Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

PIVOT 4A LESSON EXEMPLARS USING THE IDEA INSTRUCTIONAL PROCESS


School BELVEDERE Grade Level ONE
ELEMENTARY SCHOOL

LESSON Teacher JUDITH A. PANGILINAN Learning Area ARALING


EXEMPLAR PANLIPUNAN

Teaching Date February 9, 2022 Quarter IKALAWANG


MARKAHAN

Teaching Time No. of Days 3

I. OBJECTIVES ARALING PANLIPUNAN

1. Mailarawan ang iba’t ibang papel na ginagampanan ng bawat


kasapi ng pamilya sa iba’t ibang paraan
2. Masabi ang kahalagahan ng bawat kasapi ng pamilya
3. Mapahalagahan ang bawat kasapi ng pamilya at ang tungkuling
ginagampanan ng bawat isa.
4. Maaipakita ang pagtutulungan sa pamilya.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pamilya at kapwa sa lahat ng
pagkakataon lalo na sa oras ng
pangangailangan EsP1P- IIc-d – 3

FILIPINO
Nakasusulat ng malalaki at maliliit na letra na may tamang layo sa
isa't isa ang mga letra. F1PU-II a-1.11: c-1.2; 1.2a

ARTS
Uses different drawing tools or materials - pencil, crayons, piece of
charcoal, stick-on different papers, sinamay, leaves, tree bark, and
other local materials to create his drawing about oneself, one’s
family, home, and school, as a means of self-expression A1EL-Id

MTB
Identify the tense of the action word in the sentence MT1GA-IIIc-e-2.3.1
Supply rhyming words to complete a rhyme, poem, and song MT1OL-
IIa-i-7.1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

Nasasabi ang kahalagahan ng bawat kasapi ng pamilya


A. Most Essential Learning
Competencies

Nailalarawan ang iba’t ibang papel na ginagampanan ng bawat kasapi ng


B. Enabling Competencies
pamilya sa iba’t ibang pamamaraan

II. CONTENT Tungkulin ng mga Kasapi ng Pamilya

III. LEARNING RESOURCES

A. References

● Teacher’s Guide Pages MELC AP Grade 1 Q2, TG Pahina 25 - 27

PIVOT 4A Learner’s Material, p. 17-20


● Learner’s Material Pages Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan,
pahina 74-76

● Textbook Pages

Learning Resources Portal


● Additional Resources from
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/16434
Learning Resources (Ang Gawain ng Mag-anak)

● Other Learning Resources Kayamanan 1, pahina 89-95

B. List of Learning Resources


for Development and Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 77-79; Kayamanan
1, pahina 92-95
Engagement Activities

IV. PROCEDURES

1. Magbalik-aral tungkol sa mga bumubuo ng pamilya sa


A. Introduction
pamamagitan ng isang awitin.

Awit: “Ang Aking Pamilya”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

● Sino-sino ang bumubuo sa pamilyang Pilipino?


● Sino-sino pa ang ibang kasapi ng pamilya na
nabanggit sa awit?

2. Ipapanood sa mga mag-aaral ang kuwentong

“Ang Gawain ng Mag-anak”


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/16434

Gabay na Tanong: (Integrasyon sa MTB “Salitang Kilos”)


a. Sino-sino ang mga nabanggit na kasapi ng pamilya?
b. Ayon sa kuwento, ano ang gawain ni Tatay Nilo? ni
Nanay Mila?
c. Ano naman ang gawain ni Ana? ni Anton? ni Bunso?
d. Anong katangian ng pamilya ang ipinapakita sa kuwento?
e. Kagaya rin ba ng pamilya ni Tatay Nilo ang inyong
pamilya?
f. Bakit mahalaga ang pagtutulungan sa pamilya?

Gawain sa Pagkatuto 1: Anu-ano na ang mga Alam Mo?


B. Development
● Bago simulan ang pag-aaral tungkol sa mga tungkulin ng mga
kasapi ng pamilya, sasagutan muna ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod na gawain upang matukoy ang kanilang kaalaman
ukol sa paksa.

A. Piliin ang larawan ng tamang sagot.

1. Sino ang karaniwang nagtatrabaho upang matugunan


ang pangangailangan ng pamilya?

2. Sino ang mas nakatutulong kay tatay upang kumita ng


pera ang pamilya?

3. Alin ang kaya mong gawin upang makatulong sa


pamilya?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

4. Sino ang mas makatutulong kay nanay sa mga gawaing


bahay?

5. Alin ang dapat na ginagawa mo para makatulong sa


iyong pamilya?

Gawain sa Pagkatuto 2: SINO AKO? (Think-Pair-Share)


B. Ayusin ang mga letra upang matukoy ang kasapi ng
pamilya na gumaganap sa tungkulin. Pagkatapos ay
idikit ang larawan ng kasapi ng pamilya na nabanggit.

1. Katulong ni nanay sa mga gawaing-bahay A E T

2. Haligi ng tahanan. Nagtatrabaho upang matugunan ang


pangangailangan ng pamilya T A A Y T
3. Isa siya sa mga gumagabay sa pamilya kung wala ang mga
magulang. O L L A
4. Ilaw ng tahanan. Siya ang karaniwang namamahala sa mga
gawaing-bahay. N A A N Y

5. Siya ang karaniwang katulong ni tatay sa mga gawaing-


bahay gaya ng pagkukumpuni ng mga sirang upuan.
U K A Y

PANGKATANG GAWAIN:
C. Engagement
Pangkat I: 1, 2, 3, DRAW (Arts and Filipino Integration)
Bilang mga anak, ano ang papel na ginagampanan
ninyo sa inyong pamilya? Iguhit ito at sumulat ng tatlong (3)
pangungusap tungkol dito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

Pangkat II: DRESS and TELL!


Isuot ang mga kagamitang nagpapakilala sa miyembro
ng pamilya. Pagkatapos ay sabihin ang tungkuling
ginagampanan ng bawat isa.

Pangkat III: RAP-IT-OUT-LOUD! (Integrasyon sa MTB)


Kumpletuhin ang mga tungkuling ginagampanan ng
bawat kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga salitang kasintunog/katugma ng salitang may
salunguhit at pagkatapos ay awitin o bigkasin ang nabuong
pahayag ng pa rap.

Si tatay ang haligi ng ating tahanan,


naghahanapbuhay upang matugunan ang ating
______________.
Tinaguriang ilaw ng tahanan, siya ang namamahala
sa mga gawaing-bahay. Siya ay ang aking
________________.
Sina ate, kuya at bunso katulong nina tatay at nanay sa
mga gawaing ___________.
Ang lolo at lola kung magmahal walang kapantay,
katulong nina nanay at tatay sa _____________.

Sagutin: Ano ang gagawin mo kung ikaw ay nasa ganitong


sitwasyon? (Integrasyon sa ESP)

1. Nag-aaway ang mga kasapi ng inyong pamilya habang


naglilinis ng bahay. ____________________________

2. Pinipilit ka ng kuya mo na gumawa ng mga gawaing-


bahay na hindi mo kaya.
__________________________________________
3. Kulang ang kinikita ng iyong mga magulang para mabili
ang inyong mga pangangailangan.
__________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

A. Pagbibigay-diin sa konseptong dapat matutunan.


D. Assimilation
(Pagpapanood ng isang video clip na nagpapakita ng mga
tungkulin ng mga kasapi ng pamilya)

Tungkulin ng mga Kasapi ng Pamilya

TATAY- gumaganap bilang pinuno/haligi ng tahanan.


Naghahanapbuhay siya upang tugunan ang
pangangailangan ng pamilya. Siya rin ang
nangangalaga sa seguridad ng pamilya.

NANAY- ang ilaw ng tahanan. Siya ang karaniwang


tagapangalaga sa mga anak sa pamilya. Tinutulungan
niya si tatay sa pagtugon sa pangangailangan ng
pamilya.

ATE/KUYA/BUNSO-sila ang katulong nina tatay at


nanay sa mga gawaing-bahay. Dapat silang magpakita
ng paggalang sa mga magulang at nakatatanda.

LOLO AT LOLA- gumagabay sa pamilya kung wala


sina nanay at tatay.

Karagdagang Kaalaman:
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay si tatay ang
naghahanapbuhay. Halimbawa, may karamdaman ang tatay, mas
mataas ang pinag-aralan ni nanay, matanda na sina tatay at
nanay, atbp., maaari ring magtrabaho ang nanay at ang mga
nakatatandang anak upang matugunan ang pangangailangan ng
mag-anak.

Bawat kasapi ng pamilya ay mahalaga para sa pagtupad ng


gawain para sa pamilya.
B. Sagutin ng TAMA o MALI.
______1. Ang bawat kasapi ng magulang ay may kani-kaniyang
tungkulin na dapat gampanan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

_______2. Ang anak na nasa Unang Baitang pa lamang ay wala pang


kayang gawin.

_______3. Si nanay ay sa bahay lamang at hindi maaaring


maghanapbuhay.

_______4. Ang mga anak ay hindi dapat gumagawa ng gawaing-


bahay.

_______5. Pagkagaling sa trabaho, may tungkulin pa rin sa bahay na


dapat gampanan si tatay.

V. REFLECTION
Batay sa natutunan sa araling ito, ang mag-aaral ay susulat
sa kaniyang journal notebook ng 2-3 pangungusap na nagsasabi
ng mga balak niyang gawin para sa kaniyang pamilya.

Mga Balak kong Gawin


________________________________________
________________________________________
_________________________________________

Rubrics sa Pagtatasa (Pangkatang Gawain)

Pamantayan Mahusay (5) Katamtaman (4) Di-gaano (3)


Nagpakita ng malawak Nagpakita ng sapat na Nagpakita lamang ng
Kaalaman sa paksa na pagkaunawa sa paksa pagkaunawa sa paksa kaunting pagkaunawa sa
paksa
Pakikiisa Aktibong nakilahok ang May 1 hanggang 2 May 3 hanggang 4 na
lahat ng miyembro miyembro ang hindi miyembro ang hindi
nakilahok nakilahok

Prepared by:

JUDITH A. PANGILINAN
Teacher II

Noted:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

CANDIDO T. AQUINO
Principal II

You might also like