Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ang Mga akdang panitikan ng rehiyon 11 

  Davao del norte west

Ang buong pananaliksik na ito ay tungkol sa pag-aaral ng kasaysayan at Mga Sikat na


Panitikan ng Rehiyon XI (Davao). Ito ay tumatalakay sa mga Iba't-ibang anyo ng
panitikan sa Rehiyon XI (Davao) na kung saan binibigyang diin ang mga sinaunang
panitikan sa Rehiyon XI at kung papaano ito umunlad at nagbigay ng kasiglahan sa
kanilang kasaysayan.
Sa isinagawang pag-aaral ay makikita natin ang iba't-ibang Sikat na Panitikan ng
Rehiyon XI (Davao), ang rehiyon na ito ay simple lamang ngunit mayroong tinatagong
ganda dahil ang rehiyon XI ay isang magiliw at nakakabighani, kaya maraming tao ang
dumadayo. Ang Davao ay isa sa mga nangungunang lungod na napakalinis.

Tula
Ang Tinig ng Laruan ni Marvin Ric Mendoza

Bagay na hawak-hawak pa ni Nene kahapon, anak-anakan daw niyang laging kalong-


kalong. Sa kanyang pagtulog, sa tabi niya'y naroon, Pagsapit ng umaga'y hahanapin
pagbangon.

Sa hapag-kainan mangyari'y sinusubuan, sa pagligo ay sabay ding pinaliliguan,


pagkatapos nito'y una pang bibihisan at saka muling pupunta sa pook-libangan.

Ang bagay na ito ay ang mumunting laruan na sa pagkabata ay lubhang kinagiliwan,


ngunit sa paglaki ay dagling kinalimutan na parang ang halaga ay pangkahapon lang.

Masdan mo ang laruan sa sulok ng tahanan na kahapon ay ngumingiti at parang may


buhay. Siya'y lumuluha, tumatangis, namamanglaw. Sa yakap ng kaibigan, siya'y
nauuhaw.

Iba na't di na hilig ni Nene ang laruan, Pera na kasi ang higit niyang kailangan. "Kung
araw at gabi ako ay maglalaro lang, bukas ng umaga'y kakalam ang aking tiyan"

"Kahit ilang oras lang na tayo'y maglalaro, wala na rin kasi sa aki'y nagpapaligo.
Dati,sa akin, yakap mo ang sumusuyo ngunit ngayo'y alikabok sa'ki'y dumarapo.

Kapag ang laruan ay makapagsasalita, Ang sasabihin n'ya ay "maglaro tayo bata".
Kapag ang laruan ay maaaring lumuha, sa kaydaming buhay, kalungkutan ang babaha.

"Dati ay may ningning pa ang aking mga mata. Ang aking mga pisngly lubhang
napakaganda. Sa silong ng langit tayo ay laging masaya bagaman ang lahat niyon ay
hiram lang pala.
Kaligayahan mong ituring na ako'y sa'yo at ligaya ko rin naming ako'y iyong-iyo. Dati'y
kaydaming batang sa'yo'y naninibugho dahil sa iyong laruan, laruan mong si ako.

Ngayong ika'y malaki na't hilig mo'y iba na, wag mo akong pabayaang laging mag-isa.
Hiling ko, kung ang silbi ko sa iyo'y tapos na, sa munting bata naman, ako ay
ipamana..."

Payag

Ni: Errol A. Merquita

(Lungsod ng Davao)

Ginabuslotan sa ulan

ang atop nga

hinimo sa sulirap.

Hinay-hinay ng

ginapahumok sa mga kadlawon ug kagabhion ang mga bungbong nga nagkaanam na og kadugta

sa tumang katugnaw.

Ug samtang ginakitkit sa mga anay ang nahibiling bagakay sa salog, hinay-hinay ng ginaputos sa mga
lawa-lawa ang mga siradong bintana.

Ang kaniadtong

lig-on ug masadya nga payag hinay-hinay nang nangagum-og ang mga tukod niini.

Ing-ana kining akong dughan sukad imo kong giluiban.

Ahh, patya na lang ko!

ALAMAT

Alamat Ng Perlas Sa Mindanao Ni: Dyenbeloso

Isang binatang mangingisda ang nagkaroon ng kasintahang dalagang Muslim sa isang pook sa
Mindanao noong unang panahon. Ang magkasintaha'y nagsumpaang pakakasal pagsapit nila sa ika-
dalawampu't isang taon. Limang taon pa silang maghihintay.

Tuwing sila'y mag-uusap, ipinaaalala ng isa't isa na huwag makalimot sa sumpaan. Laging nangangako
ang binata na ang dalaga lamang ang tanging pakaiibigin. "Pinakamamahal kita Leoniza, ang magiliw
na sabi ng binata. "Ikaw

lamang ang babaing iibigin ko habang buhay. Gugustuhin ko pa ang


kamatayan kung hindi rin lamang ikaw ang aking magiging kapalaran."

"Salamat, mahal ko," natutuwang tugon ni Leoniza. "Napaka-dakila ng

iyong pag-ibig. Sana'y palarin ka sa iyong paghahanap-buhay upang

makapag-impok tayo para sa ating pag-iisang-dibdib. Huwag ka sanang

magpapabaya sa iyong kalusugan. Mag-ingat ka sa iyong paglalayag,"

dugtong pa.

"Maraming salamat, mahal ko, sa iyong mga paalaala," tugon ng binata, sabay paalam.

Laging nagsusunuran at walang pagkukulang ang magkasintahan sa isa't- isa. Kapuwa sila tapat sa
sumpa. Walang madilim na panginorin sa kanilang pag-ibig. Laging bukang-liwayway. Walang
pagmamaliw ang kanilang pagtitinginan. Subali's mapagbiro ang tadhana. Biglang nawala ang binata
at hindi na napakita sa kanyang kasintahan.

Parang mababaliw si Leoniza. Araw at gabi'y nasa daungan upang magba- sakaling magkita sila ng
kanyang minamahal. Umulan at umaraw ay nananatili siyang nag-aabang sa daungan, hanggang sa
iluwal sa maliwanag ang bunga ng kanilang pagkakasala. Naging tulala ang dalaga. Sa tuwina'y
nakatayong walang kibo na

animo'y isang rebulto. Walang katinag-tinag na napako ang paningin sa

laot ng dagat. Minsa'y maluha, minsa'y humahalakhak. Dumating ang

saglit na hindi sukat asahan. Siya'y naging isang taong bato.

Diumano, isang araw ay nakita ng mga nagmamasid na lumuluha ng perlas

ang taong-bato. Biglang lumaganap ang balita. Ang taong-bato ay

dinumog ng mga tao upang sila'y manlimot ng perlas. Isang inang dukha ang nagtiyagang naghintay
ng luluhang perlas. Kasama niya ang anak na pipituhing taong gulang. Yumakap sa rebulto ang ina't
nagmakaawa, "Bigyan mo kami ng iyong perlas." Nang ang ina ay bumitaw sa pagkakayakap sa
rebulto ay hindi niya makita ang kanyang anak. Hanap dini, hanap doon. Inabot ng dilim ang ina sa
paghahanap subalit nawalan ng saysay.Nang magsawa ang bata sa paglalaro sa may dalampasigan,
saka pa niyanaalaala ang kanyang ina. Kanyang pinagbalikan at tinalunton ang kinaroroonan ng
taong-bato. Hindi niya naratnan doon ang kanyang ina.

"Inay, inay, narito ako...! Saan ka naroon?" ang sigaw ng bata, tuloy

yakap sa paanan ng rebulto.

Neantig ang damdamin ng taong-bato. Kanyang naalaala ang kanyang

yumaong anak. Ang kanyang mga mata'y dinaluyan ng masaganang luha.

Kinabukasan, ang ina ay nagbalik sa lunan ng taong-bato. Natuklasan niyang nagkalat ang mga perlas
sa paligid ng rebulto. Siya'y nanlimot

ng perlas. Kinamaya-maya'y dumating ang nawalay na anak.

Alamat ng Perlas sa Mindanao

"Saan ka nanggaling? Kahapon pa kita hinahanap! Hanggang ngayon ikaw


ay aking hihintay!"

"Akopo'y nanlimot ng kabibi. Nagbalik po ako sa rebulto, ngunit kayo'y wala na roon!"

"Bakit hindi ka umuwi sa atin?"

"Hindi ko alam ang daan sa pag-uwi. Sa bahay po ng kaibigan ko ako natulog. Ako'y kanyang
ipinagsama nang makitang iyak kayo nang iyak!" "Tulungan mo akong manlimot ng perlas.
Pagkatapos ay uuwi na tayo."

Nang malaunan ang kinatatayuan ng taong-bato ay nakarating ng talpukan ng alon. Ang rebulto ay
tinangay ng alon. Ito'y napalaot sa pusod ng dagat hanggang sa nawala.

Ang luha ng dalagang nabigo sa pag-ibig ang pinagmulan ng maraming perlas sa dagat ng Mindanao.

Epiko

BANTUGAN (Epiko ng Mindanao)

Ni: Arnel Jr. Clavero

Si Bantugan ay isang prinsipe sa kaharian ng Bumbaran. Si prinsipeng bantugan ay kapatid ng haring


Madali hari naman sa kaharian ng Bumbaran. Si prinsipeng Bantugan ay na kilala na makisig at
sobrang matapang kaya marami ang nagkakagusto na dalaga na siya ay maging asawa. Kaya madalas
na mainggit ang kanyang kapatid na si haring Madali kay prinsipe Bantugan. Nang dahil sa inggit ay
gumawa ng panibagong utos ang haring Madali na

bawal kausapin si Prinsepe Bantugan at kung sino man ang lumabag sa

kautusang ito ay magkakaroon ng parusa. Nang dahil sa panibagong utos ng haring Madali ay naging
malungkot ang prinsipeng Bantugan at ito ay nagkaroon ng malubhang sakit at ito ang naging dahilan
ng kanyang pagkamatay. si prinsipeng Bantugan ay namatay sa pintuan ng kaharian na nasa pagitan
ng dalawang dagat si haring Rito at ang kanyang kapatid na babaeng si prinsesa Datimbang ay
naguguluhan dahil hindi nila kilala ang namatay na si prinsipeng Bantugan. Kaya ang mga ito ay
tumawag sa mga Pulo ng mga tagapayo habang tinitingnan ang namatay na si prinsipeng Bantugan
May isang ibon at agad

ang pumasok at ang ibon na ito ay isang Loro at sinabe ng Loro na ang namatay na yan ay si prinsipe
bantugan na nagmula sa Bumbaran itong binalita ng loro sa haring Madali

Nang mabalitaan ni haring Madali ang nangyare kay prinsipeng Bantugan siya ay nalungkot at ito ay
agad na pumunta sa langit upang bawiin ang kaluluwa ng prinsipe. Habang dala ng hari ang kaluluwa
ng prinsipe, dala naman ng prinsesa Datimbang ang katawan ng prinsipe sa Bumbaran. Doon
pinagsanib ang kaluluwa at katawan ni prinsipe Bantugan. Dan muling nabuhay ang prinsipe
Bantugan. Dahil nabuhay

muli ang prinsipe ay nagdiwang ang kaharian ng Bumbaran.

Nang mabalitaan ng kaharian ng Miskoyaw ang nangyari kay prinsipe Bantugan nilosob agad nito ang
kaharian ng Bumbaran. Lumaban si prinsipe Bantugan sa mga lumusob sa kanilang kaharian ngunit
dahil mahina pa siya dahil sa kakabuhay nya lang. Siya ay nabihag at nahule ng mga lumusob sa
kanilang kaharian at dinala siya ng mga ito. Si prinsipe Bantugan ay ginapos, ngunit ng magbalik ang
kanyang lakan agad niya nilagot ang pagkakagapos sa kanya Dun niya nilusob ang kaharian ng
Miskoyaw. Niligtas niya ang kanilang kaharian sa kamay ng kaharian Miskoyaw at naligtas naman niya
ng ligtas ang kanilang kaharian.. Nang maligtas niya ang kanilang kaharian, tinuloy nila ang kanilang
pagdiriwang. dun na nagsimula na mawala ang pagkaingit ni haring Madali na kanyang kapatid na
prinsipeng Bantugan. at dahil sa nangyareng iyon dinalaw niya ang lahat ng prinsesang kanyang
kapitan at ito ay kanyang pinakakasalan at inuuwe sa kanilang kaharian. Buong puso naman itong
tinatangap ng haring Madali. Dun na namuhay si Prinsipeng Bantugan ng mapayapa at maligaya.

MAIKLING KWENTO

Ang Munting Ibon Ni: Alma M. Dayag

(Ang mga sumusunod ay mga halaw mula sa maikling kwento upang magkaroon ang mambabasa ng
haylayt na perspektibo)

"Noong unang panahon, may mag-asawang naninirahan sa malayong bayan ng Agamaniyog. Sila sina
Lokes a Babay at Lokes a Mama.

Bago sumapit ang takipsilim ay inilalagay na ng mag-asawa ang kani- kanilang bitag sa gubat at ang
mga ito'y kanilang binabalikan sa madaling araw.

Isang gabi, laking gulat ni Lokes a Mama, nang makitang ang kanyang bitag na nakasabit sa puno ay
nakahuli ng isang munting ibon samantalang ang bitag ng kanyang asawang nasa lupa sa tabi ng ugat
ng isang malaking puno ay nakahuli ng isang malusog na usa. "Alam ko na. Pagpapalitin ko ang mga
hayop na nahuli ng aming mga bitag," ang nakangising wika ni Lokes a Mama habang inililipat ang
usa sa kanyang bitag at saka itinali ang ibon sa bitag ng asawa.

Umuwi si Lokes a Mama nang nasisiyahan sa kanyang ginawa kahit alam niyang isang panloloko ito sa
kanyang asawa.

Kinabukasan...

Gulat na gulat si Lokes a Babay nang makita ang matabang using nakasabit sa bitag ng asawang nasa
itaas ng puno samantalang ang kanyang bitag na nasa tabi ng puno ay nakahuli lang ng isang maliit

na ibon.

Iniuwi niya (Loken a Babay) ang munting ibon at inilagay ito sa isang

hawla.

Samantalang, iniuwi naman ni Lokes a Mama ang kanyang huli at saka iniluto. Umaamoy sa
kapaligiran ang nakakagutom na amoy ng nilulutong usa subalit nang handa na'y agad itong
nilantakan ng lalaki nang hindi man lang nag-alok sa kanyang asawa.

Sinelo niyang kainin ang buong usa sa loob ng tatlong araw kahit alam

niyang gusto rin ito ng kanyang asawa. Isa pa'y ang bitag naman

talaga ni Lokes a Babay ang totoong nakahuli sa usa.

Nang maubos niya ang nilutong usa ay muling niyaya ni Lokes a Mama
ang asawa.

Muli, naglagay ang dalawa ng kani-kanilang mga bitag. Subalit hindi marunong umakyat ng puno si
Lokes a Babay at dahil hindi man lang siya tinulungan ni Lokes a Mama ay inilagay na lang niya uli ang
kanyang bitag sa tabi ng puno kung saan siya dating naglalagay. Hatinggabi nang mamalayan ni Lokes
a Babay ang kanyang asawang bumangon at dahan-dahang lumabas ng pinto. Nagkunwari siyang
tulog. Matalinong babae si Lokes a Babay at nahulaan niya ang ginagawa ng

asawa.

Nagising na lang siya dahil tinatawag na pala siya ni Lokes a Mama para tingnan ang kanilang mga
bitag. Subalit wala na siyang interes sa bitag.

Sanay na siya (Lokes a Babay) sa pagiging tuso at madamot ng kanyang

asawa. Wala rin itong pagpapahalaga sa kanya at hindi niya

naramdamang mahal siya nito.

Pagkaalis ng kanyang asawa ay agad niyang pinuntahan ang kanyang

munting ibon. Kumuha siya ng palay at ipinatuka sa ibon.

Gayon na lang ang kanyang panggigilalas nang makitang pagkalunok nito sa palay ay biglang
nangitlog ng isang maningning na diyamante ang ibon.

Dinampot niya ang diyamante.

Araw-araw nga, pagkaalis ng kanyang asawa upang kunin ang anumang nahuli ng kanilang bitag ay
pinakakain naman niya ng palay ang ibon at saka mag-aabang sa ilalabas nitong diyamante..

Isang araw, habang mag-isa na namang kinakain ni Lokea a Mama ang

kanyang inilutong huli ay nagsalita si Lokes a Babay. "Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin.
Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin. Bukod pa riyan hindi ko na rin kayang tiisin ang
pagiging maramot mo at kawalan mo ng pagpapahalaga sa akin," ang buong kapaitan niyang sabi sa
asawa na hindi man lang tumingala mula sa pagngasab sa niluto niyang ligaw na pato..

"Payag na ako sa dati mo pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin.

Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin

subalit huwag na huwag mo na rin akong aabalahin." ang pangwakas na

sabi ni Lokes a Babay. Nag-impake si Lokes & Babay ng kanyang mga gamit at dala ang
pinakamamahal niyang ibon at umalis siya ng bahay. Naiwan naman si Lokes a Mama at
ipinagpatuloy lang ang kanyang pangangaso.

Samantala si Lokes a Babay... naging maayos at masagana ang kanyang pamumuhay. Nabalitaan ni
Lokes a Mama ang napakagangdang kalagayan sa buhay ng kanyang dating asawa kaya't muli siyang
nagplano.

Subalit napaghandaan na pala ito ni Lokes a Babay. Kilala niya kasi ang pagiging tuso at manloloko ng
asawa kaya't pinabilinan niya ang kanyang mga guwardiya na huwag na huwag itong palalapitin man
lang sa kanyang magarang tahanan.
Kahit anong gawin ni Lokes a Mama ay hindi na nagpaloko sa kanya ang asawa. At magmula noon,
namuhay sa bayan ng Agamaniyog si Lokes a Babay nang

maligaya, masagana, at payapa."

You might also like