Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan
Modyul 1: Konsepto ng
Pagkamamamayan
Modyul Konsepto ng
1 Pagkamamamayan
Unang Linggo
Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng


pagkamamamayan at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa
pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may
pagkakaisa.

Pamantayang Pangkasanayan:

Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng


pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa
kanilang pamayanan.

Pamantayan sa Pagkatuto:

Naipapaliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan

Paksa: Konsepto ng Pagkamamamayan

Subukin

Magandang buhay mga butihin kong estudyante. Bago natin simulan


ang pagtatalakay sa paksang nakapaloob sa modyul na ito mas nakabubuti
na sagutin muna ang mga pagsubok para mabigyan ng panimulang ideya
ukol sa kung ano ang paksang nakapaloob sa kwarter na ito.
Paalala: Huwag munang buksan at basahin ang talakayan habang
sumasagot ka sa bahaging ito. Maging tapat sa iyong sarili.

Panuto: Piliin ang sagot mula sa pagpipilian at isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ang pagkamamamayan ng isang Pilipino ay nakasaad sa Saligang Batas


1987 ng Pilipinas sa__________.
A. Artikulo 2 B. Artikulo 3 C. Artikulo 4 D. Artikulo 5

2. Ito ay kasulatan kung saan nakasaad ang pagiging mamamayang Pilipino.


A. Bibliya C. Bagong Tipan
B. Saligang Batas 1987 ng Pilipinas D. Lumang Tipan

2
3. Ito ay tumutukoy sa pagkamamamayan batay sa lugar na kapanganakan.
A. Naturalisasyon C. Jus Soli
B. Expatriation D. Jus Sanguinis

4. Ito ay isang proseso ng pagkamamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas.


A. Naturalisasyon C. Expatriation
B. Jus Soli D. Jus Sanguinis

5. Ang isang uri ng pagkamamamayan ayon sa pagkamamamayan o dugo ng


magulang.
A. Naturalisasyon C. Expatriation
B. Jus Soli D. Jus Sanguinis

6. Nakasaad sa Saligang Batas 1987 ng Pilipinas na ang pagkamamamayang


Pilipino ay maaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng
batas. Nakapaloob ito sa _________.
A. Artikulo 4 Sek. 1 C. Artikulo 4 Sek 2
B. Artikulo 4 Sek. 3 D. Artikulo 4 Sek. 4

7. Ang mga sumusunod ay mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas 1987


ng Pilipinas maliban sa:
A. Yaong mga may kagustuhang maging Pilipino.
B. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
C. Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan sa Pilipinas.
D. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng
Konstitusyong ito.

8. Sa panahon ng pandemya, isa sa mga sumusunod ang naglalarawan ng


tungkulin ng isang mamamayan, ito ay ang…
A. palagiang paglabas ng bahay.
B. palagiang pag-iwas sa paghugas ng kamay.
C. pagsawalang bahala sa pagsuot ng face mask.
D. palagiang pagsunod sa safety protocol ng IATF
tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield,
social distancing at palagiang paghugas ng kamay.

9. Isa sa mga sumusunod ang maituturing na isang mamamayang Pilipino


ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas.
A. Yaong ang mga magulang ay mamamayan ng Pilipinas
B. Yaong ang mga magulang ay naninirahan sa Pilipinas
C. Yaong ang mga dayuhang magulang ay nag-aaral sa Pilipinas
D. Yaong ang mga dayuhang magulang ay namumuhunan sa Pilipinas

10. Isa sa mga sumusunod ay maituturing na isang mamamayang Pilipino ayon


sa Saligang Batas 1987 ng Pilipinas. Ito ay yaong mga…
A. dayuhan na nag-aaral sa bansa.
B. naging mamamayan ayon sa batas.
C. dayuhan na namumuhunan sa bansa.
D. magulang ay naninirahan sa Pilipinas.

3
11. Isa sa mga sumusunod ang hindi maituring na isang mamamayang Pilipino
ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. Ito ay ang…
A. “Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.”
B. “Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.”
C. “Si Kesha, isang Russian, naging Pilipino ayon sa prosesong
naturalisasyon.”
D. “Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at
piniling maging Pilipino.”

12. Ang pagkamamamayan ay maaring boluntaryo at di boluntaryo. Isa sa mga


sumusunod ay naglalarawan ng boluntaryong pagkamamamayan. Ito ay
ang…
A. “Si Jose ay nag-aaral sa USA.”
B. “Si Danilo ay ipinanganak sa Amerika.”
C. “Si Renato ay anak ng isang Pinay sa Koreanong ama.”
D. “Si Dado na isang OFW na naninirahan sa Canada
ay piniling maging Canadian citizen.”

13. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangang masiguro ng isang
tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa maliban sa:
A. Upang magkaroon siya ng pagkakilanlan.
B. Upang mabatid niya ang kanyang mga karapatan at tungkulin
C. Upang baliwalain ang kanyang mga tungkulin at pananagutan.
D. Upang maigawad sa kanya ang mga pribilehiyo na dapat niyang
tinatamasa.

14. Ito ay naglalarawan ng isang mamamayang isinaalang-alang ang kapakanan


ng nakararami ngayong panahon ng pandemya.
A. Namingay ng mga damit galing sa US si Gelay sa kanyang mga kapit-
bahay.
B. Nakipagsiksikan sa bus station si Lorena para maagang makauwi ng
bahay.
C. Pumasok ng grocery store si Alfie na hindi naglista ng pangalan at
numero ng telepono sa tracking form.
D. Pumunta ng palengke si Troy na nakasuot ng face mask at face shield at
may dalang maliit na bote ng alcohol sa bulsa.

15. Isa sa mga sumusunod na situwasyon ay hindi nagpapakita ng lumawak na


konsepto ng pagkamamamayan. Ito ay ang…
A. “Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa
pamahalaan.”
B. “Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kanyang mga
pangangailangan.”
C. “Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang
lokal na pamahalaan.”
D. “Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na
naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.”

4
Aralin 1: Konsepto ng Pagkamamamayan

Alamin

Isang malugod na pagbati mga butihing estudyante, isa na namang


makabuluhang paglalakbay ang tatahakin natin at tuklasin ang mga
bagong kaalaman na tiyak ay marami kayong matutunan. Halina at
simulan ang paglalakbay sa ikaapat na markahan. Sa bahaging ito,
matutunghayan mo ang konsepto ukol sa aktibong pagkamamamayan.

Upang magkaroon ng mas komprehensibong pagkatuto kayo ay


inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod:

1. natutukoy ang kahulugan ng pagkamamamayan;


2. nasusuri ang mga tungkulin at responsibilidad ng isang
mamamayan; at
3. napahahalagahan ang pagiging isang aktibong mamamayan.

Panimulang Gawain

Punan ang Patlang: Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang
mga kataga ng Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas. Hanapin sa loob ng
kahon ang tamang salita.
makabansa maka-Diyos makatao
Pilipino Pilipinas katapatan makakalikasan

Ako ay(1)_____,buong (2)_____


nanunumpa sa watawat ng(3)_____
At sa bansang kanyang sinasagisag.
Na may dangal, katarungan at kalayaan,
Na pinakikilos ng sambayanang(4)____, (5)_____ (6)_____, at(7)_____.

Pamprosesong Katanungan
1. Ilang taon ka nang masaulo mo ang Panunumpa sa Watawat ng
Pilipinas?
2. Bakit mahalaga para sa iyo bilang isang Pilipino na masaulo ito?

5
Tuklasin at Suriin

Sa napag-aralan na ninyo, ang isang estado ay mayroong apat na


elemento. Ito ay ang mamamayan, teritoryo, pamahalaan at soberanya.
Hindi buo ang estado kung wala ang isa. Ang mamamayan bilang tayo ay
may malaking bahaging ginagampanan para ating bansa.
Upang mas mapayaman ang iyong kaalaman sa aralin, mahalagang
maunawaan ang mga konsepto ng pagkamamamayan at ang bahaging
ginagampanan nito sa kasalukuyan.

Konsepto ng Pagkamamamayan
Ang konsepto ng pagkamamamayan ay maaring ma-iuugat pa sa
kasaysayan. Sa paglipas ng maraming taon, ay nagdaan ng maraming
pagbabago ang konsepto.
Ang pagiging kasapi ng mamamayan sa isang estado o
pagkamamamayan ay nagtatakda ng mga tungkulin ng mamamayan tulad
ng obligasyon at katapatan sa estado, at pagsunod sa mga batas nito.
Kapalit naman nito ay ang obligasyon ng estado na mapangalagaan ang
kanyang mamamayan sa loob at labas ng kanyang teritoryo. Ang
mamamayan ay nagtataglay ng mga karapatan at pribilehiyo.
Ang Saligang Batas 1987 ng Pilipinas ay nagtatakda ng alituntunin at
regulasyon sa pagkamamamayan ng bansa. Makikita sa Artikulo 4 Seksyon
1 hangang 5 ng ating saligang batas ang pagkamamamayan ng isang
Pilipino.

ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN

SEKSYON 1. Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas:

(1) Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng


Konstitusyong ito;

(2) Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas;

(3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay
Filipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang
gulang; at

(4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

6
SEK. 2. Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga
mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang
kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos
ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na maging
mamamayang Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring
na katutubong inianak na mga mamamayan.

SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling


matamo sa paraang itinatadhana ng batas.

SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga


mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa
kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na
nagtakwil nito.

SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa


kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

Ayon sa Saligang Batas, may dalawang uri ng mamamayan sa bansa.


Una, mga mamamayang likas na katutubong inianak at pangalawa,
mamamayang naturalisado.

Dalawang Pangkalahatang Pamamaraan sa Pagtatamo ng


Pagkamamamayan

1. Di Boluntaryo (Involuntary Method) – maituturing na sapilitan at


hindi maaaring piliin ang pagkamamamayan. Maaaring matamo ang
pagkamamamayan sa paraang ito sa pamamagitan ng pagsilang dahil
sa lugar ng kapanganakan (Jus Soli o Jus Loci), kung saan nagiging
mamamayan ng bansa ang isang tao kung saan siya ipananganak
maging anuman ang pagkamamamayan ng kanyang mga magulang,
at sa relasyon ng dugo (Jus Sanguinis), kung saan natatamo ng isang
tao ang kanyang pagkamamamayan ayon sa pagkamamamayan ng
kanyang magulang.

Ang konsepto na nakapaloob sa Jus Soli o Jus Loci at Jus


Sanguinis ay maipapaliwag sa situwasyon kung saan si Pia ay
ipinanganak sa USA na may mga magulang na kapwa Pilipino.
Dahil sinusunod ng bansang Amerika ang prinsipyo na Jus Soli,
si Pia ay maituturing na mamamayan ng Amerika (American
Citizen). Kung ang pagbabatayan naman ay ang lahi ng kanyang
mga magulang, si Pia ay maituturing din na isang
mamamayang Pilipino ayon sa prinsipyo ng Jus Sanguinis.

2. Boluntaryo (Voluntary Method) – ang taong nagnanais mismo ang


pipili ng kanyang pagkamamamayan sa pamamagitan ng
naturalisasyon (naturalization). Ang naturalisasyon ay ang proseso o

7
paraang itinadhana ng batas kung saan maaring tanggapin ng estado
ang isang dayuhan upang maging mamamayan nito.

Ayon sa Saligang Batas, maaaring matamo ang


pagkamamamayan sa pamamagitan ng naturalisasyon sa
dalawang paraan:

1. Sa pamamagitan ng desisyon ng hukuman; at


2. Pagpapatibay ng Kongreso ng isang batas na direktang
naggagawad ng pagkamamamayan sa isang dayuhan.

Sa ilalim ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas, may mga


karapatan at pribilehiyong ipinagkaloob lamang sa mga katutubong
inianak at hindi sa mga naturalisado. Pangunahin dito ang
pagkahalal o pagkahirang sa pinakamataas na posisyon sa
pamahalaan kabilang ang pangulo at pangalawang pangulo, maging
kasapi ng Senado at Mababang Kapulungan, mahistrado sa Korte
Suprema, at maging tagapangulo at komisyonado ng mga Komisyong
Konstitusyonal.

Ang pagkamamamayan ng isang tao ay maaring mabago o mawala. Ito


ay itinakda ng ating saligang batas. Ang mga sumusunod ay maaring
maging dahilan upang matanggal ang pagkamamamayan ng isang Pilipino:

1. Naging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa


2. Panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas ng ibang bansa
3. Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
4. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon

Mamamayan at Pamahalaan

Ang mga tao sa isang bansa ay itinuturing na isang body politic. Ang
body politic ay ang pagturing sa lahat ng mga tao sa isang bansa bilang
isang kolektib o nag-iisang (single) organisasyong pangkat ng mga
mamamayan sa ilalim ng nag-iisang kapangyarihang pampamahalaan o
politikal. Kailangang gampanan ang itinakdang kapangyarihan, tungkulin,
at pananagutan ng bawat isa upang manatiling malusog at maayos ang
kondisyon ng buong katawang politikal.

Tungkulin kapwa ng pamahalan o namumuno at ng mamamayan o


pinamumunuan na sumusunod sa batas. Ang mga taong naatasang bumuo
at magpatakbo ng pamahalaan ay hindi pinapayagang mamuno batay
lamang sa sarili nilang kagustuhan. Dapat silang sumusunod sa mga
itinakdang alituntunin at mga napagkasunduang proseso. Ang mga opisyal
at alinmang sangay ng pamahalaan ay hindi maaaring kumuha ng buhay,
kalayaan, karapatan, at ari-arian nang walang paliwanag sa dahilan, at
nang hindi muna pinakikinggan ang panig ng sinumang mamamayan.
Tinatawag ang pamamaraang ito bilang due process of law.

8
Tungkulin at Pananagutan ng bawat mamamayan

Pangunahing pananagutan ng bawat mamamayan sa demokratikong


bansa ang pagtatanggol sa demokrasya at mga simulain nito. Dapat
mahigpit na nababantayan ng mga mamamayan ang saligang batas at iba
pang mga batas na hindi nalalabag ninuman lalo na ng isang opisyal ng
pamahalaan. Responsibilidad ng lahat ng mamamayan at hindi lamang ng
mga opisyal ng pamahalaan ang pangangalaga at pagtatanggol ng
demokrasya.

Kabilang sa mga pangunahing responsibilidad ng mamamayan ang


pagsunod at pagtiyak na nananaig ang batas. Subalit bago niya matiyak na
nasusunod ang batas, pananagutan niya munang magkaroon ng tamang
edukasyon at kaalaman hindi lamang sa batas kundi maging sa mga
simulain, sistema, at pamamaraan ng demokrasya, at pamumuhay na
demokrasya. Responsibilidad ng mamamayan na malaman, magampanan,
at mapangalagaan ang saklaw at limitasyon ng kanyang mga karapatan at
pananagutan.

Inaasahan na ang mga mamamayan sa isang demokrasyang bansa na


aktibong makikilahok sa buhay pampulitika ng lipunan. Hindi lamang sila
inaasahang makikilahok sa eleksiyon, plebisito, at sa iba pang pormal na
estruktura na itinakda para sa pakikilahok pampulitika, kundi aktibo sa
lahat ng usapin at isyung pambayan lalo na ang may kinalaman sa kanilang
interes at kapakanan ng bansa.

Pananagutan rin ng bawat mamamayan na aktibong makilahok sa


pagbalangkas at pagbubuo ng mga polisiya ng publiko (public policy).
Napakahalaga sa bawat isang maiparating sa mga kinauukulang opisyal
ang kani-kanilang mithiin at paninindigan sa pagbabalangkas at
pagpapatibay ng mga polisiya ng pamahalaan. Makalalahok pa rin ang mga
mamamayan sa mga usaping pampolitika sa pamamagitan ng pagsali sa
mga partido political, non-governemental, sectoral, people’s organizations, at
interest groups, talakayan sa mga barangay at media, at maging sa mga rali
at protesta. Sa isang demokratikong bansa, bahagi ng responsibilidad ng
bawat mamamayan ang maiparating at makombinsi ang mga kinauukulang
bumuo ng mga polisiyang pampulitiko para sa kabutihan ng lahat ng sector
at sa higit na nakararami. Tinatawag itong pressure politics.

Inaasahan sa bawat mamamayan sa isang lipunan demokratiko na


maging tagapagbantay sa mga gawain at pagkilos ng mga nasa pamahalaan.
Tungkulin ng bawat isa na sa lahat ng lugar at pagkakataon, na mapairal at
maisulong ang mga simulaing demokratiko.

Responsibilidad ng bawat isa na igalang ang karapatan at pananaw


ng iba lalo na ng minorya. Dapat tandaan na ang isang demokratikong
lipunan ay binubuo ng iba’t ibang mamamayan, grupo, o organisasyong
may magkakaibang interes, pananaw, at paninindigan.

9
Responsibilidad rin ng bawat isang mahikayat na pumanig lalo na sa
pagbubuo ng mga polisiyang pampubliko ang ibang may kasalungat na
paninindigan. At kung sadyang hindi makuha ang pagkakaisa at
makumbinsi ang ibang pumanig sa sariling paninindigan at pananaw,
tungkulin ng bawat mamamayang maging bukas o tolerant sa karapatan at
sa pananaw ng iba.

Isaisip

Dahil napaglaanan mo na ng oras ang pagbabasa ng teksto sa itaas.


Sa paglipas ng panahon, nabago man ang pagkaunawa at kahulugan ng
pagkamamamayan pero laging kaakibat nito ang karapatan at tungkulin
bilang isang mamamayan ng bansa. Tandaan, ang kagalingan at pag-unlad
ng ating bansa ay nakasalalay sa atin bilang mamamayan.

Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Para sa iyo, gaano ba kahalaga ang iyong pagkamamamayan ng ating
bansa?
2. Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa mga gawain sa
lipunan?

Isagawa/Pagyamanin

Case Study: Basahin ang mga sipi at sagutan ang talaan sa ibaba bilang
buod. Gawin sa short bondpaper.

10
Sen. Grace Poe Citizenship

In June 2015, United Nationalist Alliance (UNA) interim president


and Navotas City Representative Toby Tiangco claimed that Poe
lacked the 10-year residency requirement for a presidential
candidate. There was an issue about Poe's certificate of candidacy
(COC) for senator in 2012 for the 2013 Philippine Senate Elections,
in which she had stated that she had been a resident of the
Philippines for six years and six months. Tiangco stated that even
during the time of the 2016 Presidential Elections, Poe would still be
six months short of the residency requirement.

On November 17, 2015, the Senate Electoral Tribunal opted to drop


the cases against her. The decision was affirmed on December 3,
2015. In their judgment on the case, the SET declared that Grace
Poe, a foundling, is a "natural-born Filipino", which allowed her to
retain her seat in the Philippine Senate. David filed a motion for
reconsideration to reverse the ruling by SET, which was rejected on
December 3, 2015, after which he filed an appeal with the Supreme
Court. On December 1, 2015, the COMELEC's second division
disqualified her as presidential candidate due to failing to meet the
"10-year requirement" for residency. Under COMELEC rules, the
party or coalition supporting her may file a substitute before
December 10, 2015. On December 11, the commission's first
division also disqualified Poe. The first division, voted 2–1 in favor
of the petitions to disqualify and cancel her certificate of candidacy.
These decisions were appealed to the COMELEC en banc, which
on December 23, 2015, formally disqualified Poe from running as
president in the 2016 elections for failing to meet the 10-year
residency requirement. Poe said she would appeal the
disqualification to the Supreme Court. On December 28, 2015, the
Supreme Court issued two temporary restraining orders against the
decision of the COMELEC en banc.

On March 8, 2016, voting 9–6, the Supreme Court voted to affirm


Poe' natural-born status and 10-year residency. On April 9, 2016,
the Supreme Court declared their ruling as final and executory.

Yasay – Cayetano Citizenship Case

I cannot find the law cited by Atty. Rodel Rodis to argue that Sen.
Alan Peter Cayetano is not a Filipino (“Is Sen. Alan Peter
Cayetano a PH citizen,” 2017/3/16).

11
Rodis states that Cayetano was born a Filipino-American dual
citizen because his father was Filipino and his mother was
American. When he turned 21, he had to choose one. He chose to
be American and gave up Philippine citizenship.

In 1998, he renounced US citizenship to run for Congress. Rodis


argues Cayetano never regained Philippine citizenship and
compares him to Perfecto Yasay, who was recently not confirmed
as Secretary of Foreign Affairs.

There is one problem with this theory: There seems to be no law


that requires this choice by age 21.

If there is no such law, then Cayetano stayed Filipino when he


renounced US citizenship, and was later validly elected a senator.

Yasay’s case was completely different. Yasay was born Filipino


and became a naturalized US citizen in 1986. There was no dual
citizenship law then, so he lost Philippine citizenship. He then
renounced US citizenship in 2016 and now appears to be neither
American nor Filipino.

The 1935 Constitution, in force when Cayetano was born in 1970,


allowed those with a Filipino mother and a non-Filipino father to
choose Philippine citizenship upon reaching the age of majority.

However, this does not apply to Cayetano. His father was Filipino
and he automatically became a Philippine citizen without having to
choose. “How can a Filipino citizen elect Philippine citizenship?”
noted the Supreme Court (SC) decisionCo v. Electoral Tribunal for
this context.

This provision was later changed and one is now born Filipino if
either one’s father or mother is Filipino. Other than this, there seems
to be no law that requires what Rodis describes.

Philippine law is familiar with those born Filipino-American dual


citizens. The old article “A critique on dual nationality” (Philippine
Law Journal, 1980) cites this as “a classic case of dual nationality,”
because the Philippines determines citizenship based on the
parents’ citizenship while the US uses place of birth. Someone born
in the US to Filipino parents will be a dual citizen because of the
difference in law.

But the article does not mention having to choose when one turns
21.

12
Incidentally, US law does not require this choice, either.

I have always respected Cayetano’s tenacity in legislative debates,


even on issues where I disagree with him. Further, I deeply respect
his sister, Rep. and former Sen. Pia Cayetano, who championed the
Reproductive Health Act all the way to the SC floor and disregarded
party affiliation to vote in favor of citizenship for foundlings in the
Senate Electoral Tribunal.

I am deeply concerned that Rodis questions the citizenship of these


legislators using a law I cannot verify, in this age of fake news and
alternative facts.

MGA KATANUNGAN POE CAYETANO YASAY

Ano ang mga mahahalagang 1. 1. 1.


punto ng Isyu: 2. 2. 2.
Magbigay ng 5 3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.
Konstitusyon at Seksyon na
pinagbasehan ng desisyon.

Buod ng naging desisyon

Bakit mahalaga ang mga


isyung ito?
Gaano ka halaga ang PAGKAMAMAMAYAN ng ISANG TAO?
____________________________________________________________________________________
Kung ikaw ang papipiliin anong PAGKAMAMAMAYAN ang pipiliin mo?
____________________________________________________________________________________

13
Tayahin

Panuto: Gamit ang iyong sagutang papel. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang nakapaloob sa Artikulo 4 ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas?


A. Pambansang Teritoryo C. Pagkamamamayan
B. Katipunan ng Karapatan D. Karapatan sa Halal

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pagiging naturalisadong


mamamayan?
A. Umalis sa kinalakhang bansa
B. Ang dugong nananalaytay sa isang tao
C. Dumaan sa proseso na naayon sa batas
D. Naayon sa lugar kung saan ipinanganak

3. Alin sa mga sumusunod ang nakasaad sa Saligang Batas 1987 ng Pilipinas?


A. Relihiyon C. Pamilya
B. Pagkamamamayan D. Kultura

4. Alin dito ang nagpapahayag ng konsepto ng Jus Sanguinis?


A. Ako ay nagmula sa ibang bansa C. Ako ay ipinanganak sa Pilipinas
B. Ako ay Filipino ayon sa batas D. Ang aking ama ay purong Filipino

5. Alin dito ang nagpapahayag ng konseptong Jus Soli?


A. Ako ay nagmula sa ibang bansa C. Ako ay ipinanganak sa Pilipinas
B. Ako ay Filipino ayon sa batas D. Ang aking ama ay purong Filipino

6. Ano ang nakasaad sa Artikulo 4 Sek 3 ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas?


A. Ang mga mamamayan ng Pilipinas ay yaong naging mamamayan ayon sa
batas.
B. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaring mawala o muling matamo
sa paraang itinadhana ng batas.
C. Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga
mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagkasilang.
D. Ang dalawahang karapatan ng mga mamamayan ay salungat sa
karapatang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

7. Alin sa mga sumusunod ang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas


1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga may kagustuhang maging Pilipino.
B. Yaong mga naninirahan ng matagal sa Pilipinas
C. Yaong ang mga ama o mga ina ay may negosyo sa Pilipinas
D. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakatibay ng
Konstitusyong ito.

14
8. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng isang mamamayang
isinaalang-alang ang kapakanan ng nakararami ngayong panahon ng
pandemya?
A. Nagpalista si Marie para sa bakuna.
B. Pumunta si Maris sa bakuna center.
C. Nagpabakuna laban sa COVID-19 si Marites.
D. Nagdalawang-isip si Marissa kung magpabakuna o hindi.

9. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng tungkulin ng isang


mamamayan sa panahon ng pandemya?
A. palagiang paglabas ng bahay.
B. palagiang pag-iwas sa paghugas ng kamay.
C. pagsawalang bahala sa pagsuot ng face mask.
D. palagiang pagsunod sa social distancing lalo na sa matataong lugar

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi isa sa mga paraan sa pagkawala ng
pagkamamamayan ng isang indibiduwal?
A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon
C. Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroon
digmaan.

11. Alin sa mga pangungusap ang naglalarawan ng boluntaryong


pagkamamamayan?
A. Si Jose ay nag-aaral sa Canada.
B. Si Danilo ay ipinanganak sa South Africa.
C. Si Renato ay anak ng isang Pinay sa Amerikanong Ama.
D. Si Pedro na isang Pilipino ay nanumpa sa Saligang Batas ng Estados
Unidos.

12. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga paraan na mawala ang
pagkamamamayan ng isang indibiduwal?
A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon
C. Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng sariling bansa
D. Naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa

13. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na isang mamamayang Pilipino


ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Koreano.
C. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisayon sa Amerika.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at
piniling maging Pilipino.

15
14. Alin sa mga sumusunod ang isa sa dahilan kung bakit kailangang masiguro
ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakilanlan
B. Upang hindi niya matamas ang kanyang mga karapatan at tungkulin
C. Upang maisantabi ang kanyang mga tungkulin at pananagutan
D. Upang maipagkait sa kanya ang mga pribilehiyo na dapat niyang
tinatamasa

15. Alin sa mga sumusunod na situwasyon ang nagpapakita ng lumawak na


konsepto ng pagkamamamayan?
A. Si Edna na sumasali sa mga patimpalak sa pag-awit at pagsasayaw.
B. Si Angela na palaging kalahok sa pagandahan sa kanilang barangay.
C. Si Rowel na nagtatrabaho upang matugunan ang sariling
pangangailangan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na
naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.

Karagdagang Gawain / Takdang Aralin


Gumawa ng isang presentasyon hinggil sa ating napag-aralan. Pumili
sa sumusunod na kasanayan: poster, collage, sanaysay, tula, o anumang
midyum gamit ang digital na pamamaraan. Gamitin ang tema na hango sa
core values na “MAKADIYOS, MAKATAO, MAKAKALIKASAN at
MAKABANSA”. Ilagay ito sa isang short size bondpaper na may kaukulang
margin. Ipasa sa susunod na linggo. Gawing batayan ang rubrik para sa
pagmamarka.

Rubrik para sa Slogan

Kailangan ng
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Dagdag na
(4) (3) (2) Pagsasanay
(1)
Paglalahad Malinaw na Hindi gaanong May kalabuan Malabo ang
nailahad ang malinaw ang ang mensahe. mensahe.
mensahe. mensahe.
Kawastuhan Wasto ang May isa o May mga mali Mali ang
detalye ng dalawang mali sa mga mensahe.
mensahe. ang detalye ng detalye ng
mensahe. mensahe.
Kompleto Kompleto ang May isang May ilang Maraming
detalye ng kulang sa kulang sa kulang sa

16
mensahe. detalye ng detalye ang detalye ng
mensahe mensahe. mensahe.
Pagkakagawa Napakamasining Masining ang Ordinaryo ang Magulo ang
ang pagkakagawa. pagkakagawa. pagkakagawa.
pagkakagawa.

Susi sa Pagwawasto

4. maka-Diyos
7. makabansa 3. Pilipino
6. makakalikasan 2. Katapatan
5. makatao 1. Pilipino
Panimulang Gawain:

Sanggunian

• Evangeline M. Dallo, E. D. (2017). Kayamanan - Kontemporaryong Isyu.


Quezon City: Rex Printing Company Inc.

• Ronaldo Ba. Mactal, PhD. (2017). Padayon 10 - Mga Kontemporaryong Isyu.


Quezon City: Phoenix Publishing House

• Module sa Araling Panlipunan - Kontemporaryong Isyu. (n.d.). Kagawaran ng


Edukasyon.

• officialgazette.gov.ph

• https://opinion.inquirer.net%2F102478%2Fyasay-cayetano-citizenship-
different&h=AT1gK8NQhkmnZe6Oe5TmYFN8CKIIXhNgUv5y2CUkdorJyP2W
QkuKqvML__aLJP0f0FuMqtWeRCNt0UhI9jBkRXuf2V_l_RV4QNpvBb0UgCcj
m2ID3IBsSrlQnIyiVU8aPj4

• https://en.wikipedia.org/wiki/Grace_Poe#Qualification

final copy 11/27/21

17

You might also like