Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

Tangere

Noli Me

Kabanata 37-38
Kabanata
37:Ang
Kapitan Heneral
Talasalitaan:
Iritang irita – inis na inis
Ipinamalas – ipinakita
Nobyo – kasintahang lalaki
Ekskomunikado – bawal tanggapin ng simbahan habang
nabubuhay Arsobispo – mataas na katungkulan ng pari
Alkalde – mayor
Iminungkahi – inilahad
Patungo – papunta
Kabanata 37:Ang Kapitan Heneral
Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala,
kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang
nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay
ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok
siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda
ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan.
Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga reverencia na sina Padre
Sibyla, Padre Martin, Padre Salvi at iba pang mga prayle. Yumuko ang mga ito at
nagbigay galang sa Heneral…Dahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng
heneral. Sinabi nina Padre Sibyla at Padre Salvi na may sakit ang hinahanap. Ang
sumunod na nagbigay galang sa Heneral ay sina Kapitan Tiago at Maria.
Kabanata 37:Ang Kapitan Heneral
Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Kung hindi dahil
sa kaniya, maaring nautas na si Ibarra si Padre Damaso. Sinabi ng Heneral na
kailangang tumanggap ng gantimpala si Maria na kagyat namang tumutol. Samantala,
ipinahayag ng kagawad na dumating na si Ibarra at nakahanda na siyang humarap sa
Heneral. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, Kaya sinabi niyang nais
itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na
samahan siya nito sa paglilibot. Hindi matiis ni Padre Salvi na ipaalala sa Heneral na si
Ibarra ay eskomulgado. Pero, hindi siya pinapansin nito at sa halip sinabi ng Heneral
na ipaabot kay Padre Damaso ang pangangamusta na gumaling ito kaagad.
Napamaang ang mga reverencia at sabay sabay na nagpaalam. Nakasalubong nila ang
pagpanaog ni Ibarra. Ngunit hindi sila nagkakibuan. Mata lamang ang nag-usap.
Kabanata 37:Ang Kapitan Heneral
Pagkakita ng Heneral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama lang
ang kaniyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak
niya na kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkakaeskomulgado ni Ibarra. Sa
pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan
Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang
liham na tagubiling dala si Ibarra para sa kaniya. Hindi na kailangan ito, ani Ibarra
sapagkat lahat daw ng mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni
Ibarra ng kaniyang sariling pananaw sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino ang
binata. Inamuki niya itong ipagbili ang lahat lahat na ari-arian at sumama na sa kaniya
sa Espanya sapagkat hindi nababagay ang kaniyang kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi
ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa bayang sinilangan at pinamuhayan din
ng mga magulang nito.
Kabanata 37:Ang Kapitan Heneral
Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarra sapagkat inaakala
niyang higit nga niyang kilala ang Pilipinas kaysa sa kaniya. Nang maalala
niya si Maria, sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang kaniyang
kasintahan at itagubilinang paparoonin sa kaniya si kapitan
tiyago.Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal.
Tumango si Ibarr at umalis na. Kapagdaka,tinawag ng Heneral ang mga
kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na hindi
na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng
kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kaniyang mga mabubuting
layunin. Huwag ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral.
Kabanata 37:Ang Kapitan Heneral
Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang
pangangalagaan din ang kaligtasan ni Ibarra. Nang dumating si tiyago
kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-
puring anak at marangal na manunungangin. Nagprisinta pa ang
Heneral na maging ninong sa kasal. Samantala, kaagad na hinanap ni
Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya
ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang
ang sumilip. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang
sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan. Nagtaka si Ibarra.
Suliraning Panlipunan
Ang suliraning panlipunan ng kabanata 37 ay
nga napuno ng takot ang binatang Taga-
Maynila nang lapitan ng Kapitan Heneral.
Ipinapakita lamang nito na ang mga pinuno
noon ay hindi nagkaroon ng pantay na
pagtingin sa kanilang mga mamamayan.
Mga Tanong:

Sino ang naghanap kay Ibarra


pagkarating nito?
Mga Tanong:

Sino ang hindi yumuko sa


Kapitan Heneral?
Mga Tanong:

Sino ang tumanggi sa


gantimpala ng Kapitan
Heneral?
Kabanata
38: Ang
Prusisyon
Talasalitaan:

Pagkalembang – pagtunog
Alperes – batang opisyal ng
militar
Prusisyon – parada
Garbo – maganda, magara
Karosa – karwahe
Kabanata 38: Ang Prusisyon
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga
batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na
halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang naglalakad ni
Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang
alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang
kapitan ng isang kubol sa harap ng kaniyang bahay upang pagdausan ng
pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Kung hindi lamang
sa imbitasyon ng Kapitan Heneral, mas gusto ni Ibarra na manatili na
lamang sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria.
Kabanata 38: Ang Prusisyon
Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga
seryales na pilak. Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang
may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay may
dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa
hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para
gamiting pang-ilaw sa prusisyon. Ang mga santong pinuprusisyon ay
pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San Francisco, Santa
Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na
Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero.
Kabanata 38: Ang Prusisyon
Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng
loa. Mula sa tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo,
nakabanda at may bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa
wikang Latin, Kastila at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa
mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit
ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kaniyang sariling piyano. Kung
napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit na nakadama ng
kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng
kasintahan. Saglit na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan siya ng
Kapitan-heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan
ang pagkawala nina Basilio at Crispin.
Suliraning Panlipunan
Ang suliraning panlipunan ng kabanata
38 ay ang nagagawa ng mga agwasil at
tinitini na may dala dalang mga
pamalo upanggamitin sa sinumang
maniniksik o humiwalay sa hanay.
Mga Tanong:

Ano-ano ang pangalan ng mga


santo pinuprusisyon? Magbigay
ng isang halimbawa.
Mga Tanong:

Ano ang pamagat ng inawit ni


Maria Clara?
Mga Tanong:

Ano ang pag-uusapan nina


Ibarra at Kapitan Heneral?
Salamat sa
Pagkikinig!

You might also like