Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO

Ang kay selya ay isang tula na isinulat ni Francisco Balagtas Baltazar para sa kanyang
minamahal na si Maria Asuncion Rivera o (M.A.R.).
Isinulat ni Francisco Baltazar ang kuwentong ito para sa kaalaman ng mambabasa na
ipinaglaban niya ang pag-ibig niya kay Maria Asuncion Rivera (MAR) na tinawag niyang
Selya.
Si Celia sa buhay ni Balagtas ay ang kanyang unang pag-ibig ipinakilala ni Francisco Balagtas
ito sa kanyang akda na Florante at Laura. Ang totoong katauhan ni Celia ay ang dalagang si
Maria Asuncion Rivera.
Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria
Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ni Kiko o Francisco
Balagtas baltazar. Naging karibal niya si Mariano “Nanong” Kapule sa panliligaw kay Selya.
Si mariano nanong kapule ay isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil
sa ginawa niya sa pagligaw kay Selya,ipinakulong siya ni Nanong Kapule para hindi na siya
muling makita ni Selya. Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya
kahit walang pag-ibig na nadarama si Selya para kay Nanong Kapule. Doon sa kulungan,
isinulat ni Francisco balagtas ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz para kay Selya.

Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan. Nadestino at naging klerk sa hukuman si Kiko
noong 1840 sa Udyong,Bataan. Dito niya nakilala si Juana Tiambeng na kanyang naging
asawa at sila ay Nagpakasal sila noong 1842.
Ang sukat ng tula ay nasa 12 o labing dalawang pantig at ang tula ay binubuo ng 22 o
dalawampu’t dalawang saknong.

SAKNONG 1
Tinatanong ni fransico baltazar ang kanyang sarili na kung alalahanin daw niya ang
nakaraang relasyon niya may iba pa kaya siyang maiisip maliban kay selya na tumatak at
hindi nawawala sa kanyang puso.
SAKNONG 2
Sabi ni Francisco lagi niya naiisip si selya. Si selya na lagi niyang ikinatatakot na baka
malimot sakanilang pag-iibigan na siya namang nag bigay sakanya ng matinding
kalungkutan.
SAKNONG 3
Tinatanong pa ni fransico ang kanyang sarili na makakalimutan kaya niya yung mga alala at
ang pag mamahalan nilang dalawa at yung pagmamahal na ibinibigay sakanya ni selya,
pagmamahal na pinaghirapan daw makuha ni Francisco.
SAKNONG 4
Lumipas na daw yung mga masasayang aalala nila ni selya wala ng natira kundi yung
pagmamahal na lamang ni Francisco para kay selya na itinuturing ni Francisco na tapat na
pag mamahal na hanggang sa libingan ay dala dala nya ang pag mamahal nayon para kay
selya.
SAKNONG 5
Ngayon daw malungkot siya ang ginagawa na lamang niyang pang-aliw sa kanyang sarili ay
ang pag-alala sa masasayang alaala nila ni selya at sa tuwing maalaala nya at nakikita niya
ang muka ni selya sa larawan gumiginhawa ang kanyang pakiramdam.
SAKNONG 6
Yung larawan ni selya yung kanyang mukha ay kusa daw na tumatatak o naiguguhit sa puso
at isip ni Francisco at ito yung isang nag-iisang kayamanan nya na hindi mananakaw
sakanya hanggang kamatayan.
SAKNONG 7
Sabi ni Francisco yung isip daw nya ay kusang bumabalik doon sa mga lugar na
pinupuntahan nila dati ni selya kagaya ng ilog beata at ilog hilom.
SAKNONG 8
Naalala pa ni Francisco ang ginagawa niya sa tuwing may madadaanan sila ni selya na
punong mangga na may bunga,pinipitas nya ito at ibinibigay nya kay selya, si selya naman
ay tuwang tuwa.
SAKNONG 9
Naalala din ni francisco yung panahon na sobrang nag aalala siya tuwing nag kaka sakit si
selya masaya naman si selya sa tuwing inaalagaan siya ni francisco.
SAKNONG 10
Parang nakikita pa daw ni francisco yung larawan ni selya sa ilog at yung pag tungtong ni
selya sa batong tungtungan.
SAKNONG 11
Naalala pa ni francsico na sa tuwing pumupunta sila sa dagat iniiwasan ni selya yung alon
ng dagat para hindi siya maabot sa dalampasigan.
SAKNONG 12
Naririnig parin ni francisco yung sinsasabi sakanya ni selya na 3 araw lamang daw na hindi
siya makita ni selya ay nalulungkot na ito syempre tuwang tuwa naman at kinikilig si
francisco sa tuwing sinasabi yon ni selya sakanya.

2
SAKNONG 13
Sa pag alala nya sa msasayang alaala nila ni selya naluha si francisco habang lumuluha
sinabi nya O nasawing palad.
SAKNONG 14
Habang lumuluha siya maraming tanong si francisco sa kanyang sarili isa na dito yung
nasaan na daw si selya na nag papasaya sakanya bakit hindi daw nag tagal ang kanilang pag
mamahalan nasaan na daw yung panahong kapag tinitigan siya ni selya pakiramdam niya
nasa nasa langit na siya.
SAKNONG 15
Sabi ni francisco bakit daw hindi na lamang siya namatay nung nag ka hiwalay sila ni selya
kasi kapag inaalala nya ang nakaraan nila ni selya parang namamatay narin lamang siya
sabi nya hindi mabubura si selya sa kanyang puso.
SAKNONG 16
Sabi ni francisco yun daw nararamdaman niyang sakit ang dahilan kung bakit siya sumulat
ng tula at naisulat ang tungkol sa buhay niyang kaawa-awa.
SAKNONG 17
Habang isinusulat niya ang tula naiisip niya si selya at umaasa siyang sa pamamagitan ng
kanyang tulang yon ay maririnig at maiisip siya ni selya.
SAKNONG 18
Itong sinulat niyang tula ay inihahandog niya kay selya kasabay ng pag-asang sana
tanggapin ito ni selya kahit hindi maganda kasi nagmula naman ang tula nayon sa kanyang
puso.
SAKNONG 19
Sabi ni francisco kung pipintasan man daw ni selya ang kanyang tula sana isipin nitong
sinulat nya ito ng buong puso at kung mabasa man daw ni selya na maraming hinanakit ay
alalahanin niya daw kung sino yung nag hahandog nito sakanya at ano ang naging parte nag
hahandog nito sa buhay niya.
SAKNONG 20
Ang nimpa dito ay mga diyosa ng kalikasan ang serena naman ay diyosa ng karagatan
tinatawag ni francisco ang mga diyosa ng kalikasan at diyosa ng karagatan na siyang
kasama niya ngayon na malungkot siya.
SAKNONG 21
Tinatawag ni francisco ang mga diyosa ng kalikasan at diyosa ng karagatan para pagandahin
yung tulang isinulat niya ang tula na nag sasabing kahit mamatay siya ay hinahangad parin
nya ang pag mamahalan nila ni selya.
SAKNONG 22

3
Sinabi ni francisco na inihahandog niya yung kanyang tula kay selya na si selya ay si m.a.r
ang m.a.r ay bansag niya kay maria asuncion rivera tapos ang f.b na binabanggit niya dito
francisco baltazar.

You might also like