Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

3

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Pakikipagkalakalan Tungo sa Pagtugon
ng Pangangailangan
ng mga Lalawigan sa Rehiyon

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Contextualized Self-Learning Module
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Pakikipagkalakalan Tungo sa Pagtugon ng
Pangangailangan ng mga Lalawigan sa Rehiyon
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA


OIC, Office of the Regional Director: Nicolas T. Capulong, Ph.D., CESO V
OIC, Office of the Asst. Regional Director: Atty. Suzette T. Gannaban-Medina

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jessica R. Rabino


Editor: Marilou G. Rotoni
Tagasuri: Mariecor R. Ribot, Joseph L. Lozanta
Tagaguhit: Louie J. Cortez, Jefferson Repizo
Tagalapat: Vina R. Repizo
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong
Mariflor B. Musa
Freddie Rey R. Ramirez
Maria Luisa D. Servando
Melchor M. Famorcan
Ruben R. Dela Vega
Jordan D. Solatorio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA
Office Address: Meralco Avenue, Corner St. Paul Road, Pasig City
Telefax: (02) 6314070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda


para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong, o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot
sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.
Araling Pakikipagkalakalan Tungo sa
Panlipunan 3
Ikaapat na Markahan Pagtugon ng Pangangailangan
Ikalimang Linggo ng mga Lalawigan sa Rehiyon

MELC : Naiuugnay ang pakikipagkalakalan sa pagtugon ng


mga pangangailangan ng sariling lalawigan at mga
karatig lalawigan sa rehiyon at ng bansa.
Layunin : 1. Naipakita ng ugnayan ng kabuhayan ng mga
lalawigan sa kinabibilangang rehiyon at sa ibang
rehiyon; at
2. Nakapagmumungkahi ng ilang paraan upang
maging matagumpay ang pakikipagkalakalan.

Subukin Natin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang


TAMA kung tama ang isinasaad sa ugnayan at kalakalan ng mga
lalawigan at rehiyon at MALI kung mali ang isinasaad. Gawin ito sa
iyong sagutang-papel.
________1. Ang pagkakaiba sa klima at sa uri ng pananim ng mga
rehiyon ay may malaking epekto sa uri ng pamumuhay
ng bawat lalawigan.
______2. Ang suliranin sa kawalan ng produkto ng isang rehiyon ay
hindi matutugunan ng ibang rehiyon gayundin ng mga
lalawigang sakop nito.
______3. Ang mga lalawigan ng Batangas at Bataan na sagana sa
produktong dagat ay dinadala sa mga palengke sa iba
pang karatig- lalawigan at lungsod tulad ng Maynila.
______4. Ang mga prutas tulad ng citrus mula sa Oriental Mindoro
ay dinadala sa iba’t ibang pamilihan sa mga karatig na
lalawigan at sa Kamaynilaan.
______5. Isang uri ng ugnayan ng mga lalawigan at rehiyon ay ang
pagdaraos ng mga festival kaugnay ng pangunahin
nitong produkto.
1
Ating Alamin at Tuklasin

Alam mo ba na sagana sa likas na yaman ang bawat


lalawigan sa iba’t ibang rehiyon ng bansa? Paano kaya
matutugunan ang pangangailangan ng mga lalawigan sa
rehiyon? Mapalad tayong mga Pilipino dahil nabiyayaan tayo ng
masaganang kalikasan. Maraming pakinabang ang nakukuha
mula sa mga likas na yamang ito. Pinagkukunan ito ng mga hilaw
na produkto na ginagawang sangkap sa pagbuo ng yaring
produkto na nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Ito rin ang sumusuporta at pinanggagalingan ng pangunahing
pangangailangan ng tao. Kinakailangan ang ugnayan ng mga
lalawigan sa rehiyon upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga ito sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan.
Alam mo ba ang awiting Leron, Leron Sinta? Sa tulong ng
iyong pamilya, awitin sa ibaba ang awiting pinamagatang
“Ang Mga Rehiyon”.

(Awitin sa tono ng Leron Leron Sinta)

Ang Mga Rehiyon

Ang mga rehiyon ng mahal na bansa


Angking katangian ay magkakaiba
Ngunit sa ugnayan doo’y makikita
Masaganang festival produkto’y ibinibida

Isang halimbawa ang bigas na ani


Sa Occidental Mindoro doon ay marami
Batangas at Bataan, produktong pandagat
Perlas ng Palawan, kaakit-akit na tingnan.

2
Mga Pamprosesong Katanungan:

1. Paano kaya matutugunan ng rehiyon ang mga


pangangailangan ng kanyang mga lalawigan?
2. Gayondin, paano nakikipag-ugnayan ang mga lalawigan
ng rehiyon sa ibang rehiyon ng bansa?
3. Paano rin kaya makikilala ang mga produkto na
magbibigay sa lalawigan at rehiyon ng malaking kita at
pag-unlad ng ekonomiya?

Kailangan mong tuklasin ang ugnayan ng mga lalawigan at


rehiyon, kaya tara na, masigla mong basahin at unawain kung
paano nakikipag-ugnayan at nakikipagkalakalan ang mga
lalawigan at rehiyon.

Ugnayan at Kalakalan ng mga Lalawigan at Rehiyon


Ang mga rehiyon ng bansa ay may iba’t ibang katangiang
pisikal. May pagkakataon na magkatulad ang katangian nito
subalit magkakaiba sa klima at sa uri ng pananim. Ang
kalagayang ito ay may malaking epekto sa uri ng pamumuhay
ng bawat lalawigan.
Ano ang maitutulong ng rehiyon
upang magkaroon ng pag-
uugnayan ang kaniyang mga
lalawigan? Ang suliranin sa kawalan
ng isang rehiyon ay matutugunan
ng ibang rehiyon gayundin ng mga
lalawigang sakop nito. Halimbawa:
Ang maraming bigas na ani sa
Occidental Mindoro ay
ipinadadala sa ibang lalawigan ng
rehiyon at iba pang panig ng bansa na may kakulangan sa bigas.

Ang lalawigan naman ng


Marinduque ay kilala sa produktong
dilis.

3
Ang lalawigan ng Romblon ay kilala sa yamang mineral tulad
ng marmol. Maraming produkto mula sa marmol tulad ng mesa,
upuan, almires, souvenirs, table bar, at iba pa na iniluluwas sa iba’t
ibang panig ng Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Ang mga lalawigan ng
Batangas at Bataan na sagana
sa produktong dagat ay
dinadala sa mga palengke sa
ibang pang karatig-lalawigan at
lungsod tulad ng Maynila. Ang
perlas na galing sa Palawan ay
dinadala sa ibang lalawigan
upang gawing sangkap sa
paggawa ng alahas.

Ang mga prutas tulad ng citrus


mula sa Oriental Mindoro ay
dinadala sa iba’t ibang
pamilihan sa mga karatig na
lalawigan at sa Kamaynilaan.
Marami pang ibang produkto
na nabibili sa iba’t ibang
lalawigan. May alam ba
kayong produktong binibili pa
ng ating lalawigan sa ibang lalawigan? May alam din ba kayong
produktong ipinagbibili natin sa ibang lalawigan?
Isang uri ng ugnayan ng mga lalawigan at rehiyon ay ang
pagdaraos ng mga festival kaugnay ng pangunahin nitong
produkto. Sa ganitong paraan ay nakikilala ang mga produkto na
magbibigay sa lalawigan at rehiyon ng malaking kita at pag-unlad
ng ekonomiya.

4
Tayo’y Magsanay

Gawain A

Panuto: Iguhit sa bond paper ang pagpapakita ng pakikipag-


ugnayan ng mga produkto ng ibang lalawigan sa inyong lugar.

Gawain B

Panuto: Magpatulong sa nakatatanda sa inyong tahanan,


maaaring sa mga magulang o kapatid. Itala sa talahanayan ang
mga pangunahing produkto ng iyong rehiyon na dinadala sa
ibang rehiyon. Gawin ito sa iyong sagutang-papel.

Pangalan ng Produkto Pinagdadalhang Rehiyon

5
Rubric sa pagtatasa na nagpapakita ng pakikipag-ugnayan ng
mga produkto ng ibang lalawigan sa inyong lugar.

Krayterya 5 4 3 2 1
Naitala ang mga pangalan ng produkto sa
iyong lugar.
Naitala ang mga rehiyon na pinagdalhan ng
produkto ng iyong lugar.
Nakamit ang layunin ng pakikipagkalakalan sa
inyong lugar sa pamamagitan ng mga
produktong naitala ng wasto.
Wasto ang mga naitalang produkto.
Nagpakita ng pakikipag-ugnayan ng mga
produkto ng ibang lalawigan sa inyong lugar sa
pamamagitan ng mga produktong naitala ng
wasto.

Ating Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa ugnayan at
kalakalan ng mga lalawigan at rehiyon. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang-papel.

1. Paano natutugunan ang mga pangangailangan ng iyong


lalawigan at sa mga karatig na lalawigan sa rehiyon at ng
bansa?
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang
aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlalawigan tungo
sa ikauunlad ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon?

6
Gawain B

Panuto: Iguhit sa bond paper ang mga produkto ng iyong


lalawigan. Gawing makulay ang iyong iguguhit.

Ang Aking Natutuhan

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang. Piliin ang


tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat ito sa iyong
sagutang-papel.

Festival perlas Occidental Mindoro


produktong dagat kawalan

1. Ang suliranin sa _______________ ng produkto ng isang


rehiyon ay matutugunan ng ibang rehiyon gayundin ng
mga lalawigang sakop nito.
2. Ang maraming bigas na ani sa ________________ay
ipinadadala sa ibang lalawigan ng rehiyon at iba pang
panig ng bansa na may kakulangan sa bigas.

3. Ang mga lalawigan ng Occidental Mindoro at Marinduque


na sagana sa __________________ay dinadala sa mga
palengke sa iba pang karatig-lalawigan at lungsod tulad ng
Maynila.

4. Ang _________________ na galing sa Palawan ay dinadala sa


ibang lalawigan upang gawing sangkap sa paggawa ng
alahas.
5. Isang uri ng ugnayan ng mga lalawigan at rehiyon ay ang
pagdaraos ng mga ___________________ kaugnay ng
pangunahin nitong produkto.

7
Ating Tayahin

Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa bawat sitwasyon. Isulat


ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang-papel.

1. Ito ay isang uri ng ugnayan ng mga lalawigan at rehiyon


kaugnay ng pangunahin nitong produkto na magbibigay sa
lalawigan at rehiyon ng malaking kita at pag-unlad ng
ekonomiya.
A. Pagdaraos ng festival
B. Pagdaraos ng kasalan
C. Pagdaraos ng binyagan
D. Pagdaraos ng pagpupulong

2. Ang isang lalawigan ay isang kapatagan na napalilibutan


ng bulubunduking lugar. Saan ito mag-aangkat ng
produktong-dagat?
A. Sa karatig-lalawigan na nasa tabing-dagat.
B. Sa karatig-lalawigan na nasa tuktok ng bundok.
C. Sa malayong lalawigan na nasa tabing-dagat.
D. Sa malayong lalawigan na nasa tuktok ng bundok.

3. Maraming lungsod ang nag-aangkat ng mga produktong


pang-agrikultura tulad ng palay at mais sa karatig na mga
lalawigan. Alin kaya ang maaaring dahilan nito?
A. Makitid ang lupang taniman ng mga taga-lungsod kaya
hindi na nila kayang magtanim.
B. Walang sakahan ang lungsod dahil pinatatayuan ito ng
mga gusaling pang komersiyo.
C. Maraming sakahan sa lungsod ngunit walang gustong
magtanim ng palay at mais.
D. Maraming anyong lupa at anyong tubig ang mga
lungsod.

8
4. Saan maaaring mag-angkat ang mga taga-lungsod ng mga
produktong tulad ng karne?
A. Sa tabing-dagat.
B. Sa modernong opisina.
C. Sa mga lalawigan na maburol.
D. Sa minahan.

5. Saan maaaring iluwas ng mga lalawigan na sagana sa


yamang dagat ang kanilang mga produkto?
A. sa tabing-dagat.
B. Sa mga malalayong lungsod.
C. Sa kabundukan.
D. Sa mga karatig na lungsod.

9
10
TAYO’Y MAGSANAY
SUBUKIN NATIN Gawain A
(Maaring iba-iba ang magiging sagot ng mga bata.)
1. Tama
Gawain B
2. Mali
3. Tama Pangalan ng Produkto Pinagdadalhang Rehiyon
4. Tama marmol Pambansang Punong Rehiyon
5. Tama perlas Pambansang Punong Rehiyon
bigas Pambansang Punong Rehiyon
citrus Pambansang Punong Rehiyon
isda Pambansang Punong Rehiyon
ATING PAGYAMANIN
Gawain A (Mga maaring kasagutan)
1. Natutugunan ang mga pangangailangan ng aking lalawigan at sa mga
karatig lalawigan sa rehiyon at ng bansa sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan.
2. Bilang isang mag-aaral, maipapakita ko ang aking aktibong pakikilahok
sa mga gawaing panlalawigan tungo sa ika-uunlad ng mga lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon sa pamamagitan ng pagtatangkilik ng sariling
produkto, pagsali sa mga festival ng produkto at pagtatanim ng mga
produkto para sa pangangailangan ng rehiyon.
Gawain B
(Maaring iba-iba ang magiging sagot ng mga bata)
ANG AKING NATUTUHAN ATING TAYAHIN
1. kawalan 1. A
2. Occidental Mindoro 2. A
3. produktong dagat 3. B
4. perlas 4. C
5. festival 5. D
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian

Capunitan, Charity A., Galarosa, Walter F., Manalo, Thea Joy G.,
Sampang, Rodel C. Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng
Mag-aaral sa Tagalog, Unang Edisyon 2015, pahina 395-401

Marlo G. Roderos, Eligio M. Jacob, Rhodora L. Fabrero, Imelda C.


Chongco, Pedro J. Dandal Jr., Jordan D. Solatorio, Marites L.
Arenio Ma. Magdalena D. Lo, Sylvia M. Muñoz, Felamer E.
Abac, Eddie A. Eleazar, Nestor T. Rualo, Lolita M. Lu, Charity A.
Capunitan, Dennis A. Bermoy. Araling Panlipunan 3 Kagamitan
ng Mag-aaral Rehiyong MIMAROPA, Unang Edisyon 2019,
pahina 499-454.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

You might also like