Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANGALAN:______________

MGA GAWAIN/TAKDANG-ARALIN/PROYEKTO: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Sagutin: Panuto: Batay sa mga nabasa at napag-aralan, sagutin ang mga katanungan sa tulong ng
wastong paggamit ng wika.

1. Kung bahagi ka ng isang organisasyon o samahan, gumagamit ba kayo ng adyenda sa tuwing


nagpupulong? Kung oo, epektibo ba ang paggamit niyo nito? Ipaliwanag kung paano. Kung hindi,
mairerekomenda mo ba ang paggamit nito? Ipaliwanag kung bakit.

2. Bilang mag-aaral, mahalaga ba para sa iyo na matutuhan kung paano gumawa ng katitikan ng
pulong? Ipaliwanag kung bakit.

3. Sa iyong palagay, mahirap ba o madaling gawin ang mga sulating tinalakay sa aralin? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
Tasahin: Panuto: Kilalanin kung ang sulating tinutukoy sa bawat bilang ay isang memorandum, adyenda,
o katitikan ng pulong.

____________1. Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.

____________2. Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong.

____________3. Kapag napagtibay ay nagsisilbi itong opisyal at legal na kasulatan.

____________4. Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin sa pulong.


____________5. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong.

____________6. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa pulong.
____________7. Nagsisilbi itong talaan ng mga pag-uusapan sa pulong mula sa pinakamahalaga
hanggang sa simpleng usapin

____________8. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong

. ____________9. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang tao sa isang tiyak na alituntunin.
____________10. Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong

You might also like