Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAMBANSANG PAARALAN NG PALAWAN

Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa


Filipino VIII

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT


SY 2022-2023

Pangalan: ___________________________ Taon at Pangkat: ______________ Iskor: _______

Panlahat na panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik at isulat ang
tamang kasagutan sa inyong papel.

I. Pag-unawa sa binasang Teksto


Teksto 1 (Para sa bilang 1-4)
Napunta sa kamay ng mga puti ang Pilipinas noong 1898. Dahil sa kanila, nakarinig ng mga Pilipino ng
balita sa radio, nakasakay sa tranvia at nakakain ng cotton candy. Natuto tayo ng Ingles, nag-isip ng demokrasya at
nalaman na ang “A” ay unang titik sa salitang Apple.
Tinawag tayong little brown brother ng Amerika, na sabay na nagpapakita ng pagmamahal at
pagmamaliit. Pinadala ang mga Igorot sa 1904 St. Louis World Fair at itinanghal bilang kawawang nakabahag at
kumakain ng aso kaya kailangang turuang maging sibilisado.
Bahagi ito ng paniniwala ng mga Amerika na itinadhana silang maghari. Tinawag nilang Benevolent
Assimilation o mapagkalingang pag-angkin ang ginagawa nila. Ngunit alam ng mga Pilipino na hindi sila ganap na
Malaya. Kaya ipinagpatuloy nila ang laban sa larangan ng Politika, sa pamamagitan ng armas at sa tulong ng mga
dula, tula at kuwento noong panahong iyon.

1. Anong panahon ang inilahad sa teksto?


a. Kastila b. Amerikano c. Hapon d. Kasarinlan
2. Alin ang HINDI kabilang sa mga dala at natutuhan ng mga Pilipino sa panahong ito?
a. Nakarinig ng balita sa radyo c. Nakakain ng cotton candy
b. Gumamit ng unang panauhan sa kuwento d. Natuto tayo ng wikang Ingles
3. Ano ang naging tawag sa atin ng mga dayuhang nabanggit sa kuwento?
a. Benevolent Assimilation c. Little brown brother
b. Small brown brother d. Kayumangging Pilipino
4. Sino ang tinutukoy na puti sa teksto?
a. Amerikano b. Hapon c. Espanyol d. Tsino

Teksto 2 (Para sa bilang 5-7)


“Sa akin, siya’y hindi magiging isang binatang di kilala, isang ama o isang alaala kaya ng Bataan, Sa akin,
siya’y mananatiling isang batang lalaking may kaliitan, may kaitiman at may walong taong gulang”…
Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, siya
ang aking naging guro.
(Mula sa Paglalayag sa Puso ng Isang Bata)

5. Anong uri ng pagpapahayag ang ginamit sa pangungusap sa itaas?


a. Nangangatwira b. Naglalarawan c. Naglalahad d. Nagsasalaysay
6. Batay sa karakter ng guro sa kuwento, anong leksyon ang natutuhan niya mula sa kanyang mag-aaral?
a. Pagpapakumbaba b. Pagmamataas c. Pagkakaibigan d. Pagmamahal
7. Alin ang HINDI TOTOO sa uri ng maikling kuwento sa panahon ng Amerikano?
a. Malinis at tumpak ang pananagalog c. May katimpian sa pagpapahayag ng damdamin
b. Tumatalakay sa mga alamat d. Tumatalakay sa buhay-lungsod

(Para sa tanong bilang8-10)


Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit
Ang araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
At si Bubuyog po’t Paruparong bukid,
Ay kapwa hindi ko sila iniibig.
(Mula sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan)

8. Ang nagsasalita sa bahagi ng balagtasan na nasa loob ng kahon ay si _______.


a. Lakandiwa b. Paruparo c. Kampupot d. Bubuyog
9. Ano ang layunin ng binasang saknong ng balagtasan?
a. Magbigay ng hatol o pasya c. Maglahad ng paksang pagtatalunan
b. Buksan ang balagtasan sa madla d. Magbigay linaw sa mga nagtatalo
10. Sino ang sumulat ng balagtasang ito?
a. Jose Corazon de Jesus c. Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes
b. Francisco Baltazar d. Jose Corazon de Jesus at Francisco Balagtas

II. Talasalitaan:
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap.
11. Alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talusaling na sugat sa puso nito.
a. kaligayahan b. labis na maramdamin c. labis na sugat d. kahinaan
12. Tumingala at hinayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin.
a. naguguluhan b. natatakot c. natutuwa d. panatag
13. Ang makasasali sa balagtasan ay mga batikang makata.
a. matalino b. marunong c. bihasa d. mahina

III. Pagsusuring Pampanitikan


14. Aling bahagi ng tulang “Bayan ko” ang nagpapakita ng imahe ng Pilipinas na nagpapahiwatig
nang naising maging malaya sa panahon ng mga Amerikano?
a. Lupain ng ginto’t bulaklak c. Ibon mang may layang lumipad
b. Dayuhan ay nahalina d. Pugad ng luha ko’t dalita
15. Tulang madalas hindi sumusunod sa sukat at tugma at iniisip na ang sarili bilang bahagi ng tula.
a. Tulang Tradisyunal b. Tulang Modernista c.Haiku d. Tanaga at Dalit
16. Alin sa sumusunod ang HINDI TOTOO sa isang tulang Haiku?
a. May tatlong linya c. May pantig na 5-7-5 sa una, ikalawa at ikatlong linya
b. May larawan tungkol sa kalikasan d. May sukat at tugma
17. Anong damdamin ang ipinapahayag mula sa Erotika 4? “Ang salitang ganda’y di para sa iyo,
Beybi Peys mong iya’y mahahalikan ko.”
a. Pagkayamot b. Pagnanasa c. Paggalang d. Paghanga
18. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa tulang tradisyunal?
a. Ako ang Daigdig b. Pag-ibig c. Bayan Ko d. Pag-ibig sa Tinubuang lupa
19. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tulang Tradisyunal?
a. May sukat at tugma b. patungkol sa sariling karanasan
c. hango sa nobela d. walang katotohanan
20. Ano ang nais ipakahulugan ng pariralang “Sinag sa Karimlan?
a. Ilaw sa kadiliman c. May pag-asa sa anumang problema
b. Araw sa kadiliman d. May liwanag sa dilim
21. Aling pahayag ang nagpapahiwatig ng pagsang-ayon?
a. Hindi dapat masunod ang kaniyang mga panukala.
b. Ang batas ay itinakda upang ipatupad at sundin.
c. Talagang napakahalaga ang pagkakaroon ng mga batas na makabubuti sa nakararami.
d. Samakatuwid, ipatutupad na ba nila ang mga batas na makabubuti sa nakararai?

IV. Pagsusuring Panglinggwistika


Panuto: Punan ang patlang sa loob ng kahon ayon sa tamang aspekto ng pandiwa .

Pandiwang Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo Perpektibong Katatapos


lumangoy Lumangoy lumalangoy 22. ___________ kalalangoy
magluto Nagluto 23. ____________ magluluto kaluluto
umawit 24. ___________ umaawit aawit kaaawit
tumakbo Tumakbo tumatakbo tatakbo 25. ___________
kumain Kumain 26. ___________ Kakain kakakain

27. Sino ang kinilalang Ama ng Sarsuwelang tagalog na bantog din sa tawag na Lola Basyang?
a. Serino Severino b. Severino E. Menes c. Severino Reyes d. Florentino Collantes
(Para sa tanong bilang 28-30)
Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,
Kapag kayo’y umibig na, hahanapin ang panganib,
At pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!
(Mula sa tulang “PAG-IBIG” ni Jose Corazon de
Jesus)
28. Ano ang himig ng saknong ng tula sa loob ng kahon?
a. nangangaral b. nanliligaw c. nagagalit d. umiibig

29. Anong mabuting payo sa kabataan ang mapupulot mula sa saknong ng tula?
a. Habang bata pa ay lubusin na ang pagkakataong umibig upang walang pagsisisi sa huli.
b. Mapanganib ang umibig para sa kabataan kung kaya ay balewalain na lamang ito.
c. Huwag hanapin ang pag-ibig dahil ito ay kusang darating sa takdang panahon.
d. Huwag magpadalos-dalos sa pakikipagrelasyon lalo na kung ikaw ay bata pa.

30. Alin sa mga sumusunod ang HINDI totoo sa isang tulang Haiku?
a. may tatlong linya c. may pantig na 5-7-5 sa una, ikalawa, at ikatlong linya
b. may larawan tungkol sa kalikasan d. may sukat at tugma

31. Alin ang mabisang gawin ng isang simpleng mag-aaral upang mapaunlad ang panitikang Pilipino?
a. Magpasimula ng patimpalak sa pagsulat ng panitikan at magbigay ng perang pabuya.
b. Gawing hilig ang pagbabasa at pagsusulat ng panitikan upang maibahagi sa kapwa.
c. Bumili ng maraming aklat sa panitikan at gawing koleksyon.
d. Laging making sa guro sa panitikang Pilipino.

32. Sino ang Ama ng Modernong Tula na siya ring unang nagpasimula ng mga tulang Tagalog na hindi
sumusunod sa batas ng sukat at tugma.
a. Severino Reyes b. Genoveva Edroza Matute c. Jose Corazon de Jesus d. Alejandro G. Abadilla

33. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa tulang tradisyunal?


a. Pag-ibig b. Ako ang Daigdig c. Bayan Ko d. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

34. Sa anong panahon nagkaroon ng “Ginintuang Panahon ng Panitikang Pilipino”?


a. Amerikano b. Espanyol c. Hapon d. Kasarinlan

35. Siya ay nagkamit ng unang gantimpala sa patimpalak sa maikling kuwento ng Liwayway para sa kaniyang
akdang “Lupang Tinubuan”.
a. Severino Reyes b. Narcisco G. Reyes c. Jose Corazon de Jesus d. Teodoro Gener

36. Sino ang pangunahing tauhan sa akdang “Sinag sa Karimlan?”


a. Tony b. Bok c. Mang Luis d. Ernan
37. Ano ang nais ipakahulugan ng pamagat na “Sinag sa Karimlan?”
a. ilaw sa kadiliman c. may pag-asa sa anumang problema
b. araw sa kadiliman d. may liwanag sa dilim
38. Kung kayo ang pangunahing tauhan sa kuwento, pinabayaan ka ng iyong ama at dumating ang panahon na
humuhingi siya ng tawad at nangakong magbabago. Sa iyong palagay, ano ang nararapat kong gawin?
a. Kailanma’y hindi ko siya patatawarin.
b. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng kaniyang ginawa.
c. Pakikinggan ko siya at aking patatawarin.
d. Patatawarin ko siya subalit hindi ko sia kakausapin.

39. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tulang Modernista?


a. May sukat at tugma b. patungkol sa sariling karanasan
c. hango sa nobela d. walang katotohanan

40. Aling pahayag ang nagpapahiwatig ng pagsang-ayon?


a. Hindi dapat masunod ang kaniyang mga panukala.
b. Ang batas ay itinakda upang ipatupad at sundin.
c. Talagang napakahalaga ang pagkakaroon ng mga batas para sa isang bansa.
d. Samakatuwid, ipapatupad na ba nila ang mga batas na makabubuti sa nakararami?
V. Panuto: Mula sa jumbled letters, tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.

_____41. (LANHAGNAT) Pinagganapan ng dula.


_____42. (GPOAT) Paglabas-masok ng mga tauhan sa dula.
_____43. (OTKRA) Nagbibigay-buhay at gumaganap sa dula.
_____44. (PRIISK) Pinakakaluluwa sa pagsasagawa ng dula.
_____45. (GGLIANNUTA) Paglalabanan ng mga tauhan sa dula.
_____46. (ROTKERID) Nagbibigay-interpretasyon sa iskrip ng dula.
_____47. (TULSANAAK) Pagbibigay-resolusyon sa dula at pagwawakas.
_____48. (OOMNDANO) Tagapalakpak at tagpanood ng pagtatanghal.
_____49. (ASLNAKKAA) Unti-unting pagtukoy sa kalutasan ng suliranin.
_____50. (RANNIILUS) Problemang kinahaharap ng mga tauhan sa dula.

Inihanda nina: PL at KT

You might also like