Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang kalikasan ay gawa ng Diyos.

Ito ay isang yaman ng ating mundo na dapat ingatan at


alagaan. Kahit saan ka tumingin ay makakakita ka ng mga puno, bulaklak, halaman, ibon, at mga
hayop. Kung walang mga puno, yamang tubig at lupa,mabuhay kaya tayo? Mahalaga ang ating
Inang Kalikasan dahil ito ang pangunahing dahilan kung bakit tayo nakakalanghap ng sariwang
hangin. Kung walang mga puno ay walang malinis na hangin tayong malalanghap at puro
maduduming hangin lamang. At sa kalikasan tayo kumukuha ng ating mga ikakabuhay. Saan ba
tayo kumukuha ng mga tubig na ating ginagamit pang-inom, panluto, panligo at iba pa? Hindi ba
sa mga puno o mga yamang tubig? Kung wala ang mga ito Hindi tayo mabubuhay. Ang tubig ay
napaka importanting sangkap sa ating buhay, at napakaganda ng ating kapaligiran dahil ito ang
biyaya ng puong maykapal.
Para sa akin, ay hindi dapat sirain ang ating kalikasan para sa ating sariling pag –
unlad. Unang – una sa lahat, ang pagsira sa kalikasan ay makakasama sa bawat nilalang sa mundo.Sa mga hayop,
sila’y mawawalan ng tirahan. Sa atin mga tao, tayo’y mawawalan ng pagkukunan ng ating pangunahing
pangangailangan. At sa ating mundo, masisira ang lahat ng bagay na may koneksyon o may pinagkukuhanan
pangangailangan sa kalikasan. Ang pag-sira sa kalikasan ay hindi rin makabubuti sa ating kalusugan, dahil ito’y
magdudulot ng matinding init, na maaring magdulot ng heatstroke. Hindi lang iyan ang maaring maging dulot ng
pagkasirang kalikasan. Ang mga matitinding pag-baha, malalakas na pag – ulan, soil erosion, pagguhong lupa, at
marami pang iba na ang dahilan ay ang pagkasira ng kalikasan, nagawa nating mga tao sinasadya man o
hindi. Ating isipin ang kahalagahan ng kalikasan. Dapat nating alagaan ang ating kalikasan para
samagandang kinabukasan. “Hindi naman masama ang pag-unlad pero sana magtrabaho tayo para sa isang pag-
unlad na mulat na ang mundo ay isang tahanan para sa ating lahat. Hindi lang tayo ang may karapatang mabuhay.
Lahat ng mga nilalang ng Diyos sa ating kapaligiran dapat ituring din natin na bahagi ng pamilyang
ipinagkatiwala ng Diyos sa tao nanilikha niya bilang tagapangalaga.”
Dapat tayong maging responsable sa paggamit ng mga makukuha natin na mula sa kalikasan, simula sa
tubig, hanggang sa pagkain. Mahalin natin ang ating kalikasan dahil ito rin ang tutulong satin upang umunlad pa
ang ating mundo, na may pananalig sa Panginoon dahil isa Siya sa tutulong upang umunlad ang ating kalikasan
para mas mabuting kinabukasan.Dapat nga bang sirain ang kalikasan para sa ating pag – unlad?May dahilan rin
naman kung bakit kailangan natin pakialaman ang kalikasan para sa ating pag – unlad. Ang paggalaw sa
ilang bahagi ng kalikasan ay magdudulot sa atin ng pag – unlad patungo sa maganda at modernong
panahon. Ang pagkakaroon ng mas makabagong mga teknolohiya ay makatutulong sa atin upang mas umunlad
sa tulong ng kalikasan. Maaring maging mali ito sa paningin ng ibang tao, pero ating tingnan kung ano ang
magiging mabuting epekto nito sa pag – unlad ng ating bansa, mundo at lalo na sa ating sarili. Maging responsible
lang sana tayo sa paggamit ng mga bagay na makukuha mula sa kaliksan. Isang halimbawa nito ay ang simpleng
pagtatanim ng puno, bilang kapalit sa mga nawalang puno na ginamit upang umunlad ang ating lipunan. Hindi
masama ang paggalaw sa kalikasan para sa pag-unlad kung tayo ay isang responsableng mamamayan.

You might also like