Professional Documents
Culture Documents
Kabanata III & IV
Kabanata III & IV
LITERATURA SA CORDILLERA
Buod:
Si Lam-ang, ang bayani ng Hilaga, ay anak nina Don Juan Panganiban at
Namongan. Sila ang mag-asawang nakatira sa may Nalbuan sa may lambak ng Ilog
Naguilian sa La Union. Nang malapit ng manganak si Namongan, si Don Juan ay
nagpunta sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorot.
Mabilis ang paglaki ni Lam-ang at nang siyam na buwan na siya taglay na niya
ang laki ng isang ganap na lalaki at nalamang di pa bumabalik ang kanyang ama.
Sinundan niya ang kanyang ama. Sa daan ay napanaginipan niyang ipinagdiriwang ng
mga Igorot ang pagkamatay ng kanyang ama. Galit na galit siya at mabilis na tinungo
ang tirahan ng mga Igorot at doon ay inabot niya ang pugot na ulo ng kanyang ama at
paligid-ligid na sinasayawan. Pinatay ni Lam-ang ang mga Igorot maliban sa isang
pinahirapan muna niya bago pinaalis.
Ang lahat ng hayop ni Lam-ang, kabilang ang tandang, ang inahing manok at ang
aso ay umaliw kay Ines at ipinangakong kung makukuha ang mga buto ni Lam-ang, ito
ay mabubuhay.
Nang ang lahat ng buto ni Lam-ang ay nakuha na, ipinagaspas ng inahing manok
ang mga pakpak nito at ang aso ay umungol ng makalawa. Nagtatakbo ang mga aso na
kagat-kagat ang mga buto ni Lam-ang. Unti-unting nagkabuhay ang mga buto.
Nagkaroon ng anyo at laman ang mga ito. Nagbangon si Lam-ang mula sa isang
mahimbing na pagkatulog. Muli siyang nagkamalay at niyakap si Ines. Kasama ang mga
hayop, nagbalik sila sa kanilang tahanan at nabuhay ng maligaya.
Aral:
Walang mabuting maidudulot ang paghihiganti. Labis man ang poot at galit na
nararamdaman natin sa mga taong nagkasala sa atin, hindi pa rin ito rason upang sila
ay paghigantihan. Kung tayo ay gagawa ng ikakasama ng iba, wala tayong pinagkaiba
sa mga taong unang nang api at nanakit sa atin.
Mga Anak Mula sa Kalangitan
Buod:
May mag-asawang nagngangalang Wigan at Bugan. Sa kasamaang palad ang mag-
asawa ay hindi magkaroon ng anak. Masusi nilang pinag-isipan kung anong mga paraan
ang maaari nilang gawin upang sila ay magkaanak. Ilang saglit pa ay napagdesisyonan
ni Bugan na magtungo sa tahanan ng mga Diyos sa Silangan na sina Ngilin, Bumakker,
Bolang at ang diyos ng mga hayop.
Sa pagsisimula ng kanyang paglalakbay ay may nakita siyang igat sa lawa. Tinanong
siya ng igat kung saan tutungo at sinabi ni Bugan na naghahanap siya ng lalamon sa
kanya dahil hindi sila magkaroon ng anak ni Wigan. Tumawa na lamang ang igat at
sinabing magpatuloy sa paglalakbay patungo sa mga Diyos sa silangan.
Sa pagpapatuloy niya sa kanyang paglalakbay ay nakita niya ang isang buwaya sa lawa
sa Lagud. Tinanong siya ng buwaya kung sino siya. Sinabi niyang siya at si Bugan at
naghahanap siya ng lalamon sa kanya dahil hindi sila magkaroon ng anak ng kanyang
asawa. Sinabi ng buwaya na hindi niya maaaring lamunin si Bugan sapagkat
napakaganda nito.
Sa wakas ay narating ni Bugan ang tahanan nina Bumabbaker, Ngilin at iba pang diyos.
Hinintay niya ang mga Diyos at humiga sa lusong sa labas ng bahay.
Tinuruan ng mga Diyos ang mag-asawang Bugan at Wigan ng isang ritwal na tinatawag
na Bu-ad upang magkaroon sila magandang ani, pamumuhay at anak.
Isinagawa nila ang sinabing ritwal at nagpasalamat sa mga Diyos sa mga tulong
nakanilang naibigay. Matapos ang ilang buwan ay biniyayaan sila ng anak at ang
kasiyahan nilang mag-asawa ay tila walang mapagsidlan. Ang matagal na nilang
kahilingan ay nagkaroon na ng katuparan.
Aral:
Huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Kung para sa atin ang isang bagay darating at
darating ito sa atin, ibibigay o ipagkakaloob ito ng ating panginoong diyos sa tamang
oras at panahon iyan ang aral na matutunan sa Kwentong nagkaroon ng anak sina
Bugan at Wigan.
Sayaw sa Kasal
(The Wedding Dance)
Buod:
Ang maikling kwento ay tungkol sa mag-asawang sina Awiyao at Lumnay. Sila ay
matagal
nang mag-asawa ngunit kailangang mag-asawa muli ni Awiyao at pakasaln si
Madulimay sa
kadahilanang hindi siya kayang bigyan ng anak ni Lumnay. Nakalipas na ang pitong
anihan
ngunit hindi pa rin nabubuntis si Lumnay kaya’t nagpasya na si Awiyao na
magpakasal kay
Madulimay sa pag-asang mabibigyan siya nito ng anak. Sa gabi ng kasal ni Awiyao
kay
Madulimay, nagtungo si Awiyao sa dati nilang bahay ni Lumnay upang anyayahan
siya na
makisali sa sayawan ngunit tumanggi si Lumnay. Si Lumnay ang pinakamagaling na
mananayaw sa kanilang tribo.
Sa kanilang pag-uusap ay nalaman nilang pareho nilang iniibig ang isa’t-isa kahit na i
kakasal
na si Awiyao sa iba. Kinailangan lamang talagang magpakasal ni Awiyao kay
Madulimay upang magkaroon siya ng anak na magdadala ng kanyang pangalan sa
kanilang tribo. Sinabi ni Awiyao kay Lumay na pagtatawanan siya ng mga kapwa niya
lalaki kung siya ay hindi magkakaroon ng anak. Mahirap man sa kanilang damdamin
ay kailangan nilang maghiwalay. Napagkasunduan nila na kung hindi papalarin na
magkaroon ng anak si Awiyao sa bago niyang asawa ay babalikan niya si Lumnay at
doon ay magsasama na sila ng habang buhay. Itinago ni Lumnay ang butil na kwintas
na simbolo ng kanilang paggmamahalan. Samantala kinailangan ng bumalik ni
Awiyao sa sayawan dahil hinahanap na siya ng mga tao.
Matapos ang ilang sandali ay naisip ni Lumnay na hindi sila maaaring paghiwalayin ni
Awiyao dahil siya ang tunay na asawa. Binalak niyang magpunta sa sayawan upang
pigilan ang kasalan ngunit habang papalapit na siya ay bigla siyang nawalan ng lakas
ng loob. Tila may kung anong pumipigil sa kanya kaya naman pinili na lamang niyang
umalis doon at pumunta sa kabundukan. Doon, tanaw niya ang mga nagsasayawan,
dinig niya ang mga gangsa na tumutugtog. Siya na ang nagparaya at habang
papalayo sa kanilang tribo isa-isa ni yang naaalala ang bawat pangyayari sa kanyang
buhay kasama si Awiyao.
Aral:
Hindi batayan ng pagsasama ng mag-asawa ang pagkakaroon ng anak. Kung mahal
mo ang isang tao, kahit pa wala kayong anak at kahit na alam mong tutuksuhin ka ng
kapwa mo lalaki ay dapat mo pa ring panindigan ang nararamdaman mo para sa
kanya upang hindi ka magsisi sa bandang huli.
KABANATA IV:
LITERATURA SA ILOCOS
Buod:
Eksena 5
(Modesto, Neneng at Luisa)
Eksena 6
(Memang, Luisa, Modesto at Valentin)
Tampok sina Memang, Luisa, Valentin at Modesto. Sa bahaging ito, mas lumilitaw ang
pag-uusapang pag-ibig ng mga tauhan ngunit mas nangibabaw dito ang pinag-usapan
nila tungkol sa paring pumapanhik sa bahay ng mga dalaga. Mula dito, ipinapakita na sa
akda ang mga kabulastugang ginagawa ng mga prayle noon. Marahil ang akdang ito ay
nailimbag noong panahon ng Himagsikan dahil kapansin-pansin sa akda ang
paglalarawan sa mga masasalimuot na gawain ng mga pari.
Eksena 7
(Luisa, Neneng, Memang, Modesto, Valentin at Arturo)
Hindi man nakayang manindigan ni Arturo para sa kanyang sariling bayan subalit
ipinapahiwatig sa sarsuwela na maraming Pilipino pa rin ang nagnanais na
mapagtanggol ang ating Inang Bayan mula sa malulupit na kamay ng mga mananakop.
Maraming kagaya pa rin nila Luisa, Neneng, Memang, Valentin at Modesto sa panahon
ng mga Kastila. Sila’y tumayo at naging matapang para sa bayan. Sila’y sumasagisag
din sa mga bayani nating nagbuwis ng buhay dulot ng kanilang labis na pagmamahal
para sa bayan.
Aral:
Mahalagang ipaglaban mo ang iyong karapatan kahit pa may sagabal o hadlang na
kinakaharap, dahil ang ating karapatan ay katumbas na ng buhay ng isang tao, ito ay
nararapat na matamasa ng isang mamamayan ng lipunan bilang kasapi nito at higit sa
lahat ang mga karapatan ang magliligtas at makakatulong sa tao upang mamuhay ng
payapa at may kabuluhan.
KABANATA V:
LITERATURA SA PANGASINAN
o PANGASINAN
o ang pangalang Pangasinan ay nanggaling sa panag-asinan na ang ibig sabihin
ay bayan ng asin.
o isa sa 77 na lalawigan ng Pilipinas
o matatagpuan sa hilagang kanluraning bahagi ng Luzon at nakaharap sa
kalawakan ng Dagat Tsina.
o Caboloan ang tawag sa loob na bahagi kung saan maraming nakikitang bolo.
o Bolo ay isang magandang uri ng kawayan na matatagpuan sa paanan ng mga
bundok-bundukan ng Mangatarem, Paniqui at Camiling.
- ginagamit sa paghabi ng mga sawali at bilao.
o mayaman sa sarisaring katutubong literatura
o Aligando - pinakamahabang katutubong awit na m ay 565 na linya
- orihinal na awit pamamasko na umaabot ng halos dalawang oras bago
matapos
- ang salitang aligando ay galing sa Kastilang salita na aguinaldo
o Concionan – isang paligsahan sap ag-awit tuwing may kapistahan.
- Natatanghal ng isang zarzuela
o Mayaman din sa uliran (alamat), diparan (maxims), pabitla o bonikew (bugtong,
gozos (mga novenang inaawit) at ang pabasa (pagbasa ng pasyon).
o Anlong (tula)
o Tongtong (kwentong patula)
o Pasintabi ay isang maikling panimulang awitin bago simulan ang isang
pagtatanghal.
Buod:
Noong unang panahon, may
isang magiting na pinuno na nagngangalang Raha Masubeg na
maraming kawal upang protektahan ang kanyang kaharian. Ang kanyang anak na si
Datu Mabiskeg ang namuno sa hukbo. Namuhay sila nang mapayapa hanggang
sa marinig nila na ang mga kaaway ay paparating
na para salakayin sila. Nagpasya silang lumaban sa gitna ng karagatan
upang protektahan ang kanilang kaharian. Isang daang mandirigma
ang sumama sa kanila sakay ng sampung malalaking bangka. Masyadong marahas
ang labanan at parehong namatay ang hukbo, kasama ang anak ni
Raha Masubeg. Ngunit makalipas ang isang linggo, maraming maliliit na isla
ang lumitaw sa karagatan. Naniniwala ang mga tao sa Alaminos na ito ang daang
mandirigma na nakipaglaban at namatay para sa kanilang kaharian. Ang mga isla
ay nilikha ng mga diyos upang parangalan sila at ang kanilang katapangan.
Aral:
Ipinapakito rito na lahat ay nakakaranas ng hirap at dapat ay tiisin natin ang mga
paghihirap dahil kung walang hirap ay hindi natin mararanasan ang ginhawa.
KABANATA VI:
LITERATURA SA PAMPANGA
o PAMPANGA
o hango sa salitang pampang o pampangan na ang ibig sabihin ay tabing-ilog.
o isang mayaman at tigang na talampasan sa Gitnang Luzon
o Ang katangiang pangheograpiya nito ang dahilan ng pagiging tigang ng lupain
ng lalawigan na pangunahing prodyuser ng palay at tubo.
o H. Otley Beyer
- “ang mamamayan at dayalektong Pampango ay nag ugat pa noong 300
hanggang 200 BC sa isang ninunong Malay kaugnay ng Impreryong
Madjapahit.
o Mariano Henson
- “nanggaling sa Borneo at Sumatra ang mga unang Pampango”, tulad ng
paniwala ni Padre Francisco Colin, S.J.
o Malang-Balagtas
- isang tagasunod ni Mohammed na nagpabinyag sa Kristyanismo
o Mga Salita
- nasi (bigas)
- isa, adua, atlu (isa, dalawa, tatlo)
- minum (inom)
- payung (payong)
- torak (tulak) - Malay
- babi (baboy) – Pampango at Bahasa
- basultu (awit at sayaw)
- tumaila (oyayi)
Si Miss Phathupats
ni Juan Crisostomo Soto
salin ni Pat V. Villafuerte
Buod:
Si Binibining Yeyeng ay isang dalagang punong-puno ng kolorete sa kanyang mukha.
Sabi nila, ipinanganak ang kanyang magulang sa isang sulok ng Pampanga, sa
pinakamaliliit na bayan nito. Dahil dito, ay purong Pilipina si Binibining Yeyeng mula, ulo
hanggang paa, kahit sa dulo ng kanyang buhok ay kapampanagn siya.
Sila ay mahirap lang kaya tanging pagtitinda lang ang kanilang ikinabubuhay. Pagtitinda
ng sunog na ginatan o kaya'y bitso-bitsong nilalako niya sa mga sugalan. Nagdalagang
walang pagbabago sa buhay nitong binibini.
Simula noon, ang pangalang napabansag sa kanya at nakalimutan nilang tuluyan ang
Yeyeng, ang malambing niyang palayaw. Binibining Phathupats ang naging palasak.
Napatingin ang lahat ng nasa umpukan; ngunit kaagad nilang inilingaw ang usapan
upang hindi mahalata ng magandang binibini, dahil may pinag- aralan ang lahat.Kahkit
alam na parang tinutukso na siya ay nagpatuloy pa rin siya sa kanyang sinasabi.
Hirap na hirap sa pagbigkas ang Binibini sa Kapampangan loalo na kung ito'y binabasa.
Sa ilang salitang binigkas niya, naghalo ang lahat ng iba't ibang wika ng talasalitaang
itinitnda, o ang ibig niyamg sabihin,ang mababang Ingles,Kastila at Tagalog. Hindi na
nakapagpigil ang mga nakarinig at napatawa sila ng malakas.
At doon ay sumabog ang bulkan. Putok na ubod ng lakas, sumabog ang kaldereta ni
Binibining Phathupats at mula sa bunganga niyang naglalaway ay lumabas ang lagablab
ng vesubio. Ang lahat ng maruruming salita sa Kapampangan ay biglang pinagsama-
sama sa baunganga niyang nag-aapoy.
Dumating si Dilat na Bulag (Espanya). Kinaibigan niya sina Inang Bayan at Tagailog.
Sila’y nagsumpaan ng katapatan at bilang pagpapatibay sa kanilang sumpaan ay
ininom nila angpinaghalong dugong nagbuhat sa kanilang mga ugat.
Ipinagkaloob niya ang kanyang salapi kay Matanglawin upang makalaya si Tagailog.
Pinalaya ni Matanglawin si Tagailog ngunit siya’y nagbabalak na naman nang
masama. Huhulihin niyang muli si Tagailog upang makahinging muli ng salapi kay
Inang Bayan. Nalinlang ni Tagailog siMatanglawin kaya hindi natupad ang masama
niyang balak.
Nais ad lak sa libingan ni D ilat na Bulag s i I nang Bay an sa tulong ni
H alimaw. N a p a b a l i t a a n g p i n a m u m u n u a n n g k a l u l u w a n i T a g a i l o g
a n g m a g s i s i p a g h i m a g s i k . Napagkasunduan nina Tagailog at Bagong Sibol
(Amerika) na pagtutulungan nila si Dilat na B ulag. L umabas s a libingan s i
I nang B ay an. I nilibing nang buhay s ina D ilat na B ulag, Matanglawin at
Halimaw sa libingang hinukay sa utos ni Inang Bayan. Nagtagumpay
sinaTagailog at Bagong Sibol. Pinaalalahanan ni Inang Bayan si Bagong Sibol na
pakitunguhansilang mabuti sapagkat kapag silang mag-ina ay inapi ni Bagong
Sibol ay makabubuti panglahat sila’y lipunin nang minsanan. Nayari ang bandila
ni Inang Bayan. Ipinabatid ni Tagailog kay Bagong Sibol ang paghahangad ng
kalayaan ni Inang Bayan.
KABANATA VII:
LITERATURA SA METRO MANILA
o METRO MANILA
o Pambansang kapital na rehiyon ng pilipinas
o Ang sentro ng pulitika, komersyo, industriya, komunikasyon, kultura at edukasyon
ng ating bansa
o Nilikha sab isa ng Presidential Decree 824 ni Pangulong Ferdinand Marcos noong
Nobyembre 7, 1975
o 17 munisipalidad at lungsod
- Caloocan
- Las Piñas
- Makati
- Malabon
- Mandaluyong
- Manila,
- Marikina
- Muntinlupa
- Navotas
- Parañaque
- Pasay
- Pasig
- Pateros
- Quezon City
- San Juan
- Taguig
- Valenzuela.
Buod:
Ang pagibig sa Tinubuan Lupa ay isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio na
kanyang ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan.
Tula ang uri ng panitikan na aking binasa, Ang tula ay isang uri ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Binubuo ng saknong at taludtod ang tula.
May mga tula naman na walang sukat o malaya ang taludturan
Isa sa mga linya na tumatak saakin ay ang “Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa
pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa?
wala na nga, wala.” Sa linyang ito direktang sinasabi ni bonifacio na wala ng mas hihigit
pa sa pag-ibig sa tinubuang lupa, pag inisip ito ng mas malalim pa, maiisap na kung
mahal mo ang iyong bansa, hindi lang sarili mo ang maiisip mo kundi ang bawat tao o
bagay na nakapalibot sayo.
Aral:
Ang tulang ito ay nakapag bukas ng mata sa mga mamamayang Pilipino na mahalin
ang kung ano ang nararapat na satin.
KABANATA VIII:
LITERATURA SA GITNANG LUZON AT KATIMUGANG
TAGALOG
o GITNANG LUZON
o isang malaking kapatagan kung saan inaani ang karamihan sa bigas na ating
kinakain sa araw-araw.
o KATIMUGANG TAGALOG
o binubuo ng:
- Batangas
- Cavite
- Laguna
- Marinduque
- Oriental Mindoro
- Occidental Mindoro
- Quezon
- Rizal
- Romblon
o Salitang Tagalog
- ay nanggaling sa taga-ilog dahil karamihan ng mga unang pamayanan dito ay
matatagpuan sa baybayin ng Manila Bay, Laguna de Bay at sa mga ilog sa
Bulacan na dumadaloy pabalik sa Manila Bay.
o Bigas
- nagpapahayag ng kapangyarihan sa buhay Tagalog
- ang bilang ng bigas na inilalagay sa sako ay nangangahulugan ng kasaganahan
at kayamanan para sa mga Tagalog.
o Ang Katagalugan
- masasabing pinag-ugatan ng maraming tradisyon at kulturang Pilipino lalong-
lalo na sa larangan ng wika, politika, ekonomiya at panitikan
- dahil sa buhay na buhay nitong kultura, hindi kataka-taka na ang Katagalugan ay
hiranging lugar kung saan pinanganak ang maraming kilalang tao sa
kasaysayan ng politika, kultura at panitikan.
- Kasama sa mahabang listahang ito sina:
Francisco Baltazar
Jose Rizal
Andres Bonifacio
Apolinario Mabini
Emilio Jacinto,
Marcelo H. del Pilar
Jose P. Laurel,
Claro M. Recto,
Amado V. Hernandez
Lope K. Santos
Lazaro Francisco
Faustino Aguilar
Jose Corazon de Jesus
Alejandro Abadilla
Modesto de Castro
at marami pang iba
- ang kanilang mga panulat ay humulma at nagbukas sa ating kamulatan
Los Baños
Kabanata XI ng El Filibusterismo ni Jose P. Rizal
Buod:
Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at Padre Irene ay
naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Banos.
Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na mangyari sa panahon na iyon ay
kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan. Ngunit maraming
iniisip an Kapitan, kagaya ng papeles ng pamamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba
pa.
Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan. Nagalit naman si Padre Camorra
dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan.
Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro naman ni Padre Irene ang binata na
ipusta ang kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito sapagkat wala namang maipupusta ang
kura. Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako.
Aral:
Pinapakita sa kabanatang ito ang kaugaliang Pilipino na nasusunod ang lahat ng utos at gusto
ng isang makapangyarihang tao at dapat natin respetuhin at suyuin ang taong iyon.
KABANATA IX:
LITERATURA SA BIKOL
o BIKOL
o Binubuo ng apat na lalawigan sa timog-silangang dulo ng Luzon
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
o Bikolano
- ay multilinggwal
o Pasalitang Tradisyon
- Salawikain
- Bugtong
- Awit
- Kwentong Bayan
- Mito
- Kwento ng Katatawanan
- Verso ng Kagandahang-asal
- Versong walang paghahanda o ekstempo.
o Naging palasak din sa Bikol ang komedya noong mga taong 1800, ang sarswela
noong bandang 1892 at ang bodabil noong mga taong 1930.
o Bikolanong Manunulat
- Merlinda Bobis
- Jasmin Llanas
- H. Francisco Penones
- Orfelina Tuy
- Fe Ico
- Jose Reyes
- Reynaldo Jamoralin
- Leo Pura
- Kerima Polotan-Tuvera
- Conrado de Quiros
- Carlo Arejola
Buod:
Aral:
Huwag humadlang sa dalawang taong tunay nag-iibigan. Magparaya at huwag
maging matigas ang puso. Kung ayaw sa iyo ng isang tao ay tanggapin ito ng maluwag
sa kalooban. Hilingin mo sa Diyos na dumating nawa ang tamang panahon na
ipagkaloob niya sa iyo ang nararapat na tao sa iyong pagmamahal.
Kung Peñafrancia Fyesta
Ni Merlinda C. Cantre
Buod:
Buwan pa lamang ng Hunyo Unti unti nang pinaplano ang pagdiriwang ng kapistahan
Ang mga bikolano ay nag lipon ng pera para sa maramihang gastusan sa pagsapit ng
pista Sa mga pamilya namang nakapagaaral, uuwi ang mga anak kapatid o ama na sa
maynila nagtratrabaho Ang plano para sa palabas sa pista ng Penafrancia ay
isinasagawa ng local na gobyerno ng naga na pinangungunahan ng alkalde at ng
kanyang bise Susunod naman dito ay ang mga patimpalak para sa pagpili sa Ginoo at
Ginang Penafrancia ng taon at iba pang mga masasayang programa.
Aral:
Ang aral sa akda ay ang pakikipag isa ng mga tao.Ang pagbabayanihan at pakikibaka
nating mga Pilipino sa ating kapwa.
KABANATA X:
LITERATURA SA KABISAYAAN
o VISAYAS
o ay isa sa tatlong grupo ng mga isla sa Pilipinas na kasama ng Luzon at Mindanao.
o binubuo ng iba't ibang mga pulo sa gitnang bahagi ng kapuluan ng bansa
o ay binubuo ng tatlong rehiyon na nahahati sa 16 na mga probinsya.
o Kiniray-a o Hiyara
- ang wikang gamit ng mga nasa gitna at katimugang bahagi ng Iloilo, lahat ng
lalawigan ng Antique at karamihan sa lalawigan ng Capiz.
o Hiligaynon
- ang wikang gamit sa Lungsod ng Iloilo at sa lahat ng mga bayan nitong malapit
sa dagat, sa Guimaras, sa Lungsod ng Roxas sa Capiz, sa Bacolod at sa halos
lahat ng bahagi ng Negros Occidental.
o Ilongo
- ay kasalukuyang ginagamit bilang mas informal at mas popular na Hiligaynon.
o Aklanon
- ginagamit ng mga taga- Aklan na nagmula sa Kiniray-a.
o Flores de Mayo
- isang awit-dasal para sa Mahal na Birheng Maria na sinasabahayan ng pag-aalay
ng bulaklak tuwing buwan ng Mayo.
o Ang pasyon na gumugunita sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus
na naging kaugalian tuwing Semana Santa.
o Ang gozos, na isang siyam na araw na novena sa isang santo na nagbibigay diin
sa pagiging Kristyano at gumugunita sa buhay nina Hesus at Birheng Maria.
o Cebuano
- ang wikang ginagamit hindi lamang ng gitnang Visayas kundi ng halos sang apat
na bahagi ng Pilipinas.
- nanggaling sa Subuhanon na ang ibig sabihihin ay lumakad sa tubig.
- ang terminong Cebuano ay ginagamit hindi lamang bilang pantukoy sa wika
kundi pati na rin sa mga gumagamit ng wikang ito kahit saan pa siya nanggaling.
Labaw Donggon
Buod:
Aral:
Makuntento sa isang bagay at matututong makipag-isa sa mga mga tao
KABANATA XI:
LITERATURA SA MINDANAO
MINDANAO
o ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa katimugang bahagi ng Pilipinas at isa sa
tatlong pinakamalaking grupo ng mga isla sa bansa, kasama ang Luzon at Visayas.
o Ang isla ay mabundok at dito matatagpuan ang Bundok Apo, ang pinakamataas na
bundok sa bansa.
o Ang Dagat Sulu ay nasa kanluran ng isla ng Mindanao, sa silangan ay ang Dagat ng
Pilipinas, at sa timog naman ay ang Dagat Celebes.
o ay tirahan para sa karamihan ng mga Moro o Muslim sa bansa
o Labintatlong (13) Grupong Etniko
- Jama Mapun ng Cagayan de Tawi-Tawi
- Iranon ng Cotabato
- Kaagan ng Davao del Norte, Davao del Sur at Davao Oriental
- Kalibugan ng Zamboanga
- Maguindanao ng Maguindanao
- Maranao ng Marawi
- Palawanon at Molbog ng Palawan
- Sama ng Tawi-Tawi
- Sangil ng Sarangani
- Tausug ng Sulu
- Yakan ng Basilan
- Bangingi ng Tongkil at Zamboanga.
Buod:
Inged isang araw nang biyernes ay nagpatawag ng pulong ang hari sa torongan
kanyang ipinatawag ang kanyang mga tagapayo dahil nais niyang hingan sila ng payo
sa kanyang balak na gawang ng tig isang tore ang bawat isa sa mga prinsesa na
kanyang anak. Ayon sa kanya, nasa sapat na edad na ang kanyang mga anak upang
malaman ang pamantayan ng kabutihang asal nais niyang magpatayo ng mga tore
upang malaman na mayroon siyang apat na anak na babae Sinabi ni sabandar na dapat
sa tabing ilog itayo ang mga tore ngunit ito ay hindi sinangayunan ni paladin montri
dahil maari silang pasukin ng mga kaaway ito daw ay dapat nakatayo malapit sa lugar
sanayan kung saan may mga magbabantay sa kanila at ito ay sinang ayunan ng iba
pang mga tagapagpayo.
Sa kalapit bayan ay naglalakbay si mama kawokak na isang uwak dala dala ang
kanyang asawang hipon na namatay dahil sa pag aalala na hindi na siya babalikan ng
asawa Ito ay nag hahanap ng mapaglilibingin nang kanyang asawa at napadpad ito sa
apat na tore kung saan nakatira ang apat na prinsesa. Una itong pumunta sa bintana ni
potri bonso inilagay ng uwak ang kanyang patay na asawa sa sahig ng tore kayat
umalingasaw ang amoy nito nang dahil dito ay nagalit si potri bonso at pinaalis ang
uwak sa kanyang tore.pinuntahan niya ang ikalawang tore ngunit pinaalis siya ni potri
intan lihaya gayod din ni tingtinga bolawan Nagbaka sakali pa din ang uwak sa huling
tore at malugod itong tinanggap ni anak at doon inilibing si odang.
Aral:
Ang aral sa akda ay Matuto tayong magpakumbaba sa ating kapwa natin. Maging
mapagbigay layo sa ating kapwa at turuan natin ang ating mga sarili na huwag mang
husga sa ibang tao gayong hindi pa naman natin ito kilala. Tulad ni Anak dapat
magkaroon din tayo nang busilak na kalooban.