Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

F4PB-If-j-3.2.

1 Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano

Mabilis na Nakuha, Mabilis ding Nawala

May isang inahing kambing na naninirahan kasama ang kanyang dalawang anak sa paanan ng bundok.

Isang araw habang sila’y nasa hapag kainan, ang inahing Kambing ay nagwika. “Mga anak, dahil malalaki
na kayo, nais kong tahakin ninyo ang sarili ninyong landas. Hindi ko na kayo kayang itaguyod. Nasa
tamang edad na kayo at kailangan ninyong magtayo ng sarili ninyong matibay na tirahan para sa inyong
magiging pamilya.”

“Sige po ina,” sagot ng dalawang magkapatid na kambing.

Binigyan sila ng inang kambing ng kanya-kanyang pera upang makapagtayo ng kanilang sari-sariling
bahay. At sabay silang umalis sa tahanan ng kanilang ina.

Nagpalipas sila ng gabi sa ilalim ng isang punong kahoy at kanilang pinag-usapan ang kanilang mga
plano.

“Bahay na gawa sa buhangin ang aking itatayo. Maganda ang buhangin at mabilis itong gawin,” wika ng
panganay na kambing.

“Bato, bahay na gawa sa mga bato ang aking itatayo. Tiyak akong hindi ito matitibag ng anumang unos,”
ang sabi naman ng bunso.

Kaya’t naghiwalay ng direksyon ang magkapatid at nagsimulang maghanap ng mga materyales na


kanilang gagamitin.

Naghakot ng buhangin ang panganay na kambing at sa loob ng isang araw ay naipon na niya ang
kailangan niyang dami upang mabuo ang bahay niyang pinapangarap. Samantala ang bunsong kambing
naman ay hindi pa nangangalahati sa mga batong sasapat upang mabuo ang kanyang tahanan.

Kinabukasan nagpatuloy sa paghahakot ng mga bato ang bunsong kambing. Habang nagsisimula na sa
paggawa ng bahay ang panganay. Hinulma niyang bahay ang mga buhanging kanyang naipon. Sa
kanyang pagtatrabaho ay nakita niyang naghahakot parin ng mga bato ang kanyang kapatid.

“Hay naku, napakabagal mo. Kailan ka pa makakatulog at makakapag pahinga? Ako’y malapit ng
matapos sa aking ginagawang bahay. Mamamayang gabi pwede na akong matulog dito,” pambubuska
ng panganay na kambing. Ngunit walang imik ang bunso at patuloy lamang siya sa kanyang ginagawa.

Bago ang takip-silim natapos ang bahay na gawa sa buhangin ng panganay na kambing. Sa kabilang
banda, natapos palang sa paghahakot ng mga bato ang bunso.

“Sa wakas tapos na ang aking bahay. Tingnan mo ina napakaganda at sigurado akong napakatibay nito.
Hindi ito kayang tibagin ng kahit sinoman,” pagmamalaki niya.

“Ikaw bunso? Kelan ka pa matatapos? Hahahaha dapat ginaya mo nalang ako, ei di sana nagpapahinga
ka na din tulad ko,” muli niyang pang-aasar sa kapatid. Ngunit wala paring imik ang bunsong kambing at
nagpatuloy siya sa kanyang pagtatrabaho.
“Gabi na, at sa wakas sapat na ang mga batong ito para mabuo ko ang aking pangarap na bahay. Hindi
baleng matagal ko itong matatapos sigurado naman na ito’y matibay,” bulong ng bunsong kambing.
Nagpalipas muna siya ng gabi sa ilalim ng punong kahoy.

Kinabukasan maagang nagising ang bunsong kambing at sinimulan ang paghuhukay ng pundasyon ng
kanyang bahay. Matiyaga niyang pinagpatong-patong ang mga bato at siniguradong matibay ang
pagkakagawa nito. Unti-unti nabuo na niya ang kanyang bahay na bato. Natapos niya ito sa loob ng isang
linggo.

Masayang masaya ang bunsong kambing habang tinitingnan niya ang bahay na kanyang pinaghirapan. Sa
wakas makakapagpahinga na siya na walang pag-aalinlangan.

Kinaumagahan sa kanilang paggising ay makulimlim ang kalangitan at malakas ang ihip ng hangin.
Nagbabanta na may paparating na bagyo.

“Mukhang may bagyo, ngunit hindi nito masisira ang bahay ko. Gawa kaya ito sa buhangin,”
pagmamalaking wika ng panganay na kambing.

Makalipas ang ilang oras ay bumuhos na nga ang napakalakas na ulan. Kampanteng umupo ang bunsong
kambing sa harap ng bintana at pinanood ang patak ng ulan at ang indayog ng mga sanga ng punong
kahoy dahil sa lakas ng hangin.

Ang panganay na kambing naman ay nais matulog sa kanyang kama. “Matutulog ako, nakakaantok ang
sipol ng malakas na hangin,” wika niya.

Akma pa laman siyang hihiga ay isang tumpok na buhangin ang bumagsak sa kanyang kama. At sa
kanyang pagtingala ay bumuhos sa kanyang mukha ang malalaking patak ng malakas na ulan. Gumuho
ang bahay niyang gawa sa buhangin dahil sa lakas ng ulan.

Dali-daling tumakbo papalabas ang panganay na kambing. Swerte siyang nakalabas kaagad at hindi
natabunan ng buhangin dahil tuluyan ng gumuho ang kanyang buong bahay. Tumungo siya sa bahay ng
kanyang kapatid.

Isang malakas na katok sa pinto ang gumulat sa bunsong kambing.

“Bunso, bunso tulungan mo ako, papasukin mo ako! Wala na akong bahay! Tuluyan na itong gumuho.
Hindi nito kinaya ang malakas na ulan,” mangiyak ngiyak na sigaw ng panganay na kambing.

Agad namang binuksan ng bunsong kapatid ang pinto at pinatuloy siya. Binigyan ng tuwalya upang
matuyo ang basang-basa nitong katawan at pinainom ng mainit na sabaw upang mapawi ang ginaw.

Isang malakas na hangin pa ang kanilang narinig sa labas at lalong lumakas ang ulan. Ngunit hindi
natinag ang bahay na bato.

“Nagkamali ako aking kapatid, mas matibay pala ang bahay na gawa sa bato. Matagal man itong gawin,
subalit siguradong matibay. Patawad dahil nilait kita. Hindi pala dapat laging nagmamadali. Ang mga
bagay na madaling makuha ay mabilis ding mawala,” malungkot na wika ng panganay na kambing. Sa
wakas ay napagtanto niya ang kanyang kamalian.
Unlocking

Pambubuska-Panlalait

Unos

Pag-aalinlangan

Mapawi

Ginaw

Mga Tanong

1. Bakit umalis sa tahanan ng ina ang magkapatid na kambing?


A.
B.
C.
D.
2. Bakit ninais ng panganay na kambing na gawa sa buhanin ang kaniyang itatayong bahay?
3. Paano itinayo ng Panganay na kambing ang kanyang bahay?
4. Paano itinayo ng Bunsong Kambing ang kanyang bahay?
5. Bakit humingi ng tulong ang Panganay na Kambing sa kaniyang bunsong kapatid?
F4PS-IIIb-2.1

Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at naging damdamin

“Si Miming Kuting at ang Mahiwagang Bato”


Ulila na sa ama at ina si Miming Kuting. Bata pa lamang siya
noong namatay ang kanyang ama’t ina dahil nakakain ng pagkaing
may lason. Kaya’t laking lola si Miming.

Tanging ang lola lang niya ang nagpakita ng pagmamahal sa kanya.


Yung iba ay kinukutya ang kaniyang itsura, dahil sa putol ang
kaniyang buntot. Naputol ito sa aksidente noong siya ay bata pa.

“Miming putol labas ka diyan laro kayo ng mga palaka sa


sapa,” sigaw ni Ding Kuting.
“Hahahaha! Ahh putol! putol!” pangungutya pa nito.

Halatang nagagalit na si Miming minsan. Parang akmang iiyak siya


o lalabas at kakalmutin si Ding.

“Huwag kang lumabas, ang gawin mo, batuhin mo siya mula rito sa
loob,” payo ng lola ni Miming. Nagulat si Miming sa sinabi ng lola
niya.

“Pwede mo silang batuhin. Itong mga pandesal ang ibato mo sa


kanila,” sabi ng lola.
Sinunod ni Miming ang payo ng lola niya. Kinuha niya ang limang
pandesal sa mesa at ibinato kina Ding at mga kaibigan niya.

“Aray! Nasapol ako dun ahh. Bakit mo kami bina… Pandesal pala
akala ko bato. Sabi ko na nga ba hindi ka lang putol, duwag ka pa.
Tama nga namang duwag ka kasi bahag ang buntot mo. Aiy wala
ka nga palang buntot, hahahahaha!”  sigaw ni Ding habang
nginunguya ang pandesal.
Araw-araw bumabalik sina Ding at mga kaibigan niya sa bahay
nina Miming at araw-araw din silang binabato ng pandesal ni
Miming bilang ganti.

“Lola mukha naman pong ayaw talaga nina Ding at ng mga kaibigan
niya na tumigil sa pangungutya sa akin,” mangiyakngiyak na sabi
ni Miming sa lola niya.

“Huwag kang susuko apo, matatauhan rin ang mga iyan at darating
ang oras na titigil rin sila sa pangungutya sayo. Basta ipangako mo
sa akin, kahit anong kasamaan ang gawin sayo, hindi ka
mananakit ng kapwa,” paalala ni Lola.
Kinabukasan, dumating sina Fredo sa bahay ni Pepe.

Isang araw naabutan si Ding Kuting ng kanyang amo na kinakain


ang pritong isda na nasa mesa. Hinabol siya nito ng gulok. Mabilis
na tumakbo si Ding Kuting papalabas ng bahay at tako na takot ng
bumalik.

Makalipas ang ilang oras gutom na gutom na siya. Pumunta siya sa


kanyang mga kaibigan ngunit tinanggihan siya ng mga ito na bigyan
ng makakain. Naghanap sya ng pagkain ngunit pinagtatabuyan
siya. Lumipas pa ang mga araw hinang-hina na si Ding. Halos hindi
na niya maihakbang ang kanyang mga paa. Hanggang sa
napadaan siya sa bahay ni Miming Kuting. Naalala niya na sa
tuwing aasarin niya si Miming Kuting ay binabato siya nito ng
pandesal. Napagdesisyonan niya na muling asarin ito upang
batuhin siya ng pandesal at makakain.

“Miming putol! Lumabas ka riyan. Nais kong makita kung paano mo


ikawag ang putol mong buntot,” pilit na sigaw niya kahit hinang-
hina na.

“Ayan na naman si Ding, ayaw mo talagang tumigil ha. Ito ang


tatlong pandesal para sayo,” bulong ni Miming Kuting.

Akmang ibabato na niya ang pandesal ng makita niyang


nakalugmok si Ding Kuting. Sa halip na galit, awa ang kaniyang
naramdaman. Lumabas siya ng bahay bitbit ang tatlong pandesal.
Lumapit siya kay Ding at inalalayan ito.

“Ding anong nangyari sayo?” nag-aalalang tanong ni Miming.

“Gutom na gutom na ako, pinalayas ako samin. Walang tumanggap


sakin kahit mga kaibigan ko,” wika niyang nanghihina.

“Ito ang tatlong pandesal kainin mo para bumalik ang iyong lakas,”
sagot ni Miming at pinakain kay Ding ang pandesal.

Hiyang-hiya si Ding kay Miming dahil sa panlalait na ginagawa niya


dito.

Kinabukasan ng bumalik na ang lakas ni Ding Kuting pumunta siya


sa bahay ni Miming Kuting.

“Patawarin mo ako Miming sa mga panlalait ko sa ‘yo. Ngayon ako


naman ang bumili ng pandesal para sa inyo ng lola mo. Tanggapin
mo sana ito,” sabi ni Ding.
Nagulat si Miming sa ginawa ni Ding ngunit masayang-masaya
siya. Tinanggap niya at ito sabay-sabay nilang kinain.

“Mahiwaga talaga ang bato ni Lola,” sabi ni Miming Kuting.

Kaya mga bata


Gumawa ng mabuti sa kapwa kahit na anong mangyari.

You might also like