Isang uri ng babasahing di-piksiyon. Naglalayong magbigay ng impormasyong-malinaw at walang pagkiling tungol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa. Ang mga impormasyong inilalahad ng may-akda ay hindi nakabase sa kaniyang sariling opinion kundi sa katotohanan ng mga datos. Karaniwang makikita sa mga pahayagan, balita, magasin, aklat, mga matitinong web site sa Internet at maging sa social media. Elemento ng Tekstong Impormatibo Layunin ng may-akda Pangunahing Idea Pantulong na Kaisipan Estilo at mga Materyal sa Pagsulat Paggamit ng mga nakalarawang representasyon Pagbibigay-diin sa mga mahahalagang salita Pagsulat ng mga Talasanggunian Ang isang manunulat ay may kaniya-kaniyang layunin sa pagsulat. Walang teksto na binuo na walang tiyak na layunin. Ang paghabi ng layunin ng may-akda ay batay sa kaniyang nakikita sa kaniyang kapaligiran o maaaring dala mismo ng kaniyang danas. Kaiba sa estilo kung paano sinusulat ang tekstong naratibo, ang paksa at/o idea sa tekstong Impormatibo ay inilalahad agad. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi ng ginawang teksto. Tinatawag din itong Organizational Markers. Mga pandagdag na idea upang mas lalo pang tumibay at maging malinaw ang ginagawang tekstong Impormatibo. Makakatulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang estilo kung paano magsulat ang may-akda. Makakatulong din ang paggamit ng sumusunod: a. Paggamit ng nakalarawang representasyon b. Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto c. Pagsulat ng mga talasanggunian. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan Pag-uulat Pang- impormasyon Pagpapaliwanag Sa uring ito ng teksto, inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Ang pagsasalaysay ay maaaring personal na nasaksihan ng mananulat tulad ng mga reporter. Kung ito ay isang balita, ang estruktura ay kadalasang umiikot sa mga tanong na sino, ano, saan, kalian at paano. Lagi rin nagtatapos sa koongklusyon. Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw ng manunulat. Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay ng teknlohiya, global warming, cyberbullying, mga hayop na malapit nang maubos, kaugnay ng halaman at iba pa. Itoang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay-paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pagyayari. Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan. Karaniwan itong gumagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang paliwanag.