Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Department of Education

Division of Misamis Oriental


ALUBIJID NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahang Pasulit

Panuto: Basahin ang bawat katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya.


a. kilos loob b. batas moral c. katarungan d. kapayapaan

2. Ito ang unang nagbibigay sa iyo ng kamalayan tungkol sa katarungan.


a. batas b. kaibigan c. pamahalaan d. pamilya

3. Ito ay kumikilala sa dignidad ng isang tao.


a. katarungang panlipunan c. moral
b. prinsipyo d. makabansa

4. Ito ang nagpapatatag sa iyong pagiging makatarungan tao.


a. kapayapaan b. kilos loob c. katarungan d. batas moral

5. Ayon kay ___________, kailangan mong salungatin ang inyong mismong sarili, ang ibang tao at ang mundo sa
pagiging hindi patas ng mga ito.
a. Dr. Manuel Dy b. Andre Compe-Sponville c. Sto. Tomas de Aquino d. Sir James Hetfield

6. Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng isang indibidwal.


a. Katarungan b. Prinsipyo c. Dignidad d. Kilos-loob

7. Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas. ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
b. Malalaman ng tao ang pangyayari sa kanyang buhay kung susuwayin niya ang itinakda ng batas.
c. Ang mga itinakda ng batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng mga ito.
d. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kanyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang
kanyang buhay.

8. Ang sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan MALIBAN sa:


a. Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase
b. Pagninilay-nilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi
c. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki
d. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapwa araw-araw

9. Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?


a. Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.
b. Binibisita ng guro ang mga mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin sya at ang kanyang mga
magulang na bumalik ito sa pag-aaral.
c. Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
d. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon upang
maglaro ng basketball.

10. Ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto ay isa
sa mga kinakailangan upang makamit ang kagalingan sa paggawa. Anong pagpapahalaga ang tinutukoy sa
pahayag?
a. tiyaga b. kasipagan c. masigasig d. malikhain

11. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang buong puso at may malinaw na layunin
sa paggawa. Ano ito?
a. kasipagan b. tiyaga c. masigasig d. malikhain
12. Tumutukoy ito sa tamang paggamit ng mga pandama sa pamaraang kapaki-pakinabang sa tao?
a. Sfumato b. Curiousity c. Sansazione d. Corpolarita

13. Pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay, ano ang tawag dito?


a. Curiousity b. Connessione c. Sfumato d. Corpolarita

14. Ito ang yugto ng pagtataya sa naging resulta o kinalabasan ng gawain?


a. Pagkatuto Bago ang Paggawa c. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain
b. Pagkatuto Habang Ginagawa d. Pagkatuto sa hindi paggawa

15. Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng juice ng pamilya nina Suzanne. Mabenta ang
mga ito lalo na yung mga bag na may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
a. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan
b. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan
d. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao para makapili ng nais sa buhay

16. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero
hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya
sa paggawa?
a. Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap
b. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa
c. Ginagawa niya nang may husay ang kaniyang tungkulin
d. May pagmamahal at pagtatangi sa kaniyang trabaho

17. Ang taong _______ ay maraming tanong na hinahanapan niya ng kasagutan, at hindi nakukuntento sa simpleng
sagot o mababaw na kahulugan ng kaniyang narinig o nabasa.
a. may demonstrasyon c. mausisa
b. may pandama d. nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos

18. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng katangian ng Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na
Pandama?
a. Inoobserbahan ng mga scientist ng maraming oras ang kanilang specimen bago bumuo ng konklusyon
tungkol dito.
b. Pinauunlad ng mga magsasakang Hapones ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng palaisdaan dahil
nahinuha nila ang kaugnayan ng malusog na isda malusog na ecosystem.
c. Gumugugol na maraming oras si Leonardo da Vinci upang pagmasdan ang mga ibong lumilipad at hugis ng
bulaklak at dahon.
d. Laging nakikinig sa iba’t ibang instrumentong pangmusika si Roberto del Rosario, imbentor ng karaoke.

19. Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehio dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito, siya ay matagumpay dahil sa
negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang hilig at
gusto, Ano ang katangian na mayroon si Baldo?
a. May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili
b. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at bansa
c. Masipag, madiskarte, at matalino
d. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili

20. Hindi naging madali kay Ginoong Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s, ngunit sa kabila ng mga pagsubok
ay napagtagumpayan niya pa rin ito. Paano kaya tinignan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito
nagtagumpay?
a. Itinuring niya itong hamon na kailangang malampasan
b. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit para sa kaniya
c. Ang pagkadapa ay hindi sensyales upang tuluyang malugmok
d. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang susunod na gagawing hakbang
21. Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya ng mga benepisyong hindi niya inaasahan mula sa pabrikang
kaniyang pinaglingkuran ng mahigit sa apatnapung taon. Bukod dito, binigyan din siya ng plake ng pagkilala
bilang natatanging manggagawa ng pabrika. Palatandaan ba ng kaniyang kagalingan sa paggawa ang pagtanggap
ng benepisyo at pagkilala?
a. Oo, sapat na basehan ang apatnapung taon niyang paglilingkod.
b. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang maggagawa sa oras na siya ay magretiro bilang
bahagi ng kaniyang karapatan bilang isang manggagawa.
c. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang hindi nararapat bigyan o
gawaran nito.
d. Hindi, binibigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa edad na mayroon siya.

22. Ito ay pagtitiyaga na maaabot ang mithiin sa buhay na may pagtitiis at determinasyon.
a. Katatagan b. Pagsisikap c. Pagpupunyagi d. Kasipagan

23. Ito ay pagtitiyaga na maaabot ang mithiin sa buhay na may pagtitiis at determinasyon.
a. HIERARCHY OF NEEDS c. CONTRIBUTION TO MANAGEMENT
b. THEORY OF MOTIVATION d. EMOTIONAL NEEDS

24. Ito ay paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon.
a. Kasipagan b. Pagpupunyagi c. Katalinuhan d. Pag-iimpok

25. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan ng tunay na kahulugan ng kasipagan?


a. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain.
b. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
c. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain.
d. Tumutulong sa tao na malinang ang tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan, integridad, at disiplina
sa sarili

26. Ito ang kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.
a. pag-iimpok b. pagtitipid c. pagtulong d. pagkakawanggawa

27. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay Francisco Colayco maliban sa :
a. Para sa pagreretiro c. Para maging inspirasyon sa buhay
b. Para sa mga hangarin sa buhay d. Para sa proteksyon sa buhay

28. Bakit maraming tao na matapos kumita at magkaroon ng maraming pera dahil sa kanilang kasipagan at
pagpupunyagi ay nabalewala lamang pagdating ng panahon?
a. Naging matipid sila c. Naging praktikal sila
b. Naging simple ang pamumuhay d. Naging maaksaya sa kanilang buhay

29. Ang _____ ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay
magtagumpay.
a. Pagtitimpi b. Pagsuko c. Suliranin d. Katamaran

30. Alin ang HINDI palatandaan ng isang taong nagtataglay ng kasipagan?


a. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
b. Orasan ang paggamit ng TV, computer, electric fan, at iba pa.
c. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.
d. Hindi umiiwas sa anumang gawain.

31. Si Chuckie ay hindi tumitigil sa ginagawa kahit maraming pinagdaraanang pagdurusa sa kaniyang buhay. Anong
katangian ang taglay niya?
a. Kasipagan b. Pagtitipid c. Pagpupunyagi d. Pag-iimpok

32. Si Silverio ay hindi na kailangang utusan pagdating sa gawain sapagkat mayroon siyang pagkukusa. Ano ang
taglay niya?
a. Mapagbigay b. Pagtitipid c. Pagpupunyagi d. Kasipagan
33. Si Oding ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang gawain at sinisiguro niya na magiging maayos
ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Oding?
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain. c. Hindi nagrereklamo sa ginagawa.
b. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal. d. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.

34. Marami kang bibilhin na kagamitan para sa mga proyekto sa paaralan. Paano ka makaimpok ng pera upang hindi
ka na hihingi sa iyong mga magulang?
a. Simulang ipunin ang sobrang baon araw-araw c. Magpalibre sa mayayaman na kaklase
b. Tiisin ang gutom at hindi kakain sa recess d. Magpasuhol sa bawat ipagawa ng iba

35. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita ng pagpapahalaa sa oras at panahon?


a. pakikinig ko ng paboritong tugtog habang nakaupo
b. Pagtutupi ko ng higaan bago lumabas ng kuwarto
c. Panonood ko sa ginagawa ng ibang tao sa labas ng bahay
d. Pagbabasa kong muli ng mga mensahe sa cellphone habang naghihintay ng almusal

36. Alin ang hindi nabanggit sa anim na paksa o tema ng wastong pamamahala ng panahon?
a. pagtalaga ng mga priyoridad
b. Paghingi ng payo mula sa mga dalubhasa
c. Pagplano nang mabisa at makatotohanan
d. Paggamit ng tamang haba ng panahon sa bawat bahagi ng priyoridad

37. Alin sa mga sumusunod ang mabisang paraan upang mapangasiwaan mo ang mga bagay na mahalaga sa iyo at
sa iyong paggawa?
a. paglilibang c. pag-iiskedyul
b. pagkakawang-gawa d. paggawa ng ibang gawain bago tapusin ang ginagawa

38. “Time is Gold” iyan ang pinaka karaniwang kasabihan tungkol sa oras. Pinapahalagahan natin ito tulad ng isang
kayamanan na hindi maaaring mawala at hindi dapat ina-aksaya. Ilan sa mga nabanggit ang hindi paggamit ng
wastong oras maliban sa isa.
a. Hindi pakikinig sa klase upang magbalik aral sa paboritong asignatura.
b. Pagnanais na mandaya sa oras at maagang pag-uwi ng hindi nagpapaalam.
c. Pagpapaliban ng gawain upang panoorin ang sinusubaybayang palabas.
d. Paggawa ng to-do-list upang maplano ang gagawin kinabukasan.

39. Alin sa mga sumusunod ang tahasang aksyon ng pagkontrol sa dami ng gugulin sa isang ispesipikong Gawain
a. Pamamahala sa Oras c. Pagpapabaya sa Oras
b. Epektibong paggawa d. Produktibong paggawa

40. Alin sa mga sumusunod ang magandang naidudulot ng pamamahala sa paggamit ng oras?
a. matatapos ang skedyul nang mayroon lamang konting di naggawa
b. maraming produkto ang nagagawa
c. pagkabalisa sa kung ano ang unang gagawin at tatapusin
d. tataas ang produktibidad, pagkamabisa at kagalingan sa paggawa

41. “Ang oras ay kaloob ng na ipinagkakatiwala ng Diyos sa tao” ano ang kahulugan nito?
a. Masuwerte ang tao dahil binigyan ng oras
b. Tungkulin ng taong gamitin nang mapanagutan para sa kabutihan nya, ng kanyang kapuwa at ng bansa.
c. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin
d. Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkaloob at inpinagkatiwala ito sa kanya.

42. Si Allen ay nagsisikap na gawing “On Time” ang “Filipino Time”. Alin sa sumusunod niyang ginagawa ang
nagpapakita nito?
a. Hindi siya nahuhuli sa “Flag ceremony” kahit malayo ang kanilang bahay
b. Laging nagmamadali umuwi ng bahay
c. Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na sya sa gawaing ito.
d. Nagsisimula siyang mag-aral dalawang lingo bago ang trimestral na pagatatasa.
43. Alin ang nagpapahayag na napamamahalaan ang pagpabukas-bukas?
a. Nagkakaroon ng oras ng pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa
b. May nabuo na tunguhin ng Gawain
c. Ginagawa agad ang Gawain kahit hindi ito nagugustuhan
d. Tutok sa prayoridad

44. Ano ang ibig sabihin ng S.M.A.R.T.?


a. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
b. Specific, Measurable, Active, Relevance, Time bound
c. Specific, Measurable, Attainable, Relationship, Time frame
d. Special, Measurable, Attentive, Relevance, Time Keep

45. Alin sa mga sumusunod na kaugalian ng mga Pilipino na hinihintay na magsimula ang okasyon bago pumunta?
a. mañana habit b. Filipino time c. bahala na d. kahit anong oras

46. Alin sa mga sumusunod ang pagtatakda kung anong mga gawain ang dapat gawin at tapusin sa takdang oras?
a. prayoritasyon c. pamamahala sa oras
b. mañana habit d. pagbabalewala sa oras

47. Alin sa mga sumusunod na pagtatakda ng tunguhin ay kailangang ikaw ay tiyak upang makasiguro na ito ang
iyong nais na mangyari sa paggawa?
a. attainable b. measurable c. realistic d. specific

48. Alin sa mga sumusunod na pagtatakda ng tunguhin ay kailangang magbigay ng takdang panahon upang
maisakatapuran ito ng matagumpay?
a. time-bound b. attainable c. measurable d. realistic

49. Sa pagtatakda ng tunguhin, kailangan na ang isusulat mo na tunguhin sa iyong paggawa ay kaya mong gawin at
isakatuparan.
a. attainable b. measurable c. realistic d. time-bound

50. Ano ang kahalagahan ng pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa sa iyo at sa bansa pagkatapos ng iyong
paggawa?
a. Magagamit ang mga ito ayon sa gusto mong gawin para sa sarili at sa bansa
b. Magsisilbi ang mga ito na regalo mo sa iyong sarili nang dahil sa iyong tagumpay sa paggawa
c. Mapatutunayan ng mga ito ang iyong pagiging katiwala sa oras
d. Mababalanse ng mga ito ang iyong buhay at mapagpapanibago ang iyong lakas at sigla sa paggawa

You might also like