ESP4 Q2 Wk3 Day2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GRADE 4 Paaralan Baitang/Antas IV Markahan Ikalawa

DAILY LESSON Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpakatao


PLAN Petsa/Oras Sesyon Week 3/Day2

A.Pamantayang
Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa na hindi naghihintay ng anumang kapalit ang paggawa ng mabuti.
(Content Standard)
I. LAYUNIN

B.Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang paggalang sa Karapatan ng kapwa.
(Performance Standard)
C.Kasanayang Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na sitwasyon:
Pampagkatuto(Learning - Oras ng pamamahinga
Competencies) EsP4Pllfi-21
Layunin (Lesson Objectives)
Knowledge Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa oras ng pagpapahinga at sa may sakit.

Skills Nakagagawa ng malikhaing presentasyon sa paggalang sa iba sa oras ng pagpapahinga sa may sakit.
Nakapagpapamalas ng paggalang sa iba sa oras ng pagpapahinga at sa may sakit.
Attitude
II. NILALAMAN (Paksa) Igagalang Ko, Oras ng Pagpahinga Mo
A. Mga Kagamitang Panturo Laptop, Powerpoint Presentation
III. KAGAMITANG

B. Mga Sanggunian
PANTURO

Kagamitan ng Mag-aaral, Gabay ng Guro, Internet


(Source)
1.Mga Pahina sa Gabay ng
p. 76-77
Guro
2.Mga Pahina sa
pp 128-135
Kagamitang Pangmag-aaral
Anong karapatang pantao ang dapat nating irespeto?
PAMAMARAAN

Magbigay ng halimbawa na dapat mong gawin sa taong nagpapahinga.


A. Paghahanda
Nakita mong mahimbing na natutulog ang iyong kapatid ngunit ikaw ay may kailangang kunin sa cabinet, ano ang
IV.

gagawin mo?
B. Paglalahad Ang paggalang sa kapuwa-tao ay natutuhan natin mula sa pagkabata. Ito ay isang hakbang sa
pagkakamit ng isang mapayapang pamayanan. Kapag iginagalang ng lahat ang kaniyang kapuwa tiyak
walang magkakagalit dahil nirerespeto ang karapatang pantao. Isang karapatan ng tao ang pagpapahinga
(Right to Rest) ayon sa Listahan ng Human Rights (UNESCO – Article 24). Ang paggalang at pagtrato na
nais nating gawin sa atin ng ibang tao ay napakahalaga. Sabi nga, kungano ang nai mong gawin sa iyo ay
siya ring gagawin mo sa iyong kapuwa-tao. Ito ay hindi lamang naipakikita sa salita kundi pati sa kilos at
gawa. Sa panahon na ang isang tao ay may sakit, nangangailangan siya ng tahimik na paligid. Kaya ang
iyong mga kilos ay kinakailangang maayos at marahan. Matuto tayong magbigay-halaga sa
pangangailangan ng ating kapuwa. Igalang natin ang kanilang oras ng pagpapahinga.

Pag-isipan at sagutin ang sumusunod:


1. Naglalakad ka sa kalye. Sa madilim na bahagi ng daan, nakita mo ang isang batang marungis na
natutulog sa malamig na semento gamit ang isang karton. Ano ang dapat mong gawin upang hindi
maabala ang kaniyang pamamahinga?
C. Pagsasanay
2. Namamasyal ka sa isang lugar na maraming puno. Napansin mo sa itaas ng puno ang isang ibon na
(PROCEDURES)

nakalimlim sa kaniyang pugad. Ano ang iyong gagawin?


3. Naiwan mo sa loob ng silid – tulugan ng iyong magulang ang baon mo sa pagpasok saeskuwelahan.
Alam mo na ang iyong Nanay na may sakit ay natutulog sa silid. Ano ang iyong gagawin?

Pangkatin sa 2 ang klase.


Pangkat 1. Gumawa ng maikling balita ng karanasan sa paggalang sa iba.
D. Paglalapat Pangkat 2. Paano mo isasabuhay ang pagiging magalang sa ibang tao. Isasadula sa harap ng klase.
Pangkat 3: Gumawa ng komik istrip na may kaukulang pagpapahalaga sa mga taong nagpapahinga.
Pangkat 4: Sayawit paggalang sa nagpapahingang may sakit

E. Paglalahat Anong katangian ang iyong ipinakikita kung marunong kang magpahalaga sa oras ng pamahinga ng ibang tao?

IV. Pagtataya Lagyan ng tsek ( √ ) kung ito ay naranasan mo nang gawin at ekis ( x ) kung ito ay hindi pa naranasang
gawin. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
SITWASYON √ O x
____ 1.Tahimik na nag-aalay ng panalangin sa kaibigang may sakit.
____2. Maingat na isinasara ang pinto kapag may natutulog.
____3. Tumigil sa paglalaro at pag-iingay kapag may nagpapahinga.
____4. Pinagsilbihan ang mga kamag-aral o kaibigan na huwag maingay dahil natutulog ng nkababatang
kapatid.
____5. Hindi ginigising ang magulang na nagpapahinga at may sakit upang sagutin ang magulang na
nagpapahinga at may sakit upang sagutin ang tawag sa telepono.

V. Karagdagang Gawain Ipagpatuloy ang pagpapakita ng paggalang sa iba sa oras ng kanilang pamamahinga at kapag sila ay may sakit.

IV. Mga Tala


Magnilay sa iyong mga istratehiyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat lingo. Paano
V. Pagninilaynilay mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong
itanong/ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na maari nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na
makukuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iban pang
Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magapatuloy sa remediation?
E. Alin sa estratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano
ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyon sa tulong
ang aking punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang pangturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared by:

GILDA T. TANO
T-II

You might also like