
kinaroroonan ng Buwan sa kalangitan) ko bago ka magtanim ng palay
para magkaroon ka ng masaganang ani.
Kaya naman, bago magtanim ng palay ang mga Blaan, tinitingnan
muna nila ang kagkah ng Buwan.
AKNUN 05
SALIN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG BLAAN

Kadsù di Kaflah Fali


Tmulen: Desmi Kalayan
Snulat: Melbert T. Baran
Gumdà: Malapatan, Sarangani Province
Bnatak: Jio Roy L. Paparang

Di munan, nun salay mfun mabal Inigo. Satu du, kaflah la


fali na le damsù. Tmabeng dareme la. Di kadsù la mimò ale
butnì fat lahanan. Nataf la nenge na ikat la di fat lahan fat anuk.

"Tmatê ato anuk na mebe to knaan. Knaan to karang," man


tua lagi mebe kadsù.

Mlibut ale walu dulê na mahak. Kafngen, mahak ale fabtal.


Turà la ahak na mkit ale kafngen.

Di kasfulê la di gudamsù klola kmaan Di kakaan la man


sulê smungit kat satu di dale.

Fatan la ktalù Imugan. Du beg mlo silang fanak i Imugan,


ta gafloh la knaanla mkit ale du lehew ale, "Nun fanden to fye
fali. Balù tua to dini landè sasè kel di gito!"

"Fye du mlo kakutal Imugan. Ku fanak di là gafloh to fa


knaan landè fanden to fye. Balù bong fali gwè to dini, ku nun
tamduk to, landè gukmamu dun," man tua lagi.

Too mabtas Imugan di dad Blaan du yé falninge la i unin


gumeye la di kaflah la fali. Di kadsù na di kalflinge la uni Imugan
fanden la fye ulê fali la na fye kagkah.
06 AKNUN
SALIN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG BLAAN

Rituwal sa Pagtatanim ng Palay


Isinalaysay ni: Desmi Kalayan
Isinulat ni: Melbert T. Baran
Mula sa: Malapatan, Sarangani Province
Iginulit ni: Jio Roy L. Paparang
Isinalin sa Filipino ni: Sherine Faith D. Pamoceno

N
oong unang panahon, mayroong mag-asawang nagmamay-ari ng isang
malawak na sakahan. Isang araw, nagtanim sila ng palay at
nagsagawa ng isang rituwal. Tumulong ang kasamahan nila sa
pagsagawa ng nasabing rituwal. Gumawa sila ng butni, isang lalagyang
hugis parisukat na may apat na poste, at saka nila inaptan ng nenge, isang uri
ng punong ginagawang bubong ang mga dahon. Itinali nila sa apat na poste ang
apat ding manok.
“Mag-ihaw na tayo ng manok at magdala na rin tayo ng kanin nang may
makain tayo mamaya,” sabi ng matandang lalaking nagsagawa ng rituwal.
Naglibot sila nang walong beses at nagsimula nang magtanim. Pagkatapos
nito ay tuloy-tuloy na ang kanilang pagsasaka. Sa huli, itinapon nila ang ahak,
isang uri ng kahoy na matulis ang dulong bahagi, at saka sabay-sabay na
sumigaw bilang pagbubunyi.
Bumalik sila sa lugar kung saan sila nagsagawa ng rituwal at doon na
kumain. Sa pagkain, isang beses lang susubo ang bawat isa sa kanila.
Hinintay nila ang paghuni ng lmugan, isang uri ng ibong kawangis ng Ibong
Adarna, ngunit natagalan ang ibon bago tumigil. Nang nalunok na nila ang
kanilang pagkain, sila ay sumigaw dulot ng pagiging maligaya. “May hihintayin
tayong masaganang ani kasama ng ating nakatatanda rito. Walang masamang
mangyayari sa atin.”
“Mabuti naman at matagal ang paghuni ng lmugan. Kung sakaling tumigil
agad, hindi natin malulunok ang ating kinakain at tinitiyak kong wala tayong
aasahang magandang balita. Kahit maganda ang ani natin dito kung may sakit
tayo, wala ring kapupuntahan,” sabi ng matandang lalaki.
Mahalaga ang lmugan sa mga Blaan sapagkat iyan ang pinakikinggan at
nagiging gabay nila sa kanilang pagtatanim ng palay. Sa rituwal at sa
paghihintay ng huni ng lmugan, may aasahan silang masaganang ani at
magandang buhay.
AKNUN 07
SALIN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG BLAAN

Datù na Agafan Anuk


Tmulen: Deborah M. Ganton
Snulat: Devie Rose Sim
Gumdà: Maasim, Sarangani Province
Bnatak: Jio Roy L. Paparang

Di munan, nun salay mfun mabal Inigo. Satu du, kaflah la


fali na le damsù. Tmabeng dareme la. Di kadsù la mimò ale
butnì fat lahanan. Nataf la nenge na ikat la di fat lahan fat anuk.

"Tmatê ato anuk na mebe to knaan. Knaan to karang," man


tua lagi mebe kadsù.

Mlibut ale walu dulê na mahak. Kafngen, mahak ale fabtal.


Turà la ahak na mkit ale kafngen.

Di kasfulê la di gudamsù klola kmaan Di kakaan la man


sulê smungit kat satu di dale.

Fatan la ktalù Imugan. Du beg mlo silang fanak i Imugan,


ta gafloh la knaanla mkit ale du lehew ale, "Nun fanden to fye
fali. Balù tua to dini landè sasè kel di gito!"

"Fye du mlo kakutal Imugan. Ku fanak di là gafloh to fa


knaan landè fanden to fye. Balù bong fali gwè to dini, ku nun
tamduk to, landè gukmamu dun," man tua lagi.

Too mabtas Imugan di dad Blaan du yé falninge la i unin


gumeye la di kaflah la fali. Di kadsù na di kalflinge la uni Imugan
fanden la fye ulê fali la na fye kagkah.
08 AKNUN
SALIN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG BLAAN

Ang Datu at ang Alagang Manok


Isinalaysay ni: Deborah M. Ganton
Isinulat ni: Devie Rose Sim
Mula sa: Maasim, Sarangani Province
Iginulit ni: Jio Roy L. Paparang
Isinalin sa Filipino ni: Jio Roy L. Paparang

d
umating ang taggutom sa bayan ng Datú. Walang halaman, walang pagkain,
kahit tubig ay wala. Dumating ang El Niño kaya walang tubig at lahat ng
halaman ay nalanta. Kaya sinabi ng Datú sa kaniyang mga tauhan na
“Pumunta tayo sa bukid upang maghanap ng tubig.”
Sa paglalakad nila ay wala silang makitang tubig. Wala silang makitang tubig sa kahit ilat.
Umakyat sila ng bukid ngunit wala pa rin silang kahit kakaunting tubig.
Malayo na ang kanilang napuntahan. Umabot na sila sa ikapitong bukid. Mabilis nilang
dinaanan ang ilat. “Dumiretso na lang tayo sa unahan, baka may tubig doon.” saad ng Datú sa
kaniyang tauhan. Sumama ang Datú at binaba niya ang kaniyang alagang manok sa daan dahil
iniingatan niya ito.
May nakita silang kakaunting daloy ng tubig “Dumiretso tayo roon” saad ng Datú. Umabot
sa kaniyang paa ang umaagos na tubig. “Kumuha kayo ng tubig” saad ng Datú. Kinuha niya
ang baso upang lagyan ng tubig ngunit biglang pinagaspas ng manok ang kaniyang mga
pakpak dahilan upang matapon ang basong may tubig.
“Mamaya ka lang uminom, papainumin kita kaya huwag kang mag-aalala.” saad ng Datú sa
kaniyang alagang manok.
Kumuha na naman siya ng tubig upang inumin ngunit pinagaspas ng manok ang kaniyang
pakpak kaya na tapon na naman ang basong may tubig. Ilang beses natapon ang tubig sa baso
nang dahil sa manok.
Sa pang-apat na beses, nilagyan na naman niya ng tubig ang baso. Nang iinumin na ng
Datú ang tubig ay pinagaspas na naman ng manok ang kaniyang mga pakpak kaya natapon
ang baso sa bato. Sa galit niya ay winasiwas niya ang manok. Napukol ang ulo ng manok kaya
namatay ito. “Tingnan ninyo sa unahan baka may maraming tubig doon” saad ng Datú sa
kaniyang mga tauhan. Nang pumunta sila sa unahan ay may malaking sawa.
Patakbong bumalik sa kaniya ang kaniyang mga tauhan at sabay sabing “Hindi iyon tubig
Datú, iyon ay malaking sawa!”
“Kaya pala ayaw uminom ng manok kasi marumi ang tubig.” saad ng kaniyang tauhan.
“Kahabag-habag sa aking manok dahil namatay upang iligtas ako mula sa maruming tubig.”
pagsisisi ng Datú.
Kaya pala tinatapon ng manok ang tubig upang hindi ito mainom ng Datú. Malaki ang
naidulot niyang kabutihan sa Dwata dahil nailigtas siya.

Talâ para sa mambabasa:


Dwata- Panginoon ng mga Blaan
AKNUN 09
SALIN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG BLAAN

Siling
Tmulen: Hamesio W. Balunto
Snulat: Rosita M. Balunto
Glena T. Leysa
Gumdà: General Santos City
Bnatak: Jio Roy L. Paparang

Di munan nun kun siling. Ise kenen to. Mnè kenen di lam
dlag di malbang kayu gambet bad. Fye gumnèan. Mbal nus na
tno i gufanakan. Siling ani fakay flingu to. Ganbetan baweh mà,
yê na dad ngà na balù dét kayèan kafbaweh.
Satu du nun ngà salu lam dlag lon satu. Nun siling flingu na
ganbetan baweh mà i ngà. Lalò i ngà ani siling nawan ku màan.
Tlas i ngà di lam dlag kel di mlungay na gkurang kenen.
Neben mkef di tahà kayu.
Gafaldam i ngà flau dad tuan, “Silang gu gulê ani ku gatlê
agu.” Gulê i ngà.

Kakelan di gumnè, falnau dad tuan, “Bong fye salu di lam


dlag kabay nang ge bliwal ku lom satu, du tangal siling ge. Fye
du gatlê ge. Ku là na ta là gulê ge.”
10 AKNUN
SALIN NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG BLAAN

Ang Smaléng
Isinalaysay ni: Hamesio W. Balunto
Isinulat nina: Rosita M. Balunto
Glena T. Leysa
Mula sa: General Santos City
Iginulit ni: Jio Roy L. Paparang
Isinalin sa Filipino ni: Roy L. Sanot

N oong unang panahon, mayroong isang smaléng. Hindi


siya tao. Nakatira siya sa malaking kahoy ng balite sa
gubat. Maganda, mahangin, at malamig ang kaniyang
tirahan. Nagkukunwaring tao lamang ang smaléng.
Ginagaya niya ang mukha ng nanay, tatay, mga bata, at kung
sino-sino pang anyo ang kaniyang ibig gayahin.
Isang araw, may isang batang pumunta sa gubat nang mag-
isa. Sinundan ng bata ang smaléng sa pag-aakalang tatay niya ito.
Naligaw ang bata sa gubat hanggang sa siya’y napagod at
napaidlip.
Naalala ng bata ang payo ng kaniyang mga magulang,
“Makauuwi ka lamang kapag ika’y makaihi.” At nakauwi nga ang
bata.
Pagdating niya sa kanilang bahay ay agad siyang pinayuhan
ng kaniyang mga magulang, “Hindi ka maaaring pumunta sa gubat
nang mag-isa, dahil kukunin ka ng smaléng. Buti na lang at nakaihi
ka, dahil kung hindi, hindi ka na nakauwi.”

Talâ para sa mambabasa:


Ang smaléng o siling ay isang uri ng babaeng
engkanto, may mahaba at kulot na buhok, nag-
aanyong tao, at nakatira sa punong balite sa gubat.
Iba-ibang mukha ang kaniyang ginagaya.
Nangunguha ito ng mga bata.

You might also like