Ang Labis Na Paggamit NG Caffeine

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Labis na Paggamit ng Caffeine

Ang sobrang caffeine sa isang araw ay maaaring magdulot ng ilang hindi magandang
epekto sa katawan partikular sa nervous system at mga kalamnan. Maaaring maranasan
ang mga sumusunod:
1. insomnia o hirap sa pagtulog
2. mabilis na pagtibok ng puso
3. pagiging nerbyoso
4. panginginig ng mga kalamanan
5. hindi mapakali
6. sobrang sakit ng ulo
7. pagiging irritable o madaling mainis
8. madalas na pag-ihi
9. paghilab ng tiyan

Ang pag-inom ng mga bata ng cola o soft drinks at pagkain ng tsokolate sa dakong gabi ay
nakapagdudulot ng insomnia o hindi pagkatulog.

Sigarilyo at Usok Nito, Huwag Ikatuwa!

Ayon sa pag-aaral, ang mga taong maagang nagsimula sa paninigarilyo ay mas maikli ang
buhay kaysa sa mga taong hindi sinubukan at hindi natutong manigarilyo. Ang mga taong
naninigarilyo o first-hand smoke, mga taong napaliligiran ng mga taong naninigarilyo o
second-hand smoke, at ang mga taong mahilig pumunta o mamalagi sa lugar na
pinagdadausan ng paninigarilyo o third-hand smoke ay malaki ang posibilidad na
magkasakit dahil sa usok ng sigarilyo.

Ayon sa pag-aaral at pananaliksik ang mga sakit na dulot ng paninigarilyo ay ang mga
sumusunod:
 sakit sa baga tulad ng bronchitis at emphysema
 matinding ubo at sipon
 kanser sa baga, bibig, at lalamunan
 atake sa puso, stroke, at altapresyon
 pagkalagas ng buhok
 katarata (cataracts)
 pagkabulok ng ngipin
 pangungulubot ng balat dahil sa pagkawala ng protina
 pagkawala ng pandinig

Mahihirapang magbuntis ang mga kababaihang naninigarilyo. Mas maaga rin silang mag-
menopause at madaling magkaroon ng osteoporosis o marupok na mga buto.

You might also like