Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANO ANG BAGYO?

Ang bagyo ay isang sistema ng panahon na binubuo ng sirkulasyon ng hangin at mga kaulapang

nagdudulot ng sama ng panahon. Nagdadala ito ng malakas na hangin at mabigat na buhos ng

ulan. Ang pagdagsa ng maraming bagyo ay maaring epekto ng climate change o pagbabago ng

klima.

PAANO ITO NABUBUO?

Ang bagyo ay kadalasang nagsisimula sa karagatan. Ang mataas na temperatura sa ibabaw ng

dagat ang nagiging sanhi upang mabuo ang isang bagyo. Natutuyo at umaangat ang maraming

tubig sa kalangitan sa pamamagitan ng evaporation. Namumuo ang moisture bilang mabigat at

makulimlim na mga ulap na kapag bumigat ay babagsak bilang ulan. Maaaring mabuo ang

tinatawag na Low Pressure Area o LPA kapag nag-grupo-grupo ang mga ulap na ito. Ang LPA ay

ang namumuong sama ng panahon na nagmumula sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Nahahati ang bagyo sa limang kategorya ayon sa bilis ng hangin.

TROPICAL DEPRESSION (TD) – isang bagyo na may lakas ng hanging umaabot sa 61 kph pababa.

TROPICAL STORM (TS) – isang bagyo na may lakas ng hanging umaabot sa 62 hanggang 88 kph.

SEVERE TROPICAL STORM (STS) – isang bagyo na may lakas ng hanging umaabot sa 89 hanggang

117 kph.

TYPHOON (TY) – isang bagyo na may lakas ng hanging umaabot sa 118 hanggang 220 kph.

SUPER TYPHOON (STY) – isang bagyo na may lakas ng hanging umaabot sa 220 kph mahigit.
Kaya ngayong unti-unti nang namumuo ang mga bagyo sa ating bansa. Heto ang mga dapat

tandaan para maging handa sa paparating na bagyo:

I-monitor ang mga ulat panahon sa tv, radyo, o internet.

Siguraduhing may emergency at first-aid kits gaya ng flashlight, tubig, at ready-to-eat food sa

inyong tahanan.

Itabi at ilagay ang pera at mga mahahalagang dokumento sa waterproof na lagayan.

Siguraduhing fully charged ang mga cellphone.

Alamin kung saan ang evacuation area at lumikas kapag inabisuhan.

“Be Prepared, Be typhoon Ready”

You might also like