Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Bida Ala-GAD Photo Contest

(Official Entry)

ENTRY NUMBER: 001 NAME: RHYEN PENAMAYOR MODEL: ANG AKING INA
G11 SECTION: CSS1102
PHOTO:

CAPTION: PEÑAMAYOR, RHYEN MIGUEL G. || CSS1102


Ang aking INA, siyang ilaw ng tahanan. Siyang unang una at walang hanggang iibig sa amin.
Nagsasakripisyo para sa aming pamilya.
Siyang katuwang at sandalan kung kaming magkakapatid ay nahihirapan at nasasaktan. Wala ng ibang
makakapantay sa pag aalaga at pagmamahal niya sa aming pamilya.
Marami man ang mga pagsubok o problema ang kaniyang nararanasan, masisilayan mo pa rin ang ganda niyang
ngiti na siyang nagpapagaan din sa aming kalooban.
Lahat ay gagawin para sa ikakabuti at ikakasaya ng aming pamilya.
Ang aking INA, Aming bayani.
Siya ang nagbibigay ng lakas ng loob sa aming magkakapatid upang magpatuloy sa agos ng buhay. Agos ng buhay
na kung saan maraming pagsubok na hinaharap, pagsubok na kung saan mapapaisip ka nalang kung lalaban ka pa o
susuko ka na. Pero nandiyan ang aking INA para bigyan kami ng gabay, suporta, at motibasyon upang magpatuloy
kaming magkakapatid sa pagsusumikap para matupad ang aming mga pangarap.
Ang aking INA ang aking inspirasyon sa buhay. Dahil siya ang dahilan kung bakit palagi akong gumigising ng
maaga upang kumain, maligo, pumasok, at mag-aral ng mabuti. INA na palagi kong hinahanap tuwing ako ay uuwi
galing eskwelahan. Presensya ng aking INA na hindi ako nagsasawang hanap-hanapin sa tuwing ako ay nalulungkot
at may problemang dinadala.
Aking INA na nagbibigay ng saya at aliw sa aming pamilya. Siya ang BABAENG handa kaming damayan sa lahat
ng bagay, mahirap man o madali. INA na hindi ako pababayaan ano man ang mangyari sa akin. PRESENSYA at
PAGMAMAHAL ng ating mga INA ay hindi nakakasawang maramdaman at hanap-hanapin kailan man.
INAALAY ko ito para sa lahat ng INA at para sa aking MAHAL NA INA.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 170 Reactions


Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
ENTRY NUMBER: 002 NAME: BEA LORRAINE DADOR MODEL: MA’AM RITCHIE
G11 SECTION: HUMSS1103
PHOTO:

CAPTION: Siya ang inspirasyon ko/ namin dahil alam kong bilang isang guro mahirap ang kanilang tungkulin na
maibahagi sa amin ang bagong kaalaman na sadya ngang makakatulong sa amin hindi lamang sa panahon ngayon
kundi pati na rin sa hinaharap, batid naming kami ay may katigasan ng ulo ngunit para sakanya'y hindi ito hadlang
upang itrato kami bilang mga anak n'ya. Ang sa kripisyo ng ating mga guro ay dapat nating pakaingatan,
pahalagahan at ituring na parang isang dyamanteng hindi maaring manakaw nino man pagkat sya ang humuhubog,
bumubuo, at nagpapakahalaga saating pagkatao, wari'y kung wala sya wala na ring paraan upang maipabatid at
maipakalat ang karunungan pagkat sya ang isa sa mga dahilan kung paano natin matutupad ang mga pangarap natin
sa ating sarili. Walang sawang pagpapaalala nya kung paano maging mabuti, kung paano magpursige at kung
paanong makakaiwas kame sa masama hindi lamang para sa amin kundi para sa mga mahal natin sa buhay, at sa
mga taong nagmamahal sa atin, ngayon man ito, mapabukas pa, at sa hinaharap.

#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 792 Reactions

ENTRY NUMBER: 003 NAME: MAXINE GABRIELLE MODEL: MA’AM GRACE


G11 SECTION: HUMSS1101
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
PHOTO:

CAPTION: BAKIT SI MA'AM Grace?


Dahil ba mahilig sya sa polvoron classic flavor?
Dahil ba mahilig sya sa color violet?
Dahil ba maganda sya?
Dahil ba sexy sya?
Bakit nga ba naging inspirasyon ng HUMSS 1101 si ma'am Grace? Bakit nga ba siya ang napili namin? Simple
lang yan. Dahil ito sa taglay niyang kasipagan, katalinuhan at kagandahan. Sino bang hindi gaganahan pumasok
sa araw-araw kung ganito kaganda ang inyong masisilayan? Kaya wag na kayong magtaka kung marami ang perfect
attendance sa HUMSS 01. Bukod pa riyan, napaka bait at maunawain din niya. Hindi ka niya susukuan hanggang sa
ikaw may matutunan. At hanggang sa dulo, ikaw ay kaniyang ipaglalaban. Sukuan at talikuran ka man ng lahat,
andyan lang siya upang tanggapin ka ng sapat. Susuportahan ka niya hanggang sa ang mukha niya ay mangamatis
na. Sa hagdan palang alam mo na, labi niyang mapupula, mga mata niyang nangungusap na sa amin ay maglinis na.
Sa paraan niya ng pagdi-disiplina'y kami'y nahuhubog niya. At masasabi namin na she is one of the best example of
a great role model. As she inspires us to do better for us to succeed. She can be your teacher, your mother, your best
friend and a one call away one. We know her as a hard-working, competitive and chismosa with a heart. At kung
puwede lang humiling sa wishing well na siya na lang ulit ang maging guro namin sa grade 12 at sa mga susunod pa,
kahit sako-sakong barya pa yan, ez
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
TOTAL REACTION: 948 Reactions

ENTRY NUMBER: 004 NAME: JHON MARK JOLONGBAYAN MODEL:


G11 SECTION: HUMSS1102
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: Siya ang inspirasyon ko dahil sa lahat ng unos na hinaharap niya pinipili niyang magpatuloy at maging
positibo sa lahat ng oras. Sa kabila ng panghuhusga at pagmamaliit ng iba, makikita mo ang dedikasyon na
patunayan kung ano ang kaya niya sa mundo.
Ngumiti, manatili, at lumaban dahil kahit anumang hamon sa buhay, iyong mamamasdan ang isang babaeng
huwaran.
"Hindi siya babae lamang,
siya ay lamang"
#CSHSBidaAlaGAD
#calsehighwomensmonthcelebration

TOTAL REACTION: 146 Reactions

ENTRY NUMBER: 005 NAME: CATHLEEN MAE MANALO MODEL: MA’AM JO ANN
G11 SECTION: ABM1101
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: Gurong mapagmahal, masipag, mabait, matulungin at may mahabang pasensya ay ilan lamang sa mga
pambihirang katangiang taglay ng aming guro na si Ma'am Jo Ann. Siya ang tumatayong pangalawang magulang ng
ABM1101 sa kanilang panglawang tahanan. Siya ang inspirasyon ko dahil alam ko bilang isang guro at ina ay
napakahirap, kaya saludo ako sa pagiging matatag at mapagmahal niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Labis na
nakakahanga ang taglay niyang kasipagan at marami siyang kaalaman na ibinabahagi sa amin na maari naming
magamit upang mapaganda ang aming kinabukasan. Siya ang inspirasyon ko dahil hindi biro ang sakripisyo na
kaniyang ginagawa, isa siya sa mga humuhubog sa aming pagkatao. Sa mga panahon na kailangan mo ng kasama at
payo asahan mong andidiyan siya. Handa siyang umalalay sa lahat ng bagay upang kami ay hindi mahirapan. Isa
siya sa nagsisilbing gabay at tanglaw ko tungo sa tamang daan na nararapat kong tahakin upang makamit ang
magandang kinabukasan. At siya ang inspirasyon ko dahil kung wala siya ay wlang din ang ABM1101. Isang
karangalan ang magkaroon ng isang huwarang guro na tulad ni Ma'am Jo Ann Juliana
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 382 Reactions

ENTRY NUMBER: 006 NAME: TRICIA GAIL BARINQUE MODEL: MA’AM MEA
G11 SECTION: ABM1103
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: Siya ang aking inspirasyon sapagkat sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap na kanyang hinarap,
nandito pa rin siya at lumalaban. Ipinakita niya kung gaano kalakas at kagaling ang isang babaeng tulad niya. Hindi
siya nabalot ng kalungkutan sa halip pinakita niya na malakas siya sa lahat ng oras. Siya ang aming gurong taga-
pangalaga, hindi lamang siya bilang isang guro kundi bilang isang Ina na tumatayo sa aming lahat kapag kami ay
nasa paaralan. Siya ang nagpapaunawa sa amin kung ano ang hindi makabubuti para sa amin, hindi niya kami
pinabayaan bagkus kami ay kanyang ginabayan. Hindi naging hadlang ang aming pagkakaiba, kundi ay naging mas
malapit kami bilang paraan ng pagkakakilala sa isa't isa.
Gayundin sa bawat araw na dumaraan, Ang mga aral na aming nakukuha sa kanya at mga realisasyon na siyang
nakakahubog sa amin mapa-personal na buhay o mapa sa paaralan. Sa kabila ng personal na dilema na nangyayari sa
kaniyang buhay, patuloy ang buhay at pagbibigay ng motibasyon sa bawat Isa kaniyang mag-aaral. Binibigay niya
ang kanyang buong makakaya para lamang matulungan kami, gagawa siya ng paraan upang makapagbigay lamang
ng oras upang makinig at matulungan kami sa aming mga problema. Siya ay Isang dakila, malakas, mapagmahal,
maalagang guro't ina sa amin. Siya ay walang iba kung hindi si Mrs.Mea Mellaine Ilagan - Marasigan.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 384 Reactions

ENTRY NUMBER: 007 NAME: LEANNE PEREZ MODEL: AKING INAY


G11 SECTION: ABM1102
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: Siya ang inspirasyon ko dahil, sa kabila ng lahat ng mga pagsubok, mga paghihirap, kalungkutan at mga
dagok na kaniyang dinanas sa kaniyang buhay ay hindi siya nagpatinag, nanatili siyang nakatayo, nakakapit, at
positibo. Humahanga ako sa kaniya sa napakaraming dahilan, lalo na sa kung paano siya mag-isip, napakaganda ng
pananaw niya sa buhay at sa mga bagay-bagay. Kung minsan nga ay ako'y naguguluhan at napapatanong ng "May
ganitong klase ba talaga ng tao?", dahil sa kabila ng lahat ng aking mga nasaksihang luha, hirap, pagod, at
pagsasakripisyo mula sa kaniya, ay nananatili pa rin sa kaniyang puso ang kagustuhang lumaban sa realidad ng
buhay. Napakatapang niyang tao, matatag, malakas, matiyaga at palagi niya munang iniisip ang kalagayan ng mga
mahal niya sa buhay bago ang kaniyang sarili. Siya ay may mabuting puso, masiyahin, matulungin, mapagbigay at
hindi maramot, masikap, matiisin, mapagpasensya, maalaga at mapagkalinga. Nang dahil sa kaniya, natututuhan
kong maging matapang, at huwag agad agad susuko sa mga pagsubok na dumadating sa aking buhay. Sa araw-araw,
masaya akong laging natututo sa kaniya. Napakaswerte ko at mayroon akong 'siya' sa aking buhay – aking tagapayo,
aking inspirasyon, aking numero unong supporter, aking magulang, aking inay.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 423 Reactions

ENTRY NUMBER: 008 NAME: ANGELICA ADIZ MODEL: MA’AM LILETH


G11 SECTION: CSS1101
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
PHOTO:

CAPTION: Sya ang inspirasyon ko/namin dahil napakabuti nyang guro. Guro na laging maaasahan, guro na
handang intindihin ang kahit na ano man. Guro na handa kang damayan sa oras na mayroon kang pangangailangan.
Guro na handa kang suportahan sa kahit saan, guro na kahit galit na ay makukuha pa rin tumawa. Dahil po sainyo,
natuto kaming maging masipag, dahil isa po kayo sa nakikita namin na napakasipag na guro, kahit sobrang dami
nang gawain ay nakakaya nyo pa rin pong matapos at mapagtyagaan ito. Kaya po dahil sainyo nainspire po kami na
kahit ano pong dami at hirap ng isang gawain ay naiisip po agad namin na kaya at matatapos din namin ito. Isa po
kayo sa pinakamagandang inspirasyon na aking napagtanto, marami kang marerealize na mga bagay kung sya ang
iyong magiging guro. Natuto kaming maging masipag at matyaga dahil sayo Ma'am Maria Lileth Villalobos Oxida ,
napakagandang inspirasyon ka sa amin thankyou po ma'am,mahal ka namin!
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 236 Reactions

ENTRY NUMBER: 009 NAME: ANDREY GOCO DESEPEDA MODEL: MA’AM PAULA
G11 SECTION: STEM1105
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: Si Gg. Paula Mae Buenaventura Lopez ay aming guro sa Filipino sa Piling Larang siya ay 27 taong
gulang siya ay aking naging inspirasyon sa pagiging malikhain sa pagsulat. Siya ay naging aming gabay sa mga
sulating aming ginagawa. Nais kong ipakilala batay sa aking pagkakakilala sa kanya sa oras ng kanyang
klase.Hayaan ninyo akong ilarawan siya sa pamamagitan ng isang tula
Ispirasyon ko ang guro ko
Nagbibigay aral sa ibang tao
Mahal naming guro kayo ang hero
Sa mata ng mga tao at ng kahit na sino
Ang aking modelo ay si ginang Paula
Kanyang pagtuturo ay iyong matatamasa
Sa kanyang galing sa pagsasalita
Nagiging aral sa bawa’t isa
Babae ka man sa tingin ng iba
Hindi matutumbasan ng kahit na ano pa
Respeto sa iyo ay aming ibinibigay
Dahil sa angking bait mong taglay
Sa oras ng klase kami’y namamangha
Sa anong mang araling iyong binabasa
Iyong klase ay laging masaya
Dahil sa tuwa mong dala
Nagpapsalamat ako sa iyong itinuturo
Madadala ko ito kahit saan magtungo
Ika’y aming tutularan
Upang magkaroon ng magandang kinabukasan
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
TOTAL REACTION: 617 Reactions

ENTRY NUMBER: 010 NAME: JAYMIE MARASIGAN MODEL: MA’AM JING


G11 SECTION: HUMSS1107
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: "Aking guro, aking inspirasyon", ang palaging nagmumula sa kaniyang mga mag-aaral. Isa siya sa mga
patunay na dakila ang gampanin at kahalagahan ng mga kababaihan sa lipunan. Naniniwala ako na ang mga
kababaihan ang may kapangyarihang humubog ng mga indibidwal, lalo't higit ang hinaharap na henerasyong mag-
papaunlad ng ating bayan. Hindi lamang sa napakaraming mga mag-aaral na kaniyang iniwan ng pag-asa, siya rin
ang aking inspirasyon, ang aking motibasyon, at dahilan upang huwag sumuko sa aking pangarap na maging katulad
niya sa hinaharap. Tila naging buhay na niya ang mangalaga, kumilala, at tumanggap ng iba't ibang tao na may iba't
ibang pagkatao. Isa ito sa hinahangaan ko sa aking gurong tagapayo, Gng. Evangeline S. Maningat. Tunay na hindi
kailanman mapapawi ang mga aral, kaalaman, at payo na natamo ng bawat mag-aaral na kaniyang tinuruan. Ito ang
matibay na patunay kung gaano kahalaga ang mga kababaihan sa ating komunidad, lipunan, at maging sa buong
mundo. Sa huli, ang mga kababaihang katulad ng aking inspirasyon, Gng. Evangeline, ang magbibigay daan sa pag-
unlad ng mga kabataang tinutukoy ni Jose Rizal na mga pag-asa ng sinisinta nating bayan.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 400 Reactions

ENTRY NUMBER: 011 NAME: JON BENEDICT MODEL: HIRAYA MANAWARI


G11 SECTION: STEM1101
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: INSPIRASYON. Lahat naman siguro sa atin ay mayroon nito. Ito ang dahilan kung bakit tayo ay
patuloy na bumabangon at nangangarap nang matayog. May iba't ibang rason kung bakit ka nagkakaroon nito,
maaaring sa isang taong importante sa 'yo, bagay, o pangarap na nais mong makamit. Maaari itong isang tao na
tinitingala mo o hinahangaan, at ako bilang isang estudyante, mayroon akong inspirasyon na siyang humubog sa
aking eksistensya.
Siya ang inspirasyon ko dahil hindi siya nag patinag sa anumang problema, at siya ay ang aking Pinsan. Mula
pagkabata, pangarap ko na talagang yumaman. Magkaroon ng mamahaling sapatos, damit, gadyet, engrandeng
bahay, at kung ano-ano pa. Ngunit, sa hirap ng aming buhay, ang mga pangarap kong ito, tila ba ay wala nang
ningning. Sa dami ng aking problemang kinakaharap, minsan nang pumasok sa aking isip na wakasan ang aking
buhay, buhay na walang patutunguhan. Sa kabutihang palad, may isang taong nag paalala sa 'kin na " Paano na
lamang ang iyong mga mahal sa buhay? Maraming nagmamahal sa iyo, maraming naniniwala sa kakayahan mo, at
lalong lalo na, nandito pa ako para ikaw ay aking gabayan sa landas ng karunungan". Binago niya ang baluktot kong
pag-iisip at binigyan niya ako ng lakas upang mag patuloy pa sa kung anong meron ako ngayon.
Mahirap man ay kinakaya
ko pa rin para sa mga pangarap ko. Lagi kong isinasabuhay ang bawat pangaral ng aking Pinsan na siyang ginagawa
kong inspirasyon upang magpatuloy sa aking tinatahak na landas. Minsan, gusto ko nang sumuko, ngunit, sa bawat
oras na naiisip ko ang mga hirap na pinagdaanan niya upang marating ang kaniyang kinatatayuan ngayon,
nabubuhayan ang aking dugo na dapat akong huwag sumuko.
Babangon at babangon akong muli upang magpapatuloy para sa inspirasyon ko, hanggang sa maabot ko na ang mga
pangarap ko. Maraming salamat sa pagpapaalala sa akin na hindi lahat ng bagay ay nakukuha natin sa madaling
paraan, mas masarap kung ang isang bagay ay ating pagsusumikapan bago natin ito makamtan.
Bawat tao ay may inspirasyon na nagtutulak sa kanila para abutin and kani-kanilang mga pangarap o para gawin ang
isang bagay. Minsan ideya, lugar, o bagay, pero madalas ay tao. Mga taong nandiyan lagi at sumusuporta sa atin
upang maging mas matatag at gumaan ang ating buhay o pakiramdam. Mga taong nagpapaalala sa atin na walang
imposible hangga't may naniniwala sa atin na kaya natin.
Sa 'di inaasahang pagkakataon, may tumapik sa aking balikat at sinabi ang mga katagang " Huwag kang hihinto,
huminto ka lamang kung ikaw ay tapos na." Naliwanagan ang aking diwa at tila ba ay may kuryenteng dumaloy sa
aking puso. Hindi ako maka paniwala na ang lahat nang ito ay nangyari sa 'kin sa totoong buhay, akala ko noon, sa
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

teleserye ko lamang ito makikita pero naranasan ko ito mismo, at sobrang nakaka gaan ng pakiramdam. Salamat sa
pag pukaw ng aking damdamin, binigyan mo ako ng dahilan upang ipagpatuloy ang aking nasimulan. Laking
pasasalamat ko sa iyo, ang dating magulo, walang kulay, at walang direksyon kong buhay, ay ngayon binigyan mo
ng simbolismo ng liwanag na para bang nagpapahiwatig na "Proud ako sa 'yo, malayo ka pa pero malayo ka na".
Salamat muli, mahal na mahal kita, aking Pinsan.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 238 Reactions

ENTRY NUMBER: 012 NAME: JEANIFER TENORIO MODEL: NANAY


G11 SECTION: STEM1103
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: NANAY, “ang ilaw ng tahanan”. Ito halos lahat ang madalas natin paka hulugan sa mga ina, ngunit
para sa’kin hindi lamang siya ilaw ng aming tahanan dahil siya ang inspirasyon ko, lakas ko, kahinahan ko,buhay ko,
ang lahat ko. Utang na loob ko ang lahat ng mayroon ako ngayon, at sa pamamagitan nito nais kung ibatid sayo lahat
ng paghanga, pagpapasalamat, at pagmamahal na meron ako para saiyo. Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa
Panginoon dahil ikaw ang aking naging magulang, na nagdala sa’kin ng siyam na buwan sa iyong sinasapupunan,
inilagay ang kabiyak na paa sa hukay mailuwal lamang ako at iyong ngiti ang una kong nasilayan. Ikaw ang
inspirasyon ko, dahil sayo lahat nagmula lahat ng meron ako, sayo lahat nanggaling ang kakayahan na meron ako
ngayon,at ikaw ang nagturo saking maging matatag. Ikaw ang inspirasyon ko dahil sa bawat makikita kita at
maaalala ang mga dinanas na paghihirap at sakrispisyo mo para samin ay pinapalakas ako at sinasabing "lumaban
ka" at "galingan mo pa". Dahil sayo nagkakameron ako ng bilyong dahilan para labanan ang milyong problema,
ikaw ang siyang nagtutulak at palaging nakasupurta ano man ang mangyari. Kung kaya't ikaw ang inspirasyon ko, at
idolo ko dahil taglay mo ang pambiharang kakayahan ng isang mapagmahal at mapag arugang ina na gagawin ang
lahat para sa kaniyang anak.
Hindi man nila alam ang buong kuwento na mayroon tayo, ngunit isa ako sa taga-hanga mo. Kahit sa ikina hirap ng
mga dinanas natin ay pinili mo kaming itaguyod at ilaban sa mundong hindi matukoy ang kalaban. Halip na sumuko
at kami iyong iwanan, ay pinili mong maniwala sa aming kakayahan. Gagawin kong inspirasyon lahat ng pagsubok
at aral na aking natutunan saiyo.
Ikaw ang lakas ko, aking ina sa mga panahong ako’y mahina. Hindi ko na mabilang ang araw na ako’y iyong
ginabayan at tinuruan. Patawad sa aking mga nagawang kasalanan, pagsagot at hindi pagrespeto sa iyo at kung ako
minsan ang nagiging sanhi ng iyong karamdaman. Salamat sa mga oras na hindi tayo nagkakaintindihan at paulit ulit
akong nakakagawa ng kasalanan ay hindi mo ‘ko tinatalikuran, palaging pinapatawad at ginagabayan. Salamat sa
mahabang pasensya na iyong tinataglay para lamang maayos ang kaguluhan. Salamat sa lahat ng suporta at
pagmamahal na nagbibigay lakas sa akin sa tuwing, ninanais kong sumuko sa buhay.
Ikaw ang aking kahinaan, simula bata pa lamang saksi na ako sa bawat pawis na iyong pinuhunan maitaguyod
lamang ang iyong pamilya, alam ko ang bawat hirap, ngalay na iyong naramdama makahanap lamang ng pangtustos
sa amin, lalo na't ikaw na lamang ang aming inaasahan. Sa lahat ng pasakit na iyong nadarama, kurot sa puso ang
nadarama. Alam ko wala pa akong magagawa sa ngayon, ngunit umasa ka masusuklian ko lahat ng sakripisyong
iyong inilaan at patuloy na inilalaan para sa amin.
Ikaw ang lahat sa akin, hindi ko lubos maisip kung wala ka, paano na kaya ako? paano kami? mararating ko kaya
ang kinalalagyan ko ngayon kung wala ka? ito ang mga tanong sa aking isipan na sadyang nagpatunay na
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

napakalaking parte mo sa buhay ko, buhay namin. Hindi ko man matumbasan ang pagmamahal na ipinaparamdam
mo sa amin, gagawin ko lahat para maramdaman mo ang pagmamahal na karapat dapat para sa iyo. Kung dumating
man ang oras na manlabo ang iyong mga mata ako ang magiging gabay sa bawat iyong lalakaran, kapag na hihirapan
kana lumakad, ako ang magiging tungkod na aalalay at mabibigay lakas para saiyo. Nay, alam ko hindi
matutumbasan ng paulit ulit na salamat ang lahat lahat, lahat. SALAMAT NAY! Hindi ko man banggitin ang mga
katanggang ito sa iyo, sana madama mo na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITANG SOBRA.
Sa lahat ng babae sa buong mundo, Saludo po kami lahat sa inyong kagitingan at angking kagalingan. Patuloy
kaming sasaludo at isa sa mga tagapalakpak ninyo sa bawat tagumpay at mararating ninyo. Lagi niyo ring tatandaan
ang katagang ito na, “BABAE KAYO, HINDI BABAE LAMANG”.
#CSHSBidaAlaGAD #calsehighwomenmonthcelebration

TOTAL REACTION: 428 Reactions

ENTRY NUMBER: 013 NAME: MIKE ANGELO BUNAO MODEL: MAMA ESTRELLA
G11 SECTION: STEM1104
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: Siya ang inspirasyon ko dahil sa bawat pagsubok at suliranin na aming kinakaharap, nariyan sya,
nagiging matatag, hindi sumusuko, patuloy na bumabangon at lumalaban. Masasabi kong iba sa lahat ang aking ina.
Nagawa niyang labanan ang lahat, maging ang sakit na hindi nakikita, pawang imposibleng malunasan, at susubok
sa kaniyang tatag. Isa siyang 'colon cancer patient survivor' at hindi naging madali ang kaniyang pinagdaanan,
subalit sa kagustuhan niya na kami ay maalagaan at maipadama sa amin ang kaniyang pagmamahal, nilabanan niya
ito. At sa awa ng Diyos, siya ay gumaling. Alam natin na ang pagiging isang ina ay hindi lamang nababase sa kung
anong mga materyal na bagay ang kaya niyang ibigay. Ito ay maaaring kung paano niya nagagampanan ang
kaniyang mga tungkulin bilang isang ina at kung paano niya naipapadama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang
pamilya. Hindi man naging madali ang pinagdaanan ng aking ina, alam ko sa sarili ko na hindi niya kailanman naisip
ang bumitaw sapagkat sa bawat oras, bawat minuto, o araw, kami ang palagi niyang inuuna at inaalala. Kaya naman,
huwag tayong matatakot na harapin ang bawat pagsubok na ibinabato o ibinibigay sa atin ng buhay, sapagkat sa
bawat paghihirap, sa dulo'y may ginhawang malalasap. Katulad ng aking ina, huwag sana tayong panghinaan ng
loob. Dahil sa tulong ng ating pananalig at pagmamahal, malalampasan natin ang lahat.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 260 Reactions

ENTRY NUMBER: 014 NAME: JOAN MAC MODEL: AKING INAY


G11 SECTION: STEM1104
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: Siya ang inspirasyon ko dahil sa pagmamahal n'yang hindi nagwawakas at kailan man' y hindi
kumupas, handa n'yang ibigay ang buong lakas para sa aming kanyang mga anak. Lahat ng pagod at hirap n'ya na
s'yang nagiging inspirasyon ko para magpatuloy kahit sobrang hirap na at tila nga hindi ko na kaya, inaalala ko ang
bilin n'ya na wala s'yang yaman na maipapamana, tanging edukasyon ang nakikita n'yang susi para maiangat namin
ang aming mga sarili.
Para sa'kin kahanga- hanga s'yang tunay kaya n'yang maging Ama at Ina ng aming tahanan, naging haliging kasing
tatag ng bato na kahit ilang bagyo na ang dumating buo parin para sa mga anak na nais nya pang matagal na
makapiling, Ilaw na nagsisilbing tanglaw sa tamang daan na aming tatahakin para sa kinabukasang maganda at
propesyong pinangarap n'ya para sa amin. Lahat ng hirap at pasakit ay kaya n'yang pasanin maabot lamang ang mga
pangarap namin, mag isa man n'ya kaming itinaguyod kita sa kan'yang mga mata ang pag asang pagtatagumpay,
sakripisyo n'ya at hirap para sa aking pangarap, nangangako akong magbubungang lahat.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 258 Reactions

ENTRY NUMBER: 015 NAME: DEANNA MITZI LOPEZ MODEL: TANGLAW


G11 SECTION: FBS1101
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION"Ang ina, ang bantay ng tahanan at ang tanglaw ng buhay. Walang katumbas ang pagmamahal at
sakripisyo na kanyang ibinibigay sa pamilya. Salamat sa iyo, ina, sa iyong walang-hanggang pagmamahal at
dedikasyon sa pagiging ilaw ng aming tahanan."
Siya ang aking inspirasyon dahil pinalaki niya ako ng may pangalan,nakakain ng 3 beses sa isang
araw,nakakapagaral,may maayos na buhay at pinaparamdam ang tunay na pagmamahal ng isang ina.Sa hirap at
problema ay parati siyang nandyan hindi man namen nasusuklian ng sobra sobra ang mga pagod niya ngunit patuloy
niya parin kaming ginagabayan at inuubos ang lakas niya para mabigyan kami ng maayos na buhay.
Siya ang inspirasyon ko kaya patuloy akong nagaaral at binibigay ang lahat ng aking makakaya para maabot ang
aking pangarap na nais din nila.
Sa aking pinaka mabuting ina,minsan man ay nagkakaroon tayo ng di pagkakaunawaan,nagagalit ka sa mga mali
kong nagagawa ngunit lagi niyo pong tatandaan na mahal na mahal namin kayo at maraming maraming salamat po
sa lahat ng sakripisyo na ibinigay sa amin.
Kaya sa tamang panahon na naabot kona ang mga ninanais ko,susuklian ko naman ang pagsusumikap at sakripisyo
ng aking ina.
Aking ina, hanggang sa huling yakap
Ikaw ang aking gabay, sa bawat paglalakbay
Ang iyong pagmamahal,ay walang katumbas
Kaya't ako'y nagpapasalamat, sa iyong pagmamahal
Sa bawat hirap ng buhay, hindi ka nagdalawang-isip
Ako ay bigyan ng lakas, upang makayanan ang anumang hamon sa buhay
Kaya't ako'y nagpapasalamat, sa iyong pag-alalay
Inang mahal, sana'y naririnig mo ang aking nais ipahiwatig
Na nagpapasalamat, na naging ina kita
Hinding-hindi ko makakalimutan, ang sakripisyo at pagod mo para malampasan ang lahat
Kaya't sa'yo'y inaalay, ang tula kong ito bilang pasasalamat.
TOTAL REACTION: 107 Reactions

ENTRY NUMBER: 016 NAME: MARK RELEVO MODEL: MAHAL NA INA


G11 SECTION: CSS1101
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION Ang aking inspirasyon ay ang aking mahal na ina. Bakit siya? Siya ang babaeng nag sakripisiyo ng
buhay para mabuhay ako sa mundong ito. Siya ang dahilan kung bakit ako pumapasok sa eskwelahan. Siya ang
aking magiting na tagapag ligtas ko kapag ako ay inaapi. Siya ang una kong guro dahil sya ang nag turo sa akin kung
ano ang tama at mali. Sa bawat daan na tinatahak ko sya ang aking gabay tungo sa aking paroroonan. Araw-araw
ramdam ko ang kanyang mainit na pagmamahal at pag aalaga. Halos lahat ng aking hinihingi ay ibinibigay nya.
Kahit minsan ay nakakagawa ako ng mali tulad ng pag sagot ay ako parin ang una nyang iniisip. Sya ay masipag at
hindi sumusuko sa mga problemang dumarating sa amin. Dahilan ang mga ito kung bakit ang aking ina ang aking
inspirasyon. Malaki ang aking pasasalamat dahil sya ang aking naging ina. Sya lamang ang nag iisang babae na
pinakamamahal ko at Hindi matatawaran ng kahit ano ang kaniyang pag sa-sakripisiyo, pagmamahal, pag aalaga, at
pagiging ina niya sa akin.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 50 Reactions

ENTRY NUMBER: 017 NAME: ALYSSA SEBOLINO MODEL: MA’AM LORNA


Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
G11 SECTION: ABM1104
PHOTO:

CAPTION: Siya ang inspirasyon ko dahil nakikita ko sa kanya ang pagiging matatag, mapagmahal, at
makapagkalingang guro. Ito nga pala ang aming gurong si Ms. Lorna A. Noche, unang pasok pa lamang niya sa
aming classroom ay agad akong nainsipre sa kanya dahil siya'y napaka positibong tao at kahit mahirap ang mga
lesson na aming tinatalakay ay mas napapadali nya. Bukod sa pagiging isa nyang guro sa amin, isa rin siyang solo
parent (ina) na mas hinangaan ko pa. Alam kong napakahirap ng sitwasyon nya pero pinipili nyang lumaban at
makipagsapalaran sa buhay para sa kinakabukasan ng kanyang mahal na anak. Kaya't maraming maraming salamat
po Ma'am saludo po ako sa katatagan at katapangan nyo. Sana'y marami pa po kayong mag aaral na mainspire at
maturuan ng magagandang aral na madadala nila at maging gabay para malampasan ang hamon ng buhay patungo sa
tagumpay.
#CSHSBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 395 Reactions

ENTRY NUMBER: 018 NAME: DANIELA DELA ROSA MODEL: LOLA


Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
G11 SECTION: STEM1104
PHOTO:

CAPTION: Pasasalamat para sa isang mapagmahal na anak, kapatid, asawa, ina at lola. Isang babaeng tapat at
napakabuting anak ng Diyos, na ipinagkaloob sa aming pamilya. Ang aking Lola Tabita, ang isa sa aking mga
inspirasyon.
Siya ang aking inspirasyon dahil isa siya sa mga nagpalaki at sumusuporta sa akin.
Siya ang aking inspirasyon dahil alam kong siya rin ang unang naging inspirasyon ng aking ina, na sa amin ay
maagang kinuha. Inspirasyon ng sampong magkakapatid na pinalaki niya ng mabuti at may takot sa Diyos.
Inspirasyon ng kanyang asawa, at inspirasyon ko at ng kanyang iba pang mga apo na walang sawa niyang kinalinga
at binusog ng pagmamahal tulad ng pag aaruga sa amin ng kaniyang mga anak.
Isang matatag at matapang na babae na sinubok na ng maraming problema ngunit kahit kailan ay hindi naisip na
sumuko. Ang aking inspirasyon.
Maligayang Araw po ng Kababaihan, Lola! Mahal ko po kayo!♡
#CSHSBidaAlaGad
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 201 Reactions


Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
ENTRY NUMBER: 019 NAME: CED NOCHE MODEL: MA’AM LISA
G11 SECTION: STEM1105
PHOTO:

CAPTION: Responsable, Marangal at Masipag. Siya ang aking inspirasyon. Siya si Ma'am Flordeliza Tumbaga,
taglay ang pagmamalasakit saming mga estudyante bilang ikalawang anak, Ma'am Lisa kung tawagin ng kanyang
mga estudyante at ako ay sigurado na siya ay isa ring inspirasyon ng aking kapwa mag aaral. Siya ang aming
pangalawang magulang sa paaralan. Bukod sa kanyang husay sa pag tuturo, hindi lamang ang mag punla ng mga
aral, at impormasyon ang aming natatamasa bagkus maging sa paghubog ng prinsipyo at hangarin sa buhay na kung
saan ito ay maari namin magagamit saan man kami makarating o anuman ang aming ambisyon sa buhay. Kahanga-
hanga ang kanyang dedikasyon na kami ay matuto, kaya naman marapat lamang na ikaw ang aming maging paksa sa
paligsahan na ito. Ipinagmamalaki ka namin, mahal kong guro.
#CSHSBidaAlaGAD
#calsehighwomensmonthcelebration

TOTAL REACTION: 380 Reactions

ENTRY NUMBER: 020 NAME: ALLY MORILLO MODEL: MAMA KO


Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
G11 SECTION: ABM1105
PHOTO:

CAPTION: Lahat tayo ay mayroong kani-kaniyang inspirasyon sa ating mga ginagawa at pinag- aalayan ng ating
mga pangarap.
Ang aking ina ang inspirasyon ko dahil siya ang nakasama ko sa mundong kinakaharap ko, siya din ang dahilan
kung bat ako bumabangon at hinaharap ang hamon ngayon, bukas at hanggang malutas ang mga pagsubok.
Masigasig kong pinapakilala o pinapakita ang aking ina sa simbolo ng litratong ito na kahit anong daming problema
ay nakakayang labanan. Ina,nanay, momshie,mudra kahit ano pamang tawag, siya ang mahal na mahal ko.
Ang aking Ina siya ang naging instrumento ko para maabot ko ang aking mga mithiin sa buhay. Kahit mahirap man
o may kaya lang kami, mayaman naman kami sa pagmamahal ng isang dakilang Ina.
Kaya't lubos na nagpapaasalamat ako sa aking ina na di nagsasawang alagaan at intindihin ang ugaling meron ako, at
pagtanggap ng paulit-ulit sa mga maling desisyon na nagawa ko sa aking buhay.
Ang aking ina ang nagturo sakin/samin pag respeto sa kapwa at may takot sa diyos. Nagbibigay sa amin ng
magandang kinabukasan, gayumpaman ang aking nanay ang pinaka unang mahalaga o inspirasyon ko sa buhay.

TOTAL REACTION: 78 Reactions

ENTRY NUMBER: 021 NAME: LYNEIL MARK RIVERA MODEL: AKING NANAY
G11 SECTION: ABM1102
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: Ang aking Ina ang aking inspirasyon dahil sa kaniya ako kumukuha ng pagmamahal at liwanag upang
makamit ko ang aking panagarap sa buhay. Malaki Ang Ang aking pasasalamat sa kaniya dahil siya ang nagbigay ng
buhay sakin at nag sakripisyo para mabuhay ako sa mundong ito.Ang aking Ina ang siyang magiting na tagapagligtas
kapag merong mapang Api sakin dahil Hindi Siya umaatras kahit anong promblema kinakaharap namin, Siya Ang
aking sandigan upang makapagtapos Ako ng pag-aaral.
Ang aking Ina siyang naging una kung guro dahil Siya Ang turo sakin ng Tama at mali.Hanggang Ako ay lumaki
Siya naging idolo ko at inspirasyon ko. Ang aking Ina ang siyang instrumento ko para maabot ko Ang aking mga
mithiin sa buhay.Kahit mahirap lang kami, Mayaman Naman kami sa pagmamahal ng isang dakilang ina. Bilang
Isang anak Malaki Ang pasasalamat sa kaniya.
#CSHBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: -----

ENTRY NUMBER: 022 NAME: JAMIE LYN TUNAY MODEL: AKING KAIBIGAN
G11 SECTION: ABM1102
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: Siya ang inspirasyon ko dahil siya ang tumutulak saakin upang magpatuloy saaking buhay. Malayo ako
saaking magulang at kapatid at siya ang nagpapawi ng aking kalungkutan sa tuwing makararamdam ako ng pag-iisa.
Gusto ko kung paano siya magisip-- bukas at laging handang matuto sa mga bagong aral. Hanga rin ako sa kabutihan
ng kaniyang puso at sa pagkakaroon ng positibong pananaw sa mga bagay. Nakahahawa ang kaniyang pagiging
masayahin at masiglahin, na sa nakakapagod na araw galing sa eskwela, sa loob ng kaniyang kwarto at ang mahihina
naming pagtawa ang pinaka paborito kong klase ng pahinga. Sa araw-araw kaming magkasama, ramdam na ramdam
ko ang kaniyang pagmamahal at pag-aalaga na para gang isa niya akong tunay na kapatid.
Siya ang aking inspirasyon dahil isa siya sa mga taong naniwala saakin na kaya ko lahat. Na sa bawat paborito kong
gawin, isa siya sa laging nakasuporta saakin. Ang may pinaka malakas na palakpak sa bawat tagumpay kong
nakakamit, maliit man o malaki. Napakaswerte ko at meron akong SIYA saaking buhay-- aking kasangga, aking
inspirasyon, aking kapatid sa puso, AKING KAIBIGAN.
#CSHBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 175 Reactions

ENTRY NUMBER: 023 NAME: GHISLAINE BACARISAS MODEL: ANG AKING INAY
G11 SECTION: ABM1102
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: Ang aking inay. Simula pag kabata hanggang sa paglaki namin ang aming inay na ang nag aalaga at nag
aruga sa amin. Simula ng umalis ang aking mga magulang upang magtrabaho sa ibang bansa ay sya na ang aking
karamay, at laging nandyan upang alagaan at bantayan ako sa aking paglaki. Siya ang nag asikaso sakin, sa pag
gising sa umaga, sa pagpasok at sa pang araw-araw na aking ginagawa. Sya ang nagiging takbuhan ko sa mga
nararamdaman ko sa aking physical at emotional na nararamdaman. Gumagabay at tumatama sa aking mga
pagkakamali.
Ang aking inay nalaging nandyan sa mga panahong kailangan ko ng karamay, laging nandyan kapag kailangan ko ng
kakampi, at laging nandyan kapag kailangan ko ng pag mamahal ng isang ina. Ang aking inay na naging inspirasyon
ko na maging mas malakas pa sa pag salubong sa mga hamon na aking kinakaharap at haharapin pa, dahil alam ko
na nandyan lang sya palagi upang maging inspirasyon ko araw-araw.
#CSHBidaAlaGAD
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: -----

ENTRY NUMBER: 024 NAME: SHAKIRA ELLA MODEL: MA’AM JOAN


Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
G11 SECTION: AUTO1101
PHOTO:

CAPTION: Ang larawan na nakikita niyo ngayon ay ang isa sa babaeng inspirasiyon ko, bakit siya ang aking
napili?? ito ang sagot para sa inyong katanongan. Lubos akong nagpapasalamat sa mga guro at sa aming guro na
walang sawa na magturo saming mga estudyanteng makukulit. At kahit na gaano man kami kakulit ay gustong gusto
niya pa din kaming lahat makapasa, kahit na mawalan siya ng boses kakapaliwanag ng lesson's niya para lang
maintindihan namin kahit na may sakit siya ay tuloy pa din ang kaniyang pagpasok para lang sa amin.
Bilang pangalang magulang namin ay nakikita namin ang kahalagahan ng kaniyang paghihirap sa pagturo para lang
makapasa kami, ang pagsasakripisyo ng ating mga guro ay dapat nating pahalagahan, maraming salamat sa pag
gabay at pag suporta samin ma'am "Joan Panganiban Ocampo" lagi man po tayong nagkakatampohan at lagi niyo po
kami sinasabihan para sa ikabubuti namin at lagi niyo pong tatandaan na mahal na mahal ka namin.
#CSHSBidaAlaGad
#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 204 Reactions

ENTRY NUMBER: 025 NAME: DEBORAH MAE L. MORGA MODEL: MA’AM JULIE
G11 SECTION: HUMSS1104
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: “Yeso at Pisara”


Sa bawat hakbang ko, nariyan ka upang umalalay
Sa bawat lakad ko, parati kang gumagabay
Sa bawat takbo ko, ikaw ang kasabay
Mula simula hanggang dulo, ako at ikaw magkasama sa paglalakbay
Ikaw ang yeso na kailangan ng pisara
Ako ang pisara na kailangan ka
Madilim ang buhay kung hindi kita nakilala
Nasaan kaya ako ngayon kung wala ka?
Gurong nagturo ng mga leksyon
Estudyanteng natuto sa mga hamon
Naging dahilan ng aking pagbangon
Kaya naman araw-araw, aral mo ay lagi kong baon
Tulad mo ay isang babae na maipagmamalaki
Magandang halimbawa sa nakararami
Ikaw ang bayani at idolo ng lahat
Mahal kong guro, maraming salamat!
Ang isang gurong tulad niya ay maituturing na inspirasyon sa lahat? Isang gurong istrikta, gurong
napakapormal, gurong ginagawang araw ang gabi at guro na malayo pa lang ay nararamdaman mo na ang
presensya.
Ang sagot sa tanong na 'yan ay HINDI. Hindi maaari na hindi siya tawaging INSPIRASYON sa lahat.
Nasaksihan ko kung gaano kasipag, mapagmahal, maalaga at mahusay na lider ang babaeng aking tinutukoy.
Siya ang "Juliet" na wala pang "Romeo" pero kami/ako ang pupuna sa pagmamahal sa kaniyang puso.
Ako si Deborah Mae L. Morga, mag-aaral ng Calaca Senior High School, Baitang-11 Humanities and Social
Sciences (HUMSS) 1104. Nagiiwan ng mga kataga na ang mga kababaihan ang silid at susi ng pagbabago.
Ikaw ang "yeso" at ako ang "pisara." Dahil sa'yo nahubog ang pagiging isang lider ko.
Ma'am Julie, inspirasyon ka sa lahat!
#CSHSBidaAlaGAD
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

#calsehighwomensmonthcelebration

TOTAL REACTION: 157 Reactions

ENTRY NUMBER: 026 NAME: SHIELA GARDE MODEL: MA’AM CAISIP


G11 SECTION: HUMSS1106
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)
PHOTO:

CAPTION: Ito ang idolo ko o naming magkakaklase, Isang simpleng babae na bagamat kami'y sobrang ingay ,
malilikot o sabihin na nating worst section ay hindi nya kami pinabayaan. Isang kahanga hanggang tao nadapat
tularan.Maituturing natin syang pangalawa nating magulang na kung iisipin sa hirap ng isang ina mayroong isa o
dalawang anak ,ay mas mahirap ang nararanasan ng isang guro na may limampu't siyam na nagsisilbi niyang anak na
kailangan niyang turuan,mahalin, intindihin at disiplinahin. Magbibigay sa amin ng inspirasyon ipagpatuloy at
pagbutihin pa ang aming pag aaral para sa aming minimithing magandang kinabukasan.
#CSHSBidaAlaGAD
#calsehighwomensmonthcelebration

TOTAL REACTION: ------

ENTRY NUMBER: 027 NAME: SALVADOR ZAPATA III MODEL: INA


G11 SECTION: HUMSS1109
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: Bida Ala-Gad Photo Contest


Zapata, Salvador III A. HUMSS 1109
"Kaagang nabuntis"
"Anong kinabukasan ang maiibigay mo sa batang yan"
"Hindi ka makakapag tapos ng pag aaral"
Ang pagiging ina ay isa sa napakahirap na responsibilidad lalo na’t pasan mo ang lahat ng hirap ngunit kailanma’y
hindi susuko’t mapapagod para sa ikabubuti ng kanyang mga anak.
Siya ang inspirasyon ko/namin sapagkat tulad ng nakararami maaga rin siyang namulat sa pagiging ina at hindi ito
naging hadlang upang sumuko siya sa buhay lalo na’t nagaaral pa din siya hanggang ngayon, saksi kami kung papa-
ano niya kinakaya ang lahat kung saan kasabay ng pagaaral magtitinda din siya ng sari-sari para lang sa kanyang
anak, ni minsan ay hindi namin nakita sa mukha niya ang pagod dahil sa lahat ng oras napakatatag niya. Saludo
ako/kami sa lahat ng ina sa buong mundo sa lahat ng sakripisyo’t pagmamahal niyo para sa inyong mga anak.
Tula:
Akala ko noon biro lang ang lahat
Ngunit ng masaksihan ko ito sayo
Hindi pala madali bagkus napakahirap
Estudyante sa umaga, Batang ina sa Gabi
Parang hinahati ang iyong sarili
Kasabay ng pagod sa paaralan
Ay siyang hirap din sa tahanan
Ngunit kailanma’y hindi ko nasaksihan
Na napagod ka’t sumuko
Bagkus hatid mo’y inspirasyon sa bawat kabataan
Sa kabila ng maingay at magulo mong mundo
Minulat mo ang aking murang isipian
Pinahanga mo ako sa taglay mong katatagan
Salamat sayo, mahal kong kaibigan
Kay rami kong natutunan
#CSHSBidaAlaGAD
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

#CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: 1,238 Reactions

ENTRY NUMBER: 028 NAME: KRISTINE CLAIRE LASHERAS MODEL: MA’AM ANA MARIE
G11 SECTION: CSS1101
PHOTO:
Bida Ala-GAD Photo Contest
(Official Entry)

CAPTION: Sya ang inspirasyon ko/ namin dahil sya ay hindi lamang nagturo sa akin ng mga aralin sa loob ng silid-
aralan, kundi nagbigay din siya ng mga aral sa akin tungkol sa pagiging isang mabuting tao.
Isa sa dahilan kung bakit siya nagbigay ng inspirasyon sa akin ay dahil sa kanyang pagtuturo. Siya ay hindi lamang
nagturo sa amin ng mga konsepto at formula, ngunit ipinakita din niya sa amin kung paano gamitin ito sa tunay na
buhay. Sa kanyang paraan ng pagtuturo, naging mas malalim ang aking pag-unawa sa mga aralin at naging mas
handa ako sa mga hamon ng buhay.
Bukod sa pagtuturo, siya rin ay nagbigay ng inspirasyon sa akin dahil sa kanyang kagandahang-loob. Siya ay hindi
lamang tumutulong sa mga estudyante, ngunit nagbibigay din siya ng mga oportunidad upang mas lalo pa namin
maipakita ang aming kakayahan. Sa kanyang paraan ng pakikitungo sa amin, natutunan ko rin na kahit pa may mga
pagsubok sa buhay, dapat pa rin nating magpakita ng kabutihan sa iba.
Ang aking guro ay hindi lamang nagturo sa akin ng mga aralin sa loob ng silid-aralan, ngunit nagbigay rin siya ng
mga aral sa akin tungkol sa pagiging isang mabuting tao. Siya ay naging isang huwaran sa akin na dapat kong sundin
sa aking buhay. Dahil sa kanya, naging mas determinado ako upang makamit ang aking mga pangarap at maging
isang mabuting mamamayan.
Si Ma'am Anna Marie ang aking guro at naging inspirasyon ko sa buhay dahil sa kanyang pagtuturo, kagandahang-
loob, at aral tungkol sa pagiging isang mabuting tao. Siya ay isang tagapag-lingkod na tunay na nagbibigay ng
inspirasyon sa kanyang mga estudyante. Ako ay nagpapasalamat dahil nagkaroon ako ng guro na tulad niya sa aking
buhay.
#CSHBidaAlaGAD #CalSeHighWomensMonthCelebration

TOTAL REACTION: -----

You might also like