Harry Potter and The Prisoner of Azkaban

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Harry Potter and the Prisoner of Azkaban

J.K (Joanne Kathleen) Rowling


Bansang Pinagmulan: London

Buod:
Sa sumunod na umaga, si Harry ay bumaba na upang kumain ng almusal nang
makita ang tatlong Dursley's na nakaupo na sa lamesa. Nag-uusap sila tungkol sa
nakita sa telebisyon na may naka takas na isang criminal na nakapangalang
“Black”. Ang tiyuhin ni Harry na si Vernon ay biglang nag sabi na mahuhuli na
siya sa kaniyang susunduin na si “Aunt Marge”, ang kaniyang kapatid.
Magbabakasyon si Marge sa kanilang bahay ng isang linggo. Hindi gusto ni Harry
si Marge, pero wala siyang magawa dahil hindi niya naman ito totoong tita, hindi
sila magka mag-anak. Pinaalala ng mapintas na tiyuhin ni Harry na si Vernon na
hindi dapat siya magging makulit dahil siya ay isang wizard at baka gumawa ng
mga ibang gawain na hindi normal sa paningin ng tao, dahil hindi alam ni Marge
na siya ay isang estudyante na nag-aaral ng mahika.

Nang dumating na si Marge, uminom sila ng tsaa kasama ang buong pamilya ng
Dursley’s at nag uusap-usap nang biglang nabanggit ni Marge ang ina ni Harry na
patay at iniinsulto ito. Nagalit si Harry sa narinig niya at sinigawan ito. May
susunod pa sanang sasabihin si Marge nang bigla siyang tumahimik. Biglang
namaga ang buong katawan ni Marge, hindi lamang dahil sa galit dahil hindi
huminto ang kanyang pamamaga. Ang buong katawan ni Marge ay lumipad na sa
sobrang laki nito at lumabas na sa bahay ang kanyang katawan. Hindi alam ni
Harry kung paano iyon nangyari, pero alam nilang lahat na siya ang may
responsibilidad dito. Kahit maliit na konsensya ay hindi niya na ramdaman.
Pinagalitan siya ng kaniyang tito na ibalik ang tita nitoSa sobrang galit ay lumayas
siya sa bahay dala ang kaniyang bag, wand at dala na rin ang kaniyang alagang
kuwago na si Hedwig.

Tunggalian:
a.) Tao laban sa tao- Nagalit si Harry at sinigawan si Marge sa mga sinabi niya na
hindi magagandang salita tungkol sa patay niyang ina.
PASULAT NA
AWTPUT SA
FILIPINO

Ipinasa ni: Princess Dale D. Albason


9 CHROME

Ipinasa kay: Gng. Petronila P. Delino

You might also like