Triduum Sa Kapistahan NG Pagsilang NG Mahal Na Birheng Maria

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

TRIDUUM SA KAPISTAHAN NG PAGSILANG

NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

(Lumuhod sa harap ng isang larawan ng Mahal na Birhen, magpugay at


dasalin ang mga sumusunod:)

Namumuno:

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

PANALANGIN NG PAGSISISI

Panginoon kong Hesukristo, Diyos at tao namang totoo, na aking


sinasampalatayanan, pinananaligan at iniibig nang higit sa lahat ng bagay,
ikinahahapis ko nang buong puso ang madlang pagkakasala ko sa Iyo,
sapagkat Ikaw ang kabutihang walang hanggan. Nagtitika akong hindi na
muling magkakasala sa tulong ng lyong mahal na biyaya at sa
makapangyarihang pamamagitan ng lyong Inang makalangit, si Mariang
kabanal-banalan, na siya kong nais ipagdangal sa buo kong buhay, lalung-
lalo na sa loob ng pananalangin na itong inihahandog ko sa kapurihan ng
kanyang kabanal-banalang ngalan. AMEN

Namumuno: Aba, Mariang kalinis-linisan, ipinaglihing walang kasalanan.

Bayan: Ipanalangin mo kaming dumudulog sa iyo Sa araw-araw.


PAMBUNGAD NA PANALANGIN
O Maria, lubhang kaibig-ibig kong Reyna na ang katamis-tamisang
ngalan ay nagpapasaya sa langit, umaaliw sa lupa at nagpapakilabot sa
impiyerno, sapagka't ang ngalang ito'y Diyos na rin ang nagbigay upang
ipabatid ang kalubusan ng mga katangian at biyaya na sa Iyo'y naging
hiyas sa unang sandali pa lamang ng lyong pagkatao at lalong
lumiliwanag sa mahalaga Mong buhay; ang mga karangalang ito'y ginawa
sa Iyo ng Maykapal na makapangyarihan at banal ang ngalan, upang ang
lahat ay makibahagi sa gayong mga biyaya: upang ang maysakit ay
madulutan ng kalusugan, ang nalulumbay ay kaaliwan, ang nagkakasala
ay kapatawaran, ang anghel ay kaligayahan at ang Santisima Trinidad ay
lalong kaluwalhatian. Ang lyong ngalan ay inilapat at nasusulat sa limang
titik na kahalintulad ng limang titik ng katamistamisang ngalan ni Hesus,
ng limang sugat na sa ami'y itinubos at ng limang salita na
ikinapangyayari ng dakilang himala ng Banal na Eukaristiya. Sa
pananalangin na ito ako'y dumudulog sa lyong maluwalhating ngalan na
tulad ng isang kalasag sa aking kaligtasan, isang mabisang gamot sa aking
ikalulusog, isang kaginhawahan sa aking mga gawain, isang malaking
tulong sa ikapagpapatawad ng aking mga sala, isang lunas sa lahat ng
pangangailangan, upang sa madalas na pagsambit ng aking mga labi at
pagkakintal sa aking puso ng Iyong ngalan at sa paulit-ulit ng mga
matamis at mahiwagang salitang "Aba, Mariang kalinis-linisan,
ipinaglihing walang kasalanan", ay kamtan ko sa Iyong awa't kabanalan
ang mga kagalingang dulot ng Iyong kabanal-banalang ngalan, upang
maging karapat-dapat mapabilang sa Iyong tapat at magiliwang mga anak.
Mabuhay din sana ako sa ilalim ng Iyong matamis na pagkakandili at
tamuhin ko ang tanging isinasamo ko sa pagsisiyam na ito, kung
mararapat sa kasiyahan ng Diyos at sa aking kaligtasan. AMEN
MGA PAGLUHOG
Tugon: Aba, Mariang kalinis-linisan,

ipinaglihing walang kasalanan.

Ipanalangin mo kaming dumudulog

sa iyo sa araw -araw

1. O Lubhang masintahin kong Ina, alalahanin Mo akong abang


makasalanan sa lahat ng sandali ng aking buhay. Tugon...

2. Alulod ng mga biyayang-langit, ipagkaloob Mo sa akin ang


kasaganaan ng luha upang itangis ko ang aking mga kasalanan.
Tugon...

3. Reyna ng langit at lupa, kupkupin Mo ako at ipag sanggalang sa mga


tukso ng aking mga kaaway. Tugon..

4. Marangal at piling anak ni Joaquin at Ana, ipagka mit Mo sa Iyong


kabanal-banalang Anak ang mga biyayang kinakailangan ko sa aking
kaligtasan. Tugon...

5. Tagapagtanggol at takbuhan ng mga makasa lanan, tulungan Mo ako


sa oras ng kamatayan at buksan Mo sa akin ang mga pinto ng langit,
Tugon . . .
Luwalhati sa Ama . . .

(Maikling Katahimikan—Hingin sa Diyos sa pamamagitan ni Maria ang


biyayang ninanasang kamtan sa pananalangin na ito)

(Pagbasa ng Mabuting Balita na nakaalaan sa Triduum sa Pagsilang ng


Mahal na Birhen)
MABUTING BALITA (Magsitayo ang lahat) Setyembre 05

Pagbasa sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas.

(Lucas 1: 26-38)

Noong panahong iyon, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa


Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y
nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David.
Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. “Matuwa ka!
Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang Panginoon!”
Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap,

at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa
kanya ng anghel,

“Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos.


Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y
tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng
Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng
kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob
magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.”

“Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” tanong ni Maria.


Sumagot ang anghel, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng
kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at
tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si
Elisabet? Alam ng lahat na siya’y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng
kanyang katandaan. At ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang
pagdadalantao – sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos.”
Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang
iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


PANALANGIN SA UNANG ARAW NG TRIDUUM
O Maria, lubhang magiliw na Reyna, na ang katamis -tamisang
ngalan ay nangangahulugan ng " Kalipunan ng lahat ng mga dagat,"
alalaumbagay kalipunan ng lahat ng mga biyaya at walang kaisipang
nilikha na maaaring makatarok sa kalaliman ng lyong mga katangian;
Ikaw ay puno ng mga biyaya ayon sa wika ni San Gabriel, upang ang mga
tao gaya ng mga ilog at batisan ay makibahagi sa gayong puno at malawak
na dagat. Karilag-rilagang Reyna, nagagalak ako sa lyong kaligayahan.
Yamang iniibig ng Panginoon na magdaan sa lyong mga pinagpalang
kamay ang mga kagalingang mapapasaamin buhat sa langit, isinasamo ko
nang buong kababaan na maawa Kang buksan MO sa akin ang lyong mga
palad at ipagkaloob MO sa akin ang mga biyayang kinakailangan upang
matupad ko ang mga tungkulin sa buhay at sa gayo'y maging marapat sa
aking Diyos at Panginoon. Idalangin MO, O lubhang maawaing Ina, ang
lahat ng lyong mga anak at tulungan Mong lalo ang mga di-karapat-dapat
sa kanila. Ipagkamit MO sa akin, O Kaibig-ibig na Ina, ang tunay na
pagkahapis sa aking mga kasalanan, gayon din ang biyaya upang tapat
kong ikumpisal sa paanan ng alagad ng Diyos ang aking mga
kalapastanganan. Sana'y naisin ko pang mamatay muna bago mawala ang
pag-ibig ni Hesus na Panginoon, sa layong kamtan ko pagkamatay ang
kaligayahan na Siya'y purihin ko't ipagdangal kasama MO magpasawalang
hanggan. AMEN.

Ipanalangin natin ang Intensyon ng Santo Papa

Ama Namin * Aba Ginoong Maria * Luwalhati


MABUTING BALITA (Magsitayo ang lahat) Setyembre 06

Pagbasa sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas.

(Lucas 1, 39-47)

Si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan

sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias,

binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria,


naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si
Elisabet, at buong galak na sinabi, “Pinagpala ka sa mga babae,

at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan!

Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig


ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan.
Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasasabi sa iyo ng
Panginoon!”

At sinabi ni Maria,

“Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,

At nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


PANALANGIN SA IKALAWANG ARAW NG TRIDUUM

O Maria, karangal-dangalang Reyna, na ang katamis -tamisang


ngalan ay nangangahulugang " Panginoon", alalaumbaga'y ang pagkupkop
sa mga kinapal na dulot ng Diyos sa Iyo bilang isang Ina; isinasamo ko
nang buong kababaan na, pakundangan sa lyong makapangyarihang
ngalan, ipagkaloob MO sa akin ang mga kagalingang kailangan upang
mabuhay nang matiwasay at upang gamitin ang panahon sa mga gawang
kabanalan. Akong nasisiyahan sa kabutihan ng Diyos, sana'y huwag akong
magaksaya ng panahon sa mga karangyaan at libangang makamundo,
bagkus ay mabuhay ako sa pagkakawanggawa sa aking kapuwa at mag-
ukol ng pamimintuho sa Panginoon na Siyang naglaan sa akin ng mga
kayamanang walang hanggan sa langit, na inaasahan kong kamtan sa
pamamagitan ng lyong Banal na ngalan. AMEN

Ipanalangin natin ang Intensyon ng Santo Papa

Ama Namin * Aba Ginoong Maria * Luwalhati


MABUTING BALITA (Magsitayo ang lahat) Setyembre 07

Pagbasa sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas.

Lucas 2, 16-21

Noong panahong iyon: Nagmamadali ang mga pastol na lumakad


patungong Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na
nakahiga sa sabsaban.

Kaya’t isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na


ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Natanim sa
isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay.

Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng


kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa
ibinalita sa kanila ng anghel.

Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang


Hesus ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


PANALANGIN SA IKATLONG ARAW NG TRIDUUM

O Maria, lubhang maibiging Reyna at aking Ina, na ang katamis-


tamisang ngalan ay nagpapasigla sa aming puso at umaaliw sa aming
kaluluwa sa gitna ng aming mga kapighatian; isinasamo ko nang buong
kababaan na ipagkaloob Mo sa aming mga nagdarangal sa Iyong ngalan na
nangangahulugan ng "Pag-asa”, ang mahalagang kabanalang ito, na
gumigising sa aming diwa sa panahon ng mga panganib at kapahamakang
nakaliligid sa aming mga itinapong anak ni Eba sa bayang itong kahapis-
hapis, dahop pa sa malinaw na pagkamalas sa Diyos at Lumikha.
Nananalig sa kapangyarihan ng Panginoon na magagawa ang bawat
naisin, mangyaring malupig naming ang mga pita ng katawan at malugod
kaming lumakad patungo sa langit na bayan sa pamamagitan ng mga
gawang kabanalan, sa layong tamuhin ang maligayang kagalingan na
inilaan sa amin, na doo'y mabubuhay kami nang buong kasiyahan sa Iyong
makapangyarihang pamamagitan. AMEN

Ipanalangin natin ang Intensyon ng Santo Papa

Ama Namin * Aba Ginoong Maria * Luwalhati


PAGWAWAKAS NA PANALANGIN
O Mahal na Birhen, aming kaibig-ibig na Ina, pinasasalamatan ka
namin sa mga biyayang ipinagkaloob mo sa aming mga tahanan at bayan.
Ipagpatuloy mo sana ang iyong paglingap sa aming buhay nang umiral sa
aming piling ang mga kaugaliang Kristiyano, ang pagdarasal nang sama-
sama, ang pagmamahalan ng mga magkasambahay at ang pagtutulungan
ng mga magkakapit-bahay. Ilayo sa amin ang tukso, sakuna, sunog at
kamalian pakundangan sa iyo O Mahal na Inang Birhen. Alang-alang kay
Kristong aming Panginoon. Amen.

PAGPAPAHAYO
+Pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos at Ipag-adya sa lahat
ng kasamaan at ihatid sa buhay na walang hanggan. AMEN

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like