Therese - Fil 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Therese Marie E.

Tiro BSMT 2A Filipino 2 Pebrero 17, 2023

Taking Aralin:

Magsaliksik ng tatlong pangkat etniko na matatagpuan sa rehiyon ng


SOCCSKSARGEN.

1. T’Boli

Pagpapakilala:
Ang mga T’Boli ay nabibilang sa mga lumad. Ang tribong ito ay maaari ring
tawagin sa pangalang “Tagabili” at “T’Boli”. Ang mga T’Boli ay mga taong may
katamtamang laki lamang. Karaniwan sakanila ay mapuputi ang kulis at parisukat ang
mga panga. Ang mga damit nila'y yari sa mga hibla ng abaka. Ang mga kababaihan
nama'y nakasanayan nang suotin ang kanilang tradisyunal na damit na K'tagal taha
soung at ang kanilang palda na luwek. Ang relihiyon nila ay Politeismo kung saan sila
ay naniniwala sa digit sa isa o sa maraming Diyos/Diyosa. Ang kanal namnam woka ay
T’boli.

Saan matatagpuan:
Karaniwang natatagpuan ang pangat etnikong T’boli sa Timog Mindanao. Sa
probinsiya ng South Cotabato, lalo na sa mga munisipalidad ng Polomolok, Kiamba,
Maitum, at Surallah.

Uri ng Kultura:
Ang T'boli ay may isang mayamang kulturang musikal na may iba't ibang mga
instrumentong pangmusika, ngunit ang T'boli na musika at mga kanta ay hindi para sa
libangan lamang. Ang mga awiting Tribal ay isang buhay na pakikipag-ugnay sa
kanilang mga ninuno at isang mapagkukunan ng sinaunang karunungan. Sila ay
nangingisda, nangangaso, at nagsasaka bilang paraan ng paghahanap buhay at pang
araw-araw nilang pagkain.

2. B’laan

Pagpapakilala:
Ang tribung Blaan ay isa sa labingwalong etniko grupong hindi kabilang sa pangkat ng
mga Muslim na nanahanan sa Isla ng Mindanao. Ang B’laan ang itinuturing na pangatlo
sa pinakamalaking pangkat. Kabilang sila sa mga lumad. Ang kanilang pangalan ay
maaaring nagmula sa "bla" na nangangahulugang "kalaban" at ang suffix na "an" na
nangangahulugang "mga tao". Ang iba pang mga terminong ginamit upang tumukoy sa
grupong ito ay ang Blaan, Bira-an, Baraan, Vilanes, at Bilanes. Ang wikang B’laan
(Tagalad, Tumanao) ay isang wikang Awstronesyo sa katimugang bahagi ng Pilipinas,
particular sa Koronadal at Saranggani

Saan matatagpuan:
Matatagpuan ang mga B'laan sa Timog Cotabato at Sarangani,




Therese Marie E. Tiro BSMT 2A Filipino 2 Pebrero 17, 2023

Uri ng Kultura:
Ang mga B’laan ay may iba’t-ibang ritwal mula sa pagpili ng sakahan hanggang
sa paghahabi, at iba pa. Ang kanilang mayaman at makulay na pamana sa kultura ay
sumasalamin sa kanilang mga paniniwala mula pagamit ng tanso, tradisyunal na
beadworks at paggamit ng abaca.

3. Tiruray/Teduray

Pagpapakilala:
Ang kasaysayan ng Teduray ay nakaangkla sa grupong Maguindanaon dahil sila
ay dating nabibilang sa iisang pangkat lamang. Ang Teduray ay isang kombinasyon ng
tiru ("lugar ng pinagmulan, kapanganakan, o tirahan") at ray (mula sa daya, na
nangangahulugang "itaas na bahagi ng isang sapa o ilog”). Ang kanilang wika ay
nauugnay sa mga linggwahe ng Malayo-Polynesian.

Saan matatagpuan:
Matatagpuan and mga Teduray sa Sultan Kudarat at North Cotabato
(SOCCSKSARGEN Region).

Uri ng Kultura:
Ang pangunahing pangkabuhayan ng mga matatagpuan sa baybayin ay
pangingisda, pagsasaka, pangangaso, at paghabi ng basket; ang mga nakatira sa mga
bundok ay agrikultura, na nadagdagan ng pangangaso at pangangalap ng mga
produktong kagubatan. Ang mga Teduray ay sikat sa kanilang likhang-sining sa paghabi
ng mga basket na nagtataglay ng disenyong binubuo ng mga hugis at linya.

You might also like