Professional Documents
Culture Documents
Ang Pagplaplano Sa Pagtuturo Group 1
Ang Pagplaplano Sa Pagtuturo Group 1
3. Ang banghay-aralin
Ang banghay-aralin ay itnuturing na mapa obalangkas ng iyong mga inihandang gawain upang maisakatuparan ang mga
layuningnais mong matamo ng iyong mga mag-aaral. Ang banghay-aralin ay maaaring tanawin bilang isang iskrip na
sinusunod ng guro sa pagtuturo ng isang paksa para sa isang tiyak na oras o panahon. Ito'y isang balangkas ng mga
layunin, paksang-aralin, kagamitan at mga hakbang na sunod-sunod na isinasagawa sa pagsasakatuparan
ng layunin at ikatatamo ng inaasahang bunga.
Ito ay Kalimitang may apat o limang bahagi: Mga layunin, paksang-aralin, pamamaraan at takdang-aralin.
3 Uri ng Kayarian
1. Masusing Banghay-Aralin- ito'y ginagamit ng mga bagong guro at mga gurong
magaaral. Ginagamit din ito ng mga datihang guro kapag naatasang magpakitang
turo. Sa ganitong anyo ng banghay nakatala ang tanong ng guro gayundin ang
inaasahang sagot ng mga mag-aaral.
2. Mala-masusing Banghay-Aralin- ito'y higit na maikli kaysa sa masusing banghay-
aralin. Sa halip na mayroon pang bahagi ang gawaing guro at magaaral, binabanggit
na lamang nang sunodsunod ang gagawin ng guro sa klase.
3. Maikling Banghay-Aralin- ito'y talagang maikli lamang. Sa banghay na ito, sapat
nang banggitin kung anong pamamaraan ang gagamitin ng guro o di kaya'y banggitin
ang sunod-sunod na hakbang sa maikling pangungusap