Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

HOME-BASED ACTIVITY 1

Panuto: Bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na salita. Ituturn-in ang iyong mga ksagutan sa ating
Gclassroom hanggang sa Sabado, September 10, 2022. (3 puntos ang bawat isa)

1. Globalisasyon
 Proseso ng internasyonal na intergrasyon o pagsasama-sama bunga ng pagpapalitan ng
mga pananaw, ideya, produkto, at iba pang mga aspeto ng kultura ng mga tao mula sa
iba’t ibang bansa.

2. Sustainable development
 Sustainable development o likas-kayang pag-unlad ay ang pangkaraniwang inilalarawan
bilang pag-unlad na nakatutugon sa mga pangangailangan at aspirasyon o mithiin ng
kasalukuyan na hindi ikinokomprosismo ang kakayahan ng mga susunod na henerasyon na
matugunan ang kanila naming mga sariling pangangailangan.

3. Polusyon
 Ito ay tumutukoy sa dumi, ingay, at hindi kaaya-ayang amoy sa kapaligiran.

4. Pamilya
 Ang pamilya ay maituturing na pinakamaliit na yunit ng ating lipunan. Binubuo ito ng mga
myebro tulad ng tatay, nanay, at mga anak. Ito din ay nangangahulagang isang pangkat ng
mga tao na may kaugnayan sa dugo at ninuno.

5. Homosexual
 Ito ay tumutukoy sa romantikong atraksyon, atraksiyong seksuwal, o gawaing seksuwal sa
mga kabilang sa magkaparehong kasarian.

6. Politika
 Ang politika ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiya sa antas pandaigdigan,
sibiko, o indibidwal. Ito din ay maiiugnay sa ating pamaghalaan.

7. Human rights
 Ito ay mga likas na karapatan sa lahat ng mga tao, anuman ang nasyonalidad, tirahan,
kasarian, pambansa o etnikong pinagmulan, kulay, relihiyon, wika, o anumang katayuan.

8. K-12 program
 Ang K-12 Program ay kinapapalooban ng isang taong Kindergarten at anim na taon sa
elementarya at anim na taon sa sekondaryang edukasyon.

9. Flashflood
 Ito ay ang rumaragasang agos ng tubig na may kasamang banlik, putik, bato, kahoy, at iba
pa.
10. Migrasyon
 Ito ay tumutukoy sa pagkilos o paglipat ng tao o mga tao mula sa isang lugar patungo sa
isang dako sa layuning doon mamalagi o manirahan.

11. Aborsiyon
 Ito ay ang sinasadyang pagpapatanggal ng embryo o fetus sa loob ng matres ng babae.

12. Kasarian
 Ang kasarian ay tumutukoy sa biyolohikal na kaibahan ng lalaki at babae.

13. Graft
 Ito naman ay isang anyo ng political corruption kung saan ang opisyal ay nagkakamal ng
pinansyal na pakinabang sa hindi tapat o hindi legal na pamamaraan.

14. LGBTQ
 Ito ay isang aktibong samahan na nagsusulong sa kanilang karapatan sa pagpili na kasarian
at seksuwalidad. Ito ay bunubuo ng mga tomboy (lesbians), bakla (gay), bisexual,
transgender, at queer.

15. Public concern


 Ito ay ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko na tumutukoy sa mga indibidwal at
kolektibong pansibiko na idinisenyo.

16. Corruption
 Ito ay isang maling gawi o kasanayang kinasasangkutan ng opisyal ng isang institusyon. Ito
ay pang-aabuso sa hawak na posisyon upang magkaroon ng pakinabang.

17. RH Law
 RH Law o Republic Act No. 10354 o Responsible Parenthood and Reproductive Health Act
of 2012 ay may layunin na magkaloob ng kabatiran at access sa mga mamamayan sa mga
metodong (methods), fertility control, sexual education, at maternal care.

18. Deporestasyon
 Ito ay ang pagkakalbo ng kagubatan sanhi ng malabis o ilegal na pagputol ng mga puno sa
kagubatan, pagmimina, o pagkakaingin (pagsusunog sa mga puno at halaman).

19. Paglustay
 Paglustay o Embezzlement ay pagnanakaw ng pera ng isang taong pinagkatiwalaan nito.

20. Suliraning Teritoryal at Hangganan


 Ito ay tinatawag sa Ingles na Territorial Dispute and Border Conflict. Ito ay ang hindi
pagkakasundo sa pagmamay-ari o control sa isang bahagi ng lupa o karagatan ng dalawa o
higit pang magkatabing nation-states.
21. Man-made calamities
 Ito ay ang mga kalamidad na bunga ng mga gawain o pagdedesisyon ng mga tao.

22. Sustainability
 Ito ay tumutukoy sa pagsasanay ng pagtitipid o makatuwirang paggamit ng kasalukuyang
resources para sa susunod na henerasyon nang walang pinsala sa kalikasan at iba pang
mga bahagi ng mga ito.

23. Unemployment rate


 Ito ay sa sukatan ng pagiging malaganap ng kawalan ng trabaho at ito ay sinusukat sa
pamamagitan ng percentage o pagbabahagi ng bilang ng mga walang trabaho sa bilang ng
mga indibidwal na kasalukuyang nasa lakas-paggawa.

24. Age of majority


 Ito ang ay ang kakayahang bumoto sa lokal at nasyunal na halalan sa legal na kontrata o
18 years old and above ang iyong gulang.

25. Labor force


 Ito ay tumutukoy sa mga tao na may edad 15 pataas na may sapat na lakas, kakayanan, at
maturity upang aktibong makilahok sa mga gawaing pamproduksyon sa bansa.

You might also like