Imbf Science3 Quarter2 Week3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Learning Area Science

Learning Delivery Modality Face-to-face

School Gatid Elementary School Grade Level Grade 3


LESSON Teacher Irish Mae B. Freo Learning Area Science
EXEMPLAR
Teaching Date November 23, 2022 Quarter 2nd Quarter
Teaching Time 1:50-2:40 No. of Days 5 araw (week 3)

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


I. OBJECTIVES
Mauunawaan ang iba’t ibang kahalagahan ng mga hayop sa mga tao.

Parts and functions of animals and importance to humans.


A. Content Standards
Enumerate ways of grouping animals based on their structure and
B. Performance Standards
importance.

C. Most Essential Learning MELC No. 7


Competencies (MELC) State the importance of animals to humans.
(S3LT-IIc-d-6)
D. Enabling Competencies

II. CONTENT Kahalagahan ng Hayop sa Tao

III. LEARNING RESOURCES

A. References
a. Teacher’s Guide Pages MELC G3 Q2, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide: (p.28)

b. Learner’s Material PIVOT 4A Learner’s Material Science 3, Ikalawang Markahan. pp. 14-16
Pages
c. Textbook Pages
d. Additional Materials from Larawan ng mga hayop at tunog ng hayop
Learning Resources
Panalangin
https://www.youtube.com/watch?v=A5Tq-2fSTFY
B. List of Learning Resources for Chart, ppt presentation at mga larawan
Development and Engagement
Activities
IV. PROCEDURES
A. Introduction Panalangin
https://www.youtube.com/watch?v=A5Tq-2fSTFY

Pagbati

Panuntunan sa Klase
1. Be on time.
2. Be prepared
3. Keep our classroom clean.
4. Stay in your seat.
5. Listen to the speaker.
6. Raise your hand if you want to speak.
7. Keep your hands and feet to yourself.
8. Be honest.
9. Be respectful.
10. Try your best.

Balik-Aral
• Ano ang ating huling napag-aralan sa Science?
 Katangian ng mga Hayop Sa ating Pamayanan
• Saan nakatira ang iba’t ibang uri ng hayop?
 Tahanan, hardin, bukid, kagubatan at sa tubig

Pagganyak

Anong hayop ito?


Panuto: Ang mga mag-aaral ay mahahati sa tatlong grupo. Bawat grupo
ay pipili ng kinatawan na sasali sa laro. Ang mga kinatawan ay
huhulaan ang tunog ng hayop na kanilang maririnig. Bawat tamang
sagot ay katumbas ng isang hakbang ang grupo na unang makakarating
sa unahan ang panalo.

Pag-aalis ng Balakid (Localization)


B. Development

Fish port – daungan ng mga bangkang pangisda.


Bagsakan ng isda.

Tulya – maliit na kabibe

Ayungin - matatagpuan sa mga tubig tabang sa


Luzon. Kilalang nahuhuli sa mga lawa ng Laguna
at Taal.

Mamali - fourfinger threadfin

Quarantine - isang panahon kung saan ang isang


tao o hayop na may sakit ay ilayo sa iba upang
maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Polinasyon - transportasyon ng polen ng mga


halaman mula sa mga stamens sa bahagi ng mga
bulaklak upang makagawa ng mga binhi at prutas.

Pagtalakay
Makinig at Matuto! (Localization)

Pamamasyal sa Lawa at Bukid


(Ma. Leonora M. Natividad, R4A-SDO Cabuyao City)

Isang araw ng Sabado, sila Hannah, Joram, at Jolo ay namasyal sa


kanilang lungsod.
Una nilang pinuntahan ay ang Fishing Port sa Lawa ng Laguna.
Namangha sila sa mga yamang-tubig gaya ng hipon, tulya, ayungin,
bangus, mamali, at biya na nakahilerang paninda sa may pantalan. Hatid
nito ay pagkain at pera sa masipag na mangingisda at tindera.
Sa bukid naman ay nakita rin nila ang mga alagang hayop gaya ng
manok, kambing, kalabaw, itik, báka, at baboy. Ito ay pinagkukunan din
ng kita at pagkain.
Napakasaya ng Sabado na nagsilbing araw ng kanilang pamamasyal
pagkalipas ng maraming buwan ng pagpapatupad ng Quarantine dahil sa
pandemyang dulot ng Covid-19.

Gabay na Tanong:
1. Ano-anong hayop ang nakita nila sa fishing port at sa bukid?
2. Ano ang kahalagahan ng mga ito sa tao?

Panuntunan sa Pagsasagawa ng Gawain


1. Makiisa sa grupong kinabibilangan.
2. Sumunod sa panuto.
3. Magbahagi ng ideya.
4. Sumunod sa oras na binigay ng guro.
5. Gumawa ng tahimik.

Buuin at ipaliwanag mo!

Panuto: Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlong (3) grupo. Pumili ng


mamumuno sa grupo. Bibigyan ng limang (5) minuto ang bawat grupo
upang mabuo ang larawan na nakalagay sa loob ng envelop ididikit ninyo
ito sa manila paper gamit ang tape. Kapag tapos na magbigay ng yell at
idikit ang likha sa pisara. Pumili ng isang miyembro na magsasabi ng
larawang inyong binuo.

Kahalagahan ng hayop sa tao

1. Ang mga hayop ay pinagkukunan ng pagkain. Ang mga ito ang


malaking pinanggagalingan ng protina na tumutulong sa pagbuo at
pagsasaayos ng mga tissue ng ating katawan. Ang karne ay pagkaing
nakukuha mula sa mga hayop sa bukid tulad ng báka, baboy, manok, at
kambing. May mga pagkain ding nakukuha sa mga hayop na nása tubig
na nanggagaling sa Lawa ng Laguna tulad ng mga bangus, hipon, biya,
kanduli, at tulya. Ang mga karne, isda, gatas at itlog ay mga pagkain
mula sa hayop.

2. Ang mga hayop ay nakatutulong sa gawain ng tao. Ginagamit ng


mga magsasaka ang mga kalabaw at báka sa pag-aararo sa bukid. Ang
mga aso naman ang nagsisilbing bantay sa bahay, katulong sa pangagaso,
katulong sa pagliligtas o pagsagip ng búhay, at nagsisilbing gabay ng
mga bulag. Ginagamit ang mga kabayo at kalabaw sa transportasyon ng
mga tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar.

3. Ang mga hayop ay nagbibigay ng materyales para sa pananamit


ng mga táong naninirahan sa mga malalamig na lugar. Ang ibang
mga hayop ay napagkukunan ng mga materyales sa pananamit na
ginagawang balabal, dyaket, at ibang kasuotang panlamig upang
mapanatiling mainit ang katawan. Karaniwang ginagamit ito ng mga
táong nakatira sa malalamig na lugar.

4. Ang mga hayop ay nagsisilbing alaga at kasama ng mga tao sa


bahay. Malaking kapakinabangan ng maraming tao ang pagaalaga ng
mga hayop. Ang mga karaniwang mga alagang hayop ay pusa, aso,
baboy, loro, hamster at goldfish. Ang mga ito ay maaamong hayop na
inaalagaan sa tahanan.

5. Ang mga hayop ay may iba pang mahalagang tungkulin. Ang lahat
ng hayop, malaki man o maliit, ay mahalaga sa pagpapanatili ng balanse
ng kalikasan. Ang mga ibon ang nagkakalat ng mga buto na nakatutulong
upang tumubo ang mga halaman sa mga bakanteng lupa. Kinakain ng
mga ito ang mga uod at maliliit na insekto na nakasisira sa mga halaman.
Ang mga uod naman ay nakatutulong sa mabilis na pagkabulok ng mga
organismo at nagsisilbing pataba sa lupa. Ang mga insekto ang
tumutulong sa polinasyon ng mga bulaklak upang makabuo ng mga buto
para sa pagpaparami ng mga halaman.

Paglalapat
C. Engagement
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Piliin ang titik o mga titik sa loob ng
kahon na nagsasabi ng kahalagahan ng hayop sa tao.

A. Pinagkukunan ng pagkain
B. Katulong sa paghahanapbuhay
C. Nakatutulong sa pagpaparami ng halaman
D. Nagsisilbing alagang hayop

1. kalabaw 2. aso 3. alimango 4. isda 5. kabayo


6. paruparo 7. bubuyog 8. ibon 9. manok 10. pusa
Paglalahat
D. Assimilation
Concept Mapping

Kahalagahan ng Hayop sa Tao

Pinagkukunan ng pagkain

Nakatutulong sa gawain ng tao

Nagbibigay ng materyales

Nagsisilbing alaga at kasama ng mga


tao sa bahay

May iba pang mahalagang tungkulin

Values Integration:
 Bilang bata paano mo pahahalagahan ang mga hayop sa ating
komunindad?
 Anong magiging epekto kapag sobra ang paggamit natin sa mga hayop
bilang materyales?
V. REFLECTION
(Reflection on the Type of Formative Naunawaan ko na __________________________.
Assessment Nabatid ko na ______________________________.
Used for This Particular Lesson)

Prepared by:

IRISH MAE B. FREO


Teacher I

Checked and Observed by:


PILITA D. ARCAS
Master Teacher II

LANIE S. ROMAN
Principal II

You might also like