Buod NG Ibong Adarna q4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Buod ng Ibong Adarna

muling isinalaysay ni Jaime G. Raguine EdD, Castillejos National High School

Sa kaharian ng Berbanya ay may hinahangaang hari. Siya ay si Haring Fernando


at ang kaniyang kabiyak na si Reyna Valeriana. Sila ay may tatlong magigiting na anak.
Si Don Pedro, Don Diego at bunsong si Don Juan. Sa hindi
inaasahan ay nanaginip ang hari na ang kaniyang bunso ay pinatay, nang magising siya
ay hindi na makausap. Isang manggagamot ang nagsabi na ang magiging lunas sa
kaniyang sakit ay ang awit ng Ibong Adarna.

Ang Ibong Adarna ay matatagpuan sa


bundok ng tabor sa puno ng Pedras Platas.
Ito ay pitong beses na aawit, pitong beses na
magpapalit ng anyo at saka iipot. Sinoman
ang malaglagan ng dumi ng ibon ay magiging
bato.

Inatasan ang panganay na anak na si


Don Pedro na hanapin ang Ibong Adarna
ngunit hindi siya pinalad na mahuli ito at
siya’y naging bato. Sumunod si Don Diego
subalit gaya ni Don Pedro ay siya ay naging
bato rin.

Si Don Juan ang bunso, ang huling naatasan. Hindi gaya ng kaniyang mga
kapatid na gumamit ng kabayo sa paglalakbay. Siya ay naglakad lamang at sa tuwi-
tuwina ay hindi niya nalilimutan ang manalangin. Sa kaniyang paglalakad ay
nakasalubong niya ang isang sugatang pulubing gutom na gutom. Kahit alam niyang
sapat lamang ang kaniyang pagkain sa paglalakbay ay binigyan pa rin niya ang pulubi.

Sa busilak niyang puso, tinulungan siya ng matandang sugatan at sinabing


pagdating sa tirahan ng Ibong Adarna tumingin sa ibaba at may makikitang dampa.
Tinungo nga niya ang dampa at nadatnan niya ang isang ermitanyo. Pinayuhan siya
kung paano mahuli ang Ibong Adarna at matagumpay niya itong nakuha. Sa tulong pa
rin ng ermitanyo nagbigay ng Agua Bendita na ginamit sa pagwisik sa kaniyang mga
kapatid at sila ay naging taong muli.

Habang naglalakbay ang tatlo ay naisip ni Don Pedro ang isang kataksilan. Nais
niyang patayin si Don Juan upang hindi mapahiya sa kaharian, subalit hindi pumayag
si Don Diego na patayin ang bunsong kapatid, kaya binugbog at iniwan sa bundok.

Pagka-uwi nina Don Pedro ay hindi


umawit ang Ibong Adarna. Muli isang ermitanyo
ang tumulong kay Don Juan. Nang makauwi si
Don Juan ay saka lamang umawit ang Ibong
Adarna. Ang awit nito ay patungkol sa
pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego.
Sa narinig ng hari sa Ibong Adarna ay hinatulan niya ang dalawang taksil na
ipatapon at bawian ng karapatan, subalit lumuhod si Don Juan sa amang hari at
hininging patawarin na lamang ang mga kapatid. Hindi raw matitiis ni Don Juan ang
mga kapatid na maparusahan. Pinagbigyan ng hari ang hiling ni Don Juan.

Inatasan ang tatlo na magbantay sa Ibong Adarna. Muling nakaisip ang mga
taksil nang hindi maganda. Pinakawalan nila ang Ibong Adarna habang natutulog si
Don Juan. Nang malaman ito ni Don Juan, siya ay umalis na lamang upang hindi
maparusahan ang mga kapatid.

Nagtungo si Don Juan sa Bundok ng Armenya. Ipinahanap ng hari ang bunso at


natagpuan nila ito sa Bundok ng Armenya. Natuklasan nila ang isang balon, nang
lumaon ay sinubukan nila itong pasukin ngunit si Don Juan lamang ang nagtagumpay
sa paglusong dahil sa tibay ng loob at pananalig sa Diyos. Natagpuan niya rito sina
Donya Juana na binabantayan ng higante at Donya Leonara na binabantayan ng
serpiyenteng
may pitong ulo. Ang dalawang donya ay nabihag ang puso ni Don Juan subalit si
Donya Leonora ang nangibabaw. Nang magapi ni Don Juan ang mga tagabantay ay
pumanhik na sila sa balon.

Habang pabalik na sila sa Berbanya ay naalala ni Donya Leonora ang kaniyang


singsing kaya bumaba si Don Juan sa balon gamit ang tali, subalit muli na namang
nagtaksil si Don Pedro nang putulin niya ang lubid. Labis na nagalit si Donya Leonora
kay Don Pedro. Pagdating nila sa Berbanya ay puro kasinungalingan ang kanilang
isinalaysay. Ikinasal si Donya Juana kay Don Diego subalit si Donya Leonora ay hindi
pumayag na pakasal kay Don Pedro.

Samantala, si Don Juan ay iniligtas ng


mahiwagang lobo. Sa gitna nang kaniyang
paghihirap ay hindi niya nalimutang manalangin.
Sa pagtulog ni Don Juan habang nagpapahinga ay
nagising siya sa awit ng Ibong Adarna na
ipinayong limutin na si Donya Leonora at
magtungo sa isang kaharian, ang Reyno delos
Cristales. Doon niya makikilala si Donya Maria.

Nagtungo nga si Don Juan sa Reyno delos Cristales. Maraming hirap at pagod
ang kaniyang dinanas bago marating ang kaharian. Sa tulong ng mga magkakapatid na
ermitanyo ay natunton niya ito sakay ng agila. Naihatid si Don Juan sa lugar na
tinutukoy ng Ibong Adarna.

Nagkita si Donya Maria at Don Juan na kapuwa umibig sa isa’t isa. Subalit hindi
naging madali ang kanilang pag-iibigan dahil nang makaharap ni Don Juan si Haring
Salermo ay iba’t ibang pagsubok ang ibinigay sa kaniya. Sa tulong at kapangyarihan ni
Donya Maria ay napagtagumpayan niya ang lahat ng pagsubok.
Sa hindi matanggap ng hari ang mga pangyayari ay nagtanan ang dalawa ngunit
hinabol sila ni Haring Salermo. Nang matakasan nila ang hari ay nagtungo si Don Juan
sa Berbanya at iniwan muna si Donya Maria sa nayon.

Bago umalis si Don Juan ay binilinan siya ni Maria na huwag makikitungo sa


mga babae maging sa kaniyang ina, subalit nalimutan ito ni Don Juan. Sa paglimot ni
Don Juan sa bilin ni Donya Maria ay siyang paglimot din naman sa kasintahang
ipinaglaban.

Pitong taon namang nagkulong si Donya Leonora sa kuwarto at hindi nagpakasal


kay Don Pedro. Nang malamang dumating ang iniibig na si Don Juan ay siyang
paglabas niya at inamin kay Haring Fernando ang tunay na nangyari. Samantalang
nagbihis emperatres si Donya Maria at nagtungo sa Berbanya. Sa pamamagitan ng
kaniyang mahika ay nagbalik ang alaala ni Don Juan.

Ikinasal si Donya Leonora kay Don Pedro


at si Don Juan ay kay Donya Maria. Naghari si
Don Pedro sa Berbanya dahil sa kagustuhan ni
Donya Maria. Bumalik naman sa Reyno delos
Cristales sina Don Juan at Donya Maria.
Nadatnan nilang iba ang nakaupo sa trono. Iyon
ay dahil patay na ang magulang at mga kapatid ni
Donya Maria. Sa huli, sila ang naghari sa Reyno
delos Cristales na napatanyag at nakilala.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
(Halaw sa Ang Kaligirang Kasaysayan ng Ibong Adarna Panitikang Rehiyonal –
Ikapitong Baitang Gabay sa Pagtuturo Unang Edisyon 2017, Muling Limbag
2020; at Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma, 2018)
Sinasabing nagsimula ang kasaysayan ng pananakop ng mga Espanyol sa
ating bansa noong taong 1565. Ito ay sa panahon na dumating si Miguel Lopez de
Legaspi at nagtatag ng unang pamayanan sa Cebu sa kabila na may mga tala ng
kasaysayan na nagsimulang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas nang
dumaong ang sinasakyang barko ni
Ferdinand Magellan sa bansa noong
ika- 16 ng Marso, 1521.
Natagpuan nila ang Pilipinas na
may mga natatanging yamang
mapagkukunan ng kanilang mga
kailangan kung kaya’t nagkaroon sila ng
interes na masakop ang ating Inang
Bayan. Nabatid ang tatlong
pangunahing layunin ng mga Espanyol
sa kanilang pananakop sa Pilipinas.
Una, upang palaganapin ang
Katolisismo. Ikalawa, ang
pagpapalawak ng kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagpaparami ng mga
sakop na bansa. Ikatlo, ang
paghahanap
ng mga pampalasa, masaganang likas-yaman, at mga hilaw na materyales upang
matustusan ang kanilang mga pangangailangang pang-ekspedisyon.
Dahil sa mga layuning ito ng mga Espanyol, sinunog nila ang mga
nakasulat na panitikan ng ating mga ninuno. Pinalitan nila ang mga ito ng
panitikang nagbibigay-diin sa pananampalatayang Kristiyanismo. Ito rin ang
naging sanhi kung bakit ang panitikan sa panahong ito ay naging mapanghuwad
o may pagkakatulad sa mga anyo at paksang Espanyol. Lumaganap sa larangan
ng panulaan ang mga
tulang liriko, mga awit, mga korido at ang pasyon. Kabilang dito ang Ibong
Adarna na may paksang panrelihiyon.
Ang Ibong Adarna ay isa sa tulang romansa na nauuri sa dalawang anyo –
ang awit at korido. Tungkol ito sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na
karaniwang mga maharlikang tao ang nagsisiganap. Noong Edad Media o
Middle Ages ay nagsimulang lumaganap ang mga tulang romansa sa Europa at
sinasabing nakarating ito sa Pilipinas mula Mehiko noong ika-17 dantaon sa
panahon ng pananakop ng mga Kastila. Subalit noong ika-18 dantaon lamang ito
kinilala sa ating bansa kasabay ng pagpapakilala ng imprenta at pagkatuto ng
ating mga ninuno ng alpabetong Romano.
Sa higpit ng sensura noong Panahon ng mga Espanyol, hindi lahat ng mga
akdang pampanitikan ay maaaring maisulat at mailathala lalo pa’t kung ito ay
laban sa pamamahala ng mga Espanyol. Ngunit dahil sa temang sinasaklaw ng
awit at korido ang mga ito ay namayani at higit na nakilala ng nakararami. Ang
Ibong Adarna ang higit na nakilala sapagkat ang mga sipi nito ay ipinagbibili sa
mga peryang karaniwang isinasagawa tuwing kapistahan ng mga bayan-bayan.
Ito rin ay itinatanghal sa mga entabladong tulad ng Komedya o Moro-moro. Ang
tagpuan sa tulang romansa ay karaniwan sa isang kaharian. Nagsisimula ito sa
panalangin o pag-aalay sa Mahal na Birhen o sa isang santo o santa.
Nananawagan saDiyos ang mga tauhan sa akda at nagtatagumpay naman ang
mga nananalig sa Diyos.
Ayon sa aklat na Panitikang Pilipino ni Arthur Casanova, ang awit at
korido ay maaaring mauri sa pamamagitan ng paggamit ng sumusunod na mga
pamantayan.
Pagkakaiba ng Awit at Korido

Pamantayan Awit Korido

Batay sa Anyo Binubuo ng 12 pantig sa Binubuo ng 8 pantig sa


loob ng isang taludturan, loob ng isang taludtod at
apat na taludtod sa apat na taludtod sa isang
isang taludturan taludturan

Musika Ang himig ay mabagal na Ang himig ay mabilis na


tinatawag na andante tinatawag na allegro.

Paksa Tungkol sa bayani at Tungkol sa


mandirigma at larawan pananampalataya, alamat
ng buhay at kababalaghan

Katangian ng mga Ang mga tauhan ay Ang mga tauhan ay may


Tauhan walang taglay na kapangyarihang
kapangyarihang supernatural o
supernatural ngunit siya kakayahang magsagawa
ay nahaharap rin sa ng mga kababalaghang
pakikipagsapalaran. hindi magagawa ng
Higit na makatotohanan karaniwang tao.
o hango sa tunay na
buhay.
Mga Halimbawa Florante at Laura, Ibong Adarna,
Pitong Infantes De Lara, Kabayong Tabla,
Doce Pares ng Pransiya, Ang Dama Ines,
Haring Patay Prinsipe Florinio

Ayon sa talang sinulat ni Jose Villa Panganiban, et al. sa aklat na


pinamagatang Panitikan ng Pilipinas, ang panitikan noong panahon ng
Espanyol ay sinasabing may tatlong katangian:
1. May sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko,
awit, korido, pasyon, duplo, karagatan, komedya, senakulo, sarsuwela,
talambuhay, at mga pagsasaling-wika.
2. Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon.
3. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa o
tradisyong Espanyol.

You might also like