Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Jholian M.

Olgina 10-Fortitude

Buod ng Hunchback of Notre Dame


(Disney ver.)
Noong ika-16 na siglo sa bansang Pransya, nagsimula ang kwento noong may tatlong gypsy na pumasok
nang iligal sa Paris. Sila ay hinabol ng mga kawal at ang isang nakatakas ay naabutan ni Frollo, inakala
niyang nagnakaw ang babae at ito ay kaniyang pinatay. Nakita ni Frollo na ang nakabalot sa tela ay isa
palang sanggol ngunit nakita niya na ang itsura nito ay hindi normal kaya tinangka niya itong patayin.
Nakita siya ng kaniyang mga kawal at nalaman nilang pinatay niya ang isang babaeng gypsy. Dahil nakita
siyang pumatay ng isang tao, ang naging desisyon niya ay hahayaang mabuhay ang sanggol na si
Quasimodo.

Ilang taon ang lumipas at si Quasimodo ay lumaki nang walang alam sa paligid sapagkat hindi siya
pinayang lumabas ni Frollo, tatlong gargoyles lamang ang naging mga kasama nito. Ngunit noong
nagkaroon ng kapistahan ay tumakas siya sa kaniyang tore at nung siya ay nakita ng mga tao, siya ay
ginapos at pinakita sa harap ng maraming tao bilang isang katatawanan. Nakita siya ng isang magandang
gypsy na babae na nagngangalang Esmeralda at siya ay pinalaya nito. Dito nagsimula ang kwentong pag-
ibig nina Quasimodo at Esmeralda.

Dito nagpakita ang kapitan ng mga kawal na si Phoebus, inutusan siya ni Frollo upang arestuhin si
Esmeralda ngunit hindi niya ito tinuloy. Nang tumagal ay nagkaroon ng paghahanap kay Esmeralda at
dito nakita ni Phoebus na isang masamang tao si Frollo sapagkat pinasunog niya ang bahay ng maraming
pamilya. Dahil sa hindi pagsunod ni Phoebus ay inutusan ni Frollo ang ibang mga kawal na patayin siya,
natamaan siya ng pana at nahulog sa isang ilog. Nakita siya ni Esmeralda at niligtas niya ang kaniyang
buhay, dito naging mas malapit sila sa isa’t isa.

Sila ay nagtago sa tore ni Quasimodo ngunit silang tatlo ay nahuli ng mga kawal ni Frollo. Gumawa ng
isang kasunduan si Frollo kay Esmeralda na magpapakasal silang dalawa ngunit hindi pumayag si
Esmeralda kaya siya ay papatayin nalang sa pamamagitan ng panununog. Nung susunugin na si
Esmeralda ay naabutan siya ni Quasimodo at niligtas niya ito habang si Phoebus ay kinakalaban ang mga
kawal ni Frollo. Nawalan ng malay si Esmeralda at siya ay pinahiga sa kama ni Quasimodo. Ngunit si
Frollo ay nasa kaniyang likod at handa na siyang patayin. Nakita ito ni Quasimodo at nilabanan niya ito
hanggang si Frollo ay mahulog sa tore at namatay. Nagtapos ang kwento nang mapayapa, si Quasimodo
ay tinanggap na ng lipunan at nagkatuluyan sina Esmeralda at Phoebus.

Ang aking naging damdamin pagkatapos basahin ang kwento:


Dahil sa kwentong ito ay napagtanto ko na ang lipunan ay mapanghusga, dito ay naawa ako
kay Quasimodo sapagkat siya ay naging biktima ng panghuhusga ng lipunan. Sa kabila ng
lahat ay natutunan ko na kahit sino ka man ay makahahap ka parin ng taong totoong
magmamahal s aiyo maging sino o ano ka man. Nakaramdam din ako ng galit lalo na kay
Frollo sapagkat siya ay mapagmataas at inaabuso ang kaniyang posisyon. Masasabi ko na
siya ay hindi tumatanggap ng kahit sinuman na hindi perpekto sa kaniyang paningin. Isa din
siyang hipokrito na ginagamit ang kaniyang posisyon sa simbahan upang linisin ang
kaniyang pangalan. Sa huli ay nagustuhan ko ang kwentong ito sapagkat isa ito sa mga
kwento na binigyang interpretasyon ng Disney sa kabila ng madilim nitong kasaysayan.

You might also like