Journey Over Destination

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

CAMANAVA – Gabay sa Buwanang Pulong Mayo 2021

“Journey over Destination”

I. PANIMULA
Sa pagtatakda ng mga goal, mayroong madalas na nagiging pagkakamali ang mga
tao. Nakapagdudulot ito ng stress at pagkabigo kapag hindi ito napapansin. Ang
pagkakamaling iyon ay ang lalong pagpopokus sa patutunguhan o sa destination kaysa sa
mga gagawin upang marating iyon o yung journey. Kapag masyadong binibigyang diin ng
tao ang pagtutunguhan niya, mananatili siyang nananabik para sa kung ano ang darating
sa halip na tanggapin kung ano ang mayroon siya ngayon. Ang sobrang pananabik para sa
destination sa kahit anong ginagawa ng tao ay makapagdudulot ng kalungkutan at
pagkabalisa sa kasalukuyan.

PAGTATALAKAY

A. Focusing on the destination


Kapag tayo ay nagpokus sa pagtutunguhan, nakatuon ang ating pag-iisip sa mga bagay
na hindi pa natin nakakamit. Ngunit dahil hindi pa natin natatamo ang bagay na iyon, ito’y
maaaring makapagdulot sa atin ng pagkasihayo o frustration.
Sa panahon natin ngayon, pangkaraniwan na ang instant gratification, kung saan ay
pwede mong makuha agad anuman ang iyon naisin. Pagkain, palikula, musika, balita,
impormasiyon at iba pa ang maaari mong makuha sa isang click lamang. Dahil dito,
maaaring ma-develop sa atin ang pagkainip o impatience.
Ang pag-unlad ay nangangailangan ng mahabang pasensya. Mabuti parin ang mga
projection, goal, at expectation upang magkaroon tayo ng pananagutan. Ngunit minsan, ang
pagkakamit ng isang bagay o pag-achieve ng goal ay mas matagal pala kaysa sa una nating
inakala. At okay lang iyon.
Ang destination ay parang tuldok sa isang mapa. Kapag masyado tayong nakapokus sa
end result, nililimitahan natin ang ating kasiyahan sa isang espesipikong panahon. Kapag
nalampasan na natin ang finish line, totoong tayo’y magagalak. Subalit hindi iyon
magtatagal, at kakailanganin natin muling mag-set ng bagong goals. Kung hindi natin
babaguhin ang ating pananaw at pag-iisip, muli lamang mauulit ang ating karanasan,
kung saa’y frustrated tayo habang tayo’y gumagawa patungo sa ating hinahangad at
nakararanas lang ng kagalakan kapag nakamit na ang end goal. Imbis na magpokus sa
resulta o destination, isipin mo kung ano ang mga pwede mong gawin upang sumulong
patungo sa hinahangad mong iyon.

A.
B. Focusing on the journey

Ang pagpopokus sa journey o sa mga gawa na iyong gagawin upang marating


ang desination ay makapagbibigay sa iyo ng pakiramdam ng pagtupad o fulfilment.
Sa paraang ito, iniuugnay mo ang iyong kasiyahan sa mga bagay na nasa iyong
kontrol (ang iyong mga paggawa). Kabaligtaran naman, kung ikaw ay nakapokus sa
resulta (destination/goal), iniuugnay mo ang iyong kasiyahan sa mga bagay na wala
sa iyong kontrol. Parating magiging mas produktibo kung ipopokus mo ang iyong
enerhiya sa mga bagay na kontrolado mo.
Paano nga ba magpokus sa journey?:

1. Tanggapin na ang pagsulong o progress ay ginagawa sa pamamagitan


ng maliliit na hakbang at nangangailangan ng mahabang pasenysa.
Marami na tayong narinig na kuwento tungkol sa mga tao, mga
organisasiyon, at mga kumpaniya na naging matagumpay kahit na
nagsimula sa wala o sa maliit. Lahat ng matagumpay ay nagsimula sa
wala at lumago mula doon. Hindi mo mararating ang iyong
pagtutunguhan sa pamamagitan ng big leaps. Ito’y mangyayari sa
pamamagitan ng small steps.
2. Magpokus sa mga bagay na nasa iyong kontrol.
 Results – destination/goal (ex. Lose 5kgs, get grade above 90)
 Actions – the work you put in (ex. Working out and eating healthy,
studying and completing school work)
Ang iyong actions ay kontrolado mo samantalang ang resulta ay
hindi.
3. Tanungin mo sa sarili mo ang mga katanungang ito upang
manatiling nakapokus sa ginagawa:
 “What can I do today to make it a great day?” Inilalagay nito ang
pokus mo sa action imbis na sa desire.
 “Am I working from my proirities?” Ang tanong na ito ay para sa
kung saan ka nakapokus. Sasalaminin mo kung ang iyong mga
ginagawa ay makabuluhan at nakatugma sa iyong mga prayoridad
o kung ito’y hindi naman ito produktibo at hindi makatutulong sa
iyo na sumulong.
 “Am I working on high-impact activities?” Maraming paraan para
sumulong patungo sa iyong goal. Kung sa palagay mo na ikaw
gumagawa patungo sa iyong goal sa epektibong paraan, mabuti
iyon. Ngunit kung sa palagay mo ay hindi, gamitin mo iyon bilang
opotunidad para subukan ang ibang mga daan patungo sa iyong
goal.
4. Itala ang little wins sa araw-araw. Mayroong mga araw na kung saan
ay pakiramdam mo na kaunti lang ang iyong mga nagawa at
nakapagdudulot minsan ng kalawan ng motivation. Mabuti na naitatala
natin sa isang journal ang ating mga gawain na nakukumpleto, kahit ito
ay maliliit lamang. Nakapagbibigay ito ng motivation boost kapag
nababasa natin ito pagkatapos ng buong araw ng paggawa.

Paglalagom

Kapag tayo ay mayroon hinahangad na goal, natural lang na tayo ay maging


excited para sa kung ano ang darating. Ngunit huwag natin hayaan na ang
ating excitement ay makapagdulot sa atin ng labis na paghahangad sa end
goal. Makapagbubunga ito sa atin ng dissatisfaction at frustration hangga’t
hindi pa natin iyon nakakamit. Sa halip, magpokus tayo sa ating journey, sa
mga aksyon na ating gagawin upang sumulong patungo sa ating goals.
Makararanas tayo ng satisfaction sa araw-araw nating paggawa at ito’y mabuti
dahil ito ay nasa ating kontrol.

II. Magsagawa ng Maikling Lektura sa pangunguna ng Pastor, KSKP o ng Ministro

You might also like