Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 5 & 6: Pakikilahok
Modyul
5&6 Pakikilahok
Ikalimang at Ikaanim Linggo
Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng


pagkamamamayan at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa
pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may
pagkakaisa.

Pamantayan sa Pagganap:

Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng


pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa
kanilang pamayanan.

Pamantayan sa Pagkatuto:

Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan


sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politikal at lipunan.

Paksa: Pakikilahok

Subukin

Magandang buhay mga butihin kong estudyante. Bago natin simulan


ang pagtatalakay sa paksang nakapaloob sa modyul na ito mas nakabubuti
na sagutin muna ang mga pagsubok para mabigyan ng panimulang ideya
ukol sa kung ano ang paksang nakapaloob sa kwarter na ito.
Paalala: Huwag munang buksan at basahin ang talakayan habang
sumasagot ka sa bahaging ito. Maging tapat sa iyong sarili.

Panuto: Piliin ang sagot mula sa pagpipilian at isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.

1. Sa Saligang Batas 1987 ng Pilipinas nakasaad ang “Ang Pilipinas ay


isang estadong republikano at demokratiko.” Ito ay mababasa
sa__________.
A. Artikulo II, Sek. 1 C. Artikulo III, Sek. 2
B. Artikulo IV, Sek. 3 D. Artikulo V, Sek. 4

2
2. Isa sa mga sumusunod ay kabilang sa pakikilahok sa gawaing
politikal.
A. Pagboto C. Pagbebenta sa simbahan
B. Pagsali sa protesta D. Pagtulong sa kalinisan ng barangay

3. Ito ay tumutukoy sa sektor ng lipunan na hiwalay sa estado.


A. Civic War C. Civil Society
B. Civil Service D. Civil Organizations

4. Ano ang ibig sabihin ng NGO?


A. National Government Organization
B. National Governors Organization
C. Non-General Organization
D. Non-Governmental Organization

5. Alin sa mga sumusunod ay gawaing politikal na ginagawa ng mga


Pilipinong may edad 18 pataas kada 3 taon sa unang lunes ng
Mayo?
A. Kilos Protesta C. Pagnenegosyo
B. Pagboto D. Rally

6. Ano ang tungkulin ng DJANGOs?


A. pagbibigay ng legal at medikal na serbisyo
B. nagsasagawa ng mga proyekto para sa mahihirap
C. nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga people’s organization
D. binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng
akademya

7. Ang sumusunod ay halimbawa ng NGO’s o PO’s maliban


sa__________
A. Gawad Kalinga
B. Bantay Kalikasan
C. San Miguel Corporation
D. Binibining Pilipinas Charities

8. Ito ay iilan sa naririnig nating mga isyu tuwing eleksyon maliban


sa_________.
A. Dayaan C. Komunismo
B. Dagdag-bawas D. Pagbili ng Boto

9. Ayon kay Constantino-David ang Civil Society ay binubuo


ng________.
A. kilos protesta C. pakikidigma

3
B. lipunang pagkilos D. voluntary organization

10. Isa sa pinakamalaking isyu na humahati sa ating lipunan ngayon ay


ang naging kinalabasan ng eleksyon noong 2016 kung saan
umano’y dinaya si____________.
A. Ferdinand Marcos Jr. C. Leni Robredo
B. Manuel Roxas III D. Benigno Aquino III

11. Ito ay isang halimbawa ng mga proyekto sa ilalim ng Development,


Justice, and Advocacy NGOs.
A. Operation Tuli C. Pabahay Program
B. Summer Basketball League D. Pagpapautang sa Magsasaka

12. Isa sa mga programa ng ating pamahalaang lokal ng Cebu kung


saan iniimbita ang mga turista sa pagbisita o tour sa mga iba’t-ibang
bahagi ng ating probinsya.
A. 500 years of Christianity C. Laag Laag Laagan
B. Suroy-Suroy Sugbo D. Tour De Cebu

13. Isang People’s Organization na nangangalaga sa yamang dagat ng


Pilipinas. Isa sa kanilang naging adbokasiya ay ang paghuli ng mga
mangingisdang gumagamit ng lason o dinamita sa pangingisda.
A. Bantay Dagat
B. PAG-IBIG Foundation
C. Binibining Pilipinas Charities
D. Gawad Kalinga Foundation

14. Upang makaboto ngayong Eleksyon 2022, ano ang una at


pinakamahalagang gagawin ng mga kabataang nasa edad 18 pataas
ngunit hindi pa nakaboto sa nagdaang eleksyon?
A. Bumoto sa Halalan C. Makinig sa Radyo
B. Magparehistro sa COMELEC D. Pumili ng Kandidato

15. Maliban sa PAGBOTO, alin pang gawain ang maituturing na


mahalagang gawain upang makilahok sa pamamahala ng ating
bansa?
A. Bumuo ng isang NGO C. Makisali sa NGO
B. Sisihin ang pamahalaan D. Tumakbo sa Halalan

4
Aralin 1: Pakikilahok

Alamin

Isang malugod na pagbati mga butihing estudyante, isa na namang


makabuluhang paglalakbay ang tatahakin natin at tuklasin ang mga
bagong kaalaman na tiyak ay marami kayong matutunan. Halina at
simulan ang paglalakbay sa ikaapat na markahan. Sa bahaging ito,
matutunghayan mo ang kahulugan pakikilahok.

Upang magkaroon ng mas komprehensibong pagkatuto kayo ay


inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod:

1. natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok;


2. nasusuri ang epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga
gawaing pansibiko sa kabuhayan, pulitika, at lipunan; at
3. napahahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa
kanyang komunidad.

Panimulang Gawain

Suriin ang Larawan: Pagbigyang pansin ang larawan sa ibaba at sagutin


ang mga tanong.

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan?
2. Bakit kaya nila ito ginagawa?

5
3. Anong karapatang pantao ang ipinahihiwatig nito?

Tuklasin at Suriin

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga paraan kung paano


nakikilahok ang aktibong mamamayan sa mga gawaing magpapabuti sa
pamamalakad ng pamahalaan at ng kapakanan ng bansa.
Bilang pinakamahalagang elemento ng estado, nasa kamay natin ang
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan na ating kinakaharap. Nasa
kamay natin ang pagbabago na gusto nating makita sa lipunan na
ginagalawan natin. Mali ang pag-iisip na pamahalaan lang ang may
tungkulin na bigyan ng solusyon ang mga isyung panlipunan.
Ayon sa Artikulo II, Sek. 1 ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas, “Ang
Pilipinas ay isang estadong republikano at demokratiko.” Ibig sabihin nito
na ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula
sa kanila ang lahat ng awtoridad sa pampamahalaan. Ngunit mangyayari
lamang ito kung ang mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa mga
isyung panlipunan.

Dalawang Uri ng Pakikilahok

1. Pakikilahok sa mga gawaing politikal

- Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang mamamayan ng mga


opisyal ng pamahalaan na sa tingin nila ay makapaglilingkod nang
maayos. Sa pamamagitan ng pagboto, tayo mismo ang nagtatakda
ng kinabukasan ng ating bayan.
- Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa boto. Bawat isang Pilipino
ay mayroon lamang isang boto, mayaman man o mahirap. Ngunit
may balakid ang pakikilahok ng mga tao sa eleksyon dahil
nababalitaan pa rin natin na may nagbebenta pa rin ng kanilang
boto sa mga politiko.
- Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004, pangunahin ang
pagboto bilang katangian ng isang mabuting mamamayan para sa
mga Pilipino.

2. Pakikilahok na Pansibiko/Civil Society

6
- Ang civil society ay tumutukoy sa sektor ng lipunan na hiwalay sa
estado. Ito ay binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga
kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental
Organizations/People’s Organizations. Hindi naman bahagi nito
ang tahanan, mga negosyo, mga partidong politikal, at mga
armadong grupo.

Layunin ng Civil Society


1. Magkaroon ng mamamayang nakikilahok sa pagpapaunlad ng
bayan sa paraang higit pa sa pagboto.
2. Pagbuo ng mga samahang direktang makikipag-ugnayan sa
pamahalaan upang iparating ang pangangailangan ng
mamamayan.
3. Maging kabahagi sa pagpapabago ng polisiya at maggiit ng
pananagutan (accountability) at katapatan (transparency) mula
sa estado (Siliman, 1998).

Ayon naman kay Randy David (2008), sa pamamagitan ng


civil society ang mga mamamayan ang pinanggagalingan ng
soberanya ng isang estado. Ipinaliwang ni Constantino-David
(1998) ang mga bumubuo sa civil society. Ito ay binubuo ng mga
kilos protesta, mga lipunang pagkilos, at mga voluntary
organizations.

Dalawang Kategorya ng Civil Society (Constantino-David)

1. Grassroots Organizations o People’s Organizations (POs) – naglalayong


protektahan ang interes ng mga kasapi nito. Dito nahahanay ang mga
sectoral group ng kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda, at
mga caused-oriented groups.

2. Grassroot Support Organizations o Non-Governmental Organizations


(NGOs) – naglalayong suportahan ang mga programa ng mga people’s
organizations. Ito ay naglalayong tuligsain ang mga hindi makataong
patakaran ng pamahalaan at tulungan ang mamamayan na
makaahon sa kahirapan. Ang NGOs ay nabuo bilang tugon ng
mamamayan sa kabiguan ng pamahalaan na matugunan ang mga
suliranin ng mamamayan. Ang Local Government Code of 1991 ay
isang mahalagang patunay sa papel na ginagampanan ng mga NGO.
Nakasaad sa batas na ito ang pagbuo ng mga local development
council sa bawat lokal na pamahalaan.

7
Maraming iba’t ibang NGO at PO ang makikita sa Pilipinas at bawat
isa ay may kani-kanilang tungkulin sa bayan. Ang mga ito ay ang
sumusunod:

❖ TANGOs (Traditional NGOs) – nagsasagawa ng mga proyekto


para sa mahihirap
❖ FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs) – nagbibigay ng tulong
pinansyal sa mga people’s organization para tumulong sa mga
nangangailangan
❖ DJANGOs (Development, Justice, and Advocacy NGOs) –
nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng
pagbibigay ng legal at medikal na serbisyo
❖ PACO (Professsional, Academic, and Civic Organizations) –
binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng
akademya
❖ GUAPO (Genuine, Autonomous POs) – mga POs na itinayo mula
sa inisyatibo ng mamamayan at hindi ng pamahalaan.

Ayon kay Larry Diamond (1994), ang pakikilahok sa mga ganitong


samahan ay isang mahusay na pagsasanay para sa demokrasya.

Tatlong Mahahalagang Tungkulin ng mga PO at NGO sa Pilipinas sa


kasalukuyan
A. Ang paglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang
kabuhayan ng mamamayan.
B. Nagsasagawa ng mga pagsasanay at pananaliksik tungkol sa
adbokasiyang kanilang ipinaglalaban
C. May malaking papel sa direktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan
upang maiparating sa kanila ang hinaing ng kanilang sektor at mga
naiisip na programa at batas na naglalayong mapagbuti ang
kalagayan ng mamamayan.

Mga maaaring gawin sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko

1. Pagtatag o pakikilahok sa mga organisasyong pagkilos at


organisasyong nagsusulong ng kagalingan at pag-unlad ng
komunidad at bansa
2. Pagpaparating sa kinauukulan ng kinakailangang gawin
3. Pag-aangat sa kalagayan ng ating kapwa Pilipino
4. Pakikipagpalitan at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon

8
5. Pangangalaga ng ating mga minanang yaman at mga pampublikong
pasilidad
6. Pangangalaga ng ating kapaligiran at paglinang ng mga likas na
yaman
7. Pagpapaunlad at pagsuporta sa mga produkto ng bansa
8. Pagtangkilik at pag-angkat ng produktong Pilipino

Sa kabuuan, ang civil society ay nakabubuti sa isang demokrasya.


Binibigyan ng civil society ang mga mamamayan ng mas malawak na
pakikilahok sa pamamahala ng isang bansa. (Bello,2000)

Isaisip

Matapos mong basahin ang teksto nagkaroon ka ng mas


makabuluhang kaalaman at pag-unawa sa paksang pakikilahok. Ibahagi
ang iyong natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba.
Gumamit ng sagutang papel.

1. Ano ang kahalagahan ng pakikilahok?


_____________________________________________________________________
2. Ano ang mahalagang papel ng civil society sa kaunlaran ng lipunan?
3. _____________________________________________________________________
4. Paano nakatutulong ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko sa
kaunlaran ng bansa?
_____________________________________________________________________

Isagawa/Pagyamanin

Gawain 1: Magtala ng mga gawaing pansibiko na napanood sa telebisyon


at na-obserbahan sa iyong komunidad. Gawin sa sagutang papel.

Napanood sa Telebisyon Obserbasyon sa iyong komunidad

9
Gawain 2: Tukuyin ang mga salita na inilalarawan sa mga sumusunod na
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.

1. Ito ay binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng


akademya. ___________
2. Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng mga
kasapi nito. ___________
3. Nilalayon ng samahang ito na suportahan ang mga programa ng mga
grassroots organizations. __________
4. Ipinakikita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel na
ginagampanan ng mga NGO at PO. _________
5. Dito kabilang ang mga sectoral groups na kinabibilangan ng
kababaihan at kabataan. ___________

Aralin 2: Gawaing Pansibiko

Alamin

Isang malugod na pagbati mga butihing estudyante, isa na namang


makabuluhang paglalakbay ang tatahakin natin at tuklasin ang mga
bagong kaalaman na tiyak ay marami kayong matutunan. Halina at
simulan ang paglalakbay sa ikaapat na markahan. Sa bahaging ito,
matutunghayan mo ang paraan ng pakikilahok.

Upang magkaroon ng mas komprehensibong pagkatuto kayo ay


inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod:

1. natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pakikilahok;


2. natatalakay ang iba’t ibang gawaing pansibiko sa pamayanan at
bansa; at
3. napahahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa
kanyang komunidad.

10
Panimulang Gawain

Suriin ang Larawan: Pagbigyang pansin ang larawan sa ibaba at sagutin


ang mga tanong.

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang makikita sa larawan?
2. Anong organisasyong pansibiko ang napakaaktibo sa larangan ng
kapakanang pampubliko?
3. Makikita mo ba ang sarili mo na isa sa mga taong nasa larawan?

11
Tuklasin at Suriin

Sa modyul na ito ay pag-uusapan natin. Ang pakikilahok ng


mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko ay makatutulong para maging
maunlad ang ating pamayanan.

Narito ang ilan sa mga proyekto at programa na maari mong salihan


at suportahan:

Mga Programa Paraan ng Pakikilahok


Day-Care Centers Pagboboluntaryo bilang assistant sa
day-care center o tumulong sa ilang
gawain dito
Pagbabahagi ng Kaalaman (Libreng Pakikibahagi ng iyong kagalingan sa
Tutorial) iba’t ibang asignatura sa iyong mga
kaibigan o mas bata pa at turuan
sila ng pagbasa, pagbilang, at
pagsulat
Feeding Program Pagsasagawa ng pagpupulong ng
inyong mga kaibigan, kaklase, at iba
pa upang mangalap ng pondo para
sa libreng pagpapakain sa mga bata
sa inyong lugar. Kailangan ang
tulong ng inyong mga magulang.
Programang Pangkabuhayan Pag-alam at pagbibigay ng
impormasyon ng mga institusyong
nagsasagawa ng libreng seminar na
pangkabuhayan at pagsasanay sa
iba’t ibang komunidad. Imbitahin
ang inyong kapitbahay na dumalo
dito
Programang Pangkalusugan Pagbabalita at paghikayat ng mga
mamamayan sa inyong komunidad
sa mga programa at serbisyong
medikal sa health center at malapit
na ospital. Maaari ring magbahagi ng
libreng assistance sa mga opisyal at
namumuno sa programang ito.
Programa sa Basura (Waste Pakikilahok at pakikiisa sa
Management) pangangalap ng pondo o pagkolekta
ng mga lalagyan tulad ng timba,
balde, at dram upang gawing
basurahan sa paligid ng inyong
komunidad
Programa sa Pagtatanim ng mga Pagtatanim ng mga halaman sa mga

12
Puno (Reforestation Program) bakanteng lote o lupa sa inyong
komunidad. Gumawa ng poster na
nagpapakita ng kahalagahan ng mga
halaman at puno sa ating
kapaligiran
Clean and Green Campaign Pakikiisa at pagsuporta sa paglinis
ng inyong kapaligiran. Sa
pagpupulot o pagdampot ng mga
makikita mong kalat sa inyong lugar
ay malaki ang maiaambag nito sa
kalinisan ng ating kapaligiran.

Sa panahon ngayon, hindi siguro posible ang pagsasagawa ng


lahat ng nabanggit sa itaas pero may magagawa pa rin tayo upang gumawa
ng pagbabago sa ating lipunan.

Ilan sa halimbawa ng mga civic groups

1. Habitat for Humanity


2. Gawad Kalinga Foundation
3. Lihok Pilipina Foundation
4. Good Sheperd Welcome House
5. Rise Above Foundation
6. FundLife
7. IRO (Island Rescue Organization)
8. RAFI (Ramon Aboitiz Foundation Incorporated)
9. SOS Children’s Village-Cebu
10. HUGS (Helping U Grow Strong)
11. Little Bamboo Foundation
12. Gasa sa Gugma
13. The Rice Movement
14. Mental Health Hour Cebu
15. iCanServe Foundation
16. C-CIMPEL (Cebu Citizens Involvement and Maturation for People’s
Empowerment and Liberation)
17. BSP (Boy Scouts of the Philippines)
18. GSP (Girl Scouts of the Philippines)
19. Philippine National Red Cross

Ang pakikilahok ay nakagagawa ng pagbabago sa ating komunidad.


Nakatutulong ito upang maiangat natin ang kalagayan ng ating kapwa
Pilipino at napapangalagaan natin ang ating mga minanang yaman at mga
pampublikong pasilidad. At napapaunlad at nasusuportahan ang
produktong Pilipino.

13
Isaisip

Matapos mong basahin ang teksto nagkaroon ka ng mas


makabuluhang kaalaman at pag-unawa sa paksang pakikilahok. Dito rin
matatantiya mo na ang pagtatag o pakikilahok sa mga orgnisadong pagkilos
at organisayong nagsusulong ng kagalingan at pag-unlad ng komunidad at
bansa. Sa iyong pakikilahok ay naipaparating mo sa kinauukulan ang mga
kinakailangang gawin at nakikibahagi ka sa pakikipalitan at pagbibigay ng
mahahalagang impormasyon.

Upang mas maliwanagan, mainam na sagutin ang mga


sumusunod na tanong:

1. Ano ang maaaring mangyari kung hindi lumalahok ang mga


mamamayan sa mga gawaing pansibiko?
2. Magtanong at alamin ang ilang NGO na kumikilos sa inyong
komunidad. Ano ang kanilang ginagawa upang paunlarin ang inyong
komunidad?

Isagawa/Pagyamanin

Gawain 1: Pag-aralan ang graphic organizer sa ibaba. Ipinakikita nito ang


mga pamamaraan at epekto ng mga gawaing pansibiko ayon sa United
Nations Development Program. Sagutin ang mga tanong at isulat sa sulatang
papel.

14
The Framework for Civic Engagement

Opportunities

• Globalization/Liberalization
• Increased democratization
• Greater space for CSOs
• Greater economic opportunities
• Greater connectivity through ICT
Development Governance Framework of
Framework Orientation
Development
Challenges
-Growth -Democratic Management
• Economic vulnerability -Poverty -Partnering
• Conflict Civic
reduction
• Social exclusion -Engaging Engagement in
-Equity Public
• Inequality -Inclusive
Governance
• Lingering Poverty -Environmental
• Falling trust sustainability

Commitments

• Global commitment to equitable


development
• Democracy and rule of the law
• Social Inclusion and environmental
sustainability
• National leadership committing more
and more to pro-poor development
Source: Padayon 10- Mga Komtemporaryong Isyu

Pamprosesong tanong
1. Batay sa iniulat ng United Nations, ano ang mga pamamaraang dapat
isagawa para sa gawaing pansibiko?
2. Ano-ano ang hadlang sa pagpapatupad ng mga gawaing pansibiko?
3. Paano maiiwasan ang mga hadlang na ito?

Gawain 2: Mga Gawaing Pansibiko. Buuin ang talaan ng mga gawaing


pansibiko batay sa iyong sariling karanasan.

Nagawa ko na: Balak ko pang gawin: Hindi ko magagawa:

Mga Dahilan: Mga Dahilan: Mga Dahilan:

15
Tayahin

Panuto: Gamit ang iyong sagutang papel. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga organisasyong ito ay kinabibilangan ng mga propesyonal at


ng mga galing sa sektor ng akademya.
A. FUNDANGOs B. GUAPO C. PACO D.
TANGOs

2. Layunin ng organisasyong ito na suportahan ang mga programa ng


mga grassroots organization.
A. GSIS B. SSS C. NGO D. PCSO

3. Ayon sa Artikulo II, Sek 1 ng Saligang Batas 1987 “Ang Pilipinas ay


isang estadong ________________.”
A. Pederal at Demokratiko C. Romano at Katoliko
B. Republikano at Demokratiko D. Diktadurya at Komunista
4. Ang sumusunod ay halimbawa ng non-government organization
maliban sa__________.
A. Bantay Dagat C. Kapwa Ko, Mahal Ko
B. Bantay Kalikasan D. Ocean Park Cebu

5. Ito ay isa sa pinakakilalang pandaigdigang kilusan na naninindigan


sa pangangalaga ng ating kalikasan.
A. Greenpeace C. Kalikasan International
B. Bangon Pilipinas D. Likas Yaman Foundation

6. Isa sa mga naging taunang proyekto ng mga DJANGOs


A. Operation Tuli C. Pabahay Program
B. Summer Basketball League D. Pagpapautang sa Magsasaka

16
7. Alin sa sumusunod ang tinuturing na pinakamahalagang gawaing
politikal ng bawat mamamayan?
A. Pagboto C. Pagbebenta sa simbahan
B. Pagsali sa protesta D. Pagtulong sa kalinisan ng barangay

8. Ito ay isa sa mga naging matunog na gawaing pansibiko kalian lang,


kung saan naglalagay ng mga essential goods o mga pagkain sa
isang bahagi ng komunidad at lahat ay puwedeng kumuha dito?
A. Communist Party C. Community Pantry
B. Community Station D. Community Police Office

9. Isang halimbawa ng GUAPO (Genuine, Autonomous Pos), sinasanay


nila ang pinakamagagandang dilag mula sa iba’t-ibang lupalop ng
Pilipinas upang sumali sa mga “beauty pageants” upang makalikom
ng pondo.
A. Binibining Pilipinas Charities C. Kapuso Foundation
B. Pacific Charities Philippines D. Gabriela Philippines

10. Isa sa mga sumusunod ay kabilang sa pakikilahok sa gawaing


politikal.
A. Pagsali sa protesta
B. Pagbebenta sa simbahan
C. Pagboto o pagpili ng mga kandidato
D. Pagtulong sa kalinisan ng barangay

11. Ito ang pinakamalaki at pandaigdigang samahan ng mga Girl Scouts


sa buong mundo.
A. Girl Scouts of the Philippines
B. Scouting for women International Philippines
C. Pambansang Samahan ng Kababaihang Skawt
D. World Association of Girl Guides and Girl Scouts

12. Isa ito sa pinakakilalang pandaigdigang NGO, layunin nito ay ang “to
contribute to the education of young people, through a value system
based on the Scout Promise and Scout Law, to help build a better
world where people are self-fulfilled as individuals and play a
constructive role in society.” Ito ay kilala bilang:
A. Girl Scouts Movement
B. Boy Scouts of the Philippines
C. Scouting International Philippines
D. World Organization of the Scout Movement

17
13. Ano naman ang ibig sabihin ng Artikulo II, Sek 1?
A. Ang pamahalaan ay binubuo ng mga relihiyoso
B. Ang mga opisyales lang ng pamahalaan ang dapat mamahala
C. Kabahagi ang mga mamamayan sa pamamahala ng pamahalaan
D. Ang pangulo lamang ang namamahala at dapat sundin sa walang
pag-iimbot ang kanyang sinabi

14. Ito ay mga halimbawa ng mga gawaing pakikilahok sa mga gawaing


pansibiko maliban sa
A. Pagpapatayo ng mga huwad na Organisasyon
B. Pag-aangat sa kalagayan ng ating kapwa Pilipino
C. Pagpaparating sa kinauukulan ng kinakailangang gawin
D. Pakikipagpalitan at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon

15. Maliban sa PAGBOTO, alin pang gawain ang maituturing na


mahalagang gawain upang makilahok sa pamamahala ng ating
bansa?
A. Makiisa sa dayaan sa halalan
B. Mag-organisa ng isang clean-up drive
C. Magtayo ng sariling community pantry
D. Makibahagi sa gawaing pansibiko ng mga lokal na NGO

Karagdagang Gawain / Takdang Aralin

Mula sa bahaging suriin nabasa mo ang listahan ng iba’t ibang


civic groups. Ngayon, pumili ka ng limang (5) civic groups na makikita
sa iyong komunidad at magsaliksik tungkol sa kanilang mga proyekto
at gawaing pansibiko. Mula sa limang (5) napili mo, magbigay ng
dalawang (2)civic groups na sa tingin mo ay maaari kang makibahagi
at sa anong kadahilanan. Gawin ito sa short bond paper.

18
Sanggunian

• Evangeline M. Dallo, E. D. (2017). Kayamanan - Kontemporaryong Isyu.


Quezon City: Rex Printing Company Inc.

• Module sa Araling Panlipunan - Kontemporaryong Isyu. (n.d.). Kagawaran ng


Edukasyon.

• Ronaldo Ba. Mactal, PhD. Padayon 10 - Mga Kontemporaryong Isyu.

• officialgazette.gov.ph
final copy 6/2/21

19

You might also like