Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

EFREN B. MANACOB, JR.

Guro ng/sa Filipino


Ang Tekstong Deskriptibo
•Maihahalintulad sa isang larawang ipininta
o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba
ay parang nakita na rin nila ang orihinal na
pinagmulan ng larawan.
•Sa halip na pintura ang ginagamit sa
paglalarawan, salita ang ginagamit ng
manunulat upang mabuo ang mabisang
paglalarawan.
Ang Tekstong Deskriptibo
• Kadalasang gumagamit ng pang-uri at pang-
abay.
• Gumagamit din ng mga tayutay katulad ng
pagtutulad, pagwawangis at pagsasatao.
• Karaniwang kabahagi ng iba pang uri ng
teksto ang tekstong Deskriptibo. Bibihirang
magamit ang tekstong deskriptibo na hindi
kabahagi ng iba pang uri ng teksto.
Dalawang Uri ng Paglalarawan

Subhetibo- Obhetibo-
Paglalarawan na bunga Paglalarawan na batay
ng mayamang sa katotohanan na
imahinasyon ng nakikita mismo ng
manunulat at hindi manunulat.
nakabatay sa totoong Paglalarawan na batay
buhay. sa detalye ng kaniyang
paksa.
Sa unang tingin pa lang ay labis na akong
naakit sa kaniyang mga matang tila
nangungusap. Hindi mapuknat ang aking
pagtingin sa hindi pangkaraniwang
kagandahan. Papalayo na sana ako subalit
alam kong may dalawang matang
nagsusumamo ang nakatitig sa akin at tila
nang-aakit upang siya’y balikan, yakapin at
ituring na akin.
Halos magkandarapa ako sa pagmamadali upang
siya’y mabalikan.
“Manong ang asong iyan na ang gusto. Siya na at
wala ng iba. Babayaran ko at nang maiuwi ko na.”
Bibilhin ko ang asong iyon dahil sa kaniyang
malalambot na balahibo at bilogang mata.
Nakadagdag pa rito ang paikot niyang buntot.
Natitiyak ko na magiging bibo iyon at magbibigay
aliw sa loob ng aming bahay.
Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal
sa Pagbuo ng Tekstong Deskiriptibo
1. Reperensiya-
mga salitang maaaring tumukoy sa mga paksang pinag-
uusapan sa loob ng pangungusap. Ito ay binubuo ng
dalawa:
A. Anapora
B. Katapora
Anapora
Nauuna ang paksang pangngalan kompara sa
panghalip.

Halimbawa:
Ang Aso iyan ay gusto kong alagaan. Ito kasi
ay maaaring maging kaibigan.
Katapora
Mas nauuna ang panghalip kompara sa
Pangngalan.
Halimabawa:

Siya ang pinakapaborito kong artista.


Humahanga ako sa husay niya sa pag-arte.
Coco Martin ang kaniyang pangalan.
Substitusyon

Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa


halip na muling ulitin ang salita.

Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang
kita ng bago.
Ellipsis
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit
inaasahang maiintindihan pa rin ng mga mambabasa ang
pangungusap dahil makakatulong ang naunang pahayag para
matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang pahayag.

Halimbawa:

Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.


Pang-ugnay
Paggamit ng mga pang-ugnay katulad ng at sa
pag-uugnay ng mga pahayag sa pahayag at
pangungusap sa pangungusap.
Halimbawa:
Ang lalaki ay dapat maging tapat sa babae at
ang babae naman ay dapat suklian ito ng
pagtitiwala sa lalaki.
Kohesyong Leksikal
Mabibisang salitang ginagamit
sa teksto upang magkaroon ito
ng kohesyon o ugnayan.
A. Reiterasyon

Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit


nang ilang beses. Nahahanay ito sa
tatlo: pag-uulit o repitesyon, pag-iisa-
isa at pagbibigay-kahulugan.
1. Pag-uulit

Maraming bata ang hindi


nakakapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtatrabaho na sa
murang gulang pa lamang.
2. Pag-iisa-isa
Lugmok na sa problema ang bayan.
Ilan sa mga ito ay ang inflation,
korupsiyon, bulok na sistemang
pang-eduaksyon at mismong
mamamayan ng nasyon.
3. Pagbibigay-kahulugan
Karamihan sa mga prostitute ay
mula sa pamilyang nasa laylayan.
Mahirap sila kaya napilitang
magbenta ng laman kapalit ng
baryang pantawid sa kumukulong
tiyan.
B. Kolokasyon

Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha


o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang
isa ay naiisip din ang isa.
Nanay-Tatay
Puti-Itim
Doktor-Pasyente
Ako-Ikaw
Labanan ito ng may mga ARTE sa buhay. Apat na
Pangkat lang tayo ngayon mga Beshie. Pakabogan at
Pabonggahan sa paglalarawan gamit ang tekstong
deskriptibo. Ang sitwasyon:

Paano mo maaakit na bumili ng saging at bulastog ang


mga dumaraan sa palengke? 5 minuto ay mag-uumpisa
na!
Pagbasa at Pagsusuri ng Tekstong
Deskriptibo
Pagbasa ng papel-panunuri ni Efren B.
Manacob, Jr. na may pamagat na Uberman:
Pagsiyasat Bilang Isang Akdang Nobela
at Pambasag sa mga Gasgas na
Kuwentong Superhero; Pamantasang
Ateneo de Naga, Lungsod-Naga.
Gawain 101
Talakayin kung paano inilarawan
ng manunulat ang Nobelang
Uberman Zero A.D gamit ang
Anim na katangian ng isang
nobela.

You might also like