Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Hindi maipagkakaila na ang diskriminasyon ay isa sa mga isyung kontrobersiyal na matagal nang ikinakaharap ng bansang Pilipinas.

Lahat
ng tao ay binigyan ng pantay-pantay na karapatan simula nang sila ay isinilang. Karapatang mabuhay nang matiwasay at kalayaan sa
anumang uri ng diskriminasyon. Marami na ring mga batas ang isinulong upang protektahan ang karapatan at kalayaan ng bawat isa.
Ngunit, patuloy pa rin ang mga tao sa panghuhusga base sa lahi, edad, etniko o nasyonalidad, relihiyon, pisikal na itsura, estado sa buhay
at lalong lalo na sa kasarian ng bawat isa. Kadalasang nakararanas din ng diskriminasyon ang bawat indibidwal dahil sa iba’t ibang
paniniwala gaya ng gender stereotype na “ang mga kababaihan ay mahihina” o di kaya ay “ang mga kalalakihan ay hindi dapat naglalaro
ng mga manika”. Simple man at tila’y normal at pawang katotohanan kung papakinggan ang mga kasabihan at paniniwalang ito sapagkat
malaki ang naging epekto nito sa ating lipunan na syang naging batayan o taga-takda ng mga panlipunang gampanin, kilos at gawain para
sa mga babae at lalaki. Malaki at hindi mabuti ang epekto ng diskriminasyon sa mga biktimang nakararanas nito. Malaki ang posibilidad
na makaranas ng iba’t ibang uri ng karahasan ang mga biktima ng diskriminasyon. Kaya naman, maaaring maapektuhan ang kanilang
kalusugan, pisikal man o mental, na maaaring maging sanhi ng depresyon at tuluyang pagkitil ng sariling buhay.

Magmula pa noong panahong pre-kolonyal, laganap na ang diskriminasyon o ang hindi pantay na pagtrato sa bawat indibidwal. Noon,
mas malawak ang tinatamasang karapatan ng mga kalalakihan kumpara sa mga kababaihan at ganoon rin sa mga mayayaman kumpara
sa mga mahihirap. Ang mga kababaihan ay kontrol at nasa panghahawak ng mga kalalakihan. Kapag ang mga kababaihang may asawang
lalaki na nais hiwalayan ang kanilang asawa, ang mga yaman ng asawang lalaki na ibinigay sa asawang babae sa loob ng kanilang
pagsasama ay nararapat na ibalik muli. Dagdag pa rito, ang mga kababaihang may asawa na at nasaksihan na may kasamang ibang lalaki
ay maaaring patawan ng parusang kamatayan. Nagkaroon ng kaunting pagbabago sa panahon ng Espanyol. Ngunit nanatiling mas
mababa pa rin ang tinatamasang karapatan at kalayaan ng mga kababaihan dahil walang kapangyarihang makapagdesisyon ang mga
kababaihan para sa kanilang mga sarili. Nagkaroon ng pagbabago sa karapatang tinatamasa ng mga kababaihan simula noong panahon
ng mga Amerikano hanggang sa kasalukuyang panahon. Nabigyan ng karapatang bumoto, makapagtrabaho at makapag-aral. Ang mga
gawaing itinakda sa mga kalalakihan ay sya na ring nagagawa ng mga kababaihan. Dagdag pa rito, nagpatupad ang gobyerno ng mga
batas na pumoprotekta sa karapatan ng bawat isa kagaya na lamang ng CEDAW (Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women) na naglalayong wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan. Mayroon ding tinatawag na “Prinsipyo ng
Yogyakarta” na tumutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT. Nagkaroon man ng mga batas na naglalayong protektahan ang
karapatan ng bawat isa, marami pa rin ang lumalabag sa mga ito. Ngunit, hindi magipagkakaila na nabibigyan na ng pantay-pantay na
karapatan ang bawat isa sa kasalukuyang panahon kumpara sa nakaraan. Mas napapakinggan an boses ng bawat isa at parehong
naisusulong ang kalayaan na magdesisyon para sa kani-kanilang sarili.

Samakatuwid, ang diskriminasyon ay isang seryosong usapin na kailan man ay hindi naging tama. Ito’y isa sa mga isyung kailangan nating
pagtuunan ng pansin. Ang mga batas na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng bawat tao ay nangangailangan ng pagtitibay upang
lalong mabawasan ang diskriminasyon nga hinaharap ng bawat isa. Ang diskriminasyon ay hindi rin limitado lamang sa isang kasarian
sapagkat saklaw din nito ang miyembro ng LGBTQIA+ at mga kalalakihan. Ang karapatang pantao ay nararapat na matamasa ng bawat
isa. Lahat ng tao, ano man ang kasarian mo, ay may karapatan sa pagkakapantay-pantay, respeto, at pagtanggap.

Sa aking ppananaw, ang lahat ng tao ay may sari-sariling kapintasan at mga katangian na hindi nais o maganda sa paningin ng iba. Ngunit
ang mga ito’y hindi sapat basehan at dahilan upang ang isang tao ay mahusgahan at upang tayo ay manghusga. Sa halip, Gamitin natin
ang ating mga sariling kahinaan o kapintasan upang maging isang positibo at matibay na sandata sa diskriminasyon. Ipakita natin sa iba
na mayroon tayong natatanging katangian. Lahat tayo ay nilalang ng Maykapal na mayroong sariling katangian na angat at naiiba sa
lahat.

Matuto lamang tayo na pangalalagaan, pahalagahan at linangin ito para sa ating sariling kabutihan. Higit sa lahat, dapat nating pairalin
ang pagmamahal at pagbibigay galang sa bawat isa.

You might also like