Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

St. Blaise Christian School Inc.

MOTHER TONGUE
Cayanga, San Fabian Pangasinan GRADE 3
S.Y. 2022 – 2023 MS. RANIELA E. CALICDAN

Pangalan: ___________________________________________________________ LRN: _________________

MODULE 26
PAGKAKAIBA NG PAGGAMIT NG “NG AT NANG”

Ang nilalaman ng araling ito ay patungkol sa wastong paggamit ng “NG at NANG”, sa


pangungusap upang maiwasan ang pagkakamali at pagkalito sa paggamit.

Bago natin talakayin ang mga iyan, atin na munang alamin ang ating layunin sa araling ito.
Layunin:
Sa dulo ng araling ito ikaw ay inaasahang:
a. Nakikilala ang pagkakaiba ng “NG at NANG”,
b. Nagagamit ng wasto ang “NG at NANG” sa pangungusap.

Bago natin talakayin ang ating aralin, inyo munang sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

NG at NANG
Ano ang kaibahan ng “NG at NANG”?
Ano naman ang kahalagahan ng pag-aaral sa pagkakaiba ng mga ito?

Upang mas mapalawak pa ang iyong kaalaman sa mga katanungang iyan,


Halina na’t sabay nating alamin at tuklasin.

PAGKAKAIBA NG “NG at NANG”

NG (“ito ang pagkain ng pusa”)


- Ang “ng” ay sumasagot rin sa tanong na ano at nino. Kagaya na lamang sa halimbawa na
binigay, masasabi na “ito ang pagkain ng pusa” sa tanong na Ano ito? O Pagkain nino ito?
MGA GAMIT NG “NG”
1. Ginagamit ang “ng” kasunod ng mga pang-uring pamilang.
Halimbawa: “Bumili si Ken ng apat na tinapay para sa anak niya.”
(Ang salitang ‘ng’ ay tumutukoy sa pagbilang o bilang ng isa o higit isang bagay.
2. Ang ‘ng’ ay ginagamit sa mga pangngalan.
Halimbawa: “Pumunta ng paaralan ang guro”.
3. Ginagamit ang ‘ng’ upang magsaad ng magmamay-ari.
Halimbawa: “Ang tiwala ng tao ay mahirap makuha kaya ingatan mon ito”.
(Ito ay sumasagot ng kanino ang “tiwala”.)
4. Ginagamit ang ‘ng’ kapag sinusundan na salita ay pang-uri.
Halimbawa: “Bumili ng magandang damit ang nanay para ibigay sa anak”.
(Ang ‘ng’ ay sinundan ng isang pang-uri”
5. Ang ‘ng’ ay ginagamit bilang pananda sa gumaganap ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa: “Binigay ng guro ang mga libro sa mga mag-aaral”.
(Sa pangungusap na ito, ang pandiwa ay sinunod ng “ng”)

Ngayon ay naunawaan at naintindihan mo na ang wastong paggamit ng


“NG” sa pangungusap. Sunod namang talakayin ang wastong paggamit ng
“NANG” sa pangungusap.
Pahina 1

MGA GAMIT NG “NANG”


Ngayon ay naunawaan at naintindihan mo na ang ating aralin. Batid kong handa kana
para sagutan ang ating mga gawain at upang subukin ang iyong kaalaman.

1.
Gawain 1 Panuto: Punan ng angkop na “ng” at “nang” ang mga sumusunod upang mabuo
ang diwa ng pangungusap.
Natutulog ako tuwing ikasiyam ________________gabi.
2. Ang pagod na bata ay tulog ______________ tulog.
3. Napakaganda _____________ damit ni kokoy.
4. Sila ay nagluto _____________ sampung turon.
5. Bilisan mong kumain _____________ makaalis tayo ng maaga.
6. Sa ika-walo ____________Disyembre kami uuwi ng probinsya.
7. Tumakbo ____________ mabilis ang mga aso.
8. Wala ____________tubig, naubos na.
9. Ang matanda ay tinulungan _____________ pulis.
10. Pinagsabihan ____________ nanay ang kanyang mga anak.

Magaling! Mukhang handa kana para sa ating susunod na gawain.

Gawain 2 Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang paggamit “nang o ng” sa bawat
pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

________________1. Ang mga paa NG mesa ay nabali.


________________2. Nagbabasa NANG libro si kokoy.
________________3. Kakainin NG bata ang tsokolate.
________________4. Laro NANG laro si Mhae kaya napagod siya.
________________5. Nagsama siya NG sampung kaibigan.
________________6. Umalis ka NANG hindi man lang nagsuklay.
________________7. NANG dumating siya, natutulog na kami.
________________8. Ang bata ay tumakbo NG mabilis.
________________9. Umiinom siya NANG gatas bago matulog.
________________10. Iyak NG iyak ang batang naiwan sa bahay.

Mahusay! Binabati kita sapagkat iyong natapos ang lahat ng mga gawain. Nagpapakita
ito na ganap mo na ngang naunawaan at naintindihan ang ating aralin.
Ating tandaan na mahalaga na mapag-aralan ang pagkakaiba ng paggamit ng “ng
at nang” upang maging wasto ang diwa ng pangungusap.

Paglalahat
Sangguian:
Gabay sa Makabagong Pag-aaral(MTB-MLE) Tagalog, Ikatlong baitang (Grade 3 Level)
Pahina 2

You might also like