Slem 6 Grade 11 Week 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO 11

IKAAPAT NA MARKAHAN
SLeM # 6: Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik

INAASAHAN
Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa araling ito, inaasahang ikaw ay:
A. Nabibigyang-kahulugan ang burador at mga hakbang sa pagbuo nito
B. Napahahalagahan ang pagsusuri at pagsasaayos ng ideya sa pagbuo ng
sulating pananaliksik
C. Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa
F11EP – IVij - 38

PAALALA: ISULAT ANG IYONG MGA KASAGUTAN SA LAHAT


NG MGA GAWAIN SA SLeM NA ITO SA HIWALAY NA
SAGUTANG PAPEL.

PAUNANG PAGSUBOK
Gawain 1

Panuto: Hanapin at itala ang sampung (10) salita na may kaugnayan sa paksang
Sulating Pananaliksik sa loob ng crossword puzzle.

P A G S U L A T R X B K L I Q
M A L O P I U Y T R U E W N E
N B N A C G S Y J Z R V G T W
K B E A A C V L K H A G D R S
P J B Z N P A G A H D A T O S
Z I D E Y A O V S C O T U D A
D L G J B G L X V R R T S U A
U I S D G S C I M B R S T K G
H T A S G U B L K M V P I S U
I E P L U S E R T S V Z M Y A
D R O L E U S W F G I L F O P
E A D F N R E P I O S K X N P
Y T S D Z I L K B E R Y U S A
W U F G T Y U D V B I R F O K
K R O N O L O H I K A L K S S
P A G H E C B D G R V N D U A

1. _____________________ 6. _____________________
2. _____________________ 7. _____________________
3. _____________________ 8. _____________________
4. _____________________ 9. _____________________
5. _____________________ 10. ____________________

1
BALIK-TANAW
Gawain 2

Panuto: Basahin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sumusunod na mga


pahayag.

1. Ito ay nagpapahayag ng sintesis, ebalwasyon, o paghatol ng mananaliksik sa


mga impormasyon at datos na kanyang nakalap na maaaring sumuporta o
hindi sa kanyang pahayag ng tesis o thesis statement na nakasaad sa
introduksiyon.
A. introduksyon C. kongklusyon
B. katawan D. kronolohikal

2. Bahagi ng pinal na sulating pananaliksik na maaaring maglaman ng


sumusunod: maikling kaligiran ng paksa, layunin ng mananaliksik, pahayag
ng tesis o thesis statement, kahalagahan ng paksa o kahalagahan ng
pagsasagawa ng pananaliksik, at saklaw at limitasyon ng pananaliksik.
A. introduksyon C. kongklusyon
B. katawan D. kronolohikal

3. Isa sa uri ng organisasyon ng papel na ginagamit kung nais ipakita ang


paghihimay-himay ng isang buong kaisipan.
A. kronolohikal C. pagsusuri
B. sanhi at bunga D. komparatibo

4. Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad at/o ang


pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo o kaisipan.
A. komparatibo C. heyograpikal
B. kronolohikal D. sanhi at bunga

5. Sa bahaging ito ng pinal na sulating pananaliksik ipinapayong ayusin ang


iyong mga ideya sa paraang makapagpapahatid ng kahalagahan ng aralin.
A. katawan C. kongklusyon
B. introduksyon D. komparatibo

PAGPAPAKILALA NG ARALIN
Gawain 3

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng teksto sa loob ng kahon.

Pagsulat ng Burador

Ang mananaliksik ay handa nang magsulat ng unang burador ng sulating


pananaliksik kung ang mga datos at mga materyales ay kompleto. Isaalang-alang
ang mga sumusunod na paalala.

1. Ihanda ang mga talaang pinagsulatan ng mga mahahalagang ideya o


konsepto na hango sa mga kaugnay na literatura.
2. Isaayos ang mga datos na nakuha sa tagatugon na gamit sa paksang
pinag-aralan.
3. Suriin mabuti ang mga datos na nakuha at bigyan ito ng
interpretasyon.
4. Itala ang mga ideya o konseptong natuklasan sa isinagawang

2
pananaliksik.
5. Itala ang mga hakbang na ginamit sa pananaliksik.
6. Sundin ang ginawang balangkas sa pagsulat ng sulating pananaliksik.
7. Sa pagsulat, hayaan lamang na lumabas ang mga ideyang naiisip at
huwag munang pansinin ang kamaliang nagagawa.
8. Balikan at basahing muli ang ginawang sulating pananaliksik. Tingnan
kung ano ang dapat na idagdag at ibawas sa sulating pananaliksik.

Ang pagsusulat ng burador ay ang paglalagay ng “kalamnan” sa


“kalansay” na balangkas. Isulat ito nang tuloy-tuloy at huwag matakot
na magbura o magkamali. Kaya burador ang tawag dito ay talagang
dito ginawa ang pagtatama sa mga mali, pagdaragdag sa kulang o
naiwang kaisipan at pagbabawas sa labis na naisulat. Sikaping
maging matapat o makatotohanan, payak at malinaw sa pagsulat. Ang
burador na ang kabuoan ng isinusulat ayon sa balangkas at siyang
pagbabantayan ng wakas o pinal na ayos ng sulatin.

Ang mga Nakalap na Tala

Ang sumusunod ay ilang paraan upang makatulong sa PAGSASAAYOS ng mga


nakalap mong tala na isinulat mo sa mga notecards.
•Suriin ang mga talang isinulat sa mga notecards.
•Maghanda ng isang notebook o maaring i-encode sa iyong computer ang
anumang kaisipan, tanong, o komentaryong pumasok sa iyong isip habang
binabasa ang mga nakalap mong tala sa mga notecards.
•Suriin mo ang mga nakalap na impormasyon kung sapat na ba ito o
nangangailangan pa ng pananaliksik.

Pagsusuri
•Sa pagsusuri ng mga talang nakalap, siguruhing ang mga impormasyong
nakuha ay konektado sa binuong tesis. Kung isasaisip ang tesis habang sinusuri
ang mga nakalap na tala, makikita mong may mga talang nararapat isama at
mayroon din naming hindi dapat isama dahil malayo ang mga ito sa binuong
tesis. Huwag kalimutang suriing mabuti ang mga ideya at i-klasipika ito bilang
pangunahin at pantulong na ideya.
•Upang lalo mong maunawaan ang paksa at madagdagan pa ang ideya, isulat
mo ang iba mong komentaryo tungkol sa paksa at nakalap na tala. Matapos isa-
isahin ang mga tala, timbangin kung sapat na ba ang mga nakalap upang
mapagtibay nito ang binuong tesis at anumang pahayag na isasama mo sa iyong
papel. Matapos ang masusing pagsusuri ng mga nakalap na tala, maaaring
rebisahin nang kaunti ang tesis

https://www.academia.edu/35138866/Pagsulat_ng_Burador
https://www.coursehero.com/file/55876172/Aralin-5-Pagsulat-ng-Pinal-na-Pananaliksikpptx/

GAWAIN
Gawain 4

Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga salita o pahayag na may kaugnayan
sa pagsulat ng burador.

3
BURADOR

TANDAAN
Gawain 5

Mahalaga ang burador dahil kailangan maisulat nang buo ang


papel upang makita kung mayroon pang kulang na datos, kailangang
makabuo ng isang papel na puwedeng rebisahin sang-ayon sa hinihingi
ng nilalaman at estilo sa pagsulat gayundin, upang makalikha ng mga
ideya.

Sa patatala ng mga datos para sa pananaliksik mariing suriin at


isaayos nang mabuti ito para sa ikaaayos ng pinal na pananaliksik. Sa
pamamagitan ng pagsusuri at pagsasaayos nagiging pulido ang mga
impormasyong nakatala rito at maiiwasan ang mga pagkakamali na
maaaring nalagpasan sa unang beses na paggawa nito.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Gawain 6

Panuto: Isulat ang letrang A kung ang pahayag ay tama at letrang B naman kung
ang pahayag ay mali.

1. Ang mananaliksik ay handa nang magsulat ng unang burador ng sulating


pananaliksik kung ang mga datos at mga materyales ay hindi pa sapat.
2. Upang lalo mong maunawaan ang paksa at madagdagan pa ang ideya, isulat
mo ang iba mong komentaryo tungkol sa paksa at nakalap na tala.
3. Ang pagsusulat ng burador ay ang paglalagay ng “kalamnan” sa “kalansay”
na balangkas.
4. Sa pagsusuri ng mga talang nakalap, siguruhing ang mga impormasyong
nakuha ay konektado sa binuong pag-aakala.
5. Suriin mo ang mga nakalap na impormasyon kung sapat na ba ito o
nangangailangan pa ng pananaliksik.

4
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Gawain 7

Panuto:
Bumuo ng isang pananaliksik kaugnay sa Global Warming. Gumamit ng iba’t ibang
sanggunian at mga pahayag mula sa mga propesyunal sa pangangalap ng datos at
ilagay ito sa short bond paper. Ilagay ang inyong burador at gayundin ang pinal na
sulatin.

SUSI SA PAGWAWASTO
PAUNANG BALIK-TANAW GAWAIN 4
PAGSUBOK
Kahit hindi sunod-sunod. Ang pagwawasto ng
C
A gawaing ito ay
(Pagsulat, Pananaliksik,
Datos, Ideya, C nakabatay sa
A pagpapasya ng guro.
Kronolohikal, Paksa,
A
Introduksyon, Literatura,
Burador, Pagsusuri)

PAG-ALAM SA PANGWAKAS NA
NATUTUHAN PAGSUSULIT

B Ang pagwawasto ng
A gawaing ito ay
A nakabatay sa
B pagpapasya ng guro.
A

You might also like