Reading 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SITJAR, SAIRA P BAH 3-1 Prof.

Elisor Guieb

READING 1: DR. SEAN FIELD

Malawak at malalim ang halaga ng kasaysayang pasalita hindi lamang sa mga makababasa o
makakikita ng mga akdang inalayan nito, kundi higit na lalo sa bawat indibidwal na parte at
nanahan sa mga makasaysayang pangyayaring inuungkat. Sa paraan na ito ay mas maipauunawa ng
mga manunulat at ng minorya o indibiwal na nakapanayam kung ano ang kanilang perspektiba sa
mga paksang mapag-uusapan. Ang ganitong lapit din ay siyang nagpapaagos sa mas mayaman at
malakas na tinig ng nga grupong kabilang sa iba’t ibang makasaysayang kaganapan. Sa pagkakataon
na ito ay malinaw na naipapakita ang kahalagahan ng kasaysayang pasalita at maging ang
importansya ng malikhain at mayaman na kultura mula sa pasalitang kuwento na siyang may
krusyal na tuntunin sa pagbuo ng nasyon. Mas mabibigyan din nito ng iba’t ibang perspektiba ang
mga manunulat na siya namang makakatulong sa malalim na pagtatasa sa akda o kuwentong
isusulat. Sa kabuuan sa pagtuklas sa mga kasanayan, kagawian, at perpektiba ng mga indibiwal ay
makakapag-alay ito ng mga mahahalagang pananaw sa personal, emosyonal, at pansariling
dimensyon ng kasaysayan. Makakatulong din ito upang mapanatili at maihatid ang mga kultural na
tradisyon at kaalaman mula sa isang henerasyon patungo sa isa pa, na nag-aambag sa pagpapanatili
ng pagkakakilanlan at pagkakaisa ng komunidad.
Mula sa akda ay nahinuha na ang kasaysayang pasalita ay maaaring tukuyin bilang isang
pamamaraan ng pananaliksik na nagsasangkot ng sistematikong pagkolekta at pagsusuri ng mga
pasalita at patotoo mula sa mga indibidwal na may kaalaman sa mga nakaraang kaganapan. Ang
ganitong mga kuwento ay pangunahing hinango mula sa buhay na memorya, na nagbibigay-daan
para sa isang mayaman na paggalugad ng mga indibidwal sa kanilang pananaw at karanasan.
Gayunpaman, ang pasalitang kasaysayan ay higit pa sa isang pamamaraan ng pananaliksik sapagkat
ito ay bumubuo ng hanay ng pananaliksik at mga kasanayan sa buhay na sumasaklaw sa iba't ibang
anyo ng pagsasanay. Bilang isang pamamaraan ng pananaliksik, ang pasalitang kasaysayan ay
naglalayong makuha, mapanatili, at suriin ang mga kuwento at karanasan ng mga tao na kulang ang
representasyon sa tradisyonal na makasaysayang mga salaysay. Bilang isang mas malawak na
kasanayan, ito rin ay nagsasangkot s pagbuo at paghahasa ng mga kasanayang nauugnay sa
pakikipanayam, aktibong pakikinig, at pagbuo ng kaugnayan sa mga tagapagsalaysay.

You might also like