Las Esp 9. Q4. W3 Las 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksyon: _______________

Asignatura: ESP 9 Guro: _________________________________ Iskor: _________________

Aralin : Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


(Markahan 4, Linggo 3, LAS 1)
Pamagat ng Gawain : Pagpapahayag ng pag-unawa ng Personal na Pahayag Misyon sa Buhay
Layunin : Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay - EsP9PK-IVc-14.1
Sanggunian : Learning Materials Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pahina 232-250
Manunulat : Rose Mae Z. Maramba

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Alam mo ba ang direksiyon na tinatahak mo sa buhay? Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung


saan ka patungo? Tingnan mo ang larawan sa itaas. Sa iyong palagay, alam ba ng taong iyan ang tamang
direksiyon na kaniyang tatahakin? Paano kaya kung siya ay magkamali at maligaw sa ninanais niyang
puntahan? Ano kaya ang maaaring mangyari sa kaniya? Ano kaya ang maaari niyang hantungan?

Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. Ito ang susi na makatutulong sa
kaniyang na makamit ang kaniyang layunin sa buhay. Balikan natin ang iyong napag-aralan noong ikaw ay
nasa Baitang 7 pa lamang, tinalakay ninyo ang tungkol sa tamang pagpapasya. Ito ay mahalaga sa
pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao. Kaya sa tuwing nagpapasya, kinakailangang
pag-isipan ito nang makailang ulit upang maging sigurado at hindi maligaw. Ito ay dapat na makabubuti sa
sarili, sa kapuwa at sa lipunan.

Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay? Ito ay katulad ng isang personal na
Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay
magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito
upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na
pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin
sa buhay. Hindi madali ang paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon at pagbabalik-
tanaw.

Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective People “Begin with
the end in mind”. Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan
kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay. Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong sarili at
suriin ang iyong katangian, pagpapahalaga at layunin. Mag-isip ng nais mong mangyari sa hinaharap at
magpasya sa direksiyon na iyong tatahakin sa iyong buhay upang matiyak na ang bawat hakbang ay
patungo sa mabuti at tamang direksiyon. Ayon din kay Covey, ang paggawa ng personal na misyon ay
nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay.

Tayahin ang Iyong Pag-unawa!


Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan sagutin
mo ang sumusunod na tanong sa patlang:

1. Bakit mahalagang makabuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay o PPMB? 5 puntos


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Magbigay ng iyong Personal na Pahayag ng Misyon mu sa Buhay? 10 puntos
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

You might also like