Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Cebu Province
Argao Secondary schools
District of Argao II
Argao, Cebu

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)


Subject: ARALING PANLIPUNAN Grade: 10 Quarter: 2 Week: 3-4

MELC: Naipapaliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa

Name __________________________ Section ________Date ________

School __________________________ District __________________________

A. Readings/Discussions

ARALIN 2: Mga Isyu sa Paggawa

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa
paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, ‘job-
mismatch’ bunga ng mga ‘job-skills mismatch,’ iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa,
at ang mura at flexible labor. Isang hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at paglabas
ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng kompetisyon sa
hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat ang mga
namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot ng iba’t ibang isyu sa paggawa.

Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang workplace na kung saan
nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng Word Trade Organization
(WTO) ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa mga manggagawa.
Naglalagak ang mga multi-national company ng mga investment para sa mga trabaho sa bansa na
kung saan ang mga kasanayan na kakailanganin ng isang manggagawa ay nakabatay sa mga naging
kasunduan ng bansa sa mga kompanyang ito. Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa
paggawa ay ang mga sumusunod:

 una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally
standard;
 pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigidigan pamilihan;
 pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng
pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang
makabagong kagamitan sa paggawa; at
 pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali
lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang
produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.
Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga manggagawa sa iba’t ibang aspekto na
nagbunsod ng maraming isyu sa paggawa na hinaharap ng mga manggagawang Pilipino sa
kasalukuyan upang magkaroon ng disente at marangal na pamumuhay.

B. Exercises

Exercise 1.

Picture – Suri!
Directions:

Suriin ang bawat larawan sa ibaba, kilalanin kung sa anong Isyu sa

Paggawa ito napabilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

___________________________ _________________________

___________________________

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang ipinapakita sa mga larawan? Ipaliwanag.

2. Sa kasalukuyan, anong isyu sa paggawa ang dapat tutukan at bigyang pansin ng


ating pamahalaan? Bakit?
Exercise 2

COVID Effect
Directions:

Nahaharap ang buong mundo sa pandemyang dulot ng COVID-19. Kabi-kabila na

ang naging epekto nito maging sa sector ng paggawa. Gamit ang graphic organizer sa

ibaba, isulat ang mga naging epekto nito sa paggawa sa bansa.

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang maging epekto ng COVID 19 sa ating bansa?

2. Paano tayo makabangon sa epekto ng COVID 19 pandemya?

3. Paano natin haharapin ang mga hamon na dulot ng pandemya?


C. Assessment/Application/Outputs (Please refer to DepEd Order No. 31, s. 2020)

Directions: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya
sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.
a. Employment Pillar b. Social Dialogue Pillar
c. Social Protection Pillar d. Worker’s Rights Pillar
2. Ito ay naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na
pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
a. Employment Pillar b. Social Dialogue Pillar
c. Social Protection Pillar d. Worker’s Rights Pillar
3. Ang mga sumusunod ay ang naidudulot ng globalisasyon sa sector ng agrikutura, MALIBAN sa:
a. Maraming insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang company na nagluluwas ng parehong
produkto sa bansa.
b. Mataas na pagbebenta ng mga local na produkto sa bansa.
c. Murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa.
d. Pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang local.
4. Anu-ano ang iba’t-ibang anyo ng mga pang-aabuso sa mga karapatan ng mga manggagawa?
a. ang Kawalan ng sapat na seguridad. c. Mababang pasahod
b. Mahabang oras sa pagpasok sa trabaho d. Lahat ng nabanggit
5. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa sektor ng serbisyo?
a. Komunikasyon, turismo, medical, at edukasyon
b. Manufacturing, konstruksyon, minahan, at planta
c. pangingisda, pagsasaka, paghahalamanan, at paghahayupan
d. Wala sa nabanggit
6. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangalaga sa kapakanan ng manggagawang Pinoy?
a. DILG b. DOLE c. DSWD d NEDA
7. Ito ay isang kagawaran na nagmungkahi na dapat maglaan ang pamahalaan ng higit na prioridad sa
pagpapalago ng sektor sa pamamagitan ng patuloy na pag-eengganyo sa mga dayuhang kompanya na
magpasok ng mga negosyo sa bansa.
a. DILG b. DOLE c. DSWD d NEDA
8. Anong sektor ng paggawa ang may pinakamalaking bilang na naeempleyo (51.4%)?
a. Impormal na Sektor b. Sektor ng Agrikultura
c. Sektor ng Industriya d. Sektor ng Serbisyo
9. Ang Pilipinas ay kinilala bilang isa sa “emerging and developing countries” sa Asya ayon sa APEC
(2016) dahil sa________.
a. Kawalan ng suporta sa mga manggagawa
b. Matinding pagpapatupad ng kontraktuwalisasyon
c. Pagyabong ng Sektor ng Serbisyo
d. Patuloy na pagtaas ng unemployment sa bansa
10. Ito ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa na kung saan ang kompanya ay komukontrata ng isang
ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
a. Iskemang Subcontracting c. Probationary Workers
b. Kontraktuwalisasyon d. Regular Employment
11. Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o namumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa.
a. Herrera Law c. Labor Code
b. Kontraktuwalisasyon sa mga Manggagawa d. Mura at Flexible Labor
12. Patakarang pinaghanguan ng flexible labor?
a. Department Order No. 10 c. RA 5490
b. Predisential Decree (PD 442) d. RA 6715
13. Nilalaman ng ________________ ng DOLE ang probisyong maaaring ipakontrata ang mga trabahong
hindi kayang gampanan ng mga regular na manggagawa.
a. Department Order No. 10 c. RA 5490
b. Predisential Decree (PD 442) d. RA 6715
14. Sa kasalukuyan, sila ang itinuturing bagong bayani dahil sa kitang ipinapasok nila sa bansa na dahilan
kung bakit hindi sumasadsad ang ekonomiya kahit pa dumaan ito sa matitinding krisis pampolitika’t pang-
ekonomiya.
a. Mga Doktor sa loob ng ating bansa c. Overseas Filipino Worker
b. Mga nagtatrabahong pinoy sa ating bansa d. Wala sa nabanggit
15. Ayon sa International Labor Organization (ILO), ang sumusunod ay mga karapatan ng mga
manggagawa MALIBAN sa:
a. Ang kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat mapanganib at hindi ligtas
b. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga union
c. Ang sweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay
d. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho bunga ng pamimilit

D. Suggested Enrichment/Reinforcement Activity/ies

Imbentaryo ng mga Manggagawa

Kompletuhin ang hinihinging impormasyon ng imbentaryo ng mga manggagawa sa inyong pangkat.

Paaralan:_______________________

Grado at Pangkat:________________

Mekaniks: Punan ng tamang impormasyon ang hinihingi sa bawat hanay.

A. Bilang ng mga Manggagawa sa buong pangkat.

Pangalan Relasyon Edad Edukasyon Natapos Hanapbuhay Status:


na Kurso Regular /
Kontraktuwal
References:

https://www.google.com/search?q=job%20mismatch
%20pictures&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=0CB8QtI8BKAFqFwoTCLi--
9OCwu0CFQAAAAAdAAAAABAN&biw=1011&bih=468#imgrc=BMSG9SGDSPDqQM

https://www.google.com/search?
q=mababang+sahod&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiA_bb5gMLtAhUOMd4KHSz
FCEMQ_AUoAXoECAQQAw#imgrc=-asgWpj5Xh0eFM

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Frmn.ph%2Fdahil-sa-taas-ng-bilihin-
mandatory-14th-month-pay-isinusulong-sa-kongreso
%2F&psig=AOvVaw3bdQb9X43O63GrID5wKwi8&ust=1600750771924000&source=images&cd=
vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOjlh8m7-esCFQAAAAAdAAAAABAD

Prepared by:

RHUDA JANE C. SANCHEZ

You might also like