Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

FILIPINOlimpiks

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik


Ikatlong Markahan | Ikalawang Semestre

Bilang ng pangkat: 4 Baitang at Pangkat: 11 – ABM(PACIOLI)


Mga miyembro:
(1) Bermejo, Cyrus, D. (5) ______________________________
(2) Canja, David Rayne, B. (6) ______________________________
(3) Cuartillo, Valerie, S. (7) ______________________________
(4) De Castro, Jana Andrea, C. (8) ______________________________

GAWAIN 10
MGA HAKBANG SA MGA PILING LARANG: ISANG GAWAING
KAUGNAY SA TEKSTONG PRODISYURAL

Panuto: Basahin ang nasa talahanayan sa ibaba at suriin ang bawat nilalaman ng balangkas na
GRASP. Mamarkahan ang inyong teksto sa bisa ng nilalaman nito. Pagbutihin ang pagsulat!

Makapagsulat ng tekstong prosidyural, at makabuo at makapagtanghal ng


Layunin (Goal)
nabuong proseso
Tungkulin (Role) Manunulat ng tekstong prosidyural
Magplano para sa bubuoing tekstong prosidyural. Maaaring pumili ng
anomang paksang nais mula sa iba’t ibang larangan batay sa interes.
Tiyakin lamang na naglalahad ito ng proseso at nakapaghahain ng mga
impormasyon. Matapos mabuo ang teksto, ilakip ang mga sangguniang
naging batis ng impormasyon sa talasanggunian na nakasusunod sa APA
Gawain (Activity)
ika-7 edisyon.

Gamit ang nabuong teksto, magsanay para sa isasagawang video


presentation na magtatanghal sa aktwal na pagsasakatuparan nito. Isagawa
lamang ito sa habang 5-10 minuto at humanda sa pagtatanghal sa klase.
Bilang kayo ay nasa iisang pangkat, kayo ay naatasang bumuo ng isang
Kalagayan
tekstong prosidyural bilang batayan sa isasagawang video presentation ng
(Situation)
alinmang paksang nais isagawa ng pangkat.
Mga Hakbang sa mga Piling Larang: Isang gawaing kaugnay sa Tekstong
Produkto (Product)
Prodisyural

Mga Hakbang sa mga Piling Larang: Isang gawaing


kaugnay sa Tekstong Prodisyural

Paksa Pagluluto ng sinigang na baboy


Ang sinigang ay isa sa pinaka patok at kilalang putahe na nagmula sa Pilipinas.
Dahil sa sarap at kakaibang lasa na taglay ng putaheng ito ay naging kilala ito
sa iba't ibang bansa katulad ng Amerika at nangunguna sa "10 Best Rated
Soups in the World" ayon sa nilabas na listahan ng TasteAtlas. Ang sinigang ay
nagmula sa mga Pinoy noong panahon bago ang hispanikong kapanahunan na
nagpapakulo lamang upang makaluto ng makakain. Ang mga pangkaraniwang
kinakain noon ay manok, isda, ahas, at butiki. Pinapakuluan lamang ang mga
ito, at nakahanap sila ng mga pampalasa na siyang idinagdag dito. Ngunit dahil
Panimula sa paglipas ng panahon ay nagkaroon na din ng pagbabago sa paggawa o mga
sangkap na inilalagay sa sinigang dahil maari na ding maglagay hipon, tahong,
at baka. Kung dati ay sampalok lamang ang ginagamit na pampaasim sa
paggawa ng sinigang ngayon ay gumagamit na din ang mga Pilipino ng ibang
pampaasim katulad ng kamyas, bayabas, at ngayon ay maari na ding maglagay
ng strawberry at pakwan. Ang sinigang ay walang okasyong pinipili dahil maari
mo itong lutuin sa pangkaraniwang araw, binyag, kaarawan, at anibersaryo.
Ang sinigang ay kadalasang niluluto ng mga pilipino lalo na kung tag-lamig
dahil ang init at asim na ito ay perpekto sa panahon dahil napapainit nito ang
ating mga kalamnan. Maraming Pilipino ang iisipin na ang pambansang ulam sa
Pilipinas ay ang adobo ngunit karapdapat din na ituring na pambansang ulam
ang sinigang dahil hindi natin maikakaila na madaming Pilipino ang
nahuhumaling at nasasarapan sa lasang taglay ng sinigang na naging dahilan
upang makaabot ang putahe na ito iba't ibang panig ng mundo. Bilang Pilipino
nararapat lamang na malaman natin ang paraan ng pagluto ng sinigang bilang
pagsuporta sa isa sa sikat at ipinagmamalaki na putahe ng nagmula sa ating
bansa at upang mapagpatuloy at mabuhay ang putahe na ito hanggang sa
susunod pang henerasyon dahil ang ulam o putahe na ito ay nakatatak na sa
ating bansa at isa ito sa kayamanan ng ating bansa. Kung ikaw ay nag-aaral
palang magluto ng mga ulam ay maari mong simulan sa pagluluto ng sinigang
dahil bukod sa ito ay madali lang lutuin ang mga sahog dito ay maaring
nakadepende sa iyong badyet at maari mong malaman at sundin ang mga
hakbang sa paggawa nito sa tekstong aming gagawin.
• Ang unang hakbang na gagawin ay ang paghahanda ng mga sangkap na
gagamitin sa pagluto ng sinigang.
• Ang pangalawang hakbang ay ang paghugas at paghiwa sa mga gulay,
rekado at baboy.
• Ang pangatlong hakbang ihanda ang gagamiting paglulutuan at ilagay
ang baboy sa kaldero.
• Ang pang apat na hakbang at lagyan ang kaldero ng tubig at pakuluin
ang baboy.
• Ang panglimang hakbang ay ilagay ang sibuyas at kamatis (takpan at
pakuluin sa loob ng tatlumpung minuto hanggang sa lumambot ang
Mga Hakbang baboy).
• Ang pang anim na hakbang pagkatapos ng tatlumpung minuto ilagay na
ang sinigang mix (haluin at pakuluin ng lima hanggang pitong minuto).
• Ang pang pito, lagyan ng pampalasa para mas sumarap katulad ng asin
at magic sarap tansyahin lang kung gaano kadami ang ilalagay. (Haluin
ang mga pampalasa upang mahalo ng mabuti).
• Ang pang walo, ilagay na ang labanos at sitaw (takpan at pakuluin
hanggang apat na minuto).
• Ang panghuling hakbang ay ilagay ang siling berde at kangkong (takpan
at inatayin hanggang sa lumambot ang kangkong at sili pagkatapos
lumabot ay patayin na ang kalan).
Sa paggawa namin ng pananaliksik tungkol sa sinigang ay madami kaming
natutunan mula sa kasaysayan nito hanggang sa paraan ng pagluto nito. Dahil
sa tekstong aming ginawa napagtanto namin na ang sinigang ay angkop sa
kahit anong paraan ng iyong pagluluto at kahit anong sahog ang ilagay mo dito
ay maari dahil ang putahe na ito ay madaling ibagay sa kahit anong mga sahog
na nagiging rason kung bakit ang putahe na ito ay maaring lutuin ng kahit
sinong tao mayaman man o mahirap dahil hindi naman sa dami ng sahog
natutukoy kung masarap ba ang sinigang na iyong naluto kung hindi sa paraan
mo ng pagluluto nito. Dahil sa tekstong ito ay napagtanto namin na madali lang
lutuin ang sinigang at mabilis matutunan dahil kaunti lang ang hakbang upang
makalikha ng masarap na sinigang. Ang putaheng ito ay mahalaga na
matutunan ng bawat Pilipino sapagkat isa ito sa mga ulam na kilala at
Konklusyon ipinagmamalaki ng Pilipinas at dahil sa masarap at maasim na lasa na ito ay
nakakaabot na ang putaheng ito sa iba't ibang bansa na nagbibugay sa ating
bansa ng karangalan kung kaya't mahalaga na matutunan ito ng bawat Pilipino
ng sa gayon ito ay mailuluto pa din hanggang sa susunod na henerasyon.
Napagtanto din namin na hindi ito nakakasawa at nakakaumay dahil may iba't
ibang luto ang sinigang at iyon ay ang sinigang na baboy, sinigang na manok,
sinigang na hipon, sinigang na baka, at sinigang na isda. Dahil sa madaming
kabataang Pilipino ang nagkakaroon ng interes sa pagluluto ay napapanahon
itong aming paksang napili dahil bukod sa may interes kami sa paggawa nito
ang sinigang ay madali lang lutuin kung kaya't bagay ito sa mga taong
nagsisimula palang sa pagluluto. Sa paggawa namin ng tekstong ito ay aming
napagtanto na hindi lang basta masarap ang sinigang dahil may mga bitamina
ka ding makukuha dito katulad na lamang ng Vitamin K, Vitamin C, Vitamin A,
at madami pang ibang bitamina na nagmumula sa mga gulay na iyong
isinasahog dito.
9q, N. (2016, March 7). SINIGANG : KARUNUNGAN, KAIBAHAN, AT KASAYSAYAN.

WordPress.com.

https://nadsfil9qmgasanaysay.wordpress.com/2016/03/06/sinigang-karunungan-

kaibahan-at-

kasaysayan/#:~:text=Nagmula%20ito%20sa%20mga%20Pinoy,pampalasa%20na

%20siyang%20idinagdag%20dito

Angela. (2022). Sinigang History: The Unofficial National Dish of the Philippines?

FOODICInlivo. (n.d.). Sinigang Nutrition Facts.

https://www.inlivo.com/nutrition/seafood/shellfish/sinigang#:~:text=Rich%20in%

20vitamins%20and%20minerals,sodium%20(0.01%25%2Foz)

LES. https://foodicles.com/sinigang-history/
Sanggunian
Franco, B. V., & Franco, B. V. (2022b, November 18). Adobo at sinigang, hindi natutunan

ng mga sinaunang Pinoy sa Kastila. PEP.ph.

https://www.pep.ph/lifestyle/food/168557/adobo-sinigang-pinoy-dishes-a717-

20220919

Inlivo. (n.d.). Sinigang Nutrition Facts.

https://www.inlivo.com/nutrition/seafood/shellfish/sinigang#:~:text=Rich%20in%

20vitamins%20and%20minerals,sodium%20(0.01%25%2Foz)

Pascua, V. a. P. B. R. (2018, December 5). Maasim na Pagkain, “Sinigang” kung

tawagin! Maasim Na Pagkain, “Sinigang” Kung Tawagin!

https://4maasimnapagkainsinigangkungtawagin.wordpress.com/2018/12/03/maasi

m-na-pagkain-sinigang-kung-tawagin/

You might also like