Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

LINGGO 1-2 QUARTER 2

Name: ____________________________________________ Date: __________________


School: ____________________________________________ Score: _________________

Panuto: Basahing mabuti ang talata at sagutin ang sumusunod na tanong . Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

COVID-19
Ang Coronavirus (COVID-19) ay isang sakit na dulot ng virus. Ito ay maaaring
magmula sa karaniwang sakit gaya ng ubo't sipon hanggang sa mas
malulubhang impeksiyon tulad ng MERS-CoV, SARS-CoV at iba pang kaugnay.
Ang COVID-19 ay nakahahawang sakit. Karaniwang sintomas na dulot nito ay
lagnat, sipon, ubo, hirap at pag-iksi ng paghinga at iba pang problema sa
daluyan ng hangin. Kapag nakapasok ito sa katawan, maaari na itong
makahawa sa ibang tao na nakasalamuha mo. Kaya, kailangang mapanatili ang
social distancing, paggamit ng facemask, pagpapalakas ng katawan, pag-iwas sa
matataong lugar, at pananatili sa malinis na bahay.
Tandaan na walang halagang maaaring itumbas sa kalusugan.

1. Ano ang paksa ng talata?


A. N1H1 C. MERS-CoV
B. COVID-19 D. SARS-CoV

2. Paano nakahahawa ang sakit na ito?


A. kapag palaging lumalabas C. kapag nanatili sa bahay
B. kapag hindi nabakunahan D. kapag nakasalamuha sa taong mayroon nito

3. Ang taong ay may sakit na COVID 19 ay may_____.


A sipon at lagnat C. sipon, lagnat, at pananakit ng katawan
B. ubo at sipon D. ubo, lagnat, hirap at pag-iksi ng paghinga

4. Kinakailangang umiwas sa mataong lugar sapagkat_________


A. mainit C. para maiwasan ang pagkalat ang virus
B. hindi mo sila kilala D. magulo at mahirap gumalaw

5. Anong pinakaangkop na islogan sa binasang teksto?


A. Laging Handa. C. Manigurado, I am Ready.
B. Iba ang may Alam. D. Ang kalusugan ay kayamanan.
15 Marso, Linggo

Sabay-sabay kaming pamilya na nagsimba. Buong puso akong nanalangin na


sana’y sa darating na pagtatapos ay magkaroon ng magandang resulta ang aking
pagsusunog ng kilay sa pag-aaral.
16 Marso, Lunes

Aalis na ako patungong paaralan nang tumawag ang aking kaibigan na wala
kaming pasok dahil sa COVID-19. Nakinig ako ng balita at doon ko nalaman na
isinailalaim ang buong bansa sa total lockdown.

17 Marso, Martes

Hindi ako nakasama sa Inay na magtinda sa palengke dahil bawal lumabas


ang nasa edad 20 pababa kaya naglinis na lang ako ng bahay.

18 Marso, Miyerkules
Nag-text ang aming guro na hindi muna matutuloy ang aming pag-eensayo sa
nalalapit na pagtatapos dahil nga isinailalim ang bansa sa lockdown at bawal
lumabas.

19 Marso,Huwebes

Nalulungkot man dahil matagal-tagal pa kaming makababalik ng eskwela at


magkikita-kitang magkaklase ay nagpapasalamat pa rin ako sapagkat nasa mabuti
kaming kalagayan at hindi nagkakasakit. Nababahala man ako sa kasalukuyang
nangyayari sa buong mundo na dumarami ang kaso ng nagkakasakit dala ng virus
ngunit hindi pa rin ako tumitigil sa pagdarasal na matapos na ang pandemya sa
lalong madaling panahon.
6. Ano ang pinagdasal ng sumulat ng talaarawan nang sila ay magsimba noong
linggo?
A. makasimba sila ulit ng sama sama
B. matapos na ang pandemya
C. magkaroon ng magandang resulta ang kanyang pagsusunog ng kilay
D. makabalik na sa eskwela

7. Bakit sila nawalan ng pasok sa paaralan?


A. dahil wala silang baon
B. dahil nagkasakit ang mga tao
C. dahil nagkasakit ang ma guro
D. isinailalim ang bansa sa lockdown

Isang babae ang pumunta sa estasyon ng pulis upang magreklamo. Siya raw
ay malakas na binangga ng bisekleta ng isang matandang lalaki. “Kailan pa ito
nangyari?” tanong ng pulis. “Noon pa hong Disyembre 2, 2019,” sagot ng babae.
“Bakit ngayon lang kayo nag-report? Dapat sana’y noon pa!” tanong ng pulis.
“Nagdalawang-isip po ako dahil hindi ko naman siya namukhaan. Kaya hindi ko po
nireport,” sagot ng babae. “Ganoon ba? Eh, bakit ngayon ay nag-report na ho kayo?”
sabi ng pulis. “Andito po kasi yung bisekleta ng bumangga sa akin, ayun po sa gilid,”
paglilinaw ng babae. “Ah, iyan po ba? Binenta po dito ng isang lalaki. Pambili daw
niya ng gamot para sa may sakit niyang asawa. Naawa ang aming hepe kaya binili
niya.” tugon ng pulis.
8. Sino ang pumunta sa estasyon ng pulis?
A. isang binata
B. matandang lalaki
C. isang babae
D. isang bata

9. Bakit pumunta sa estasyon ng pulis ang babae?


A. Kakausapin ang pulis tungkol sa nakita niyang pangyayari.
B. Sasampahan niya ng kaso ang kapitbahay.
C. Isusumbong niya ang kaibigan.
D. Ire-report niya ang nangyari sa kaniyang insidente.

10. Bakit hindi daw siya agad nag-report sa pulis?


A. Nakalimutan niya.
B. Natatakot siyang magsumbong.
C. Ayaw na niyang maabala sa pagsusumbong sa pulis.
D. Nagdalawang-isip siya dahil hindi naman niya namukhaan ang lalaki.

11. Bakit naisipan na niyang magreport sa pulis?


A. Nabangga muli siya ng bisekleta.
B. Nakita niya muli na nagbibisekleta ang lalaking bumangga sa kaniya.
C. Nakita niya ang bisekleta nang nakabangga sa estasyon ng pulis.
D. Nakita niya ang taong nakabangga sa kaniya.

12. Bakit nasa estasyon ng pulis ang bisekleta ng nakabangga sa kaniya?


A. Nasa estasyon ng pulis ang bumangga sa kaniya.
B. Nahuli na ang bumangga sa kaniya.
C. Napulot ng mga pulis ang bisekleta.
D. Binenta ng lalaki ang bisekleta at binili ng hepe ng pulis.

II. Para sa bilang 13 – 15, sumulat ng isang talaarawan sa loob ng isang linggo.

You might also like