Ang Kalupi Buod – Kuwento Mula Kay Benjamin Pascual
Isang araw, pumunta sa Aling Marta sa palengke upang bumili ng
ulan para sa hapunan. Ngunit, nung siya’y kailangan ng magbayad, hindi na niya ma hanap ang kanyang kalupi. Inalala ni Marta na bago siya pumunta sa palengke ay nabangga siya ng isang batang lalaking may maruming maong at punit-punit na kamiseta. Kaya naman, hinabaol kaagad ni Marta ang bata at inakusahang nagnakaw. Pagkatapos nito, tumawag pa si Aling Marta ng pulis ngunit wala sa bata ang nawawalang kalupi. Subalit, pinilit pa rin ni Marta na ang bata talaga ang nagnanakaw.
Kaya naman pumunta sila sa outpost upang ang isyu nila ay masuri ng maigi. Pinilit ni Aling Marta na paaminin ang bata sa pagnakaw at sinaktan pa ito.
Pero, Nagpumiglas ang bata at nakawala. Dumiretso ito sa isang
maluwang na daan ngunit siya ay nabangga ng isang mabilis na sasakyan. Matapos ang ilang sandali, namatay agad ang bata.
Umalis si Marta sa outpost at bumalik sa palengke. Nangutang na
lamang ito para makabili ng ulam para sa hapunan. Noong pabalik na siya sa kanyang bahay, nakita niyang ang kanyang mag-awa na nagtataka kung paano siya nakabili ng ulam.
Nagsinungaling si Aling Marta at sinabi na ginamit niya ang pera
mula sa kanyang pitaka. Ngunit, Sinabi ng kanyang asawa na naiwan niya ang kanyang pitaka at nawalan siya ng malay habang paakyat ng hagdanan.