Unfinished LP ESP8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAARALAN HARRIS MEMORIAL SCHOOL Grade Level 8

GRADE 8 GURO MA. CRISTINA C. DYANGCO Quarter 3


DAILY LESSON ASIGNATURA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 DATE MAY 2023
PLAN

LAYUNIN
(OBJECTIVE)
A.PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karahasan sa paaralan.
PANGNILALAMAN
(CONTENT STANDARDS)
B.PAMANTAYAN SA Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang maiwasan at
PAGGANAP matugunan ang mga karahasan sa kanyang paaralan.
(PERFORMANCE
STANDARDS)
C.MGA KASANAYAN SA Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga
PAGKATUTO karahasan sa kanyang paaralan
(LEARNING COMPETENCIES) EsP8IPIVd-14.4
II. NILALAMAN Karahasan sa Paaralan
(CONTENT)
III. KAGAMITANG PANTURO
(LEARNING RESOURCES)
A. SANGGUNIAN (References)
1.Mga Pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p.119
2.Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 342-34
Pangmag-aaral
B. IBA PANG KAGAMITANG PowerPoint Presentation, mga larawan, laptop, pagpapanood ng bidyo
PANTURO

IV-A. PANIMULANG GAWAIN - Pagdarasal


- Pampasiglang Gawain
- Pagtala ng liban sa klase
- Pagsasaayos ng klase
B. BALIK-ARAL SA Magpapakita ng larawan ng mga gawain ng nagdadalaga at nagbibinata sa mga
NAKARAANG ARALIN AT/O bata at hayaan itong ilarawan ng mga mag-aaral.
PAGSISIMULA NG BAGONG
ARALIN.
(Reviewing previous lesson/
presenting the new lesson)
C. PAGHAHABI NG LAYUNIN Indibidwal na Gawain:
NG ARALIN. Laro: 4 pics 1 word
(Establishing a purpose for the Panuto: Tatawag ang guro ng bata upang ibigay ang mga salitang angkop sa mga
lesson)
larawang ipakikita.

pagnanakaw pambubulas
paaralan

bandalismo pananakit
D. PAG-UUGNAY NG MGA Muling babalikan ng guro ang mga larawan sa isinagawang laro.
HALIMBAWA SA BAGONG Ipapaliwanag ng guro na ang mga nasa larawan ay maaaring mangyari sa loob
ARALIN. ng paaralan. Ito ay tinatawag sa Karahasan sa Paaralan.
(Presenting examples/instances of
the new lesson)
Tatanungin ang mga bata ng mga sumusunod:
- Ano para sa inyo ang ibig sabihin ng karahasan?
- Bakit sa tingin ninyo ay nangyayari ito?
- Bakit sa tingin ninyo may mga nambubulas?
- Paano ba natin maiiwasan ang mga ito?
E. PAGTALAKAY NG BAGONG Ilalahad ng guro ang ibig sabihin ng mga karahasang maaring maganap sa loob
KONSEPTO AT PAGLALAHAD ng paaralan.
NG BAGONG KASANAYAN

F. PAGLINANG SA Indibidwal na Gawain


KABIHASAAN (Tungo sa
formative assessment)
Developing mastery (Leads to
formative assessment)

G. PAGLALAPAT NG ARALIN Pangkatang Gawain (Role Playing)


SA PANG-ARAW-ARAW NA
BUHAY Pangkatin ang klase sa apat. Kinakailangang gumawa ng scenario ang bawat
(Finding practical/application
pangkat patungkol sa uri ng pambubulas na kanilang mabubunot. Kailangan nila
of concepts and skills in daily
living) itong pag-aralan sa loob ng walong minuto at ilalahad sa klase ang kanilang
gawain sa loob ng pitong minuto.
Pangkat Atis
- Pasalitang Pambubulas
Pangkat Bayabas
- Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
Pangkat Kaimito
- Pisikal na Pambubulas
Pangkat Durian
- Cyber na Pambubulas
- Matapos ang role playing ng bawat pangkat ay mamimili sila ng isang
represntatib na magpapaliwanag nang kanilang ginawang arte sa klase.
H. PAGLALAHAT NG ARALIN Ano ang ‘Pambubulas’?
(Making generalizations and - Isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o
abstractions about the lesson) pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o higit pang biktima sa
(ELABORATE) paaralan.
Ano ang mga uri ng pambubulas?
- Pasalitang Pambubulas
- Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
- Pisikal na pambubulas
- Cyber na pambubulas
Bakit may nambubulas?
- (Magbibigay ng sariling opinion ang mga mag-aaral base sa kanilang
napag-aralan.
I. PAGTATAYA NG ARALIN Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang
(Evaluating Learning) sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
(EVALUATION)
1. Si James ay panganay na anak sa limang magkakapatid. Tumutulong siya sa
hanap-buhay ng kaniyang lola upang maitaguyod ang kaniyang mga kapatid.
Iniwan na sila ng kanilang mga magulang na naghiwalay. May kani-kaniyang
mga pamilya na ang mga ito. Nawalan ng pokus at gana sa pag-aaral si James.
Bumaba ang kanyang mga marka kaya nakapagpasya siyang huminto na lang sa
pag-aaral. Ano ang sanhi ng pagbaba ng marka at paghinto ni James sa pag-
aaral?
A. fraternity
B. marahas na medya
C. dysfunctional home o hindi maayos na tahanan
D. seksuwal na oryentasyon ng tao

2. Ang mga ito ay naglalayong mahubog ang kalakasan ng pag-iisip ng isang


mag- aaral at magkaroon ng mataas na moral ang pagkatao.
A. lipunan
B. bokasyon
C. guro lamang
D. misyon at bisyon ng edukasyon

3. Si Jose ay isang mahiyaing bata. Nais niyang marami siyang kaibigan ngunit
hindi niya alam kung paano mag-umpisa. Sa tulong ni Franco, napabilang siya
sa isang sikat na fraternity sa kanilang lungsod. Natupad niya ang matagal nang
pangarap. Bakit ang mga kabataan katulad ni Jose ay sumasali sa fraternity o
gang?
A. makakopya at makakuha ng malaking marka sa pagsusulit
B. may kasama sa pagtambay upang makamit ang ninanasa
C. mapabuti ang pag-aaral at mayroong gumabay sa pag-aaral
D. sumikat o maging kilala, magkaroon ng kakampi
4. Ang mga magulang ang pangunahing mga guro ng bawat kabataan. Ang
bahay ang pangunahing paaralan. Dito binibigyan ng kaukulang pansin ang
pagtuturo ng kagandahang asal, mga gawaing bahay at iba pang kaalaman sa
buhay. Bakit itinuturing ang paaralan na pangalawang tahanan ng bawat mag-
aaral?
A. Dito mas hinuhubog ang kagandahang asal at pinapalawak ang kaalaman at
kakayahan ng bawat kabataan.
B. Buong araw na nasa paaralan ang mga bata kaya parang tumitira na sila dito.
C. Mas magiging ligtas ang mga kabataan sa paaralan dahil may mga guro na
nagmamahal sa kanila.
D. May mga kagamitan sa paaralan na katulad sa kagamitan sa tahanan kaya
pwede nang maging tirahan ang paaralan.

5. Pumara ng jeep si Amor. Nang makaupo na siya ay napansin niyang parang


kinukunan ng litrato ang kaniyang hita ng lalaking nakaupo sa kaniyang
harapan. Anong uri ng karahasan ang ipinakita sa sitwasyon?
A. Pambubulas o bullying
B. marahas na media
C. sexual harassment o panliligalig sa sekswal
D. pagsali sa fraternity o gang
J. KARAGDAGANG GAWAIN Panuto: Isulat sa isang talata ang pagkakasunod-sunod.Isulat ang sagot sa
PARA SA TAKDANG ARALIN sagutang papel.
AT REMEDIATION.
(Additional activities for A. Mula noon ay hindi na pumasok sa pag-aaral si Nina kailanman.
application or remediation)
(EXTEND) B. Si Nina ay isang mag-aaral na nasa ikawalong baiting sa Mataas na Paaralan
ng San Roque. Kasalukayan siyang namamalagi sa bahay ng kanyang tiyahin
dahil ang kanyang mga magulang ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

C. Minsan ay naiingit sa mga kaklase dahil aktibo na dumadalo ang kanilang


mga magulang sa mga okasyon ng paaralan.

D. Nalungkot siya matapos pinahiya ng kanyang mga kaklase dahil palagi


nalang siyang walang kasama sa mga programa nila.

E. Isang araw nag-organisa ang paaralan ng family day. Nilapitan siya ng


kanyang kaklase at sinabihan si Nina, "wala na naman ang mga magulang mo,
umuwi ka nalang!"

Inihanda ni:

MA. CRISTINA C. DYANGCO


Aplikante

You might also like