Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINOlimpiks

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Ikatlong Markahan | Ikalawang Semestre

Bilang ng pangkat: 4 Baitang at Pangkat: 11 – ABM(PACIOLI)


Mga miyembro:
(1) Bermejo, Cyrus, D. (5) ______________________________
(2) Canja, David Rayne, B. (6) ______________________________
(3) Cuartillo, Valerie, S. (7) ______________________________
(4) De Castro, Jana Andrea, C. (8) ______________________________

GAWAIN 10
MGA HAKBANG SA MGA PILING LARANG: ISANG GAWAING
KAUGNAY SA TEKSTONG PRODISYURAL

Panuto: Basahin ang nasa talahanayan sa ibaba at suriin ang bawat nilalaman ng balangkas na
GRASP. Mamarkahan ang inyong teksto sa bisa ng nilalaman nito. Pagbutihin ang pagsulat!

Makapagsulat ng tekstong prosidyural, at makabuo at makapagtanghal ng


Layunin (Goal)
nabuong proseso
Tungkulin (Role) Manunulat ng tekstong prosidyural
Magplano para sa bubuoing tekstong prosidyural. Maaaring pumili ng
anomang paksang nais mula sa iba’t ibang larangan batay sa interes.
Tiyakin lamang na naglalahad ito ng proseso at nakapaghahain ng mga
impormasyon. Matapos mabuo ang teksto, ilakip ang mga sangguniang
naging batis ng impormasyon sa talasanggunian na nakasusunod sa APA
Gawain (Activity) ika-7 edisyon.

Gamit ang nabuong teksto, magsanay para sa isasagawang video


presentation na magtatanghal sa aktwal na pagsasakatuparan nito.
Isagawa lamang ito sa habang 5-10 minuto at humanda sa pagtatanghal
sa klase.
Bilang kayo ay nasa iisang pangkat, kayo ay naatasang bumuo ng isang
Kalagayan
tekstong prosidyural bilang batayan sa isasagawang video presentation ng
(Situation)
alinmang paksang nais isagawa ng pangkat.
Mga Hakbang sa mga Piling Larang: Isang gawaing kaugnay sa Tekstong
Produkto (Product)
Prodisyural

Mga Hakbang sa mga Piling Larang: Isang gawaing


kaugnay sa Tekstong Prodisyural

Paksa Pagluluto ng sinigang na baboy


Panimula Ang sinigang ay isa sa pinaka patok at kilalang putahe na nagmula sa
Pilipinas. Dahil sa sarap at kakaibang lasa na taglay ng putaheng ito ay
naging kilala ito sa iba't ibang bansa katulad ng Amerika at nangunguna sa
"10 Best Rated Soups in the World" ayon sa nilabas na listahan ng TasteAtlas.
Ang sinigang ay nagmula sa mga Pinoy noong panahon bago ang hispanikong
kapanahunan na nagpapakulo lamang upang makaluto ng makakain. Ang
mga pangkaraniwang kinakain noon ay manok, isda, ahas, at butiki.
Pinapakuluan lamang ang mga ito, at nakahanap sila ng mga pampalasa na
siyang idinagdag dito. Ngunit dahil sa paglipas ng panahon ay nagkaroon na
din ng pagbabago sa paggawa o mga sangkap na inilalagay sa sinigang dahil
maari na ding maglagay hipon, tahong, at baka. Kung dati ay sampalok
lamang ang ginagamit na pampaasim sa paggawa ng sinigang ngayon ay
gumagamit na din ang mga Pilipino ng ibang pampaasim katulad ng kamyas,
bayabas, at ngayon ay maari na ding maglagay ng strawberry at pakwan. Ang
sinigang ay walang okasyong pinipili dahil maari mo itong lutuin sa
pangkaraniwang araw, binyag, kaarawan, at anibersaryo. Ang sinigang ay
kadalasang niluluto ng mga pilipino lalo na kung tag-lamig dahil ang init at
asim na ito ay perpekto sa panahon dahil napapainit nito ang ating mga
kalamnan. Maraming Pilipino ang iisipin na ang pambansang ulam sa
Pilipinas ay ang adobo ngunit karapdapat din na ituring na pambansang
ulam ang sinigang dahil hindi natin maikakaila na madaming Pilipino ang
nahuhumaling at nasasarapan sa lasang taglay ng sinigang na naging dahilan
upang makaabot ang putahe na ito iba't ibang panig ng mundo. Bilang
Pilipino nararapat lamang na malaman natin ang paraan ng pagluto ng
sinigang bilang pagsuporta sa isa sa sikat at ipinagmamalaki na putahe ng
nagmula sa ating bansa at upang mapagpatuloy at mabuhay ang putahe na
ito hanggang sa susunod pang henerasyon dahil ang ulam o putahe na ito ay
nakatatak na sa ating bansa at isa ito sa kayamanan ng ating bansa. Kung
ikaw ay nag-aaral palang magluto ng mga ulam ay maari mong simulan sa
pagluluto ng sinigang dahil bukod sa ito ay madali lang lutuin ang mga sahog
dito ay maaring nakadepende sa iyong badyet at maari mong malaman at
sundin ang mga hakbang sa paggawa nito sa tekstong aming gagawin.
 Ang unang hakbang na gagawin ay ang paghahanda ng mga sangkap
na gagamitin sa pagluto ng sinigang.
 Ang pangalawang hakbang ay ang paghugas at paghiwa sa mga gulay,
rekado at baboy.
 Ang pangatlong hakbang ihanda ang gagamiting paglulutuan at ilagay
ang baboy sa kaldero.
 Ang pang apat na hakbang at lagyan ang kaldero ng tubig at pakuluin
ang baboy.
 Ang panglimang hakbang ay ilagay ang sibuyas at kamatis. (Takpan at
pakuluin sa loob ng tatlumpung minuto hanggang sa lumambot ang
baboy).
Mga Hakbang
 Ang pang anim na hakbang pagkatapos ng tatlumpung minuto ilagay
na ang sinigang mix (Haluin at pakuluin ng lima hanggang pitong
minuto).
 Ang pang pito, lagyan ng pampalasa para mas sumarap katulad ng
asin at magic sarap tansyahin lang kung gaano kadami ang ilalagay.
(Haluin ang mga pampalasa upang mahalo ng mabuti).
 Ang pang walo, ilagay na ang labanos at sitaw (Takpan at pakuluin
hanggang apat na minuto).
 Ang panghuling hakbang ay ilagay ang siling berde at kangkong
(Takpan at inatayin hanggang sa lumambot ang kangkong at sili
pagkatapos lumabot ay patayin na ang kalan).
Konklusyon Sa paggawa namin ng pananaliksik tungkol sa sinigang ay madami kaming
natutunan mula sa kasaysayan nito hanggang sa paraan ng pagluto nito.
Dahil sa tekstong aming ginawa napagtanto namin na ang sinigang ay angkop
sa kahit anong paraan ng iyong pagluluto at kahit anong sahog ang ilagay mo
dito ay maari dahil ang putahe na ito ay madaling ibagay sa kahit anong mga
sahog na nagiging rason kung bakit ang putahe na ito ay maaring lutuin ng
kahit sinong tao mayaman man o mahirap dahil hindi naman sa dami ng
sahog natutukoy kung masarap ba ang sinigang na iyong naluto kung hindi
sa paraan mo ng pagluluto nito. Dahil sa tekstong ito ay napagtanto namin na
madali lang lutuin ang sinigang at mabilis matutunan dahil kaunti lang ang
hakbang upang makalikha ng masarap na sinigang. Ang putaheng ito ay
mahalaga na matutunan ng bawat Pilipino sapagkat isa ito sa mga ulam na
kilala at ipinagmamalaki ng Pilipinas at dahil sa masarap at maasim na lasa
na ito ay nakakaabot na ang putaheng ito sa iba't ibang bansa na nagbibugay
sa ating bansa ng karangalan kung kaya't mahalaga na matutunan ito ng
bawat Pilipino ng sa gayon ito ay mailuluto pa din hanggang sa susunod na
henerasyon. Napagtanto din namin na hindi ito nakakasawa at nakakaumay
dahil may iba't ibang luto ang sinigang at iyon ay ang sinigang na baboy,
sinigang na manok, sinigang na hipon, sinigang na baka, at sinigang na isda.
Dahil sa madaming kabataang Pilipino ang nagkakaroon ng interes sa
pagluluto ay napapanahon itong aming paksang napili dahil bukod sa may
interes kami sa paggawa nito ang sinigang ay madali lang lutuin kung kaya't
bagay ito sa mga taong nagsisimula palang sa pagluluto. Sa paggawa namin
ng tekstong ito ay aming napagtanto na hindi lang basta masarap ang
sinigang dahil may mga bitamina ka ding makukuha dito katulad na lamang
ng Vitamin K, Vitamin C, Vitamin A, at madami pang ibang bitamina na
nagmumula sa mga gulay na iyong isinasahog dito.
9q, N. (2016, March 7). SINIGANG : KARUNUNGAN, KAIBAHAN, AT KASAYSAYAN.

WordPress.com.

https://nadsfil9qmgasanaysay.wordpress.com/2016/03/06/sinigang-karunungan-

kaibahan-at-kasaysayan/#:~:text=Nagmula%20ito%20sa%20mga

%20Pinoy,pampalasa%20na%20siyang%20idinagdag%20dito

Angela. (2022). Sinigang History: The Unofficial National Dish of the Philippines?

FOODICInlivo. (n.d.). Sinigang Nutrition Facts.

https://www.inlivo.com/nutrition/seafood/shellfish/sinigang#:~:text=Rich%20in

%20vitamins%20and%20minerals,sodium%20(0.01%25%2Foz)

LES. https://foodicles.com/sinigang-history/

Franco, B. V., & Franco, B. V. (2022b, November 18). Adobo at sinigang, hindi
Sanggunian
natutunan ng mga sinaunang Pinoy sa Kastila. PEP.ph.

https://www.pep.ph/lifestyle/food/168557/adobo-sinigang-pinoy-dishes-a717-

20220919

Inlivo. (n.d.). Sinigang Nutrition Facts.

https://www.inlivo.com/nutrition/seafood/shellfish/sinigang#:~:text=Rich%20in

%20vitamins%20and%20minerals,sodium%20(0.01%25%2Foz)

Pascua, V. a. P. B. R. (2018, December 5). Maasim na Pagkain, “Sinigang” kung

tawagin! Maasim Na Pagkain, “Sinigang” Kung Tawagin!

https://4maasimnapagkainsinigangkungtawagin.wordpress.com/2018/12/03/

maasim-na-pagkain-sinigang-kung-tawagin/

You might also like